Kinabukasan, sa baba ng Pearl Tower.
Napakaraming Scholar ang nagtipon-tipon.
Sila ay mga nag-aaral na mga Scholar mula sa City of Knowledge at naroon sila, hindi lang dahil sa araw ng pagtatala, kundi dahil sa isang mahalagang balita:
Ang kilalang Plane Destroyer na si Marvin ay personal na pumunta sa Pearl Twoer para panuorin ang seremonyas ng pagtatala. At pagkatapos nito, sasagutin niya ang isa sa tatlong misteryo!
Ngayon lang uli nagkaroon ng kaganapang buhay na buhay sa mapayapang City of Knowledge.
Tunay nga na ang mga scholar ay mahuhusay na mag-aaral ng kasaysayan at siyensya, pero sila rin ay mga taong maraming katanungan.
Nais nilang malaman kung anong teorya ang mayroon ang misteryosong si Baron Marvin.
Nakapalibot ang lahat sa ibaba ng puting-puti na Pearl Tower.
Ang labingdalawang pinakamataas na Great Scholar ay paikot na naka-upo sa isang lamesang pabilog.
Akma naman ang posisyon ni Marvin sa kanyang katayuan, naka-upo siya sa isang upuang gawa sa rattan para sa tauhing pandangal, mahinahong naghihintay.
Gusto niya ang kapaligiran ng City of Knowledge.
Kahit pa napakaraming tao rito, hindi maingay rito. Kahit pa makikita sa kanilang mga mata matindi ang pagnanais nilang malaman ang kasagutan, nanatili pa rin silang tahimik.
Natural lang ito.
[Winasak ng Great Hero na si Marvin ang Decayong Plateau]. Ang dakilang pangyayaring ito ay nakatala na sa History Calendar, at ang seremonyas ay ginanap para mapagdesisyunan kung saang palapag ilalagay ang pirason ng History Calendar na ito.
Kahit pa abot langit ang Pearl Tower at bukas ito sa mga scholar ng City of Knowledge, mayroon lang itong pitong palapag.
Ang ikapitong palapag ay sinasabing nabubuksan lang kapag nagtulong-tulong ang labing-tatlong pinakamataas na Great Scholar.
Pero ang nakakapagtaka dito ay magmula nang maitatag ang City of Knowledge, wala pang nagiging ika-labingtatlong Great Scholar.
Sa tuwing may lumilitaw na Great Scholar, mayroon namang mamatay na matandang Great Scholar.
Kahit kalian ay hindi pa sila humihigit sa labingdalawang Great Scholar.
At kahit na napapalibutan ng City of Knowledge ang Pearl Tower, maliit lang ang porseyento ng kapangyarihan nila sa pamamahala ditto.
…
Magmula pa noon, ang mga malalaking kaganapan ay itinatala lang sa unang anim na palapag.
Kapag mas mahalaga ang pangyayari, sa mas mataas na palapag ito ilalagay. Simple lang ito …
At ang paglalagyan ng talaan ng isang pangyayari ay ang labindalawang Great Scholar ang nagdedesisyon.
Pinag-uusapan na ng iba pang mga scholar kung saan ito mapupunta.
Para hindi maimpluwensyahan ang mga Great Scholar na ginagamit ang kanilang kaalaman at dunong para pagdesisyunan ang isang mahalagang bagay, pabulong lang nilang pinag-uusapan ito.
Pero mapagmasid at alerto si Marvin, at gamit ang kanyang Listen skill, malinaw niyang naririnig ang sinasabi ng mga ito.
"Nasira ni Sir Marvin sa Decaying Plateau, at lumitaw pa ang isang ilusyon ng pangyayaring ito sa buong Feinan. Ang ganoong klaseng pangyayari ay hindi dapat bababa sa ikatlong palapag."
"Oo, naaalala ko nga ang paglitaw ng ilusyon sa kalangitan, siguradong sa ikatlong palapag ito mapupunta o mas mataas pa."
"Ang pagkaatay ng Legend Wizard na si Anthony ay naitala sa ikatlong palapag. Pinrotektahan ni Anthony ang East Coast ng halos isang-daang taon, pero kung ikukumpara ito sa pagsira ni Sir Marvin sa Decaying Plateau, na paulit-ulit na nilusob ang Feinan, mas mahalaga ito.
"Tama, inaral 'yan dati ni Sir Anduin. Papalapit nan ang papalapit ang Decaying Plateau sa Feinan sa bawat taon na lumilipas. Base sa kanyang kalkulasyon, sa loob ng tatlong-daang taon, si Diggles at ang kanyang hukbo ay makakaya nang magpabalik-balik."
"Sa madaling salita, ang Decaying Plateau ay magiging isang malaking banta. Kung Great Scholar ako, ilalagay ko 'yan sa ika-apat na palapag."
…
Bahagyang naririnig sila ni Marvin na pabulong na nag-uusap.
Kasalukuyang mahina ang kanyang katawan at kailangan niyang magpagaling.
Sa oras na masagot niya ang tanong ng mga scholar, siya naman ang magtatanong tungkol sa Fate Tablet.
Nakadepende naman sa kaalaman ng mga Scholar na ito kung muling mabubuhay si Ding.
Wala naman pakialam si Marvin kung saan ilalagay ang talaan ng pagsira niya sa Decaying Plateau.
Hindi naman ang pagsira sa Decaying Plateau ang pinakamalaking bagay niyang magagawa!
Parating pa lang ang Great Calamity. Kaya hindi pa dumarating ang kanyang panahon.
Paghahandaan niyang Mabuti ang Great Calamity para mapatumba ang mga tinatawag na god.
Bubuo siya ng isang maayos na bansa sa gitna ng kaguluhan.
