Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 242 - Legends' Wrath!

Chapter 242 - Legends' Wrath!

Namatay si Marvin!

Namatay ang Overlord?

Ito ang pumasok sa isip at puso ng mga naninirahan sa White River Valley.

Hindi nila alam kung bakit sila nag-iisip ng ganito, pero matapos wala ang eksena sa kalangitan, ito ang naramadaman nila.

Dahil mapanganib ang sitwasyon ni Marvin.

Isa pa, bumabagsak siya sa walang hanggang kadiliman.

Nakakatakot tingnan ang lahat ng ito.

Ang mga mamamayang hindi nakapag-aral ay pumunta sa palasyo, umaasa silang mabibigyan sila ng kasagutan ni Miss Anna o Lord Wayne.

Pero hindi sila naghintay nang matagal.

"Paano nangyari ito!"

"Paano nakapasok ang ibang tao sa World Tree?"

Nang bumagsak si Marvin sa kadiliman, hindi makapaniwala si Daniela.

Lalo na nang makita niya kung sino ang tumulak kay Marvin!

"Ang babaeng iyon!"

Nagngalit ang kanyang ngipin.

Si Bamboo.

Noong huli silang naglaban, naalala niyang hindi buo ang lakas ni Bamboo, pero hindi niya inakalang makikita niya ulit ito sa operasyon ni Marvin!

Iyon ang World Tree! Isang mapait na kamatayan ang naghihintay para sa mahuhulog doon!

Walang nakakatakas sa gravity ng Void!

Nakatulala lang si Daniela habang nakatingin sa eksena.

Talaga bang namatay siya?

"Imposible!" Umiling si Wayne. "Buhay pa si Kuya, nararamdaman ko!"

Nabalot ng lungkot ang mukha ni Anna. Tiningnan niya si Wayne at hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

Si Marvin ang haligi ng White River Valley. Kapag namatay siya… hindi niya na alam kung anong mangyayari sa White River Valley.

Hindi niya alam kung anong nangyari kay Marvin, kaya agad siyang lumapit kay Daniela at pinigil ang kanyang emosyon. "Miss Daniela, Si Lord Marvin,…"

May kaunting pag-asa pa sa kanyang mga mata.

Tulirong tumingin si Daniela kay Anna, tila nagluluksa rin siya sa nangyari.

Kung namatay nga siya… Ano ang gagawin niya?

Sunsundan siya hanggang sa Void ng Misteryo ng kanilang angkan. Hindi magtatagal ay matatanggal rin ang selyo ng Archdevil.

Tila mawawalan ng saysay ang lahat ng tinrabaho niya sa White River Valley.

"Lady Daniela?!" Tumaas ang boses ni Anna.

Umiling lang si Daniela. "Kung bumagsak siya mula doon… Imposible nang makabalik nang buhay."

Nanlamig ang mga kamay ni Anna kasabay nang pagkahimatay nito.

Hindi mapigilang umiyak ng mga tao dahil sa pag-aalala!

Ang isang bagong katulong ay agad na lumapit para dalhin si Anna s aka nyang kwarto.

Tanging si Wayne at Daniela lang ang natira sa pader ng siyudad.

"Imposible, hindi mamamatay si Kuya." Naluluha na ang mga mata ni Wayne, pero nanindigan ito. "Nararamdaman ko!"

Huminga nang malalim si Daniela.

Naalala niya nab ago itinulak si Marvin, sinabi ni Wayne na masama ang kutob niya.

Pagkatapos nito ay may nangyari nga.

Sa isang lugar na lugtas at walang nakakapasok, nangyari ang isang bagay na dapat ay imposible: nakapasok ang kalaban.

Kung ganoon, ang perception ni Wayne ay…

Agad niyang tinanong ito, "Nararamdaman mo talagang buhay ang kuya mo?"

"Syempre!" Agad na tumango si Wayne.

.

Pero mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamay. Sa higpit ay hindi niya na namamalayang bumabaon na ang kanyang kuko sa kanyang balat at nagdurugo na ito.

Puno nang hinagpis ang mga mata nito.

May napagtanto si Daniela.

Wala talaga itong ganoong kapangyarihan.

Ang dahilan kung bakit nito pinagpipilitang buhay ang kanyang kuya ay isa lang itong delusion.

Habang iniisip ito, may gustong gawin ang Ice Empress.

Malumanay nitong hinawakan si Wayne at pinangakong, "Sigurado akong babalik ang kuya mo."

"Bago siya makabalik, walang pwedeng mang-api sa White River Valley."

"Poprotektahan ko ang teritoryong ito para sa kanya."

