Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 253 - Hook Horror

Chapter 253 - Hook Horror

Ang mahinang tunog ay papalapit nang papalapit.

Alam ni Marbin na ito ang tunog ng pag-kayod ng mga paa ng Hook Horror sa mga pader na bato.

Napansin niya lang ang Hook Horror dahil sapat ang taas ng Listen skill.

Ilang sandal pang nakinig si Marvin, at mabilis na naghinuha, "Isa lang, baka pinadala ang siya ng grupo niya para maghanap ng makakain.'

'Hindi naman siguro mahirap kalabanin ang isang pangkaraniwang Hook Horror.'

Pero hindi pa rin ito masyadong minaliit ni Marvin. Ito ay isang nakakatakot at mabagsik na nilalang ng Underdark. Ang ulo nito ay tila isang bwitre na mayrook mabutong kawit na kamay, at ang mga paa nito ay makakapal at may matatalas na kuko. PArang tao kung maglakad ang mga Hook Horror at kaya rin nilang umakyat ng mga pader. Ang makapal na talukab sa kanilang likod ay ang dahilan kung bakit hirap ang mga rogue class na kalabanin ang mga ito.

Hindi kayang lampasan ng isang ordinaryong Thief ang depensa ng likod ng isangHook Horror.

Tatangayin lang sila ng mga kawit at maaari pa nila itong ikamatay.

Kahit na may karanasan si Marvin na kalabanin ang mga ito, hindi pa rin siya magpapakakampante.

Pagkatapos niyang isipin ito, kinuha niya ang isang nakataling baboy-rami mula sa Thousand Paper Crane at ibinato ito sa lupa.

Buhay pa ang baboy-ramo! Isa ito sa mga malalim na misteryo ng Origami.

Kahit magpumiglas ito ay wala itong magawa dahil sa pagkagapos nito.

Ang ganitong klase ng pagpupumiglas ay madaling mapapansin at mahihikayat ang Hook Horror.

Pagkatapos ihanda ni Marvin ang lahat, gumamit na siya ng Hide para itago ang kanyang sarili sa gilid.

May kakaibang kakayahan ang mga Hook Horror na hiahayaan sila hanapin ang loksayon ng kanilang kalaban gamit ang mga hig frequency sound wave.

Pero nagtago si Marvin sa likod ng isang malaking bato, sapat na ito para hindi siya tamaan ng mga sound wave.

Hindi nagtagal, isang anino na ang lumitaw sa dulo ng kweba.

Isang Hook Horror.

Pinigil ni Marvin ang kanyang paghinga. Kaunti lang ang tyansa ni Marvin dahil ang ulo at ang puso lang ang kahinaan ng isang Hook Horror, pero para maabot ang mga lugar na ito, kailangan niyang harapin ang nakakatakot na mga kawit nito. Tanging ang tamang tyempo lang ang makakatapos dito nang hindi siya nasasaktan.

At nahanap ng nga ng Hook Horror ang nagpupumiglas na babor-ramo.

Dahil sa talino nito, hindi agad ito lumapit. At sa halip, tiningnan muna niya ang lakas ng kanyang makakalaban.

Ngayon lang ito nakakita ng ganitong uri ng nilalang.

Ang baboy-ramong ito ay dinala ni Marvin mula sa labas, at walang masyadong ganitong uri ng hayop sa Underdark!

Kung mayroon mang ganito dito, marahil ay wala na ang mga ito dahil hindi nito mapakikibagayan ang kanyang kapaligiran.

Tila nagdadalawang-isip ang Hook Horror.

Hinihintay lang ito ni Marvin!

Tahimik niyang nilabas ang isang bola at pinagulong ito.

Maliit lang ang paggalaw nito, pero napansin pa rin ito ng Hook Horror!

Haggang sa ibinuka na nito ang kanyang matatalim na kawit at dinambahan ang bola.

Pero isang malakas na liwanag ang biglang lumabas mula sa sphere!

[Sun Sphere]!

May laman itong malakas na Sun Magic at ito ang kahinaan ng maraming nilalang sa underground.

Hindi agad naka-alis ang Hook Horror at napahiyaw na lang ito.

Iwinasiwasa nito ang kanyang mga kawit sa takot.

Pero biglang sumabog ang Sun Sphere!

"Bang!"

Umalingawngaw ang ingay sa buong kweba.

Pinuno ng sumabog na enerhiya ang kweba at natunaw ang mga kamay at paa ng Hook Horror at naparalisa ito. Natataranta nitong itiniaas ang kanyang ulo at sinubukang iwasan na mapinsala ng Sun magic.

Paglipas ng tatlong Segundo, naubos na ang enerhiya sa loob ng Sund Spehere, tanging mga kislap na lang ang natira sa loob nito.

