Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 254 - God Domain

Chapter 254 - God Domain

Maituturing na malalakas na nilalang sa Underdark ang mga Dark Elf.

Sa lahat ng mga humanoig na nilalang, ang mga Dark Elf ang ma pinakamagandang pisikal na kakayahan, hinihigitan pa ng mga ito ang mga Wood Elf, Sea Elf, at iba pang Elven Race,

Marahil dahil isang malupit na lugar ang Underdark at ang malalakas lang ang kayang mabuhay dito.

Ang mga Dark Elf ay mga elite pa sa mga elite.

A naging kapitan si Raven ng kanilang grupo. Kahit na hindi pa siya isang 4th Rank, karamihan ng mga 4th rank ay hindi siya kayang tapatan!

Kaya naman nagsama pa siya ng dalawang tauhan para tingin ang mga bangkay ng Hook Horror.

Kahit pa naging maingat si Marvin at sinubukan paliitin ang bilang ng mga bakas niya, ang mga kweba at ang mga lugar dito sa underground ay tahanan ng mga Dark Elf!

Hindi nagtagal, unti-unti na nilang narrating ang pugad ng mga Hook Horror!

'Mukhang galing lang sa iisang pugad ang apat na Hook Horror na iyon.'

'Siguro expert ang gumawa nito dahil nagawa niyang patayin silang lahat nang mag-isa lang siya.'

'Base sa mga marka sa katawan nila, mukhang curved dagger ang ginamit… galing kaya ang expert na ito sa [Dark City]?'

Isinaalang-alang ito ni Raven at tahimik na nag-isip.

Malaki ang posibilidad na galing ito sa kaparehong race, pero baka masama ito.

Ang patayan sa pagitan ng iba't ibang clan ng mga Dark Elf ay pangkaraniwan na lang, minsan pa nga ay nangyayari ang patayan sa loob ng isang clan.

Ang Dark City ang teritoryo ng Evil Eye, habang ang lord naman ni Raven ay ibang lord ang sinunundan.

Parang apoy at tubig ang magkabilang panig.

'Hindi maganda 'to. Ang operasyon na ito ay inutos ni Leader Clark. Kailangan nating panatilihing sikreto ito.'

'Labing-dalawang grupo ang pinadala nang sabay-sabay para tahimik na patayin ang mga tao sa ibabaw.'

'Sa ganoong paraan lang magiging epektibo ang surpresang pag-atake natin. Pero kung may makalabas na impormasyon…'

Ayaw nang isipin ni Raven ang mangayayri.

Ang galit ni Clarke ay isang bagay na hindi kakayanin ng mga Dak Elf na ito.

"Isang master ang kalaban natin at may bakas na pinasok niya ang pugad ng mga Hook Horror."

"Baka nasa paligid lang ito." Pabulong na sabi ng isa sa mga tauhan.

Tumango si Raven.

Bumulong ito at tiningnan ang mga nakakalat na kayamanan at kagamitan sa pugad ng Hook Horror.

Malamang ang mga bagay na ito ay mga gamit na naiwan ng mga adventurer na pinatay ng mga Hook Horror, at mahalaga ang mga bagay na ito sa Underdark.

Hindi kinuha ng taong iyon ang mga ito?

Biglang tumalon ang puso ni Raven at agad na inutos, "Kayong dalawa, ibalita niyo agad ito kay Lady Tess."

"Ako na ang bahala dito."

"Sa hierarchy ng mga Darl Elf, ang mga babae ang may kapangyarihan na magbigay ng mg autos, lalo na sa mga lalaki.

Hindi umalma ang dalawang Dark Elf Fighter at agad na umalis.

Nagliwanag ang mata ni Raven habang unti-unti siyang lumakad papalapit sa bukal at naghubad!

Pagkatapos ay inilubog niya ang kanyang magandang katawan sa bukasl, nakakagulat na nagdesisyon itong magbabad dito.

Sa kailaliman ng tubig, nangangapa si Marvin.

Nasa dalawampu hanggang tatlumpung metro ang lalim niya at limitado lang ang oras ng epekto ng breathing potion, kaya kailangan niyang mahanap kaagad ang pisaro ng Earth Crystal.

Maputik at mahirap makakita sa ilalim ng bukal, kaya naman mahirap makita ang kahit ano rito.

Patuloy lang na nangapa si Marvin, halos isang oras na siyang naghahanap , at hindi pa rin niya makita ito.

Mahirap talaga ang maghanap ng isang bagay sa ilalim ng tubig.

Dalawang oras lang ang itatagal ng kanyang breathing potion, at pagkatapos noon, mawawala na ang mga nabuong hasang sa uminom nito.

