Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 262 - Wind Knight

Chapter 262 - Wind Knight

Ang Book of Nalu… Kahit na isa lang itong manipis na pahina, walang hanggang kapangyarihang ang taglay nito.

Ang Soul Strip ay isa lang sa mga pinakamadaling kontrolin na Taboo Skill sa loob nito.

Subalit, mapanganib ang kapangyarihan nito.

Kung hindi lang ginalit si Marvin, hindi nya gugustuhing gamitin ang ability na ito.

Sa pangalan pa lang ay malalaman nang hindi ito dapat ginagamit.

Ang ritwal ng Soul Strip ay ginawang taga-sunod si Raven gamit ang makapangyarihang abilidad nito na ma-impluwensyahan ang pag-iisip ng tao.

At si Marvin, bilang nagmamay-ari ng ika-anim na pahina, ang naging master ni Raven.

Pero ang mayroong itong kapalit: Kailangan ding indahin ni Marvin ang malalakas na pag-atake sa kanyang will.

Kung hindi makakayanan ni Marvin ang mga pag-atake, magiging taga-sunod din siya ng Book of Nalu.

Sa tantya ni Marvin sa kanyang willpower, kaya niyang makakuha ng dalawang taga-silbi.

Isa na rito si Madeline, at si Raven naman ang isa pa.

Ang Dark Elf ay isa na talaga sa mga napilit ni Marvin.

Ang likas na willpower ng race nila ay mababa, at madali silang matukso ng kanilang mga ambisyon, at hindi nila kayang pigilan ang mga kagustuhan nila. Ang mga Dark Elf ay sobrang daling himukin kaya naman mas madali silang ma-kontrol.

Malakas ang willpower ni Raven kung ikukumpara sa isang pangkaraniwang Dark Elf.

Naramdaman ni Marvin ang sakit sa kanyang utak paminsan-minsan.

Pahiwatig ito na malakas ang kanyang willpower.

Ang ibig sabihin nito, malaki ang pinagdaanang hirap ni Marin para sa mga willpower check.

'Noong una, binalak ko lang gamitin ang Book of Nalu kapag wala na kong iabnag mahanap na paraan.'

'Pero pinatay mo si Hera at nagtawag ka ng grupo ng mga Dark Elf dito kaya wala na kong magagawa,' tahimik na isip ni Marvin.

Siya at si Hera ay mayroong lang isang kasunduan. Walang espesyal na nararamdaman si Marvin para sa kanya.

Pero mayroong siyang anak.

Tahimik siyang naghirap para lang mabigyan ng magandang kinabukasan nag kanang anak.

Masasabi ni Marvin na ang taong ito na dating isang Noble ay nagpakahirap sa isang mapanganib na bayan gawa ng Lion Town para sa kanyang anak.

Nagdesisyon siyang isakripisyo ang kanyang sarili para maitakas ni Marvin ang kanyang anak at para hindi siya magamit laban dito.

Hindi man lang ito nag-alinlangan.

Ito ang kumurot sa puso ni Marvin.

Isang ina na handang ibigay ang lahat para sa kaniyang anak.

Sa katunayan, walang ginawang masama si Raven sa paghahangag ng kanyang kalayaan.

Pero hindi niya rin inasahan na gagawin ni Hera ang bagay na ito para lang maprotektahan ang kanyang anak.

At ngayon, paninindigan ni Marvin ang kanyang salita.

Ligtas niyang dadalhin si Guy sa Hope City!

Sa labas ng kamalig, maririnig ang mga yabag.

Ito ay isang pangkaraniwang grupo ng mga Dark Elven Scout.

Dapat ang karamihan ng mga Dark Elf ay sinusugod pa rin ang Lion City. Pero malinaw na pumunta lang agad ang grupong ito dahil kay sa pagtawag ni Raven.

"Gumawa ka ng gulo, ayusin mo," seryosong sabi ni Marvin.

Binigyan niya si Raven ng antidote.

Mawawala na ang pamamanhid sa loob ng tatlumpung segundo.

"Patayin mo sila."

Ito ang utos ni Marvin.

Kinuha niya ang dagger na inabot ni Marvin kasabay ng paglabas ng rune ng God of Deception sa kanyang mga mata, saka ito mahinahon na umalis.

"Guy…"

"Patay na ang mama mo. Kailangan na natin umalis, ah?" Malumanay na sabi ni Marvin habang sinusubukang pakalmahin ang bata.