Malubhang nasaktan ang Hook Horror at sinubukan nitong tumakas.

Pero kumilos na noong oras na iyon si Marvin.

Ito na ang oras!

Tahimik niyang ginamit ang Night Boundary. Ang anino ni Marvin ay parang isang demon na biglang lumitaw sa daan ng Hook Horror!

Ang mga dagger nito ay direktang hiniwa ang mga kamay ng Hook Horror na para lang itong humihiwa ng tokwa!

Isang simpleng pag-iwas lang ang ginawa ni Marvin at naiwasan na niya an gang pag-atake ng Hook Horror gamit ang tuka nito. Sa susunod na sandal, walang habas na hiniwa ng dagger ni Marvin ang leeg nito!

Walang laban ang Hook Horror sa dalawang dagger pagkatapos nitong makatanggap ng matinding pinsala mula sa Sun Sphere.

Paglipas ng ilang Segundo, napugot na ni Marvin ang uli nito!

Pero ang nakakatakot na ingay nito ay kumalat.

Hindi nagtagal ay nakarinig na ng mga kaluskos si Marvin.

Hindi bababa sa tatlong Hook Horror na ang paparating, ahindi na sinubukang itago ng mga ito ang kanilang pagkilos at sa halip ay nagmamadali na lang ang mga ito para tulungan ang kanilang kasamahan.

'tatlumpung segundo.'

Ngumisi si Marvin, ito ang gusto niyang mangyari!

Wala na siyang pakielam sa bangkay ng Hook Horror at muli nang nagtago sa likod ng malaking bato.

Sa kamay niya ay mayroong dalawa pang Sun Sphere!

Bahagi ito ng plano ni Marvin, ang pagtatago sa likod ng isang bato para maka-iwas sa perception ng Hook Horror at saka niya babatuhin ng pera ang mga ito!

Tama, tila binabato niya ng pera ang mga ito.

Kung may Wizard dito, baka sinakal na niya si Marvin habang minumura ito dahil sa pagiging maaksaya nito!

Ganoon niya lang gagamitin ang mga Sun Sphere?!

Ang item na ito ay ginagamit para palakasin ang Sun Magic ng mga Priest at Wizard.

Pero sa kamay ni Marvin, maliit na mga bagay lang ang mga ito.

Ginamit niya ito bilang Granada!

Kumplikado ang paggawa sa mga Sun Sphere, kailangan nito ng pagtutulungan ng isang high level na Alchemist at high level na Wizard.

Dahil dito wala pa sa isang daang mga Sun Sphere ang lumalabas mula sa Three Ring Tower at iba pang mga organisasyon ng mga Wizard kada taon.

Ginamit ni Marvin ang koneksyon niya kay Hathaway para bumili ng anim na Sun Sphere mula sa Ashes Tower Craftsman Tower.

Bawat Sun Sphere ay nagkakahalaga ng 1000 ginto ng Wizard!

At bawas na ang presyo nito para magpakitang gilas si Hathaway.

Ang anim na Sun Sphere ay nagkakahalaga ng anim na libo! Pero binayaran nito ni Marvin gamit ang pakikipagpalitan.

Bawat Sun Sphere ay dalawang [Dragon Tooth] na Artillery Shell ang kapalit.

Pero hindi ito pinagsisihan ni Marvin.

Kadalasan ay iiwasan niya lang ang mga Hook Horror, pero kailangan niyang dispatyahin ang partikular na pamilyang ito.

Sulit naman ang paggastos ng malaking halaga ng pera para sa bukal na iyon.

Hindi lang nito mapapataas ang kanyang Constitution, pero makukuha niya pa ang piraso ng Earth Crystal!

Gayunpaman, baon na sa utang si Marvin, kaya wala na sa kanya ang magdagdag pa ng ilang gastusin.

Pera at lakas sa pakikipaglaban.

Kung tutuusin, konektado ang dalawang ito.

Lalo na sa mga Wizard, Alchemist, at iba pang propesyon.

Mapag-isa siya dati. Ang isang taong mapag-isa ay mayaman, pero hindi ito maikukumpara sa isang Overlord n gisang teritoryo. Dahil sa pundasyon ng kanyang teritoryo at isang minahan ng ginto bilang kasiguruhan sa kakayahan nitong magbayad, madali lang nakakahiram ng pera si Marvin.

Maririning na ang papalapit na yapak ng Hook Horror at hindi nagtagal ay lumitaw na nga ang mga halimaw na ito., isa sa harap, at isa sa likuran.

Ang isa sa kanila ay malinaw na mas matangkad kesa sa dalawa.

