Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 264 - Breaking Through!

Chapter 264 - Breaking Through!

Agad na humarang ang dalawang Fomorian sa daan.

Pero kahit pa 2.5 metro ang tangkad ng mga ito, mas maliit pa rin sila kumpara sa Asuran Bear!

Dahil sa pagtaas ng level ng Shapeshift Sorcerer na class, lalakas din ang mga katangian ng Asuran Bear.

Mas gumanda rin ang pangangatawan nito.

Sa lakas ng Asuran Bear, kahit ang anyo ng Crimson Patriach Two-Headed Serpent halos hindi ito kakayanin!

Kahit na dahil lang ito sa potion at scroll, kampante na si Marvin harapin ang mga pangkaraniwang Fomorian na ito.

Agad itong lumabas sa pagitan ng mga tao at sumugod.

Tatlong malalaking katawan na tila mga tangke ang nagbabanggaan.

Pagkatapos, parehong napahiyaw sa sakit ang dalawang Fomorian kasabay ng pagpapatalsik ni Marvin sa mga ito!

Ang dalawa pang Fomorian, na nasa magkabilang gilid, ang umatake na rin.

May kidlat at asidong tumama sa katawan ni Marvin!

Isang bugso ng kuryente ang dumaloy sa katawan ni Marvin, pero hindi tinatablan ng ganitong uri ng magic ang katawan ng Asuran Bear.

Biglang tumindig ang mga balahibo ni Marvin kasabay ng pamamanhid nito ng kalahating segundo, pagkatapos nito ay ginamit niya ang magkabilang kamay nito para hampasin sa ulo ang dalawang Fomorian!

Agad namang nawalan ng malay ang mga kaawa-awang Fomorian sa lakas ni Marvin.

Tumalsik ang mga ito at bumagsak sa isang grupo ng mga Goblin!

Nagdiwang ang grupo ng mga tao.

"Bilisan niyo na!"

Biglang napasigaw si Marvin na nasa anyong Asuran Bear, at pinagmadali ang mga tao.

Natuliro naman sa kung ano ang dapat gawin ang mga kabalyerong taking-taka nakatingin kay Marvin, pero nakipagtulungan pa rin sila sa mga mersenaryo ng Silver Fox para tulungang lumikas ang mga mamamayan.

Nabutasan na nila ang barikada!

Sa di kalayuan, sa ibabaw ng isang burol, isang anino ang biglang lumitaw.

Tiningnan ito ni Marvin.

Iyon ang Underdark Venom Drake!

Ang hayop na ito ay mababa lang ang lipad, pero napakalakas ng kamandag nito.

Baka hindi na kayanin ng balat ng Asuran Bear na labanan ito.

Kadalasang ginagamit ng mga Underdark Venom Drake ang kamandag nila para patayin nag kanilang kalaban. Pagkatapos nito ay patutuyuin nila ito bago kainin.

At ito na ang huling alas ng barikadang ito!

Ito rin nag rason kung bakit hindi agad inilabas ni Marvin ang kanyang tunay na lakas kanina.

Kung nalaman agad ng kanilang kalaban kung gaano siya kalakas, mas makakasama pa ito kesa makatulong sa kanila.

Gusto niyang mabigla ang mga ito!

Mabalasik namang sumugod ang Asuran Bear. Ang mga biyas nito ang kanyang pinakamalakas na sandata.

Ilang kaawa-awang mga Goblin, Gnoll, at mga Kobold ang napahitaw sa sakit nang durugin sila ng mga kamay o paa ng Asuran Bear!

Pinatalsik sila ni Marvin, pero napakarami pa rin nila.

Hindi nagtagal, nakapagbukas na si Marvin ng daan.

Lahat ng mga nilalang ng Underdark ay nakatingin kay Marvin, makikita ang takot sa mga mata nito.

Ganito ang mga nilalang ng Underdark, sinasamba nila ang malalakas. Basta maipakita mo sa kanila ang iyong lakas, susundin ka nila.

Syempre, ang kinikilala nila ay ang lakas, at hindi ang tao mismo.

Gayunpaman, kahit natatakot na sila, hindi nila pwedeng suwayin ang utos ni Lady Tess.

Siya ay isang Apostle ng Black Dragon.

Ang kagustuhan niya ay ang kagustuhan ng Black Dragon!

Lahat ng mga Dark Race ay muling inipon ang kanilang lakas ng loob para muling palibutan ang grupo nina Marvin.

Noong mga oras na iyon, biglang tumigil si Marvin at napa-atras ng kaunti.

Binuksan niya ang kanyang bunganga at biglang umatungal nang napakalakas!

Indimidating Roar!

Ang pambihirang kakayahan ng Asuran Bear.

Sa isang iglap, nagkagulo ang lahat ng Dark Race.

Mahina lang ang kanilang willpower. Lalo pa at umaasa lang sila sa suporta ng Black Dragon.

Natakot sila sa Intimidationg Roar at biglang nagkagulo ang kanilang mga hanay.

Bigla nilang inapakan at inatake ang isa't isa na parang mga sundalong walang disiplina.

