Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 267 - Unbreakable Diamond!

Chapter 267 - Unbreakable Diamond!

Ang Golden Blood ang pinakaligtas na kayamanan na gamitin para malagpasan ang limitasyon ng bloodline.

Bukod sa matinding init na nararamdaman niya, wala namang naramdamang mali si Marvin.

Sa tulong ng Golden Blood, umabot na ng level 6 ang kanyang Shapshift Sorcerer class. Bukod dito, nagkaroon din ng pagbabago ang kanyang katawan dahil pagkabuhay ng kanyang bloodline.

Tumaas ng isang puntos ang kanyang Constitution, isang magandang surpresa.

Nakatanggap din siya ng karagdagang 145 HP!

Isa itong malaking pagbabago.

Tumingin si Marvin sa salamin at nalamang makikita sa kanyang pangangatawan na lumakas siya.

Nagkaroon nga ng pisikal na pagbabago.

Pero ang tunay na pagbabago ay nangyari sa Shapeshift Sorcerer.

Ang 2nd rank na Shapeshift Sorcerer ay mas marami ang mga spell, hindi tulad ng 1st rank, na mayroong lang [Charming Looks] (Panandaliang itinataas nito ang Charisma ng 2 puntos) at [Transforming Magic Cube] (Isang Control type spell).

Pero ang mga spell na ito ay hindi pa lubos na gamay ni Marvin nang mag-advance siya.

Lima o anim na bagong spell ang lumabas sa spell list ng kanyang Shapeshift Sorcerer pero madilim pa ang mga ito. Ibig sabihin, kailangan pa ng oras bago niya tuluyang magamit ang mga makapangyarihang spell na ito!

Ang Sorcerer ay isang kakaibang class. Kahit pa walang gaanong ginagawa ang mga ito, kusa silang natututo ng mga panibagong spell.

Kaya namang naiinggit sa mga ito ang mga class na kailangan magpursigi, lalo na ang mga fighting class.

Hindi man magagamit ni Marvin sa ngayon ang mga ito, pero alam niya na kalaunan ay mapapakinabangan niya rin ang mga ito.

Ang pinakamahalaga sa ngayon ay ang specialty ng Shapeshift Sorcerer na [Boundless Shapeshifting]!

Noon, ang nagbigay ng dalawang anyo ang Boundless Shapeshifting niya: ang Beast Shape at Shadow Shape.

Pagkatapos ng pag-advance niya ngayon, nakakuha na siya ng ikatlo!

[Boundless Shapeshifting – Diamond-shape]

[Deskripsyon: Ang Diamond-shape ay maaari lang gamitin ng 8 segundo. Walang aberya sa mga skill ng Human-skill.]

[Epekto: Unbreakable Diamond]

[Negatibong Epekto: Pagkatapos itong gamitin, manghihina ka ng 24 oras.]

Tiningnan ni Marvin ang dalawang salita [Unbreakable Diamond] at halos mabaliw sa tuwa!

Ito ang Half-Legend Skill ng mga Monk!

Hindi niya inaasahan na ang Shapeshift Sorcerer ay makakakuha ng ganito.

[Unbreakable Diamond]: Hindi tatablan ang gumagamit ng mga non-divine na atake, hindi rin tatablan ng mga nakakamatay na pag-atake, matinding panlaban sa lahat ng pisikal na pinsala, at matinding panlaban sa lahat ng magical na pinsala!

Ang dahilan kung bakit tinatawag na "Real Men" ang mga Monk sa laro ay dahil sa makapangyarihang undying skill na ito!

Bukod sa mga god, kakaunti lang ang may kakayahang magdulot ng pinsala sa gumagamit ng Unbreakable Diamond!

Pero ang Unbreakable Diamond skill ng mga Monk ay hindi kasing lakas ng epekto ni Marvin!

Mayroon silang "Mataas na panlaban sa pinsala" habang si Marvin ay mayroong "Matinding panlaban sa pinsala."

Magkaibang-magkaiba ang dalawang konsepto na ito.

Pero sa pananaw ng iba, ang Unbreakable Diamong ng mga Monk ay maaaring tumagal ng kalahating minuto habang ang Diamond-shape ni Marvin ay tumatagal lang ng 8 segundo.

'Ito ang legendary na false real man.' Natawa si Marvin sa kanyang sarili, pero masaya pa rin siya.

Nakakamangha ang mga ninuno ng mga Cridland dahil nagawa nilang makakuha ng napakaraming malalakas na kapangyarihan mula sa Archdevil Head.

Bukod sa pagkakaroon ni Marvin ng Diamond-shape, mas lumakas din ang dalawa pa niyang anyo.

Ang Asuran Bear ay naging Fierce Asuran Bear!

Ito ay mas pinalakas na Asuran Bear na umaabot na sa 5 metro ang taas! Maaari na itong tawaging Hegemon ng kagubatan!

Maaaring hindi kayanin kalabanin ng mga pangkaraniwang malakas na 4th rank ang Fierce Asuran Bear.

At ang kanyang Shadow-shape ay nagkaroon din ng mga panibagong spell.

