Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 263 - Life and Death Blockade!

Chapter 263 - Life and Death Blockade!

Hope City.

Ang nasa malayong Hope City ay may napansin din kakaiba nang biglang naglabasan ang mga Dark Race.

Mabilis ang naging tugon ng bayan ng Tree Sisters. Agad silang nagdeklara ng state of emergency.

Sa iliam ng pamumuno ni Lorie, inalerto ang pwersang military ng Hope City.

Nagpadala sila ng mga Scout at mabilis na pumasok ang impormasyon sa Hope City.

Sa pader ng siyudad, isang batang babae na may kulay lila na buhok ang nakatingin sa malayo.

Kahit na nababalot na ng itim na ulap ang kalangitan, kahit papano ay nakakatanggap pa rin ng sinag ng araw ang Rocky Mountain.

At ang sinag ng araw na ito ay maaaring magdulot ng pinsala sa mga Dark Race, kahit pa kakaunti lang sa kanila ang tamaan.

Nakakakita siya nang malayo dahil sa kanyang espesyal na kakayahan.

Isang itim na itim na barikada ang natapos na.

Mukha itong itim na ahas, nakapalibot ito sa Lion Town at sa Hope City, at naiipit nito ang mga lumilikas!

"Mga Dark Race…. Napasok na ang Lion Town." Isang mahinang pagbulong ang maririnig mula sa bibig nito.

Seryoso ang mukha ng Knight na nasa tabi niya.

Bilang pinuno ng siyudad na ito, ang tatlong magkakapatid may tunay na kapangyarihan dito. Noong una ay matatag ang pamamahalang ito dahil kay Jessica.

Pero ngayon, may mga bakas na ng kaguluhan ang lumitaw sa Hope City!

Nakapasok na ang mga Dark Race!

Ang impomasyon ay kumalat sa lahat at nagdulot ito ng malaking kaguluhan.

Walang Legend na nagbabantay sa Hope City sa ngayon!

Ang pinakamalakas sa Three Sisters ay kasalukuyang nasa hangganan ng Chaos Ground, at sinusubukang hulihin ng Black Dragon na nanggugulo sa Rocky Mountain.

At si Kate, na nagpakita ng paggaling sa kanyang mga abilidad, ay nagsama rin ng ilang tao para magpunta sa isang mapanganib na lugar sa dakong kanluran para mag-imbestiga tungkol sa mga bulalakaw.

Tanging so Lorie, ang pinakabata sa magkakapatid, ang naiwan.

Kahit pa mahal ng mga mamamayan si Lorie, masyado pang bata ito. May iilang taong handang ipagkatiwala kay Lorie ang Hope City.

.

Kung hindi dahil sa pagkontrol sa sitwasyon ng mga gwardya at sa reputasyon ni Jessica, baka nagkaroon na ng pag-aalsa sa loob ng Hope City.

Kahit pa ganito, kumalat pa rin ang kaba sa buong Hope City.

Inimpaki na ng mga Merchant ang kanilang mga ari-arian at nagtungin pa-kanluran, habang ang mga mahihirap naman ay nagtitipon-tipon at nais na makakalap ng karagdagang impormasyon.

.

Sa mga oras na ito, nasa bingit na ng kaguluhan ang siyudad.

Pero pagkatapos magpakita nang personal ni Lorie, mas bumuti ang lahat.

Matalino ang batang babae na ito. Mayroong siyang pambihirang abilidad sa pamumuno at pamamahala.

Umpisa pa lang, ipinatawag na niya ang mga pinakatapat na gwardya.

At ang Head Knight na si Terry na nasa tabi niya, ay ang pinakatapat na taga-sunod ng magkakapatid.

Nanggaling ang utos kay Lorie at mahigpit naman itong pinapatupad ng mga gwardya!

Tipunin ang hukbo. Pagsilbihin ang mga adventurer. Ipadala ang mga gwardya para palikasin ang mga mamamayan sa mga katabing bayan. Tawagin ang in-exile na organisasyon ng mga Sorcerer na [Demonic Hand]. Magbukas ng maaaring tuluyan ng matatanda at mga bata. Bigyan ng sandata ang lahat para maproteksyonan ang kanilang mga sarili.

Maayos na pinatupad ang mga utos na ito.

Dahil dito, kahit paano ay napanatag ang mga tao.

Tiningnan nila ang maliit na anino sa taas ng pader ng siyudad, at hindi nila mapigilang makaramdam ng matinding paggalang dito.

Bago ang pangyayaring ito, ang batang ito ay laging masunurin sa kanyang dalawang nakatatandang kapatid.

Napakaganda nito at napakainosente.

