Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 243 - Celestial Stairway

Chapter 243 - Celestial Stairway

Nang makita ni Marvin ang nakakatakot na Astral Beast, kinilabutan siya.

Alam niyang malayo ang Astral Beast at hindi ito banta sa kanya….

Pero hindi siya mapakali dahil masama ang kutbo niya.

Kaya naman, sinunod niya ang kanyang kutob at palihim na gumamit ng isang skill.

Shadow Doppleganger!

Apatnapung minute nang hawak ng pangunahing katawan ni Marvin ang Golden Scissors, pero palihim siyang kumilos.

Tumalon siya sa isa pang sanga at gumamit ng Hide, at iniwan ang kanyang doppleganger sa kanyang naunang pwesto.

Malakas ang koneksyon ng mga Ranger sa World Tree. Mayroong walang hanggang bonus ang kanyang Hide na skill.

Kinontrol niya ang kanyang Shadow Doppleganger at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Kahit na walang sariling Divine Fragment ito, mayroon naman si Marvin, at nabuhay niya na rin ang Golden Scissors. Dahil paggupit na alang ang natitirang Gawain, maaari na itong gawin kahit walang Divine Fragment basta matapos ito kaagad.

Kasabay nito, nasa Shadpw Doppleganger naman ang halos lahat ng kakayahan ni Marvin, kaya naman pinagamit ito ni Marvin ng Disguise para maging katulad na katulad na niya ito.

Malakas na skill ang Disguise, sapat na para malinlang at walang makitang mali ang makapangyarihang tao gaya ni Bamboo.

Matapos niyang "patayin" si Marvin, tiningnan pa nito ang kanyang paligid.

Sa kasamaang palad, kahit pa sapilitan siyang itinaas sa Legend Realm ng Divine Pwer ng World Ending Twin Snakes, hindi pa rin nahanap ng Perception nito si Marvin na nakakubli sa ilalim ng blessing ng World Tree.

Kaya naman naiwasan ni Marvin ang panganib na ito.

Huminga siya nang malalim at may malamig na pawis na tumulo sa kanyang noo.

Sadyang sunod-sunod talaga ang mga pagsubok sa mundong ito. Kung hindi siya naging maingat, marahil patay na siya ngayon!

Kung tunay nga siyang bumagsak mula s World Tree, wala na siyang pag-asang makalabas dito nang buhay. Kahit ang mga god ay takot sa Void.

'Kilala ang World Ending Twin Snakes sa pagiging mga Evil God noong unang panahon. Kahit pa sinelyo na ni Lance ang mga pangunahing katawan ng mga ito, malinaw na may paraan pa rin sila para makapasok sa World Tree Domain.

'Kahit mga god ay hindi kayang gawin ito.'

'Iilan lang ang mga token na iniwan ng Ancient Nature God bukod sa mga Golden Scissors. Mukhang nakakuha sila ng isa sa mga ito…'

'Wala na talagang ligtas na lugar dito sa mundo…'

Tiningnan ni Marvin ang anino ni Bamboo na nawala na mula sa World Tree, buglang nadama niya ang kabagsikan sa kanyang dibdib.

Darating ang araw na hihilahin niya ang mga ahas na iyon mula sa Ethereal Plane at pipira-pirasuhin niya ang mga ito.

Maganda ring gawing pansahog sa sabaw ang mga ito.

At si Bamboo naman, siguradong hindi ito palalampasin ni Marvin. Kapag nakalabas si Marvin mula dito, pagbabayarin niya nang matindi si Bamboo.

Marami na rin siyang naisip na paraan para para maghiganti sa Twin Snakes Cult. Sa kasamaang pala, habang nasa loob ng World Tree Domain si Marvin, hindi niya alam na malaking delubyo na ang tumama sa Twin Snakes Cult.

...

Sa ngayon, ang unang problema ni Marvin ay kung paano makakalabas ng World Tree Domain.

Sa orihinal niyang plano, puputulin niya lang ang nabubulok na dahin saka siya babali ksa Decaying Plateau, para kasamang umalis ng mga Legend.

Pero malinaw naman na hindi na niya ito pwedeng gawin ngayon.

Hindi alam ni Marvin kung ano na ang nagaganap sa labas, pero sigurado siyang nakielam ang Shadow Prince at Plague God.

Nakadepende na ang kapalaran ng mga Legend na ito sa pagkilos ng reat Elven King.

Pero base sap ag-ugali ng Great Elven King, siguradong hindi nito hahayaang mamatay si Ivan. Wala naman na sigurong naging problema sa pagtakas nila dahil sa pagdadala ng mensahe ni Owl dito.

Siguradong makakabalik ang mga Legend, habang si Marvin… ay walang daan palabas.