Nang biglang ang batang lalaki na tahimik na niyayakap ang bangkay ng kanyang ina ay biglang umiyak.

Ito ang unang beses na nakita ni Marvin na umiyak ang bata.

Kahit noong nakuha ito ng Azymyth, hindi umiyak ang batang ito.

Pero ngayon ay humahagulgol na ito.

Kakaiba ang pag-iyak nito. Mahina lang ang ingay nito pero malakas ang paghinga nito na para bang isang nakakatakot na halimaw!

Ang ikinagulat ni Marvin ay kulay asul ang luha ni Guy!

'Tama ba ang nakikita ko? Dahil ba madilim?"

Kinusot ni Marvin ang kanyang mata.

Pero natuliro siya sa sunod niyang nakita!

Habang umiiyak si Guy, dahan-dahang lumalaki ang katawan nito.

Nagsimula nang mapunit ang damit nito dahil sa paglaki ng kanyang katawan.

Sa isang iglap, mula sa pagiging 4 na taong gulang na bata, naging binata ito!

Ang pagkabata at pagkainosente nito ay makikita pa rin sa kanyang mukha pero lumaki na ang kanyang katawan.

Nangyari ito sa loob lang ng ilang segundo.

Sadyang nakakabigla!

Kung hidni lang napansin ni Marvin ang ilang bakas ng [Shapeshift], iisipin niyang resulta ito ng isang spell.

Pero walang enerhiya ng skill o ano mang senyales ng spell!

Isa itong natural na pakiramdam.

'Ito ay…. Kapangyarihan ng bloodline?'

Naramdaman ni Marvin na may mali.

Biglang pinunasan ni Guy ang kanyang mga luha.

Muling bumalik ang pagiging kalmado nito.

"Noong bata pa ako, ang sabi ni mama sa akin: – Guy, wag kang iiyak –"

"Sa katunayan, hindi lang pag-iyak ang bawal, hindi rin ako dapat ngumiti."

"May mga bagay na hindi ko na kailangan matutunan. Nararamdaman ko na lang itong pumapasok sa isip ko…"

"Sir Robin, tara na."

Dahan-dahan itong tumayo, at makikita ang kalungkutan sa mukha nito, pero makikita rin ang pagiging metatag nito.

Kaya ring kontrolin ng batang ito ang kanyang pag-iisip?

Manghang-mangha namang tinitigan ni Marvin si Guy. Namumukhaan niya ito!

'Teka… Hindi ba siya ang pinakasikat na tao sa Rocky Mountain, kasunod ng Three Sisters noong panahon pagkatapos ng Calamity? Ang [Wind Knight] na si O'Benson.

Biglang napagtanto ni Marvin.

Hera ang apilyedo ng Wind Knight na si O'Benson

Wing Knight.

Sa laro, isa siyang kilalang tao sa Rocky Mountan, bukod sa Three Sisters.

Ang taong ito ay hindi kilala dahil sa paulit-ulit niyang pagprotekta sa Hope City.

O dahil wala pang siyang kinalaban na avatar ng god ang nabuhay

Kundi, dahil sa kanyang mukha.

Gwapo si O'Benso, pero sa hindi malamang dahilan, hindi ito ngumingiti, at wala pang nakakita sa kanyang umiiyak.

Pagkatapos nito, isang expert ang gumawa ng isang hidden quest mula sa Wind Knight at saka lumabas ang katotohanan.

– Si O'Benson ay may espesyal na bloodline. –

Galing siya sa pamilya ng isang Overlord sa Norte, at ang Overlord na ito ay may espesyal na bloodline tulad ng mga Hammon. Mayroong sumpa sa kanila na sa mga lalaki lang naipapasa.

Hindi sila maaaring magkaroon ng pagbabago sa emosyon.

Hindi sila pwedeng umiyak, hindi sila pwedeng ngumiti.

Kapag ngumiti o umiyak sila, katumbas ito ng paglipas ng sampung taon ng buhay nila!

Isa itong nakakatakot na sumpa, at dahil dito, hindi kailanman, maaaring magpakita ng emosyon ang mga lalaki sa kanilang clan.

Sinanay si Guy ni Hera para kontrolin ang emosyon nito, at kailanman ay hindi ito nawalan ng kontrol.

Pero dahil sa pagkamatay ng kanyang ina, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili.