Pero wala nang oras si Marvin na tingnan ang mga ito dahil biglang may kumatok na sa kanyang pinto. "Sir Robin, nandito na ang lahat."

Dumating na ang lahat. Oras na para simulan ang operasyon.

Sa lounge, naroon na ang taong magpapaliwanag ng kanilang misyon.

Handa na rin sina Fiend Sorcerer Daisy at Ace Assassin Xiu.

Alas-8 na ng gabi at magsisimula na ang kanilang operasyon sa loob ng isang oras.

"Si Daisy ay may malayuang tetleportation ability. Mahalaga siya para malampasan ang hanay ng mga kalaban at makabalik ng Hope City."

"Siya ang magdadala sa inyo sa loob ng hukbo ng mga Dark Race habang si Lady Lorie naman ang bahala na labanan ang ano mang skill na maaaring tumunton sa inyo. Hindi kayo makikita habang nagte-teleport kayo."

"Pag dating niyo, si Sir Xiu at Sir Robin naman ang kikilos."

"Si Tess ay may lakas ng isang Apostle, at siguradong marami siyang item at Divine Spell na hawak para protektahan ang kanyang sarili! Umaasa akong kaya niyong magtulungan na dalawa…"

Pagkatapos sabihin ang nilalaman ng kanilang misyon, binigyan na ng taong nagsasalita sa harap ng oras ang tatlo na mag-usap.

Hindi maganda ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap.

Napaka-arogante ni Xiu, at sa buong pag-uusap nila, isang linya lang ang sinasabi niya. "Papatayin ko ang dapat kong patayin, wag kang maging sagabal," sabi nito kay Marvin.

Kahit na kadalasan ay mahusay na tagapamagitan si Daisy, hindi niya alam kung anong dapat sabihin sa ganitong uri ng sitwasyon.

Wala namang pakielam si Marvin.

Nakita na niya ang halos lahat ng uri ng tao.

Mas marami pang manlalaro ang mas arogante pa kesa kay Xiu. Mahirap bang pumatay ng isang Apostle? Kung gustong subukan ng taong ito na patayin ito mag-isa at mabigyan pa ng oras na aralin ang galaw ni Tess, bakit naman niya ito pipigilan?

Hindi na lang nagsalita si Marvin.

Hanggang sa nanatili na lang tahimik ang tatlo hanggang sa magsimula na ang misyon.

Sa ilalim ng dilim ng gabi, nakatayo si Lorie sa city wall, at nakatingin sa malayo.

Tinitingnan niya ang kilos ng mga Dark Race.

Ang batang babaeng ito ay higit sampung oras nang nakatayo dito. Pero hindi pa rin siya maaaring magpahinga.

Siya lang ang tanging pag-asa ng siyudad, at sa tuwing tinitingnan siya ng mga tao, napapanatag ang mga ito.

"Lady Lorie, masama ang kutob ko."

"Si Sir Xiu … at si Sir Robin… Mukhang ayaw nilang magtulungan?" Balita ng Head Knight na si Terry.

"Hmm?" Hindi na nagulat si Lorie. "May pagkamayabang si Xiu, normal lang sa kanya na ayaw niyang makipagtulungan sa iba."

"Pero baka maging masama ang epekto nito sa misyon na ito…" pag-aatubiling sagot ni Terry.

Nagudududa siya kung kaya bang magtulungan nina Xiu at Robin matapos niyang makita ang ugali ng mga ito nang biglang nagsimula na si Daisy na buksan ang isang Teleportation Gate.

"Wala na akong pakielam doon, basta may tiwala ako sa kanya."

"Isa siyang Great Hero," masayang sabi ni Lorie.

Nagulat si Terry. Hindi niya maunawaan ang sinasabi ni Lorie.

Sa Lion Town. Magulo ang mga kalsada.

Nagkalat ang bangkay ng mga tao.

Marami pa ring mga Kobold ang ngumangata sa mga madugong buto.

Ang lahat ng naninirahan sa Lion Town ay naging pagkain na ng mga Dark Race!

Sa dilim, isang uri ng hangganan ang lumitaw.

Tatlong tao ang sunod-sunod na lumabas.

"Tandaan niyo, mayroon kayong isang oras."

"Palipas ng isang oras, o kapag may malaking kaganapang nangyari, aalis na ako."

"Bilisan niyo ang pagkilos," babala ni Daisy.

Tumango si Daisy.

Walang sinabi si Xiu at biglang nawala nang walang naiwang bakas.

Nagkibit-balikat lang si Marvin at gumamit agad ng Stealth bago kumilos patungo sa kanlurang bahagi ng Lion Town.

Sa pagkaka-alam ni Lorie, naroon ang mga Dark Race.

Hinawakan ni Marvin nang mahigpit ang kanyang mga dagger, at huminga ng malalim bago pumasok sa kanyang sariling ritmo.

'Ang pagpatay sa Dark Elf Matriarch na Apostle rin ng Black Dragon God… ay nakakabuhay talaga ng dugo…'