Hindi nila inaasahan na sa oras ng digmaan, magiging mahinahon ito at makatwiran.

Kahit ang Head Knight na katabi nito ay ito ang unang beses na nakita niyang umastang pinuno ang batang ito.

"Pangkaraniwan lang ang Endurance ng mga Ahkeg. Kahit pa hindi natin sila gamitan ng magic, hindi rin tatagal sa pagtatrabaho ang mga tamad na halimaw na iyan.

"Kung wala ang mga Ankheg, mahihirapan silang makapask sa Hope City. Alam naman siguro ito ng namumuno sa mga Dark Race."

"Kaya, aatakihin nila ang Hope City sa loob ng tatlong araw. Sa araw na iyon, papatayin na nila ang lahat ng natitirang tao. Lalo pa at sa paningin ng mga Dark Race, pagkain lang ang mga tao sa lupa."

Bumulong si Lorie, makikita ang lungkot sa mga mata nito, "Tito¹ Terry, hindi ba talaga natin maililigtas ang mga taong iyon?"

(T/N1: Isang uri ng pagtawag.)

Nnatiling tahimik ang Head Knight.

Nakapaghanda na nag Hope City.May tiwala siya na sa pamumuno ni Lady Lorie, malalabanan nila ang mga Dark Race.

Isa pa, sa laki ng pagkilos na ginawa ng Dark Race, siguradong mapapansin ito ng makapangyarihang si Lady Jessica.

Kung bumalik ang Fare Sorceress sa Hope City, ang skill ng Legend na ito ay siguradong kayang talunin ang mga Dark Race!

Pero ang mga taong tinutukoy ni Lady Lorie ay ang mga mamamayan ng mga bayan at siyudad sa pagitan ng Lion Town at Hope City. Mababa ang tyansang mabuhay pa ang mga ito.

Kahit na madilim ang kalangitan nakakakita pa rin sila sa malayo mula sa pader ng siyudad.

Ang itim na barikada ay kitang-kita. Kahit na hindi pantay ang barikada, walang lugar na walang halimaw ng Underdark.

Mga Goblin, Gnoll, at mga Kobold ang karamihan sa bumubuo ng barikada. Ang mga nilalang na ito ay hindi gaanong malakas pero marami ang mga ito.

At ang pinakamalakas, ang Quaggoth at Fomorian ang tunay na nakakatakot!

Sila ang nasa gitna ng barikada. Kahit anong parte ng barikada ang masira, darating ang mga ito para punan ang mga butas.

Kakakita lang nila ng isang grupo ng mga kabalyerong mabilis natalo.

Grupo ito ng mga kabalyero na nagmula sa mga bayan na katabi ng Lion Town.

Higit sa dalawampung kabalyero ang nagmadaling pumasok sa butas sa barikada.

Sa kasamaang palad ay nahuli ang mga ito ng mga Fomorian!

Mayroong mga mas matitikas na mga Ogre pero hindi ganoon katalino. Karamihan ng mga Fomorian ay may mataas na magic resistance habang mayroong itong gamay na isa o dalawang mga spell.

Ito ang pinakamahirap kalabanin sa lahat.

Hindi moa lam kung anong klaseng spell ang gagamitin nito. Hindi moa lam kung Fire Tongue o Ice Cone ang biglang lalabas habang kinakalaban mo ito.

Sa madaling salita, ang mga Knight na lumusot sa barikada ng mga goblin at mabilis na natalo ng mga Fomorian.

Umaasa ang mga halimaw na ito sa matibay nilang panganagtawan para talunin ang mga kabalyero.

Idagdag pa rito na mayroon silang mga katulong.

Sa dami man o sa lakas, wala silang magawa laban dito.

Ang barikadang ito ang linya ng kamatayan o buhay para sa mga tao na nasa lupa.

"Silipin niyo ang refuge center."

"Kung patapos na sila doon, isarado na ang gate ng siyudad." Sabi ni Lorie.

"Ang mga tao sa paligid ay nagkalat na at nakahanap na ng mga matutuluyan. Mabuti na lang at sapat ang mga itinayong refuge center nang itinayo ang siyudad, kung hindi kailangan natin siyang pagkasyahin," ulat ng Head Knight na si Terry paglipas ng ilang sandail.

"Ano mang oras ay maaari nang maisara ang gate. Ang mga kabalyerong pinadala namin ay nakabalik na."

Tumango si Lorie.

Ibibigay na sana niya ang kautusan.

Nang biglang nagkaroon ng komosyon sa dakong hilaga ng barikada.

Tiningnan niya itong mabuti.

Mayroong nangyayari.