Sa harap ng mga mapanlinlang na relihiyon, poprotektahan naman niya ang Kalayaan ng mga tao.
Gagawa siya ng ligtas na lugar mula sa mga halimaw.
Ito ang ninanais na mangyari ni Marvin para sa White River Valley!
Ito ang kanyang tunay na plano.
At di hamak naman na mas malaki pa ito kumpara sa pagwasak niya sa Decaying Plateau.
'Masyado naman pinag-iisipan ng mga Great Scholar na 'to ang tungkol dito.'
Halos mabagot na si Marvin sa paghihintay. Kalahating oras na siyang naka-upo at pinapanuod lang ang mga scholar.
Ang iba sa mga ito ay mahinahon lang.
Marami silang oras sa City of Knowledge.
Ang mga scholar, na madalas ginugugol ang lahat ng kanilang oras sa pagsasaliksik, ay walang problema sa paghihintay.
Idagdag pa na kahit madalas maganap ang ganitong seremonyas sa City of Knowledge, malaking pagkakaiba nito ang biglang pagdating ng Hero sa kaganapang itong.
Kaya naman mas maingat ang mga Great Scholar sa paggawa ng kanilang desisyon.
Paglipas ng ilang minuto, ang pinakabata sa mga Great Scholar ay kumuha ng panulat at isinulat ang kanyang opinyon.
Hindi nagtagal, nagdesisyon na rin ang iba sa kanila.
Ang taong namamahla sa seremonyas ay tinipon na ang mga scroll ng mga Great Scholar.
Maingat niyang binasa ang bawat isa sa mga ito, at nabigla ito .
Pinanuod naman siya ng lahat at inaabangan ang sasabihin nito.
Sa tindi ng sitwasyon, kahit si Marvin ay naka-abang na rin.
Muli niyang tiningnan ang mga ito at sa wakas ay isinagaw:
"Nagkaisa na ang labingdalawang Great Scholar!"
"Ang History Calendar ng pagwasak ni Sir Marvin sa Decaying Plateau ay ilalagay sa…."
"Ika-limang palapag ng Pearl Tower!"
Nang isambulat na ang mga salitang iyon, kahit ang mga kaninang mahinahon na scholar ay hindi napigilan ang kanilang sarili!
Makikita ang gulat sa kanilang mga mukha.
Hindi nila mapigilang pag-usapan ang tungkol dito.
Sa tingin ng mga pangkaraniwang scholar, mas nababagy ito sa ikatlo at ika-apat na palapag lang.
Hindi ba masyado nang mataas ang ika-limang palapag?
Katumbas na nito ang pagliligtas ng isang Hero sa buong kontinente!
Kahit pa dinispatya ni Marvin ang isang tagong banta sa pagwasak niya sa Decaying Plateau, hindi naman niya direktang iniligtas ang kontinente, hindi ba?
Pero umalis na ang taong nag-anunsyo nito kaya nangangahulugan na tapos na ang usaping ito.
Isa pa, nagkaisa ang labingdalawang Great Scholar sa desisyon na ito kaya naman hindi na ito maaaring kwestyunin.
Sila ang pinakamatalinong mga tao sa buong Feinan.
Hindi naman siguro mali ang kanilang naging desisyon.
Ang mga scholar na nasa paligid ay huminahon na. Makikita ang pagkamangha at inggit sa kanilang mga mata.
Nagkatinginan ang mga Great Scholar at tumango.
Dahil nakapagdesisyon na sila, kasunod na dito ang pagtatala.
Isang malaking scroll at isang malalim na krista na kulay bughaw ay binuhat ng dalawang malakas na lalaki.
Tumayo ang lahat ng Great Scholar at pabulong na binigkas ang isang ancient incantation.
Pagkatapos nito, isang black hole ang lumitaw mula sa ika-limang palapag ng Pearl Tower.
"Woosh!" ang scroll at ang kristal ay hinigop papasok sa black hole.
"Ngayon, pag-usapan naman natin ang misteryo, Sir Marvin…"
Bago pa man matapos ang sinasabi ng Great Scholar, isang anino ang lumitaw mula sa Black Hole!
"Woosh!"
Ang scroll at ang kristal ay tinangihan at iniluwa nito! Lumutang naman ang mga ito sa itaas ng mga Great Scholar.
Nagkagulo ang lahat!
Nagulat rin si Marvin. Anong ibig sabihin nito?
Hindi ba karapat-dapat sa ika-limang palapag ang kanyang nagawa?
Nabigla ang mga Great Scholar.
Ito ang unang beses na naranasan nila ang ganito!
Hindi naman ganito ang Pearl Tower.
Laging tama ang nagiging desisyon ng mga Great Scholar.
Pero hindi ito tinanggap ng ika-limang palapag ng Pearl Tower sa pagkakataong ito!
"Paano nangyari ito? Si Diggles ay isang Evil Spirit Overlord na may malakas na potensyal. Paano naging hindi karapat-dapat ito sa ika-limang palapag?" Ika ng pinakabatang Great Scholar.
Muling nag-usap ang mga scholar.
Muli ring pinag-usapan ito ng mga Great Scholar at nagdesisyon na ilagay ito sa ika-apat na palapag.
Muli nilang ginawa ang seremonya.
Pero sa pagkakataong ito, mas nasurpresa sila sa nangyari!
Hindi rin tinanggap ng ika-apat na palapag ng Pearl Tower ang History Calendar ni Marvin!
Halos mabaliw ang mga Great Scholar!
Hinding-hindi pa ito nangyayari sa buong kasaysayan!
Bigla namang tumayo si Marvin dahil may Nakita siyang kakaiba sa tuktok ng Pearl Tower!