Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 266 - Breakthrough! Bloodline Limitations!

Chapter 266 - Breakthrough! Bloodline Limitations!

Ang Golden Blood ay isang kayamanan na kayang pataasin ang purity ng bloodline ng isang tao!

Sa lahat ng kayamanan na alam ni Marvin, ang Golden Blood ang pinakaligtas na paraan para malagpasan ang limitasyon ng isang bloodline.

Ito ang pinakamahalagang sikreto ng mga Sorcerer ng Rocky Mountain.

Nagawang buhayin ni Marvin ang kanyang Sorcerer bloodline dahil sa tulong ni Ding.

Pero ang limitasyon naman ng kanyang bloodline ang kanyang hinarap pagkatapos nito!

Ang Shapeshift Sorcerer class niya ay limitado lang sa level 5, na maituturing na hangganan lang ng 1st rank.

Kung walang espesyal na pagkakataon, ang kanyang Shapeshift Sorcerer level ay hindi na tataas nang higit dito.

Para kay Marvin, kapaki-pakinabang na sub-class ang Shapeshift Sorcerer.

Ang Night Walker at Ranger ay ang kanyang pangunahing mga class. Ang kanyang pinakahuling advancement, ang Ruler of the Night, ay makapangyarihan, pero mas maganda pa rin kung ang Shapeshift Sorcerer class niya ang kukumpleto sa lakas nito.

Kanina lang, nagawang buwagin ni Marvin ang barikada dahil sa makapangyarihang Shapeshift ng Shapeshift Sorcerer!

Parehong ang Night Walker at Ranger ay walang sapat na lakas para malampasan ang barikadang iyon.

Kaya naman, noon pa man ay pinagtutuunan na ni Marvin ng pansin ang mga pamamaraan na makakapagpalakas sa kanyang Shapeshift Sorcerer class.

At dahil sa kahali-halinang alok ni Lorie, hindi niya maiwasang matukso.

Alam ng lahat ng kakaunti lang ito sa Rocky Mountain.

Kung wala ang basbas ng Three Sisters, hindi ito maaaring bilhin ng ibang tao!

Tungkol naman sa pagpatay kay Tess, pagkatapos mag-isip sandali ni Marvin, napagtanto niyang hindi naman pala ito gaanong mapanganib.

Kahit pa makapangyarihan nag mga Dark Race, umaasa lang ang mga ito sa dami nila.

Kakaunti lang ang mga expert sa kanila. Basta hindi nila makaharap ang mga expert na ito, ang palihim na paglapit, pagpatay, at pagtakas ay posible naman.

Lalo pa at si Marvin ay isang 4th rank expert. At ilang beses na rin niyang naipamalas ang kapangyarihan ng Night Walker class.

At si Tess naman mismo, kahit pa Apostle siya ng Black Dragon God, malaking halaga ng Divine Power ang kailangan niyang gamitin para mapanatili ang [Shroud the Sun].

Limitado na lang ang lakas na kaya niyang gamitin.

Basta maayos ang gagawin nilang plano, malaki ang pagkakataon nilang magtagumpay.

Isa pa, ipinangako ni Lorie kay Marvin na mayroon dalawang taong may sapat na kakayahan siyang makakasama.

At kahit pa hindi ganoon katatag ang magic power ni Lorie, kaya pa rin labanan ni Lorie ang mga divination spell ni Tess.

Sa ganoong paraan, masisigurado niya ang kaligtasan ng tatlong papatay kay Tess.

Pagkatapos nilang magkasundo sa oras, panandaliang umalis ng city wall si Marvin at nagpunta sa Demon;s Hand Camp para magpahinga.

"Mas elegante pa pala si Marvin kesa sa inaasahan ko!"

Nang makaalis na si Marvin sa city wall, biglang nagbago kilos ng kalmadong si Lorie!

May kislap sa kanyang mga mata habang pilit niyang tinatakpan ito ng kanyang mga kamay. "Halos hindi ko na mapigilan ang sarili ko!"

"Siya nga talaga ang bayani na sumira sa Underworld. Napakagwapo niya!"

Sumimangot si Ding at sinabing, "Sinira niya lang ang Decaying Plateau, paano naging buong Underworld iyon!"

"May pinagkaiba ba iyon?" kumurap si Lorie at sinabi. "Hindi mo ba nakitang tinanggap niya ang hiling ko? Maginoo talaga siya."

Naiinis namang sumagot ang Fortune Fairy, "Dahil inalok mo siya kanya ang Golden Blood bilang kapalit!"

"Alam na alam talaga ng lalaking 'yon kung paano pagsamantalahan ang isang inosenteng babae!"

"Sabi ni ate, gusto niyang ilagay si Sir Marvin sa listahan ng mga mapapangasawa niya…. Anong gagawin ko kung maging bayaw ko siya?" Nag-aalalang sabi ni Lorie.

Walang nasabi si Ding.

