Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 289 - Unsolved Mystery

Chapter 289 - Unsolved Mystery

Walang tigil na hinahangin ang mga buhangin sa labas ng palasyo.

Isang malaking gate nan aka-arko ang nasa unahan ng karwahe.

Sarado ang gate, at tanging kapag bumisita lang ang isang scholar, ang great sage, binubuksan ng Wind Castle ang kanilang pinto.

Bukod sa pangunahing gate, mayroong mas maliit na gate na mahigpit din na nakakandado.

Mayroong dalawang puno ng saging sa labas. Sa lilim ng dalawang punong ito ay mayroong isang binatang naka-upo sa isang upuang gawa sa rattan, tutok na tutok itong nagbabasa ng isang scroll.

Tila ba wala siyang pakialam sa buhangin na hinahangin ilang pulgada lang ang layo sa kanya.

Nasa loob ng barikadang nakapalibot sa buong Wind Castle ang mga puno ng saging ng ito.

Hindi makakapasok ang buhangin galing sa labas.

Ito ang mekanismo ng depensa ng Wind Castle. Walang makakapasok sa siyudad na ito kung hindi nila ito pinahintulutan.

Ito ay siyudad ng mga scholar, kung saan walang makakapasok kundi ang mga taong nais maging katulad nila, ang mga batang naging apprentice nila, at ang mga tunay na Great Scholar.

Dahan-dahang tumigil ang karwahe sa labas ng hangganan ng barikada.

Bahagyang tumingala mula sa kanyang binabasa ang binata at bahagyang nagulat.

Nanginig ang scroll sa kanyang mga kamay nang makita ang binatang bumababa mula sa karwahe.

Kilala niya ang taong ito.

'Plane Destroyer, Marvin.'

Bahagyang makikita ang pag-idolo ng binata kay Marvin sa reaksyon nito. 'Hindi ko inaasahang magkaroon ng ganitong klase ng bisita ngayon!'

Mabilis na naglakad papalapit si Marvin at huminto sa hanganan, binati niya ang binate.

Itinabi naman nito ang hawak nitong scroll at magalang na lumapit.

Mayroong isang misteryoso at matibay na barikada sa pagitan ng dalawa.

"Magandang araw, Sir Marvin, Ako si Shura."

Nahihiyang ngumiti ang binata. "May kailangan po ba kayong gawin sa Wind Castle? Kaso mahigpit po ang patakaran dito. Kahit na isa po kayong magiting na Hero ng Feinan, isang taong sumira sa Decaying Plateau, hindi pa rin po kayo maaaring pumasok kung wala kayong titolo ng Great Scholar."

Tumango si Marvin.

Nagulat siya na nakilala siya nito.

Nagpapadala ang Wind Castle ng napakaraming mga apprentice sa buong mundo taon-taon para kumalap ng iba't ibang klase ng impormasyon.

Sa sobrang laking balita ng pagsira niya sa Decaying Plateau, kaya siguradong nakuha ng mga scholar na ito ang mga impormasyon tungkol sa kanya.

Ito ang rason kung bakit nagdesisyon siya na gamitin ang tunay niyang pagkakakilanlan.

Lalo pa at ang Plane Destroyer na si Marvin, na wumasak sa Decaying Plateau sa sikat na World Tree, ay kilalang-kilala.

"Alam kong bukod sa mga mamamayan ng City of Knowledge, tanging mga Great Scholar lang ang pwedeng makapasok sa siyudad."

"Pero nabalitaan ko rin, ilang taon na ang nakakalipas, ang labindalawang pinakamahusay na Great Scholar ng Pearl Tower ay bahagyang binago ang batas tungkol sa pagpapapasok sa siyudad. Gumawa sila ng tatlong katanungan. Maaaring makapasok ang sino mang makasagot nito, tama ba?" Kampanteng sabi ni Marvin.

Natigilan ang binata.

"Ang tatlong misteryo?"

"Gusto mong sagutin ang tatlong misteryo?"

Biglang tuminis ang boses ni Shura!

Sa sumunod na sandali, hindi mabilang na anino ang lumitaw mula sa tuktok ng Wind Caslte.

"Shura? Anong nangyari?"

"May gustong sumagot sa tatlong misteryo?"

"Sino?"

"Diyos ko, binabati ko kayo, Sir Plane Destroyer!"

Sa isang iglap, biglang nabuhayan ang tuktok ng Wind Castle.

Kahit si Marvin ay hindi inakalang magdudulot ng komosyon ang kanyang pagdating!

Ito ang epekto ng World Fame!

Dahil sa pagsira niya sa Decaying Plateau, napunta ang atensyon ng mundo kay Marvin at sa mga naninirahan sa White River Valley.

Lalong-lalo na sa mga Scholar ng City of Knowledge. Alam ng lahat ng Scholar ang tungkol sa ginawa ni Marvin.

Sa sobrang laking pangyayari ng mga kaganapang ganito, kailangan itong maitala ng mga tao sa Pearl Tower.