Samantala, ang mga kabalyero naman ay umagapay sa mga mamamayan habang papalapit sila sa pader ng Hope City.

Naaaninag na nila ang mabagal na pagbubukas ng gate ng siyudad.

Hindi sila sinikuan ng Hope City.

Hindi sila sinukuan ng Three Sisters!

Halos maluha silang lahat habang patuloy sila sa kanilang pagtakbo. Kahit na sugatan sila, at matindi na ang pananakit ng kanilang mga paa, hindi nila ininda ito at mas binilisan pa ang pagkilos.

Dahil papalapit pa rin ang anino na nasa likuran nila!

Ang Underdark Venom Drake!

Nasa likuran ng grupo ng mga tao si Marvin. Nang makita ng Venom Drake na malapit na sila sa siyudad binilisan pa nito ang paghabol sa kanila.

"Mister Robon!" Si Guy na magiging Wind Knight sa hinaharap ay biglang napasigaw sa pag-aalala!

"Sumunod ka lang sa kanila!" Sigaw ni Marvin, "Pumasok na kayo, bilis."

Kinuyom ni Guy ang kanyang ngipin at sinunod ang utos ni Marvin.

Sa loob ng ilang sandali, isang malawak na espasyo ang lumitaw sa harap ng Hope City.

Mag-isa na lang ang Asuran Bear na hinaharap nag lahat ng halimaw ng buong barikada, kasama na dito ang Underdark Venom Drake!

Pero hindi natatakot si Marvin.

Kahit na makapangyarihan ang Venom Drake at may kauntin lamang sa Asuran Bear, ang isa pa niyang anyo ay kayang-kayang talunin ito!

Dahil hindi tinatablan ng kahit anong uri ng lason ang Two-Headed Snake!

Mahinahon lang na inintay ni Marvin na makalapit ang kanyang kalaban.

Umatungal ang Venom Drake at pinagaspas lalo ang kanyang mga pakpak, tila naghahanda na itong lusubin siya.

Pero pinaghandaan na ito ni Marvin!

Nang biglang isang makapal harpoon ng ballista ang lumipad sa ilalim ng paa ng Venom Drake!

Ang nakakatakot na harpoon ng ballista ay lumipad at tumama sa grupo ng mga halimaw. Sa isang iglap, natuhog nito ang pito o walong Goblin!

Nataranta naman sa pagpagaspas ng kanyang pakpak ang Venom Drake at lumipad pataas.

Hindi niya ibubuwis ang kanyang buhay para sa ganitong kalaban.

Lahat ng Dark Race ay tumigil sa paghabol at umatras na ang mga ito.

At dahil sa suporta ni Marvin, biglang nagsimula nang mabuwag ang barikada. Tila nakahanap ng kahinaan ang mga tao, kaya naman nakalusot sila dito at nakatakas nang buhay.

Nakahinga nang maluwag si Marvin.

Dahan-dahan siyang tumalikod at napansin nag isang babae sa city wall na pinagmamasdan siya.

Isang pamilyar na nilalang ang naka-upo sa balikat nito.

Ang Fortune Fairy na si Ding.

Biglang napunta ang tingin ni Marvin sa ibang lugar, nakita niya ang sampung ballista na muling kinakargahan ng bala sa magkabilang dulo ng city wall.

Bawat ballista ay minamanduhan ng isang malakas at matipunong lalaki. Kahit pa hindi gumagana ang harpoon ng ballista sa Dragon, malaking banta na ito para sa isang sub-Dragon species gaya ng Venom Drake.

Bukas na bukas na ang gate ng siyudad, at bumuhos ang grupo ng mga tao papasok dito.

Lumiit ang katawan ni Marvin at biglang nawala sa kanyang kinatatayuan!

Shadow Escape!

Ilang mabilis na galaw lang, nakahabol na siya sa grupo ng mga tao at muling ginamit ang kanyang Disguise.

Ang lugar sa ibaba ng city wall ay muling nawalan ng tao.

Sa loob ng Hope City.

Hinati-hati ang grupo at inilagay sa iba't ibang lugar.

Ang mga sugatan ay pinagamot, ang mga pangkaraniwang tao, lalo na ang mga babae at bata, ay pinadala sa isang malaking refuge center. .

Ang mga magsasakang may sapat na lakas ay bibigyan ng sandata kung gusto nila. Lalo pa at kritikal ang kalagayan ng Hope City.

Kailangan nila ang tulong ng lahat.

Ang mga organisasyon gaya ng Silver Fox Mercenaries ay pannadaliang isinama sa mga gwardya ng siyudad, at ang nakareserbang military ay maaaring ipatawag ano mang oras.

Mararamdaman ang tensyon sa city wall.

Nakadama ng pangamba ang mga tao habang kaharap nag mga Dark Race na matagal nang hindi nagpapakita.

Pero sa tuwing tumitingala ang mga ito, at makikita nila ang isang maliit na anino na nakatayo sa city wall, tahimik lang na nakatingin sa malayo, kahit paano ay napapanatag ang kanilang kalooban.

Dahil alam nila na mayroon pa ring nagbabantay at pumuprotekta sa siyudad na ito.