"Bilang mapapangasawa niya…"

Nakita ng buong mundo na nahulog si Marvin mula sa World Tree.

Maraming tao ang nakaramdam ng pag-sisisi.

Sa wakas ay may bayaning dumating, pero nagapi ito nang mas masasamang nilalang.

Alam ng mga tao ang marka ng Azure Nine-Headed!

Pagpapakita ito ng Twin Snakes Cult ng kanilang lakas sa buong Feinan!

Itinatanim niya ang takot sa mga tao.

Pero hindi lahat ng tao ay natatakot.

Ang iba ay galit.

Si Bamboo na pumasok sa World Tree sa tulong ng World Ending Twin Snakes, ay hindi kailanman naisip na hindi magandang pagpapakita ng lakas ng Twin Snakes Cult ang pagpatay niya kay Marvin.

Sa katunayan, ito na ang simula ng delubyo ng Twin Snakes Cult!

Sa East Coast.

Sa sand dune.

"Ito na ang ikalabing-piton ito na ang huling kuta ng Twin Snakes Cult sa East Coast. Lady, gusto niyo po bang…?"

Sa isang magic carpet, isang Thief ang tinuturo ang san dune sa ibaba at nagsasalita.

"Hindi na kailangan!" Seryosong sabi ni Hathaway.

Ang tinatanong ng Thief ay kung dapat ba niya itong tingnan o hindi.

Pero walang pasensya si Hathaway para dito. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang imahe ni Marvin na nahuhulog sa kadiliman!

Pinatay ng babaeng iyon si Marvin!

Ang eksana ng pagkamatay ni Marvin, na nakita ng buong mundo, ay tila isang kutsilyong sinaksak sa kanyang puso!

Sa katunayan, ang nararamdaman nila para sa isa't isa ay hindi lantad.

Ang unang beses silang nagkasalamuha ay dahil sa Book of Nalu. Pagkatapos nito ay ang tangkang pagpatay sa kanya ng Shadow Prince. Nakakapagtaka ang nararamdaman niya. ALam niyang kung hindi dahil sa pagbibigay sa kanya ni Marvin ng pahina ng Book of Nalu, baka natagalan pa siya bago naging Legend.

Sa isip-isip niya, lagi niyang iniisip na utang niya ang buhay niya kay Marvin.

At interesante ang pinagkaka-utangan niyang ito. Hindi siya nakukulong sa pangkaraniwang pag-iisip, at kadalasang gumagawa ng mga bagay na ikagugulat ng iba.

Tulad na lang ng planong pag-atake sa Evil Spirit World!

Isa siyang 3rd Rank Ranger at nakakagulat na ganoon siya kapangahas at katapang. Ito itong bagay na gustong-gusto ni Hathaway kay Marvin.

Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para kay Marvin, o kung gaano ito kalalim.

Pero ayaw na muna niya itong isipin sa ngayon.

Sa ngayon, ay gusto niyang ilabas ang kanyang galit!

Ashes Storm!

Ang nakakatakot na arcane spell ay winasak ang lahat sa paligid. Kung saan man pumunta ang Ashes Storm, isang walang lamang lupain lang ang itinitira nito.

Sa isang iglap, bumagsak ang sand dune at hindi na bilang na anino ang umaangat, pero hindi nakatakas ang mga ito sa roiling ashes.

Ang Ashes Storm ay para gilingan ng karne, hinihigo nito ang mga taga-sunod ng Twin Snake Cult at ginagawa silang dugo at karne na lang!

Kasama na dito ang isa sa mga nakabalabal na kulay lila na priest!

Sa loob lang ng tatlong minuto, wala nang natirang buhay sa sand dune.

Kinilabutan ang Thief, winasak na ni Hathaway ang labing-pitong kuta ng mga Tiwn Snakes Cult sa loob lang ng isang linggo.

Kahit gaano pa ito kalaki, kahit sino pa ang nasa loob, isa lang ang intensyon niya…

Ang pumatay!

Ito ang galit ng isang Legend!

"Sunod," walang emosyong sabi ni Hathaway.

"Wala na po," takot na sinabi ng Thief, "Nawasak niyo nap o ang lahat ng kuta ng Twin Snakes Cult sa buong East Coast!"

"Wala na sa East Coast?"

Tila nayayamot pa rin si Hathaway, hindi nagtagal, itinaas niya ang kanyang ulo at desididong sinabi, "Sa kanluran naman."

Hindi maipinta ang mukha ng Thief!

Sa isang siyudad sa Norte.

"Constantine, kahit pa alagad ng Twin Snakes Cult ang mga opisyal ng siyudad na ito, at isa ang lugar na ito sa mga kuta nila, hindi ba sobra na kung gagawin mo pa ang bagay na 'yon?"

