Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 252 - Hot Spring

Chapter 252 - Hot Spring

Shadow Valley, sa lihim na Training Ground.

Sa isang maskal na kagubatan, isang matigas na training dummy ang naglalakad.

Ang mga training dummy na ito ay produkto ng alchemy at ginagamit ito para gayahin ang galaw ng isang tunay na tao.

Isang kulay berdeng liwanag ang kumisap-kisap sa kanilang mga katawan.

Kung may napansin silang kalaban na paparaing, magiging pula ang liwanag ng mga ito.

Ibig sabihin, hindi tagumpay ang misyon.

Isang kulay itim na ulap ang lumutak sa kulay luntiang kalangitan.

Sa isang halaman, mayroong maliit na aninong sinusundan ang maitim na ulap at tahimik na sinimulan ang kanyang pagkilos.

Paglipas ng ilang minute, isang itim na ulap ang nakalagpas na sa kagubatan.

At ang anino ni Isabelle ay unti-unti nang nakikitang palabas ng kagubatan.

Isang instraktor ang naghihintay sa kanya sa labasan.

Tahimik nitong kinalkula ang oras at pinilit man niyang itago, kita pa rin ang gulat sa mukha nito.

Anim na love-level training dummy ang pinalabas sa loob ng pitong minuto, at wala ni isa ang tumunog!

Higit pa ata ang lakas ng batang ito para sa isang 1st rank na batang babae?!

Pero marami na siyang napanuod na Assassin na kinukuha ang pagsubok na ito, kaya kahit na nakakagulat ang ipinakita ni Isabelle, hindi na ito bago.

Pero ang hindi alam ng instraktor ay hindi gumamit ng pambihirang abilidad ng Hammon ang bata dahil sa sinabi ni Marvin.

Sa halip, umasa ito sa kanyang angking talent para malampasan ang pagsasanay.

Kapag ginamit niya ang ability ng mga Hammon para talunin ang mga training dummy na ito, wala pang tatlumpung segundo ay natapos na niya ito.

Ito ang nakakatakot na kakayahan niya.

"Pasado sa unang pagsasanay. Kung bibigyan kita ng mark, [Excellent] ang ibibigay ko sayo," malalim na sabi ng instraktor

Tumingala si Marvin at sinabingm "Bakit hindi [Perfect]?"

Kumibot ang bibig ng instraktor. "Dahil noong nakaraang pagsasanay ay nasaktan mo ng malubha ang napakaraming estudyanteng may malaking potensyal. Ang iba sa kanila ay nawawalan na ng pag-asa. Baka hindi na bumalik ang kumpyansa nila sa pagiging isang Assassin.

"Hindi ko na kasalanan 'yon," mahinahong sagot ni Isabelle, "Binastos nila si Lord Marvin. Sabi nila ay patay na siya. Buti nga at hindi sila ang pinatay ko."

Sumimangot ang instraktor. Banayad man ang tono ng batang babae, pero seryoso ito sa kanyang sinasabi.

Kung hindi lang dahil sa mahigpit na utos mula sa itaas, marahil tinuruan na niya ng leksyon ang batang babae ito.

Sa kasamaang palad, hanggang imahinasyon niya lang ito.

Nakakamangha ang pinanggalinan ng batang babae na ito. Sabi nila ay konektado ito sa isang malakas na Viscount.

"Iyon na lang muna para ngayong araw."

"Magkakasabay lang kayo na Apprentice Assassin kaya dapat magtulungan kayo."

"Hanapin mo si Lamar, may ibibigay siya sayo. Galing daw kay Viscount Marvin."

Lumiwanag ang mata ni Isabelle. "Galing kay Lord Marvin?"

Maingat na naglalakbay si Marvin sa loob ng kweba.

Matapos ang mawala nang pagkasabik ni Marvin, nagsimula nang huminahon ang isip ni Marvin.

Alam niyang kailangan niyang habaan ang kanyang pasensya.

Siya ang tipo ng taong mahilig makipagsapalaran. Para sa nakararami, takot ang kahulugan ng kadiliman. Pero para kay Marvin nangangahulugan ito ng walang hanggang posibilidad.

Paulit-ulit siyang naglakbay sa mga siyudad ng Underdark noon, at kadalasan ay mag-isa siya.

Gusto niya ang pakiramdam ng pagiging mag-isa.

At mas nasasabik siya dahil panganib ng Underdark.

Puno ng panganib ang lugar na ito.

Kailangan mong maging maingat, kung hindi, hindi ka na makakalabas ng Underdark…nang buhay.