Ang Hope City ay sama-samang binuo ng Three Sisters. Umalis man ang dalawa sa mga ito, pero basta nandoon si Lady Lorie, magiging maayos ang lahat.

Mayroon pa ring pag-asa!

Sa gitna ng napakaraming tao, tila balisang hinahanap ng Head Knight na si Terry ang isang tao.

Pero sa tuwing magtatanong siya, sasagutin lang siya ng "hindi ko nakita","Hindi ko alam", o "Salamat".

Walang nakatulong sa kanya.

Sinusubukan niyang hanapin ang "Druid" na iyon!

Ito ang utos ng Lady Lorie.

Hindi na ikinagulat ni Terry ang utos na ito. Sa isang kritikal na oras, kailangan nila ang lahat ng tulong na mahahanap nila.

At ang Sir Druid na ito, na nagawang mag-Shapeshift sa isang malaking Asuran Bear, ay siguradong malakas at makapangyarihan.

Matalino rin ito, dahil alam niya kung kalian ang tamang oras para kumilos para maiwasan ang pakikipagaban sa Venom Drake at ligtas na madala ang mga tao sa loob ng siyudad.

Kailangan niyang mahanap ang makapangyarihang taong ito!

Pero ang ikinalungkot nito ay walang mamamayan ang nakakakilala sa taong ito!

Pagkatapos pumasok ng taong iyon sa siyudad, agad siyang nawala.

Kaya tila imposible nang mahanap siya.

Hanggang sa nakakuha siya ng kaunting impormasyon mula sa pinuno ng mga mersenaryo.

"Hinahanap mo si Mister Robin?"

"Nakaktakot nga ang lakas niya. Noong una kala naming hindi siya marunong makipaglaban kaya pinapwesto naming siya sa gilid, para hindi siya mahirapan."

"Pero hindi naming inasahang napakalakas pala niya, tamang-tama ang pag-atake niya at nailigtas niya kami."

"Hindi pa nga naming siya napapasalamatan ng maayos."

Biglang pinutol ni Terry ang tuloy-tuloy na pagsasalita ng pinuno ng mga mersenaryo at sinabing, "Pasensya na, ang gusto ko lang malaman sa ngayon ay kung nasaan si Mister Robin."

Nagkibit-balikat ang pinuno. "Walang nakaka-alam."

Bumuntong-hininga si Terry at tiningnan ang napakaraming tao sa paligid bago tuluyang bumalik sa city wall.

"Hindi mo siya nahanap?" Tahimik na tanong ni Lorie.

Tumango si Terry.

"Sige, ibang bagay na lang ang asikasuhin mo."

"Sa ibang tao ko na lang ipapagawa 'to," mahinahong sabi ng batang babae.

Kahit pa nag-aatubli ang Head Knight, sumunod pa rin ito.

Sa labas ng refuge center, si Marvin at Guy at magkatabing nakatayo.

"Sir, ito na 'yung bagay na gusto niyo."

Inabot ni Guy ang isang scroll at ilang libro kay Marvin.

"Ito ang talaan ng pamilya naming. May kinalaman 'yan sa Source of Fire's Order. Dinala mo ko dito nang ligtas kaya sa iyo na 'yan."

Dahan-dahan namang kinuha ni Marvin ang scroll at ang mga libro. Nakipagkasundo ito kay Hera dahil sa mga bagay na ipinangako nito bilang kapalit.

Pero kalaunan, nag-iba na ang sitwasyon. Hindi na lang ang kanilang kasunduan ang dahilan ng pagtulong ni Marvin sa mag-ina.

Namangha siya kay Hera.

Saglit na natahimik si Guy, pero hindi ito lumapit sa refuge center.

"Guy, saan ka magpupunta?" Hindi mapigilang tanong ni Marvin.

"Sir Robin, lumaki na ko. Hindi na bagay sa akin ang pangalang Guy."

Tinuro ng binata ang kasunod na refuge center. "Gusto kong pumunta doon."

Sinundan ni Marvin ang tingin ang tinuturo ng bata, at nakitang iyon ang lugar kung saan nagbibigay ng sandata.

"O'Benson ang tunay kong pangalan. Hindi na mahalaga ang apilyedo ko. Baka gamitin ko na lang din ang Hera."

"Masaya ako na nakilala kita, Sir Robin," dagdag pa ng nanghihinang binata."

Pagkatapos sabihin ito, nagsimula na itong humingi ng sandata.

Nang biglang may tumapik sa balikat nito.

Lumingon si O'Benson at nagulat, ang nakita niya ay isang binatang ka-edad niya.

"Masaya rin akong nakilala kita, O'Benson," tapat na sabi ni Marvin.

Makikita ang gulat sa mga mata ni O'Benson!

"Ikaw si…"

Sinenyasan siya ni Marvin na huwag maingay at agad na muling bumalik sa pagiging si Robin.

Ngumiti siya kay O'benson at tumalikod para maglakad palayo.

Pero hindi pa siya nakakalayo, isang dismayadong boses ang kanyang narinig:

"Hindi mo man lang binabati ang kakilala mo. Masamang pag-uugali iyan!"