Kapag nangyari iyon hindi na siya makakahinga sa ilalim ng tubig.

'Kailangan kong bilisan. Alam kong nandito lang 'yon.'

Muli siyang pumunta sa sulok at nangapa.

Maraming iba't ibang bagay sa putikan.

Mga perlas, mga sanga, isang makalawang na singsing, at maraming mga wlaang kwentang bato.

Pero dahan-dahan muling naghanap si Marvin at sa wakas ay may nakita siyang kakaiba!

Pinunasan niya ang putik mula diro at makikita ang isang bahagi ng isang baul.

Ang piraso ng Earth Cyrstal ay nasa loob ng baul na ito!

Mabilis na hinukay ni Marvin ang putik at hindi nagtagal ay nakuha na niya ang baul.

Hindi man lang siguo naisip ng mga naghahanap noon para sa Earth Cystal ay nasa ilalim lang pala ng bukal na ito ang isang piraso nito, na walang nakaka-alam kung gaano na ito katagal na narito.

Hindi nakakandado ang baul, kaya naman agad na binuksan nito ni Marvin.

Isang maliit na kahong kristal ang nasa loob. Sa gitna ng kahon ay may maliwanag na kulay dilaw na bagay.

Ito ang Earth Crystal, walang hanggan ang kapangyarihan nito.

ang pirasong ito ng Earth Crystal ay kayang magbigay ng enerhiya sa Wizard Tower ng tatlong daang taon.

At ang isang buong Earth Crystal naman ay kayang makagawa ng isang buong tore gawa sa lupa.

Ito ang isa sa mga mahalagang elemento para sa isang [Ancient Refuge].

Kahit na wala namang balak si Marvin na gumawa ng ganoon, kailangan muna niyang makuha ng mga ito bago niua maisipang gawin ito.

Kung kaya niyang makagawa ng isang Ancient Refuge sa White River Valley bago ang Great Clamaity, marahil walang magagawa ang mga god kay Marvin.

Kinuha na ni Marvin ang piraso ng Earth Crystal kasama na ang maliit na kahon ng kristal.

Ang dahilan kung bakit hindi ito nahanap sa loob ng mahabang panahon ay dahil itinatago ng kahon na Kristal ang awra nito.

Kaya naman kapaki-pakinabang rin ito.

Noong mga oras na iyon, dalawang linya ang lumabas sa mga log ni Marvin.

[Ang katawan mo ay matagal-tagal nang nakababad sa Earth spring, kaya bahagyang lumakas ang iyong pangangatawan.]

[Strength +1, Constitution +1]

Natuwa naman si Marvin.

Kahit pa medyo nanghihinayang siya na isang puntos lang ang tinaas ng kanyang Constitution, ang nabawi naman ito ng nadagdag sa kanyang Strength.

Lalo pa at alam niyang may ilan siyang alam na paraan para pataasin nag kanyang Constitution, pero mas kakaunti ang alam niyang paraan para pataasin ang kanyang Strength.

Nararamdaman niyang bahagyang nagbabago ang kanyang katawan dahil sa epekto ng bukal.

Ito ng kapangyarihan ng Earth.

Ang Strength niya ay naging 16 mula sa pagiging 15 at ang Constitution niya ay naging 14 mula sa 13.

Ang ibig sabihin nito ay maaari na niyang gamitin ang dalawang attribute point niya sa Dexterity, na agad namang ginawa ni Marvin kaya umabot na sa 28 at Dexterity ni Marvin!

Dalawang puntos na lan at maabot na niya ang [Godly Dexterity].

At ang 30 ang naghihiwalay sa mga god sa mga pangkaraniwang tao. 30 ang limitasyon ng mga pangkaraniwang tao.

Kung nais pang higitan ito, kakailanganin na ng Divinity, isang Divine Fragment, at Divine Power. Imposible ito kung wala ang lahat ng tatlong ito.

Kaya naman, ang 30 na puntos na linyang ito ay tinatawag na [God Domain].

Walang magagawa ang mga mortal kundi tingalain ang mga ito.

Pero wala namang kasiguruhan ang lahat. Alam ni Marvin na hindi lang pagiging isang god ang paraan para maging makapangyarihan.

Sa mundong ito, marami pa ring paraan para mahigitan ang limitasyon ng isang tao.

Noong ikatlong Era, ang mga tagong makapangyarihang taong iyon ay hindi umalis ng Feinan at ibang landas ang kanilang pinili.

Ayaw nilang lagpasan ang kanilang limitasyon sa pamamagitan ng godhood.

Isa lang ang pag-Ascend sa godhood sa mga madadaling paraan.

Marahil may pag-sisisi nang nararamdaman ang mga taong naging god noong mga panahong iyon.