Nagpatuloy lang si Marvin. Sa loob ng kalahating araw, naka-iwas na siya sa Carnivorous Plant, isang Trapper at isang tribo Myconids!

Dahil ito sa natural na skill ng mga Night Walker.

Komportableng-konportable siya sa dilim dahil sa kanyang Darksight. Mas maaasahan ito kumpara sa Infrared Sight ng mga Drow.

Hindi pwedeng maliitin ang mga tribo ng Myconids. Ang isang laban sa mga Fungus-man na iyon ay hindia matatapos. Pangkaraniwan lang ang lakas nila sa pakikipaglaban, pero mabilis nilang napupukaw ang pansin ng iba pang mga halimaw sa paligid.

Habang ang mga Trapper at Carnivorous Plant ay mga nakakatakot na nilalang.

Mahilig magpanggap na patag na bahagi ng daana ng mga Trapper, pero kapag naapakan mo sila, maiipit ka sa isang mala-demonyong bunganga!

Pareho ito sa Carnivorous Plant ng Underdark.

Ang mga nilalang na ito ay nakakatakot at hindi gagambalain ni Marvin nag mga ito. Hindi siya pumunta sa Underdark para magliwaliw, pero para makarating sa kanyang destinasyon, sa Rocky Mountan.

Kapag Dumaan siya sa Saint Desert, kahit pa mayroon siyang mahusay na gabay, aabutin ng isang buwan bago siya makarating ng Rocky Mountain.

Pinili ni Marvin ang daang ito dahil mas mabilis dito.

Kasabay nito, ang mga panganib ay dadami rin.

Sa Underdark, nilalamon ng malalakas ang mga mahihina.

Pero ang kinaganda nito ay kahit na ang daang pinili niya ay bahagi ng Underdark, malayo-layo pa rin ito sa Underdark.

Ang underground river na ito ay direktang tumatawid sa Saint Desert.

Sa madaling salita, ligtas pa rin dito basta maging maingat.

Anim na oras na naglalakad si Marvin, habang sinusundan pa rin niya ang daan sa Dark Hole, bago ito nakarinig ng tunog ng tubig.

Sinundan niya ang daan na naaalala niya at pumasok siya sa isang maliit na kweba.

Sa kanyang ginawa, hindi niya sinasadyang maistorbo ang paghahanap ng pagkain ng isa Poison Lizard kaya naman kinailangan niyang ilabas ang kanyang mga dagger.

Paglipas ng ilang oras, napatay na ni Marvin ang Poison Lizard gamit ang kanyang mahusay na Blade Skill, at walang ni isang patak ng lason ang dumapo sa kanyang katawan.

Ito ang benepisyo ng pagkakaroon ng karanasan sa pakikipaglaban.

Dahil rin ito sa napakataas niyang Dexterity at sa kanyang Demon Hunter Steps.

Matapos niyang patayin ang Poison Lizard, ligtas na nakarating si Marvin sa underground river.

Napakakipot ng ilog na ito, at napakabilis rin ng pagdaloy ng tubig dito.

Isa ito sa mga rason kung bakit ito ligtas.

Kung malaking ilog ito, baka mayroong mga nakakatakot na [Aboleths] o iba pang malalaking Aberration.

Sa ngayon ay ito ang mga tipo ng halimaw na ayaw makasalubong ni Marvin. Kadalasan ay mahirap kalaban ang mga ito dahil sa bangis ng mga ito. Kahit pa ang mga skill na pambabala ng mga Ranger o Night Walker ay hindi sumapat kapag lihim na umatake ang mga ito.

Walang problema namang naabot ni Marvin ang tabing-ilog.

Ang maliit na ilog na ito ay ang makakasama niya buong linggo. Magiging nakakabagot ang linggo na ito.

Pero mas mabuti na ito kesa maglakad siya sa disyerto.

Kumuha siya ng golden bull mula sa Void Conch at tahimik na bumigkas ng incantation.

Sa isang iglap ay naging malaki ang golder bull at mas naging kahugis ito ng isang maliit na bangka.

Isa ito sa mga golden bull na nakuha ni Marvin mula sa Hidden Granary. Tinanong niya ang walang pangalang alchemist na dagdagan ito ng kakayahang lumaki at lumiit. Hindi naman siya masyadong umasa sa magiging resulta nito pero hindi niya inaakalang magtatagumpay ang lalaking iyon.

Isa pa, isa itong enchantment na maaaring paulit-ulit na gamitin.

Natanggal na ang pagkain na laman ng golden bull kaya ginagamit na ito ni Marvin bilang sasakyan. Magiging kapaki-pakinabang ito kahit sa ilog lang.