Hindi na niya masabayan ang mga iniisip ng babae dahil tila gulong-gulo na ang isipan nito.

Pagkatapos ay bigla niyang tinanong ito, "Siya nga pala, saan mo nakuha ang [Golden Blood]?"

"Binigyan ako noon ni ate. Sabi niya gamitin ko raw para malampasan ang limitasyon ng bloodline naming, pero sa tingin ko naman di ko kailangan 'to."

"May kutob ako na mas kailangan ito ni Sir Marvin!"

Halos masuka ng dugo si Ding sa kanyang nadinig!

Iyon ang Golden Blood!

Isa itong kayamanan na ibinuwis ni Jessica ang kanyang buhay para lang makuha. Paano nagawa ni Lorie na ipamigay lang ito nang ganoon-ganoon lang? At para lang sa pagpatay ng isang tao?

"Oo nga pala, para tumaas ang tyansang magtagumpay ang misyon, nagdesisyon ako na ibigay muna sa kanya ang Golden Blood para mapalakas niya ang sarili niya bago ang misyon."

"…Ding? Ayos ka lang?"

Inalog niya ang Fortune Fairy na nawalan ng malay.

Hindi naman ito sumagot at pinagpatuloy lang ang pagtutulog-tulugan.

Sa Demon's Hand.

Ang organisasyon ng mga Sorcerer ng Rocky Mountain. Nang mabuo ang South Wizard Alliance, ang una nilang ginawa ay i-exile ang lahat ng Sorcerer.

Naniniwala ang mga Wizard na ang magi ng mga Sorcerer ay nagmumula sa mga Devil o Demon. Grupo sila ng mga taong nasa bingit ng kasamaan at kasakiman.

Pinalayas nila ang mga Sorcerer, at hindi nagtagal, nagtipon-tipon naman sa Rocky Mountain ang mga pinalayas na Sorcerer dahil sa hindi maipaliwanag na kapangyarihan.

Biglang nagkaisa ang mga Sorcerer na inaalipusta.

Bumuo sila ng sarili nilang organisasyon at ang Demon's Hand ang isa sa mga pinakasikat sa mga ito.

Ang Demon's Hand ay hiwalay sa Hope City. Ang mga gusali nila ay kakaiba at tila walang sinusundang disenyo.

Dahil ito sa iba't ibang pinanggalingan ng mga Sorcerer, kaya naman mayroong iba't ibang kaugalian at kultura ang mga ito.

Ang mga kaugaliang ito ay kumakalat at minamana ng kanilang angkan.

Sa madaling salita, ang Rocky Mountain ay isang lugar kung saan nag halo-halo ang iba't ibang kultura.

Habang naglalakad ka ay para bang nililibot mon a ang buong kontinente.

Ang Demon's Hand Camp ay matatagpuan sa silangang bahagi ng siyudad.

Ito ang lugar kung saan ng papalitan ng kaalaman ang mga Sorcerer, at ito rin ang lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga Sorcerer na pumirma ng kasunduan na tutulong sila sa pagbuo ng Hope City.

Makapangyarihan ang mga Sorcerer. Sa panahon ng digmaan, ipinamamalas nila ang mga abilidad na hindi lubos maunawaan ng mga tao.

Nahanap ni Marvin ang VIP lounge sa tulong ng isang Knight.

Kailangan niyang hintayin doon nag dalawa pang expert.

Ang lahat ng kakailanganin niya ay matatagpuan sa lounge, at mayroon din ditong apat o limang magkakahiwalay na kwarto. Pumili si Marvin ng isa at nagpahinga.

Malaking enerhiya ang nagamit niya sa paglalakbay sa Underdark patungo sa Rocky Mountain, pati na pakikipaglaban para makalagpas sa barikada.

Kailangan niyang matulog agad para mabawi ang kanyang lakas.

Paglipas ng dalawang oras, nagising siya dahil sa gutom.

Pumunta siya sa lounge para humanap ng makakain.

Masarap ang pagkain sa Rocky Mountain, o baka sa VIP lounge na ito.

Noong mga oras na iyon, may ibang tao sa lounge.

Nakasuot ito ng pulang damit na mababa tela sa bandang dibdib, kaya nakikita ang kanyang maputing balat.

Maganda ito at talagang kaakit-akit ang itsura. Para bang kapag mas tinitingnan mo ito, mas lalo kang maaakit dito.

"High Charisma…"

Natigilan si Marvin.

Ang Charisma ng babaeng ito ay siguradong lagpas 25!

Alam naman ng lahat na kasing halaga ang Charisma sa mga Sorcerer tulad ng kahalagahan ng Decterity sa mga Thief o Ranger.

Sa taas ng Charisma nito, siguradong makapangyarihang Sorceress ito.

Isang Sorceress na kasama sa isang assassination unit ay hindi naman kakaiba. Kailangan nilang makapasok sa teritoryo ng kalaban. Kung wala silang caster, paano sila makakatakas sa oras na matapos nila ang kanilang misyon?

