Ang Book of Naly ay isang libro na puno nang misteryo.
Bawat pahina nito ay naglalaman ng walang hanggang posibilidad.
Maaari mang mabaliw ang isang tao dahil dito, pero maaari ring makakuha ng magagandang benepisyo dito.
Naging maingat si Marvin sa Book of Nalu.
Isa rin ito sa dahlilan kung bakit hindi niya binasa ang ikatlong pahina ng Book of Nalu, na [Destructio], nang makuha niya ito.
Dahil ang panganib ng [Destruction] ay mas malaki kumpara sa [Rebirth].
Maaaring lamunin ng Book of Nalu ang pag-iisip ng isang tao at masiraan ng bait ang taon iyon. Pero ibang-iba ito noong lumabas ang mga rune sa mata nito.
Isa itong kontrata.
Ang rune na sinulat ni Marvin sa Book of Nalu ay kumakatawan sa batas ng God of Deception.
Bumuo ng misteryosong koneksyon sa pahina ng Book of Nalu. Sa madaling salita, siya ang pansamantalang nagmamay-ari sa pahina ng [Rebirth].
Kaya naman nagawa niyang palabasin si Madeline.
Naisip na ni Marvin ang lahat tungkol dito: Hindi sapat ang kakayahan ni Madeline para mag-advance sa pagiging Legend. Kahit na sa tulong ng Book of Nalu, hindi pa rin niya nalampasan ang pagsubok na ito.
Pero ang ambisyon at mga kagustuhan ng babaeng ito ang patuloy na nagtulak sa kanya para mag-advance.
Dahil sa bigat na galing sa Heavely Deer at ng Underworld, gumawa ito ng mapangahas na deisisyon!
Binuksan niya ang Book of Nalu at gumawa ng kontrata dito.
Makukuha niya ang kapangyarihan ng Book of Nalu at makakapag-advance sa Legend. Ang kapalit ay kalahati ng kaluluwa niya.
Ang rune nalumabas sa mata ni Madeline ay rine para sa isang kontrata, at namukhaan ito ni Marvin.
Kaya naman hindi na siya nag-atubili pa, at agad na pinatay si Madeline.
Ang pinakamasamang bahagi ni Madeline, o sa madaling salita, ang masamang katangian ng City Lord ng River Shore City. At ang natira sa Book of Nalu ay ang mabuti.
Tama, kahit na ang isang masamang tao ay may mabuting katangian pa rin. At hindi maliit ang kabutihang taglay ni Madeline.
Kung hindi, hindi siya magiging City Lord ng River Shore City.
Si Madeline na sinummon ni Marvin mula sa Book of Nalu ay nasa nasa alaala pa rin nito ang mga nakaraan karanasan nito.
Mayroon lang dalawang pinagkaiba.
Una, ang kanyang pisikal na katawan na konektado sa Book of Nalu, kaya kailangan niyang susundin si Marvin.
Pero base sa mga kinikilos nito, gusto naman niya ito.
Sa madaling salita, noong una ay nagpakita si Madeline ng kasamaan, na para bang isang diktador. At ang Madeline na ito ay nagpapakita ng paggalang at kabutihan.
Tahimik lang itong susunod sa mga utos ni Marvin at masaya pa nitong gagawin ang mga ito.
Ikalawa, ang kanyang lakas ay bumaba.
Kahit na isa pa rin siyang Legend, siya pa rin ang pinakamahinang Legend Wizard.
Lalo pa at kalahating patay na siya.
Ang mga ginawa ni Marvin ay dahil wala na siyang ibang pagpipilian. Lalo pa at pumirma si Madeline ng kontrata sa Book of Nalu, kaya naman wala na itong takas sa kanyang tadhana.
Ginagawa na niya ang lahat ng makakaya niya para tulungan ito.
Lalo pa at malaking panganib ang maging may-ari ng Book of Nalu. Mabuti na lang at [Rebirth] ito. Naipasa na niya ang pagsubok ng chapter na ito, kaya nangahas na itong maging may-ari nito.
Kung ang [Destruction] ito… siguradong hindi niya ito maiisipang gawin.
Gayunpaman, ang pagkamatay ni Madeline at muling pagsilang ay magandang balita para kay Marvin.
Magagamit na niya ito para manipulahin ang River Shore City.
Kahit pa pintay niya si Madeline sa harap ng maraming mamamayan ng River Shore City, maaari pa rin nilang sabihin na nagtulungan sila para gumawa ng isang palabas na ang pakay ay tuntunin ang mga nakatagong kalaban. At saka na sila pipili ng ituturong kalaban kapag dumating na ang tamang panahon.