Isa itong bayan sa dakong hilaga ng Lion Town.

Dahil narinig nila ang babala ng Lion Town, nakapaghanda ang mga ito bago nakarating ang mga Dark Race.

Karamihan sa mga ito ay namatay pa rin dahil sa mga Dark Race, pero may maliit na grupong nagawang makatakas.

Maraming mga inosenteng mamayan na kasama ang mga ito.

Nasa 100 ang bilang ng mga ito at sinsamahan sila ng isang malaking grupo ng mga mersinaryo.

Nasa 80 ang bilang ng mga mersenaryo. Mabagal ang kilos nila, pero dahil sa dami nila, may pag-asang makalusot ang mga ito sa barikada!

Basta makalusot sila sa barikada, makakaabot na sila sa Hope City.

Kaya naman ginawa nila ang lahat ng makakaya nila.

"Mayroon pa ing grupo ng mga mesinaryo na ganito ka-dedikado?" Pinanuod din ni Terry ang pangyayari.

Ang grupo ng mga mersinaryo ay may hawak na anim na bandera ng Silver Fox, isa sa mga pinakasikat na organisasyon ng mga mersinaryo sa Chaos Ground.

Isang malaki grupo ng mga mersinaryo na may magandang reputasyon, at mukhang sila na ang kumuha ng misyon na protektahan ang bayan na ito.

Ngayon, paglikas ng mga mamamayan ay sinamahan pa nila ang mga ito.

Sa katunayan, kapag inabandona nila ang mga taong ito na walang alam sa pakikipaglaban, mas malaki ang tyansa nilang makapasok!

Pero hindi nila ito ginawa.

Sa unang pagkakataon ay napa-atras ang barikada.

Ang mga mersinaryo ay umatake gamit ang triangle formation. Pinangunahan ito ng isang malakas na taong may dalang dalawang greatsword.

Ito ang pinuno ng mga mersinaryo. Gumagawa siya ng daan mag-isa sa laban na ito, pinangunahan niya ang pagpasok ng lahat sa barikada!

"Hindi maganda ito, kailangan natin silang tulungan!" Sumimangot si Lorie.

Kinuyom ng Head Knight ang kanyang ngipin. "Kahit na buo pa ang kabalyero natin, posible pa rin silang matalo dahil sa dami ng mga halimaw."

"Malaki ang tyansang mamatay silang lahat bago pa makarating ang kabalyero natin. Masyadong marami ang mga halimaw."

Nanatiling tahimik si Lorie.

Alam niyang tama si Terry.

Hindi matalinong isakripisyo ang kanilang mga kabalyero para sa ilang daang tao. Isa pa ay kapag nawala ang mga ito, bababa na ang tyansang mabuhay ang Hope City. Hindi ito ang pinakamagandang gawin.

Pero para sa kanya, hindi lang ganoon kadaling kalkulahin ang buhay ng tao.

Kinuyom niya ang kanyang kamao. "Ipadalamo ang mga kabalyero."

"Kailangan natin silang iligtas."

"Kahit anong mangyari, kailangan nating subukan."

Tiningnan ito ni Terry at gamit ang isang paggalang ng isang Knight at sinabing, "Opo!"

"Ako mismo ang mamumuno sa kanila!"

Nagulat ang batang babae. "Tito Terry!"

Pero sa pagkakataong ito, hindi na lumingon ang Head Knight sa pader ng siyudad.

...

Unti-unting bumukas ang gate ng Hope City.

Isang maliit ng grupo ng mga kabalyero na nasa tatlumpu ang bilang ang nagmadaling pumunta sa barikada!

Hindi nagtagal ay nakarating na ito sa hangganan ng barikada.

Sa pamumuno ni ng Head Knight na si Terry, sapilitan nilang sinira ang linya ng mga halimaw at matagumpay na nakipagsama sa grupo ng mga mersennaryo.

"Sundan niyo kami palabas!"

Sigaw ng Head Knight na si Terry.

Nagtulong-tulong ang lahat at sinundan ang mga Knight patungong kanluran.

Pero noong mga oras na iyon, limang Fomorian ang humarang sa kanila.

Kasunod ng mga Fomorian ay mga Quaggoth at isang grupo ng mga Dark Elf!

Pilit naman silang tinutulak pa-abante ng mga Kobold at Gnoll.

Mas tumindi ang panganib na kinakaharap ng mga tao.

"Hindi maganda ito." Makikita ang pag-aalala sa mukha ni Lorie.

Kahit na si Terry ay isang 3rd rank expert, masyadong marami ang kalaban.