Hindi siya makalabas sa World Tree Domain!

Kung walang susundo sa kanya rito, hindi siya makakabalik gamit ang mga pangkaraniwang pamamaraan.

Pero hindi kailangan umasa ji Marvin sa ibang tao para dito, may nakareserba siyang plano para dito.

Ang [Celestial Stairway].

Hindi lang naman ang World Tree ang nagkokonekta sa mga plane ng multiverse.

Bukod sa World Tree, nadyan rin ang [Celestial Stairway] at ang [River Styx].

Hindi tinangka ni Marvin na gamitin ang River Styx. Mula sa Astral Sea ay nahahati na ito sa dalawa, ang isa ay patungong sa Abyss habang ang isa naman ay patungo sa ibang bahagi ng Hell. Bago tuluyang magsalubong muli sa walang hanggang kawalan.

Mayroong din lugar kung saan ang mga Demon at Devil ay hindi mabilang na madudugong labanan.

Kung hindi niya magagamit ang [Boats of the Other Shore], wala ring silbi ang pagtawid sa Eiver Styx.

Habang iba naman ang Celestial Stairtway. Basta niya ang tamang numero, maaari siyang makabalik sa Feinan.

'Kung hindi ako nagkakamali, ang code ng Feinan ay 0420. Basta hindi ko mabuksan ang maling pinto, wala naman dapat akong ipag-alalala.'

Inisip ito ni Marvin at sinimulang hawakan ang World Tree.

Ang Celestial Stairway ay nasa loob ng World Tree.

Kailangan niya lang mahanap ang lagusan papasok.

Mahabang proseso ito. Mabuti na lang ay mayroong siyang sapat na tubig at pagkain, at naglalabas naman ng sariwang hangin ang World Tree. Mabubuhay siya sa lugar na ito.

Mabilis na lumipas ang isang linggo.

Sa wakas, naapakan niya ang isang kakaibang sanga at nahanap na niya ang lagusan papasok ng Celestial Stairway.

Habang hinahanap ang lagusan patungon sa Celestial Stairway, nabagot rin si Marvin at tiningnan ang niya ang kanyang stat window.

Pagkatapos ng isang mapangahas na plano, masasabing dumaan sa malaking pagbabago ang kanyang stats window.

Sa simula pa lang ng kanilang misyon, nakakuha na siya ng higit sa walumpung-libong battle exp, dahil sa pagwasak niya sa Moss Prison. Kung susumahin ang lahat ng mayroon siya ay higit na ito sa isang daang libo!

Ang ganitong napakalaking halaga ng experience ay pwede na siyang umabot sa level 15, kung saan malapit na siyang makapag-advance sa 4th rank.

Pero hindi pa alam kung bakit hindi niya mahati ang kanyang exp sa loob ng World Tree Domain.

Marahil dahil isa itong misteryosong lugar.

Gayunpaman, sa kanya na ang experience. Sa oras na makalabas siya rito, mahahati na niya ito.

Kung suswertehn siya, baka direkta pa siyang makapag-advance sa 4th rank!

Sa loob lang ng humigit kumulang dalawang buwan, nag-advance na siya mula sa saing walang kalaban-laban na noble patungo sa pagiging isang malakas na taong malapit nang maabot ang 4th rank! Hindi ito kayang gawin ng isang pangkaraniwang tao lang.

Ang bilis ng pagsasanay ng mga pangkaraniwang tao ay mas mabagal kumpara kay Marvin.

Isa itong malaking kalamangan.

At bukod sa malaking experience, nakuha pa ni Marvin ang matinding [Plane Destroyer] na titolo.

Kapareho ito sa titolong [Dragon Slayer] at kusa itong na-e-equip. Ibang-iba ito sa mga lo=level na mga titolo, dahil maaaring magpatong-patong ang mga high-level na titolo.

Halimbawa, maaari niyang gamitin ang [Dragon Slayer] at [Plane Destroyer] nang sabay.

Iba ito sa pamimili sa pagitan ng [Chaotic Battle Expert] at [Rope Master], na kailangan pang mano-manong i-equip.

[Plane Destroyer].

[Description: Winasak mo ang isa sa mga plane ng Underworld, isang bagay na hindi nagagawa nang maraming makapangyarihang tao. Dahil sa ginawa mo ay mapapansin ka ng buong multiverse, dahil baka isa kang taong uhaw sa paninra. Pero mayroong magandang balita, ang karamihan sa mga naninirahan sa iyong plane (Feinan) ay naniniwalang isa kang tagapagligtas.]