Gayunpaman, wala nang mangangahas na kumalaban sa lakas ni Madeline sa River Shore City, lalo na at siya ang tunay na City Lord.
Pagkatapos niyang gawin ito, nakita niya ang isang napakagandang Madeline na gustong dumukit sa kanya at agad niya itong ibinalik sa Book of Nalu.
Mas mabuti nang hindi makita ni Hathaway ang bagay na ito.
Lalo pa at hindi niya alam kung paano niya ito ipapaliwanag sa ngayon.
…
Noong sumunod na araw, nagising na ang lahat. Agad namang inasikaso ni Marvin ang ilang mga bagay.
Una, ibinigay niya kay Owl ang Time Molt para kalaunan ay maaari nitong maibigay ang Time Molt kay Inheim. May tiwala si Marvin sa kakayahang magpagaling ng Mother of Creatin. Sigurado siyang gagaling si Inheim.
At ang Time Molt ang kayamanang nais makuha ng lahat ng god. Malaking panganib kung itatago niya pa ito. Mas mabuti pang ipagkatiwala niya ito sa mga taong maaasahan.
Ikalawa, ay ibigay ang bangkay ng Red Dragon mula sa Thousand Paper Crane kay Constantine.
Ang kaibigan ni Constantine na si Master Harvester Wall, ay hinihintay na siya sa [Wooden Fort], isang siyudad sa dakong timog ng Snow Field. Tila mayroon itong sariling pagawaan na mayroong sampung tauhang nagtatrabaho para sa kanya. Ang pagharvest sa isang Dragon ay kailangan ng mahabang pasensya at mas mabuting gawin ito sa malamig na klima ng Norte.
May tiwala si Marvin kay Constantine. Dahil ang Master Harvester na ang bahala dito, maayos na itong maaasikaso. Kapag dumating na ang tamang oras, makukuha niya na ang kanyang parte.
Nagmadali namang magtungo patimog si Constantine nang makuha nito ang bangkay ng Dragon. Ang usapan nila ni Marvin ay babalik siya sa White River Valley kapag naasikaso na niya ito.
Lalo pa at ibang-iba na ang White River Valley kumpara dati.
Dahil sa pagtassa ng reputasyon ni Marvin, parami nang parami ang mga taon nakakapansin sa kanyang teritoryo.
Kailangan bantayan ito ng isang makapangyarihang Legend.
Hindi pa sapat ang lakas ni Daniela.
Ang iba naman ay magkakanya-kanya muna. Lalo pa at abala ang lahat ng mga Legend.
Pasilangan pupunta si O'Brien, dahil hindi pa tapos ang laban niya sa Molten clan. Kahit na nakuha na niya ang ulo ng Molten Overlord, sinasabi na mayroong masamang pwersang kasing lakas ng mga ito na nagmumula sa Norte. Wala siyang magagawa kundi harapin ang mga ito.
Habang imposible naman ang tuluyang pagdispatya sa Azure Matriarch, dahil patuloy na dumadaloy sa katawan nito ang kapangyarihan ng World Ending Snakes. Nagawa niya lang talunin ang ilan sa mga ulo nito, pero kalaunan ay tutubo muli ang mga ito.
Hahanapin naman ni Shadow Thief Owl si Inheim. Kailangan ibalita ni Enless Ocean ang bagay na ito sa Migratory Bird Council.
Si Lorant at Hathaway naman ay babalik sa Katimugan.
Malaki ang pasasalamat ni Lorant kay Marvin dahil sa pagligtas ng kanyang mga anak.
Binigyan niya ng badge si Marvin na nagpakitang isa siyang mahalagang panauhin ng mga Bai. Maaari niyang hingan ng tulong ang mga Bai clansmens sa Saint Desert.
Agad namang sinuot ito ni Marvin pagkakuha niya nito.
Magagamit niya ito dahil maraming Bai Clansmen ang nakakalat sa buong Saint Desert. Baka kailanganin niya ang tulong ng mga ito.
O baka pwedeng mas kaunting lugar na kailangan tigilan.
At saka karamihan ng mga tao sa Assassin Alliance ay mga Bai clansmen. Kahit walang makapangyarihang Legend na namamahala sa Assassin Alliance, mayroong namang ilang Legend ang nagmula sa Assassin Alliance, kaya may kaunting relasyon ang mga ito.
