Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 265 - Golden Blood

Chapter 265 - Golden Blood

Nang marinig ni Marvin nag boses na ito, hindi niya mapigilang ngumiti nang pilit.

Tumalikod siya.

Dismayadong nakatingin sa kanya ang Fortune Fairy na si Ding. "Akala naming namatay ka na. Kung hindi ko lang napansin ang awra ng luck blessing na binigay ko sayo dati, hindi kita mahahanap. Mayroon kang nakakatakot na Sorcerer bloodline. Dapat kang sumapi sa Rocky Mountain."

Tiningnan ni Marvin ang paligid. "Sa tingin mo ba ito ang tamang lugar para pag-usapan iyan?"

"Hindi." Pinagaspas ng Fortune Fairy ang kanyang pakpak. "Sumunod ka sa akin."

Sinundan ni Marvin si Ding at pumunta sila sa gate ng siyudad.

Dumaan sila sa isang maliit na daan patungo sa city wall.

Hindi sila pinigilan ng mga armadong gwardya. Mukhang kilala si Ding sa lugar na iyon.

Isang batang babae ang nakatayo mag-isa sa tuktok ng city wall.

Ito ang unang pagkakataon na makikilala ni Marvin ang babae, pero nakilala na niya agad kung sino ito.

Ang pinakabata sa mga Fate Sisters, si Lorie.

Hindi siya kasing lakas na caster gaya ng kanyang dalawang kapatid, pero sa lawak ng kaalaman nito ay nakakainggit na ito.

Isa siya sa iilang tao na nakahalata sa pagsasabwatan ng mga god bago ang Great Calamity.

Ang mga Fate Sorceresses ay may iba't ibang abilidad.

Halimbawa, ang kapatid nito si Jessica ay [Power] ang fate ability.

Matapos magising ang bloodline nito, patuloy na lumakas nang lumakas ang kanyang Power.

Kasama sa Power na ito ang paglakas ng kanyang mga spell at pisikal na abilidad.

Si Kate naman, kung hindi nagkakamali si Marvin, nasa kanya ang fate ability na [Protection]. Para paliyabin ang Source of Fire's Order, ang Protection ability niya ang pinakamahalaga.

Habang si Lorie.

[Wisdom] ang kanyang fate ability!

Isa itong madunong at mahusay na batang babae.

Dahan-dahan itong tumalikod. Ang suot niyang dait ay kapareho sa suot ng kanyang nakatatandang kapatid. Ang itsura nito ay may kaunting kaibahan at mas maliit ito.

Kadalasan, ang mga batang 12-13 taong gulang pa lang ay wala dapat masyadong inaalala, pero nakikita ni Marvin sa mga mata nito na madami itong iniisip.

Naramdaman niyang mayroong mali.

Nasaan ang dalawa niyang kapatid? Bakit si Lorie lang ang narito?

"Kamusta, Mister Marvin." Nakangiting tiningnan ni Lorie si Marvin. "Sinurpresa mo ako nang matindi."

"Salamat sa pagligtas sa mga mamamayan at kay Uncle Terry."

Bahagyang tumango si Marvin.

Kahit pa bata pang tingnan ang babaeng ito, para na itong matanda kung magsaita. Nahihirapan siyang masanay sa pamamaraan ng pananalita nito.

"Magandang araw, Miss Lorie."

Nagsimula nang mag-usap ang dalawa.

Mabuti na lang maya't maya ay sumasabat ang Fortune Fairy na si Ding kaya naman unti-unting nawala ang pagka-ilang ng dalawa sa isa't isa.

Sa katunayan, kilala nila ang isa't isa.

Alam naman na kung bakit kilala ni Marvin si Lorie. At si Lorie naman ay kilala si Marvin dahil sa ginawa ni Marvin sa labanan sa Decaying Plateau.

Matapos ang ilang sandal ng pag-uusap, sinabi na ni Lorie ang nasa isip niya.

Gusto niyang tumulong si Marvin sa pagprotekta sa Hope City.

Kritikal ang oras na ito para sa Hope City. Bukod sa panganib na dulot ng mga Dark Race, hindi rin metatag ang usaping panloob dito.

'Hindi ko inaasahang madadala si Jessica sa hangganan ng Chaos Ground ni Clarke."

'Hindi talaga kumpleto ang mga nakita ko sa trailer. Umalis din si Kate ng Hope City dahil sa mga bulalakaw. Kaya pala ang bunong kapatid lang nila ang naiwan sa Hope City.'

Hindi mapigilang pilit na ngumiti ni Marvin at umiling matapos marinig ito.

Bakit naman niya hindi gugustuhing tulungan ang Hope City?

Isa pa, iniligtas din siya mula sa isang kritikal na sitwasyon ng swerteng ibinigay ni Ding.

Kaya kung may maaari siyang gawin, siguradong tutulong siya.

Pero mahalaga rin ang Source of Fire's Order.

Idagdag pa rito na base sa kanyang alaala, alam niyang kakayanin ng Hope City ang sarili nito kahit wala siya.

Siguradong maitataboy nila ang mga Dark Race.