[Property (1): Planar Core Affinity +1]

[Property (2): World Fame +15]

[Property (3): Underworld Enmity +20]

[Property (4): Dignity (Noble) +30]

Isang titolo, apat na property. At bukos sa Underwolrd Enmity, lahat ng iba pa sa mga ito ay kapaki-pakinabang.

Hindi na nakakagulat ang galit mula sa Underworld, lalo pa at kitang-kita sa Evil Spirit Sea ang pagbagsak ng Decaying Plateau.

Maraming Evil Spirit ang nakitang bumagsak si Diggles sa harapan nila.

Nang pabagsakin ni Marvin ang Red Dragon, ang rason lang kung bakit siya nakakuha ng kaunting Chromatic Dragon Enmity ay dahil walang ibang Dragon na nakakita sa kanya.

Pero sa pagkakataong ito, sinira niya ang Decaying Plateau sa harap ng buong Multiverse.

Kaya malinaw naman na tataas ang Underworld Enmity dahil dito.

Habang ang Planar Core Affinity naman ay isang mahalagang bagay.

Binuksan ni Marvin ang kanyang kanang kamay, at nakita ang isang emerald na kristal. Ito ang Planar Core ng Decaying Plateau.

Kaya natagalan si Marvin dahil gusto niyang makuha nang buong-buo ang Plnanar Core ng Decaying Plateau.

Mukha lang maliit ang bagay na ito pero sa loob nito ay naroon ang bawat enerhiya at kaalaman sa Plane. Ang Planar Core Affinity ay matutulungan si Marin sap ag-kontrol nito sa hinaharap. Ang kailangan lang ay may sapat na kapangyarihan si Marvin para buhay at gamitin ito.

Sa tantya ni Marvin, kung gusto niyang magamit ang Planar Core na ito, kakailanganin niyang maging isang Legend o mas mataas pa.

Ang mga Legend Wizard ay siguradong kayang buhayon ang Planat Core dahil kaya na agad nilang gumawa ng sarili nilang Demi-Plane.

Hindi lang sigurado si Marvin sa mga Legend Ranger.

Gayunpaman, hindi palalampasin ni Marvin ang mga magagandang bagay.

At siyempre, mayroon pa siyang World Fame. Lalo pa at winasak ni Marvin ang Decaying Plateau sa harap ng lahat ng nilalang sa Feinan.

Kahit pa isa lang itong ilusyon sa kalangitan, at kahit pa maraming taong inisip na guni-guni lang ito, maraming tao pa rin ang naniwalang totoo ito.

Patuloy na tumataas ang kanyang World Fame.

'Sumikat ako… Kakailanganin ko nang ibahin ang itsura ko sa hinaharap kapag lalabas ako.'

Bahagyang ngumiti si Marvin. Malaki ang pakinabang ng World Fame.

Habang ang Dignity naman ay kapaki-pakinabang rin, Dahil hindi nakakakuha ng Skill Points ang mga Noble kapag tumataas ang kanilang level, mabagal ang pagtaas ng kanilang mga skill.

Mapapadali ng karagdagang 30 na ito ang pamamahala sa kanyang teritoryo sa hinaharap.

Kapag mas mataas ang Dignity, mas kaunti ang taong sasalungat sa kanya. Ito ang pinakamalinaw na epekto nito. Habang hindi pa sigurado si Marvin sa ibang epekto nito.

Ang kinadismaya lang ni Marvin ay kahit pa winasak niya ang isang plane, ang mga Evil Spirit na namatay dahil dito ay hindi kasali sa mga natanggap niyang exp.

Hindi siya nakakuha ng kahit anong battle exp mula dito, dahil kung nakakuha siya ng ganoon karaming exp, direkta nang makakapag-advance si Marvin sa Legend level.

Gayunpaman, marami siyang natutunan ngayon.

Kahit pa mapanganib ang kanyang ginawa, mas mataas pa rin ang halagang nakuha niya dahil dito. Isa pa, kalahati sa mga kayamanang nakuha ni Owl ay sa kanya!

Lalong nasabik makabalik ng Feinan si Marvin habang iiniisip ito ni Marvin.

Itinulak niya ang pinto at pumasok sa World Tree.

Napakaganda ng kulay ng lugar na ito.

Isang lumulutang na hagdan ang na nasa harapan niya. Sa dulo ng hagdan ay mayroong pintuan. At sa pinto ay may numero.

Aapak na sana si Marvin, pero hindi niya inaasahang biglang may painting na lalapit sa kanya.

Pamilyar ang lalaki sa paintin!

'Wizard God Lance!' Gulat na gulat si Marvin.

Pero hindi niya inakalang mas ikagugulat niya ang susunod na mangyayari.

Bilang ngumiti ang Wizard God Lance na painting:

"Kamusta, Marvin."