Inilagay na niya ang golden bull sa ilog at saka ito sumakay!

Dahil sa bilis ng agos ng ilog, mabilis na umandar ang golden bull, at sa isang iglap malayong distansya na ang naabot ni Marvin!

Nagpatuloy lang ang golden bull sa ilog habang nagmamasid pa rin sa kanyang paligid si Marvin.

Kapag napapagod na siya, gagamit siya ng Wishful Rope para itali ito sa isang bato at maghahanap ng isang tagong lugar para magpahinga.

Kapag nagugutom o nauuhaw siya, kakain siya ng baon niyang pagkain at iinom ng tubig.

Matagal nang hindi nakakaranas ng ganito si Marvin.

Inalala ni Marvin ang mga panahong naglalakbay siya mag-isa. Kahit na medyo nakakabagot ito, mas lumilinaw naman ang kanyang pag-iisip dahil dito.

Kahit na walang masyadong malalaking halimaw sa underground river, marami pa ring mga maliliit na halimaw ang umaaligid

Mabuti na lang at mabilis ang ilog kaya nalalagpasan na ni Marvin ang mga ito bago pa siya atakihin ng mga ito.

Ang tanging problemang nakaharap ni Marvin ay isang Behir na umiinom sa tabing-ilog.

(T/N: isa itong mala-ahas na halimaw na mayroong labing-dalawang paa at may kuryente ang hininga na madalas mapagkamalang isang asul na dragon na walang pakpak.

Direkta nitong nahaharangan ang daan ni Marvin.

Noong una ay akala ni Marvin mahihirapan syang kalabanin ito, pero hindi niya inakalang magdadalwang-isip ito at hahayaan na lang siya nito.

Nagsalita ito ng ilang salita sa Undercommon, na hindi naiintindihan ni Marvin, pagkatapos ay umalis na ito sa kanyang daraanan.

Sa tingin ni Marvin, kaya siya pinalagpas ng halimaw na ito ay dahil sa kanyang Dragon Slayer na titolo.

Alam ng lahat ng ang mga Behir ay galit sa lahat ng uri ng Dragon, at marahil ang katawan ni Marvin ay may awra ng isang Dragon.

Pwede ring naramdaman nito na "ang kaaway ng kaaway ko ay kaibigan ko," kaya naman hindi nan to pinahirapan pa si Marvin.

At syempre, isa sa pangunahing naisip na dahilan ni Marvin ay tatlong katawang ng Lizard sa lupa.

Hindi matalino ang basta na lang sugurin ang kalaban na hindi mo alam kung gaanot kalakas ito.

Maswerte si Marvin at naka-iwas siya muli sa isa na namang laban.

Mahirap kalabanin ang mga Behir. Makunat ang mga balat nito at kung hindi siya magiging Asuran Bear, malamang ay hindi niya ito kayang galusan.

Sa Underdark, magiging limitado ang lakas ng isang Asuran Bear.

Paglipas ng halos isang linggong paglalakbay, umalis na si Marvin sa ilog at itinabi ang golden bull, saka itong muling naglakad.

Malapit na ang Rocky Mountain, pero kahit pa nasa bandang labas na siyang ng Underdark, mayroong pa ring mga halimaw sa paligid kaya dapat siyang mag-ingat.

At ang bukal na balak sanang puntahan ni Marvin ay malapit na dito.

Mayroong misteryosong epekto ang bukal na ito, at maaaring mapataas nito ang kanyang Constitution. Alam ni Marvin na ang nagbibigay ng epektong ito sa bukal ay ang piraso ng [Earth Crystal] na nasa ilalim nito.

Base sa karanasan ni Marvin, kapag lumubog ang isang tao dito ng ilang sandali, maaaring tumaas ang kanyang Constitution ng isa o dalawang puntos.

Bibihirang dumating ang mga ganitong benepisyo.

Sayang lang dahil hindi madaling makapasok sa bukal

Mayroong pamilya ng Hook Horror na nakatira sa paligid nito. Ang pinuno nila ay isang uri ng elite Hook Horror na babae.

Ang nakalipas na laban ni Marvin dito ay labanan ng isipan at natagal ba niya natalo ito.

Pero handa naman na siya sa pagkakataong ito kaya magiging mas madali na ito.

Tahimik niyang tiningan ang kanyang daraanan at ginamit niya ang kanyang Listen nang mahabang panahon.

Noong oras na iyon, nakarinig si Marvin ng isang nakakabinging tunog!