Hindi lang nila alam kung saang level ito ilalagay.

Patuloy na nag-usap ang mga tao sa city wall, kahit na sabik din sila gaya ni Shura, bilang siya ang namamahala, itinaas niya ang scroll at sumigaw, "Katahimikan!"

"Ipaalam ito sa mga nakatataas ng Pearl Tower!"

"Gustong lutasin ni Sir Marvin ang tatlong misteryo!"

Paglipas ng ilang minute, biglang bumukas ang pa-arkong gate ng City of Knowledge.

Labingdalawang Great Scholar na nakasuot ng pulang damit ang sabay-sabay na lumabas.

Manghang-mangha ang lahat ng nasa city wall.

Ngayon lang uli nangyari ang ganito.

Ang labingdalawang taong may pinakamataas na posisyon sa Pearl Tower ay magkakasama, isa itong pambihirang pagkakataon!

Kahit pa magpunta ang mga pinakasikat na Great Scholar ng buong kontinente, ay hindi sila ganito katindi ang magiging pagtanggap sa kanila!

Isa pa, sinabi niyang nais niyang lutasin ang mga misteryo.

Kung hindi dahil sa kasikatan ni Marvin, hindi papaniwalaan ng mga Great Scholar ang kanyang mga sinabi.

Sa mga Great Scholar, may ilang bata, at may ilang matatanda. Walang kinalaman sa edad ang pagkakaroon ng ganitong titolo, sa halip, nakadepende ito sa talino ng isang tao.

Isang lalaking nasa katamtamang gulang na nakasuot ng gintong salamin ang lumapit at magalang na kinausap si Marvin bilang kinatawan ng iba pang mga Great Scholar:

"Kagalang-galang na Plane Destroyer, maligayang pagdating sa Wind Castle."

"Tuna na hindi ka isang Great Scholar, kaya wala kang kwalipikasyon na makapasok sa siyudad."

"Subalit, iminungkahi mong lulutasin mo ang isang problemang ilang taon na naming hinahanap ang kasagutan. Kung magawa mo ito, malaya kang makakapaglabas-masok sa Wind Castle."

"Maaari ko bang tanungin kung alin sa mga katanungan ang nais mong sagutin?"

Mahinahong sumagot si Marvin, "Ang tungkol sa kung ang multiverse ba ay natatangi."

Tumango ang lalaki at panandaliang komunsulta sa iba pang Great Scholar bago tuluyang iwinagayway ang kanyang kamay.

Sa sumunod na sandal, ang malamlam na kulay dilaw na barikada ay Nawala at humakbang si Marvin palapit sa City of Knowledge.

"Maligayang pagdating sa Wind Castle."

"Ngayon, tayo na at pumunta sa Pearl Tower. Mabuti at napadaan ka ngayon, dahil ang ginawa mong pagwasak sa Decaying Plateau ay siguradong maitatala sa History Calendar."

"Kailangan nating magdaos ng seremonyas, isang malaking karangalan sa amin na narito ka bilang ikaw mismo ang gumawa nito."

Sa Wind Castle, na kilala bilang City of Knowledge. Ang Pearl Tower ang pinakakilalang bahagi nito.

At ang History Calendar sa Pearl Tower ay ginagamit para itala ang pinakamahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Feinan.

Magmula nang magtransmigrate si Marvin, nasa apat na kaganapan na ang naitatala ditto: Ang pagkamatay ng Great Legend Wizard na si Anthony, ang pagsira ni Marvin sa Decaying Plateau, ang pagpuksa ng isang grupo ng mga Legend sa Twin Snakes Cult, at ang kamakailang pagbagsak ng Source of Fire's Order sa Feinan.

Habang ang pagpira-piraso ng makapangyarihang si Robin sa Black Dragon ay hindi gaanong mahalagang pangyayari para maitala sa History Calendar.

Kadalasan, ang mga naitatala sa History Calendar ay mga magigiting na Hero!

Ibig sabihin ay nag-iiwan sila ng marka sa kasaysayan.

Habang patungo sila doon, ang Great Scholar na nakasuot ng gintong salamin na si Damian, ay kinausap ng kaunti si Marvin.

"Ang seremonyas sa pagtatala ay magaganap bukas, at ang kasagutan mo sa tanong ay hihingin din pagkatapos ng seremonyas."

"Umaasa ako na makapagbibigay ka ng perkpektong sagot, dahil kung hindi, hindi na magiging bukas sayo ang Pearl Tower."

Tumango naman si Marvin.

Isang Scholar sa tabi ang hindi mapigilang magtanong, "Mawalang galang na po, pero pwede niyo bang ipaliwanag ang tanong tungkol sa kung ang multiuniverse ba ay natatangi?"

Mahinahong sumagot si MArbin, "Hindi natatangi ang multiuniverse."

Nagkagulo ang lahat!

Isang Great Scholar sa daan ang biglang nagtanng, "Anong katibayan mo?"

Ngumisi si Marvin.

"Mauunawaan niyo bukas."