Lalo pa't hindi naman kayang takbuhan ang mga spell.

"Ikaw siguro ang Mister Robin na pinag-uusapan nila. Nabalitaan kong isa kang Druid na talentado rin sa pag-assassinate."

Pinangunahan na ng babae na kausapin siya. "Ako si Daisy."

Bahagyang tumango si Marvin, hindi siya gaanon apektado ng 25 Charisma ability nito na [Boundless Attraction]. Walang reaksyon naman siyang sumagot, "Robin."

Noong kausap niya si Lorie, nilinaw na ni Marvin sa kanya na ayaw niyang ipaalam ang tunay niyang katauhan.

Naunawaan naman ng batang babae ang hiling ni Marvin. Kaya naman, simula pa lang, ang turing na sa kanya ay isang misteryosong master na bigla na lang lumitaw.

Tila mahusay magsalita si Daisy at naiiba siya mula sa mga ignorante at mapag-isang mga Sorcerer. Magaling siyang makipag-usap.

Sa loob ng ilang minuto, nasabi na nito ang lahat ng detalyeng alam nito tungkol sa misyon kay Marvin.

Sinabi rin nito na mayroon pang isang pang expert na nagngangalang [Xiu], na nag-iisang Assassin talaga sa kanulang grupo.

[Ace Assassin] ang class ni Xiu. Lagpas level 18 ito at kasing lakas ng isang makapangyarihang Half-Legend.

Kung hindi sumama si Marvin, balak ni Lorie na isagawa ang misyon na ito na ang dalawang ito lang ang kasama. Pero ang pagsama ni Marvin ay nagpataas ng pagkakataon nilang magpatagumpay.

Lalo pa at, alam ni Kate ang tungkol sa Night Walker class ni Marvin, at ang mga assassination ability nito ay kasing lakas lang ng sa Ace Assassin.

Bilang pinakamalaking tagahanga ng [Great Hero Marvin], hindi makakaligtaan ni Lorie ang mga detalyeng iyon.

Matagal-tagal na rin silang nag-usap sa lounge, pero hindi pa rin dumadating ang Assassin na si Xiu.

Sa halip, isa pang Knight ang dumating.

"Sir Robin, narito na po ang bagay na hinihingi niyo. Pinasasabi rin ni Lady Lorie na kailangan ay handa na kayo bago mag alas-8 mamayang gabi."

Ang Knight na iyon ay may hawak na kahon at dahan-dahan nitong inabot ito kay Marvin. 

Tumalon ang puso ni Marvin!

Ang Golden Blood?!

Ibinibigay na sa kanya agad?

Nagpaalam muna ito kay Daisy at bumalik sa kanyang kwarto.

Matapos niyang ikandado ang kwarto para makasiguradong walang aabala sa kanya, binuksan niya ang kahon.

Sa loob ng kahon ay may lalagyan ng likido.

Nang buksan niya ito isang napakabangong amoy ang kumalat.

Ang isang bahagi ng Golden Blood ay mukhang ginintuang tubig. Talaga nga namang isa itong kayamanan.

Kaya nitong i-purify ang bloodline ng isang Sorcerer, at ang paggamit nito ay maakatulong sa paglagpas sa limitasyon ng isang bloodline!

Tuwang-tuwa si Marvin. Binuksan niya ang kanyang stats window at agad na ginamit ang kanyang 23000 experience sa Shapeshift Sorcerer!

Kaya naman, umabot na sa level 5 ang kanyang Shapeshift Sorcerer class at hindi na muling kayang pataasin ito gamit ang experience

Pagkatapos ay dahan-dahan niyang inilapit ang bote sa kanyang labi at ininom ito.

Pumasok ang likido sa kanyang katawan.

Naramdaman ni Marvin ang init.

Isang misteryosong kapangyarihan ang dumadaloy sa kanyang katawan. Ganito rin nag naramdaman niya noon sa snow mountain.

Wala siyang malay noon nang binuhay niya ang kanyang Shapeshift Sorcerer class.

Pero sa pagkakataong ito, malinaw ang pag-iisip ni Marvin.

Nararamdaman niya ang misteryosong kapangyarihan na nabubuhay sa kanyang katawan.

Sunod-sunod na mga logs ang lumabas sa kanyang harapan:

[Sa tulong ng isang misteryosong likido, malalagpasan mo na ang limitasyon ng iyong bloodline.]

[Umabot na sa 2nd rank ang iyong Shapeshift Sorcerer class, agad ka nang umabot sa level 6 nang walang ginagamit na experience.]

[Ang iyong class specialty na Boundless Shapeshifting ay nagkaroon na ng bagong anyo…]

Napakurap si Marvin sa gualt. Nagkaroon ng bagong anyo ang kanayng Shapeshift Sorcerer nang umabot ito ng level 6!