Maaari niyang magamit ang mga koneksyon na ito sa hinaharap.
…
Pagkatapos ng maikling pagtitipon na ito, oras na para umalis.
Pagkatapos magpaalam ni Marvin sa lahat, muli siyang sumakay sa magic carpet ni Hathaway, at kasing bilis ng kidlat na naglakbay pabalik ng White Tower.
Hindi pa rin pinansin ni Hathaway ang magalang na Wizard sa White Tower at direktang ginamit ang Teleportation Gate.
Hindi nagtagal ay nakabalik na ang dalawa sa Ahses Tower.
"Mayroon pala akong gustong sabihin sayo…"
Sa tuktok ng Ashes Tower, nagsimula nang magsalita si Marvin nang biglang pinutol ni Hathaway ang kanyang pagsasalita. "Mayroon akong mahalagang spell na inaaral noong mga nakaraang araw."
"Wag kang kung saan-saan nagpupunta nang walang baong kahit ano."
"Sige."
Biglang binuksan nito ang kanyang Teloportation Door at agad na umalis.
Natigilan si Marvin bago pilit na ngumiti.
Gusto sana niyang tanungin si Hathaway kung ano ang nakita nito sa ika-anim na pahina ng Book of Nalu.
Gusto sana niya itong malaman.
Pero kakaiba ang kinikilos ni Hathaway kaya hindi na niya ito na tanong.
Wala na siyang magagawa kundi umalis sa Ashes Tower at bumalik sa White River Valley.
…
Sa Ashes Tower, tahimik nan aka-upo si Hathaway sa malambot na sofa.
May kinang sa mata nito pero tila nakatulala.
"Nagtataka siguro siya kung anong ibig-sabihin nung halik na yon?"
"Iniwasan ko siya ngayon, pero anong dapat kong sabihin sa susunod?"
"Ahhhh… Nakakainis!"
Biglang tumayo ang 16 anyos na babae.
Pumunta ito sa lihim na silid sa Ashes Tower at itinaas ang pulang tela.
Sa likod nito ay may isang makalumang painting, at sa painting ay may matandang babae.
"Ina…"
Walang maaaninag na emosyon sa kanyang mukha. "Bakit ba kailangan pang mangyari sa akin ang sumpa ng mga Anzrd Witch?"
"Bakit sa tatlong magkakaibang edad lang umiikot ang katawan ko?"
"Akala ko magiging maayos na ang lahat kapag nag-advance ako sa Legend, pero mas lalog hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Hindi ko na makita kung saan ako patungo…"
At syempre hindi nakasagot ang painting.
Paglipas ng ilang sandal, tahimik niyang pinalitan ang pulang tela sa paintin…
Hindi niya napansin na may tumulong luha sa mata ng matandang babae.
Ang luha ng isang Anzed Witch.
…
Nagmadaling bumalik si Marvin sa White Rive Valley.
Matapos makumpirmang ayos ang lahat, malihim niyang pinalabas si Madeline at pinabalik sa River Shore City.
Kahit gaano pa kakumplikado ang magiging proseso, hindi na niya ito problema. Naniniwala siyang kahit na ang mabait na Madeline ay madaling mababawi ang River Shore City.
Pagkatapos manatili sa White River Valley ng dalawang araw at malamang ayos naman ang lahat, muli na namang nagbigay ng rason si Marvin at tahimik na umalis.
Wala namang nagawa si Anna at ang iba pa rito.
Pero naniniwala sila na may rason si Marvin kung bakit siya umalis muli.
Ang tanging magagawa na lang nila ay buoin ng mabuti ang kanilang teritoryo at protektahan ito habang wala si Marvin.
…
Paglipas ng tatlong araw, sa lihim na lugar ng mga Assassin Alliance.
"Mag-iingat ho kayo." Sabi ng isang naka-itim na lalaki kay Marvin, "Naihanda na ng Sire High Priest ang lahat. Maaari na kayong makapasok sa Dark Hole ano mang oras."
"Pero sana ay mag-iingat kayo. Mas mapanganib sa Underdark."
Bahagyang tumangi si Marvin.
Saka siya pumasok sa madilim na kweba.
May naririnig siyang atungal ng mga halimaw na naktira sa kaibuturan ng mundo!
Kumukulo ang dugo niya!
________________________
T/Paalala: Ang mga witch ay ang mga babaeng Wizard. Wala itong negatibong ibig sabihin. Ginagamit lang an gterminong Wizard para sa lahat, bukod na lang kung isang babaeng Wizard ang tinutukoy.