Pinili nila ang pinakasimpleng paraan, at kalayaan nila ang naging kapalit nito1

Kaya gustong-gusto na nilang makawala mula sa pagkakagapos sa Astral See, at wasakin ang selyo ng Universe Magic Pool, at lalo pang lumakas.

Sa madaling salita, kailangan ng lahat ng kalayaan at ng isang bagay na pagkaka-abalahan nila para manatiling buhay.

At ang nasa kalagitnaan ng lahat ng ito ay kagustuhan.

Malapit nang mawalan ng epekto ang breathing potion.

Tahimik na lumangoy pataas si Marvin.

Pero bigla na lang siyang natigilan sa tubig!

May napansin siya!

Isang babaeng Dark Elf!

Na hubo't hubat!

Mula sa pwesto ni Marvin, makikitang nakalubong ang kalahati ng katawan ng Dark Elf sa bukal. Pero hindi nakasara ang mga paa nito, at nakabukaka ito.

Kaya kitang-kita ni Marvin ang lahat.

Kitang-kita ni Marvin ang maitim na balat nito…

'Isa… ngang…. Dark …Elf…"

Napareklamo ito sa sarili niyang kamalasan. May nakasalubong pa siyang Drow!

Kadalasan, organisado ang mga Dark Elf at hindi lang basta nagliliwaliw, hindi ba?

At ang daan na ito ay isang lihim na daan patungo sa Rocky Mountain.

Kaya bakit naman sila napunta dito?

Napakaraming dahilan na naisip ni Marvin, pero bago pa man niya matapos ang kanyang iniisip, napansin niyang nawawala na ang kanyang hasang!

'Pucha!'

Tatlong minuto na lang ang natitira sa kanya.

Pero hindi naman basta-basta umhon si Marvin.

Kahit na mukha lang naliligo ang babaeng Drow, mayroon talaga itong tinatagong cirved dagger sa mga kamay nito!

Siguradong may nakita ito at nagpapanggap na nagpapahinga para maging kampante ang kalaban at sinusubukan niyang akitin ito.

Pero hindi niya inasahang ang kalaban pala niya ay nasa ilalim ng tubig… at tinitingnan siya nito.

Mas kalmado ang mga kamay at paa nito kumpara sa kanyang mukha.

Kung may madama itong kahit kaunting pagkilos, siguradong agad na aatake ito gamit ang kanyang dagger!

Isa itong expert!

Agad na may napagtanto si Marvin.

Ang mga Drown a nasa Underdark nag-iikot nang magkakasama. Ang pagsalubong sa mga ito ang isa sa mga kinatatakutang mangyari ni Marvin.

Hindi niya alam kung gaano pa karaming Drow ang naghihintay sa kanya sa labas ng bukal para atahikin siya.

Mahirap ang sitwasyon na ito para kau Marvin.

Pero dahil umabot na siya sa puntong ito, wala na siyang magagawa.

Dahan-dahan niyang pinalabas ang hangin sa kanyang baga at tahimik na lumapit.

Hindi nagtagal ay nakarating ito sa ilalim ng katawan ng Drow.

Nakatuon pa rin ang atensyon ng Drow sa pader ng kweba at sa kapaligiran nito. Mahinahon nitong pinakikinggan ang kanyang kapaligiran.

Habang ang hindi naman niya masyadong binibigyang pansin ang bukal. Karamihan ng mga nilalang sa Underdark ay masama, kaya kaunti lang ang may interes sa bukal. Walang halimaw ang maglilibot sa isang bukal

Nang biglang may humawak sa kanyang paa!

Natakot ang Drow. At bago siya makasigaw, isang malakas na pwersa ang humili sa kanya pailalim.

Sa ilalim ng tubig, bigla niyang binuksan ang kanyang mga mata at tiningnan ang aninong lumalangoy sa tabi niya.

Naisip na niyang atakihin ang kanyang kalaban, pero inapakan ni Marvin ang mukha nito!

Lalo itong lumubog dahil sap ag-apak ni Marvin dito!

At gamit ang pwersa sa pagapak ni Marvin, mabilis siyang nakaabot sa itaas ng tubig. Gamit ang kanyang kamay, inahon niya ang sarili mula sa tubig

Hindi niya rin nalimutan kunin ang dagger ng Drow. Kung walang dagger ang Drow mas mbabawasan ang panganib na dala nito.

Pagkatapos ay agad na siyang tumakbo!

Dahil siguradong mamamatay siya kung kakalabanin niya ang mga Drow sa Underdark.

Kahit isang Night Walker ay hindi mangangahas na kalabanin ang napakaraming Dark Elf sa Underdark!