Umiyak siya at nawalan ng sampung taon ng buhay niya. Lumaki ang kanyang katawan at nadagdagan din ang kanyang mga kaalaman, kasabay ng lakas ng kanyang bloodline. Sa isang iglap, naging isang 14 anyos na binata siya.

Sa madaling salita, ka-edad na ni guy si Marvin.

Isa itong kakaibang karanasan. Ang mga taong hindi nakaranas nito ay hindi-hindi malalaman kung ano ang pakiramdam nito.

At si Wind Knight O'Benson ay isang taong hindi magaling magsalita.

Bukod sa mga masamang epekto nito, nagbibigay ng malakas na abilidad ang sumpa. Kaya nilang manipulahin ang hangin at magkaroon ng magandang relasyon sa lahat ng nilalang na may kinalaman sa hangin.

Halimabawa dito ang [Asperi], o kilala rin bilang Wind Steed, na nakatira sa Roland Highlands, at Air Elementals.

Ito ang pinanggalingan ng pangalan na Wind Knight.

Sa laro, hindi gaanong pamilyar si Marvin sa Wind Knight. May kaunti lang itong nalalaman tungkol dito. Namatay ang ina niya dahil sa mga Dark Race. May isang beses na kinwento niya ang tungkol sa unang babaeng minahal niya, napangiti siya ng babaeng ito sa unang pagkakataon, at muli siyang pinaiyak. Kaya naman 20 taon na naman ng buhay niya ang nawala.

Ang mga clansmen na ito ay kadalasan umaabot ng 50 taon.

'Mukhang kahit hindi ako nakiela, mamamatay pa rin talaga si Hera sa dahol sa mga Underdark Race.'

'Mukhang mabubuhay naman na si Guy.'

Tumayo ito, at tinapik ang balikat ni Guy. "Tara na."

Nilabas ni Marvin ang Thousand Paper Cran at inilagay ang bangkay ni Hera sa loob.

Nagulat si Guy sa ginawa nito pero may tiwala siya kay Marvin.

Lalo pa ay ibinuwis ng taong ito ang kanyang buhay para iligtas siya mula sa kamay ng isang Azymyth.

Pinagkatiwala rin siya ng kanyan ina sa lalaking ito.

Kaya dapat niya lang siguro itong pagkatiwalaan.

Dahan-dahang lumapit ang dalawa sa pinto ng kamalig

Sa labas, patapos na ang ingay ng pagpatay.

Binuksan ni Marvin ang pinto. Wala na ang mga azymyth sa kalangitan, baka napagod na ang mga ito sa kalilipad at bumalik na sa Lion Town para muling sumama sa hukbo.

Marami pang sigurong halimaw na nagmula sa Underworld ang dumating at pinalibutan ang Lion Town.

Hinihingal si Raven, ang dalawang dagger niya ay balot ng dugo.

Anim na bangkay ng Dark Elf ang nakahandusay sa lapag.

Sadyang napakalakas ng isang elite na kapitan.

Isa pa, ang mga Darl Elf na ito ay hindi aakalain na ang kandidato para maging susunod na Matriarch at biglang aatakihin ang kanyang sariling mga tauhan!

"Master, tapos ko na ang inuutos ninyo."

Kumislap ang mga mata nito.

Pero tila nanigas ang katawan nito.

Sumimangot si Marvin.

Noong mga oras na iyon ay nakaramdam na naman siya ng sakit sa kanyang ulo.

Malinaw na lumalaban si Raven. Pero masyadong malakas ang Book of Nalu at sapilitang pinigilan ito.

Gayunpaman, matagmpay pa rin itong na-kontrol ni Marvin.

Pagkatapos nito ay binigyan niya muli ito ng isa pang utos, pinalibot niya ito sa paligid ng Hope City nang mag-isa.

Base sa sinabi nito, hindi madaling makakalusot sa pagharang ng mga ito

Kapag kinailangan niya ito, tatawagin niya ito gamit ang Book of Nalu.

Umalis na si Raven.

Sinama na ni Marvin si Guy at dumretso na tila papuntang Hope City!

Sa kasamaang palad, hindi maaaring magpasok ng buhay na tao sa Thousand Paper Crane, dahil madali lang para kay Marvin ang lusutan ang pagharang ng mga ito.

Maraming grupo ng halimaw ang makikita sa daan.

Pinangunahan ni Marvin ang pagsubok na makalusot dito.