Kahit na nabago ng kanyang pagdating ang ilang bagay sa kasaysayan, hindi naman siguro magbabago ang mga mahahalagang bahagi nito.

Kung ipapamals ni Jessica ang buong lakas niya at mapatay nito si Clarke, kahit pa magalit ng lubos ang Black Dragon God, wala itong magagawa!

Kasalukuyan pa ring buo ang Universe Magic Pool at ang Time Molt ay nasa kamay ni Inheim, kaya walang sino mang god ang makakababa sa lupa!

At kung walang god ang makakababa, ang Legend Fae Sorceress ang pinakamalakas na expert sa ngayon.

Kung titingnan, kayang humarap ni Jessica ng libo-libong pwersa nang mag-isa.

Sa ngayon, pinupukaw ng Black Dragon na si Clarke ang atensyon ni Jessica. Pero hindi tanga ang Fate Sorceress. Siguradong mapapansin nito ang kakaibang nagaganap sa kanyang nasasakupan.

Hindi magtatagal ay babalik ito.

Siguradong walang magiging problema ang Hope City.

Ito nag pananaw ni Marvin, kaya naman plano lang niya sanang dalhin si O'Benson sa Hope City at pagkatapos ay agad na umalis.

Gusto na niyang tumungo pakanluran kung saan nahulog ang mga bulalakaw para hanapin ang Source of Fire's Order.

But how could he have expected that Ding would recognize him?

Pero hindi naman niya inasahang makikilala siya ni Ding.

Kaya naman, pakiramdam ni Marvin ay naiipit siya sa sitwasyong ito dahil sa hinihiling sa kanya ni Lorie.

Saglit siyang nag-isip at saka niya ito tinanggihan. "Pasensya na, gusto ko mang tumulong…"

"Pero pumunta ako sa Rocky Mountain na may mas mahalagang pakay."

Malinaw ang mga mata ni Lorie na nakatitig kay Marvin. "Ang Source of Fire's Order, tama?"

Tumango si Marvin.

"Hinahanap na 'yon ni ate," seryosong sabi ni Lorie. "Pito ang kabuoang bilang ng mga ito. Kung makahanap siya ng higit sa isa, wala namang masama kung ibibigay niya sayo ang isa."

Biglang natawa si Marvin. "Miss Lorie, pwede ka bang magdesisyon para sa ate mo?"

Para kay Marvin, wala pang kamuwang0muwang si Lorie.

Kakaunting tao lang ang handang galawin ang Source of Fire's Order, mas lalong kaunti lang ang taong handang ipamigay ito.

Mayroon mang pagkakaibigang nabuo si Marvin at Kate, at tinulungan pa ito ng Night Monarch na patatagin nag kanyang bloodline, na maaaring maging dahilan ng maaga nitong pag-advance sa Legend.

Pero siguradong hindi sapat na kapalit ito para sa Source of Fire's Order.

Alam niyang mabait si Kate, pero tahanan niya ang Rocky Mountain.

Ito ang lugar na gugustuhin niyang protektahan at pangalagaan. At isa lang kaibigan si AMrvin.

Kahit pa dati ay apat ang hawak na Source of Fire's Order ng magkakapatid, walang nakaka-alam sa kung ano ang mangyayari sa pagkakataong ito.

Ayaw ipaubaya ni Marvin sa ibang tao ang kanyang kapalaran…

Nang biglang sumabat si Ding, "Syempre pwede."

"Kahit na si Lorie ang bunso, ang salita niya ay kumakatawan sa Three Sisters."

"Kung hindi, bakit naman siya pakikinggan ng buong Hope City?"

Tiningnan ni Lorie si Marvin. "Pinapangako ko."

"Ang hinihiling ko lang ay gawin mo ang pabor na ito para sa amin."

Saglit na napatigil si Marvin, bago nag-aatubiling tinanong, "Anong pabor?"

"May papatayin ka." Direktang sabi ni Lorie. "May kailangan kang patayin. Mayroon nang dalawang expert na nakahanda. Kung kasama ka nila, siguradong magtatagumpay ang misyon."

"Sino?" Tanong ni Marvin.

"Si Tess." Walang reaksyon na sabi sa kanya ni Lorie, "Siya ang Apostle ng Black Dragon God, kaya baka mahirap ang misyon na ito."

Desidido namang umiling si Marvin!

Seryoso ba ito, papatayin si Tess?

Isang makapangyarihang nilalang na halos kasing lakas ni Bamboo!

Kahit pa hindi ito binigyan ng Black Dragon God ng malaking halaga ng Divine Power tulad ng ginawa ng World Ending Twin Snakes kay Bamboo, isa rin itong tao na hindi kayang patayin ng isang 4th rank.

"Wag ka naman agad tumanggi."

"Hindi ko pa nga sinasabi sayo ang magiging kapalit."

Nakangiting sabi ni Lorie, "Kung tutulungan mo kaming gawin ito…"

"Makukuha moa ng [Golden Blood]."

Golden Blood?!

Nanlaki ang mata ni Marvin.

Bigla siyang sumagot, "Sige!"