Ito ay isang babaeng Hook Horrord, ito ang pinuno ng buong pamilya ng mga Hook.

Ang mga nilalang na ito ay nabubuhay sa isang matriarkal na komunidad at kadalasan, ang mga babaeng Hook Horror ang namumuno sa ilang lalaking Hook Horror.

Biglang naalala ni Marvin na mayroong apat na miyembro ang pugad ng mga Hook Horror, isang babae at tatlong lalaki. Nadispatya na niya ang isa sa mga lalaking Hook Horror, kaya tatlo na lang ang natitira.

Kaya naman, hindi na siya nag-alinlangan na ibato muli ang dalawang Sun Sphere saka muling nagtago!

Sa sumunod na sandal, tulad ng inaasahan ni Marvin, kusang ginamit ng mga Hook Horror ang kanilang mga kawit para sirain ang mga Sphere!

Hindi kinaya ng Sun Sphere ang talim ng kawit ng mga ito at nabutas.

Ang Sun Sphere ay isang delikadong Alchemy item, kaya kung mabutas ito, sasabog ang enerhiyang nasa loob nito!

Nagliwanag muli ang kweba.

Nagbilang si Marvin sa kanyang isip at nang maramdaman niyang ito na ang tamang oras, sinamantala na niya ito at kumilos na kasing bilis ng kidlat kasabay ng pag-atungal ng tatlong Hook Horror!

Natural na aanihin niya ang kanyang itinanim matapos niyang gumastos ng malaking halaga ng pera!

Ang apat na Hook Horror ay nakapagbigay ng halos 10000 exp. At ang experience na ito madali niya lang nakuha dahil sa mga Sun Sphere.

Dati, sobrang haba ng naging laban ni Marvin sa isang babaeng Hook Horror. Pagkatapos niyang mamatay ng isang beses, nakahanap ng ito ng butas para mapatay ito.

Noong oras na iyon, nasa pinakamababang punto si Marvin ng kanyang buhay.

Habang inaalala niya ito, talaga ngang nahirapan siya dahil sa pagiging mag-isa dati…

Ngayon ay nakapagsimula na siya ng bagong buhay, ang mayaman at malakas na si Marvin ay mabilis na nabaliktad ang sitwasyon, at mabilis na natalo ang buong pamilya ng Hook Horror.

Wala namang mahalagang bagay sa katawan ng mga Hook Horror, kaya pinira-piraso na lang niya ito at ginamit ang Night Tracking.

Gamit ang skill na ito, maaari na niyang masundan ang bakas ng mga Hook Horror pabalik sa kanilang pugad.

At ang bukal ay nasa pugad nila.

Ilang mga itlog ang nakasalansan sa dilim.

Ito ay itlog ng mga Hook Horror. Pero walang pakinabang ang mga ito bukod sa pagiging pagkain…

Kinuha ni Marvin ang mga itlog dahil hindi niya palalampasin ang mga bagay na maaari niyang magamit.

Matapos niyang maghanap sa paligid ng kanilang pugad, sa wakas ay nahanap na niya ang tagong bukal.

Isa itong maliit at malalim na tubigan na mataas ang temperature. Sa ilalim nito ay isang piraso ng Earth Crystal, pero kailangan niyang lumusong nang malalim para makuha ito.

At syempr pinaghandaan na niya ito.

Mayroon siyang mamahaling breathing potion, kasama ng dalawang sibat.

Nagpalit siya nang mas magaan na damit at ininom ang potion bago tumalon sa bukal.

Kailangan niya munang makuha ang Earth Crystal.

Isang maliit na grupo ang naglalakad sa isang maliit at madilim na daan.

"Mayroong pugad ng mga Hook Horror banda doon, daanan natin," sabi ng isang malambing na boses ng babae.

Tumango naman ang ibang mga lalaki.

Isa itong grupo ng mga Dark Elf!

Drow ang tawag sa mga ito.

Ang mga Drow ay isang matriarkal na komunidad, kaya ang kapitan ng kanilang grupo ay isang babae.

Pero noong mga oras na iyon, gulat na binalita ng isang Drow, "Nakakita ako ng bangkay ng mga Hook Horror!"

"Bangkay ng Hook Horror!?"

Nagulat ang kapitan. "Anong klaseng kapangyarihan ang kayang pumatay ng isang pugad ng mga Hook Horror?"

"Sandali… base sa mga bakas, isang tao lang ang gumawa nito!" obserbasyon ng isang lalaking Drow

Natahimik ang babae sandal bago desididong inutos, "Greg, Amir, sumama kayo sa akin. Ang mga naiwan magmanman lang kayo sa paligid."

"Maghanap kayo ng bakas ng kahina-hinalang nilalang!"