Kung hindi nila kayang talunin ang mga Fomorian, malalagay sa panganib ang grupo ng mga Knight!

"Tito Terry…"

Tahimik na nagdasal si Lorie, "Dapat ligtas kang makabalik…."

Pero bigla itong may narinig na boses sa kanyang tenga. "Wag kang masyadong mag-alala."

"Siguradong makakalagpas sila diyan."

Isang matabang nilalang ang umupo sa kanyang balikat.

"Ding?"

Kabadong tiningnan ni Lorie ang barikada.

Mabilis silang napalibutan ng mga Fomorian, at kung hindi sila makakalabas, hindi rin makakalabas ang mga kabalyero.

Kasalukuyang hindi kayang harapin ng Hope City ang mga nilalang ng Underdark.

Pero pinabagal ng mga mamamayang iyon ang pag-abante ng mga ito.

Ilang babae ang hawak pa rin ang kanilang mga anak!

Nagsisimula na ring bumagsak ang mga mersenaryo. Ang pinuno ng mga ito ay nakatamo ng pinsala sa tuhod at paika-ika na, kailangan na niya ng kaagapay para maka-usad.

Mukhang malinaw na ang kahahantungan ng grupong ito.

"Masyado akong nagpadalos-dalos.

masama ang loob namang hinawakan ng batang babae ang kulay lila niyang buhok.

"Hindi, tama ang naging desisyon mo."

Tumingin si Ding at sinabing, "May nararamdaman akong pamilyar na tao sa grupong iyan."

"Ano pang hinihintay niya?"

Ano pang hinihintay ni Marvin?

Naghihintay siya ng pagkakataon para kumilos!

Pagkatapos nilang umalis ng kamalig, nakasalubong nila agad ang mga Silver Fox. Ang mga mababait na mersenaryo ay isinama sila.

Nagpatuloy lang sila sa pag-abante at tila makakalusot na sila ng barikada.

Noong mga oras na iyon, papalit-palit si Marvin sa shotgun at sa dalawa niyang pistol, dahil ayaw niyang mapansin ng Dark Commander ang lakas niya!

'Konti na lang!'

'Konti na lang para maka-abot sa Hope City!'

Naghihintay lang siya ng pagkakataon.

Kapag kumilos siya, mapapansin ni Lady Tess ito. At kapag nangyari iyon, isang grupo ng mas malalakas na halimaw ang ipapadala nito para harangan sila, at mas lalong mawawalan ng pag-asa ang grupo nila.

Kaya kailangan niyang habaan ang pasesnsya niya.

Kailangan niyang masurpresa ang mga ito!

Natuwa naman siya sa pagtulong ng mga kabalyero. Mukhang kung sino man ang namumuno sa hope City ay may pakielam pa rin sa buhay ng mga tao.

Nakapasok ang grupo sa barikada at nagkasama na sila.

Nang biglang palibutan sila ng limang Fomorian!

Makikita ang takot sa mata ng lahat.

Ang mga Fomorian ay malalaki at matitikas, nasa 2.5 na metro ang taas ng mga ito!

Bumagal din ang mga kabalyero.

"Tulungan natin sila!" Sigaw ng pinuno ng Silver Fox.

Malaki ang pagpapahalaga ng taong ito sa pagkakaisa.

Isa-isa namang itinaas ng mga mersenaryo ang kanilang mga espada.

Tahimik at nagpapasalamat naman nilang tiningnan ang mga mersenaryo.

Alam nilang kung hindi dahil sa kanila, nakalusot na sana ang mga ito sa barikada.

Kahanga-hanga ang mga taong ito.

"Hindi ko na kayang pangunahan ang pag-atake."

Itinaas ng pinuno ang espada nito. "Kaya naman, sama-sama tayong lumaban!"

"Sugod!"

Sumigaw ang lahat, mga hindi papatalo at hindi natatakot mamatay nilang sinugod ang limang Fomorian!

Nang bilang isang anino na kasing bilis ng kidlat ang biglang nanguna.

"Magbubukas ako ng daan," sabi nito.

Kahit na sa gitna ng gulo ng labanan, malinaw na maririnig ang boses ni Marvin.

Malapit na silang maabot ang gate ng Hope City, kaya hindi na niya kailangan itago ang kanyang lakas.

Oras na para sa huling pagbuhos ng lakas para makalagpas sa barikada!

Mabilis itong umatake at sa harap ng lahat ay biglang lumaki ang katawan nito!

Shapeshift Sorcerer, Beast-Shape!

Ang nakakatakot na Asuran Bear ay pinatalsik ang 8 hanggang 9 na Goblin sa isang atake lang!

"Roaaaaar!"