"Sa pagkaka-alam ko, marami pa rin ang inosente sa siyudad na ito."

Umihip ang hangin habang ang isang gwapong lalaki na may suot na balabal ay tahimik na binubuo ang kanyang Brilliant Purple habang may isang malungkot na itsura sa kanyang mukha.

Inabot ni Marvin ang Legendary Weapon na ito kay Endless Ocean bago siya pumasok sa dominyon ng World Tree, pero bilang isang Legendary Weapon, kusa itong bumabalik sa may ari nito. Noong bumagsak si Marvin, pinabalik niya agad ito para gamitin.

Isang payat na lalaki ang nakatayo sa kanyang tabi na sinusubukan siyang kumbinsihing wag ituloy ang kanyang binabalak.

Pero hindi siya pinansin ni Constantine.

"Alam mo ba ang pakiramdam na wala sa iyo ang lahat ng pinuhunan mo?"

"Alam mo bang hinanap kita para katayin ang isang Red Dragon, pero wala nang Red Dragon ngayon?"

"Alam mo ba…."

"… Ang pakiramdam na mawalan ng kaibigan?"

Bumuntong hininga ang payat na lalaki, "Pero hindi mo pa rin dapat patayin ang isang buong siyudad."

Tumawa si Constantine. "May mga taong kailangan matuto."

Saka niya hinila ang pingga ng Brilliant Purple.

Isang nakakatakot na pwersa ang lumasa sa Cannon kasabay ng isang puting liwanag, na tila ba patong-patong na bukang-liwayway ang nagpaliwanag sa buong siyudad.

"Woosh!" Nahati sa marami piraso ang bala nito at bumagsak mula sa kalangitan.

Binitbit ni Constantine ang Brilliant Purple sa kanyang balikat at sinabi sa kanyang kasama, habang nagsisindi ng tabako, "Tara sa susunod na siyudad."

"Bang!"

Isang mala-kulog na ingay ang umalingawngaw.

Isang mabagsik na hangin ang tumangay ng kanyang balabal, as hindi nagtagal ay humalo na ito sa kadiliman.

Mga kaparehong kaganapan ang lumitaw sa bawat sulok ng Feinan, paulit-ulit ang mga ito.

Bukod sa kay Inheim na matindi ang pinsalang natamo, pati na kay Sky Fury na nagdala sa kanya para pagalinin, lahat ng miyembro ng grupo ng mga Legend ay kumilos.

Bigla na lang silang kumilos.

Wala silang pinlanong kahit ano.

Kahit paano pa ito nangyari, nagsimulang magdusa ang pwersa ng Twin Cult Snakes dahil sa paghihiganting ito.

Sa loob lang ng isang linggo, ang lahat ng pwersa nila sa buong East Coast ay nadispatya, at ang ilan sa mga siyudad nila sa Norte ay nawasak na rin. Nakatanggap din ng pamanira pag-atake ang iba pa nilang mga pwersa!

Walang nakapagsabi na ang pagkamatay ng isang Baron ang magdadala ng ganitong delubyo sa Twin Snakes Cult.

Bukam-bibig ng buong Feinan ang mga Legend na biglang lumilitaw at ang mabagsik na paghihiganting ito!

Tapos na ang Twin Snakes Cult!

Ito ang nasa isip ng lahat.

Sa Norte.

Ang Legend Barbarian at ang lasinggerong matanda ay patuloy na binabantayan ang malaking tipak ng yelo.

Pero sa pagkakataong ito, isang lalaking naka-itim ang naglakad papalapit, paisa-isang hakbang, mula sa katimugan.

"Anong gagawin mo!" Tumingin ang matandang lalaki at pasigaw na tinanong ito.

"Papatayin ko siya."

Direkta ang naging sagot ng lalaking naka-itim.

May hawak pa itong malaking ulo sa mga kamay nito. Natakot ang Legend Barbarian nang makita ang ulo!

Iyon ang ulo ng Molten Overlord!

"Pinatay niya ang kapatid ko."

"Laging ipaghihiganti ng mga Night Walker ang mga kapatid namin."

"Pakiusap, tumabi kayo."

Pagkatapos ay sumugod ang lalaking naka-itim, nilampasan niya ang dalawa, at dinurog ang malaking yelo sa isang atake lang!

Sa Tahimik na dominyon ng World Tree.

Matapos umalis ni Bamboo rito, na kuntento sa kanyang ginawa.

Isang tusong anino ang dahan-dahang lumitaw mula sa isang sanga.

'Mabuti na lang….'

'May tinatago pa akong alas.'

'Kung hindi katapusan ko na.'