Tinatawag ng mga tao ang kawalan sa pagitan ng mga plane na Astral Plane.
May mga naninirahan sa Astral Plane, maraming kakaibang mga nilalang ang naninirahan dito gaya ng mga: God Spawn, at napakaraming uri ng Beholder.
At isa na rito ang mga Astral Beast, isa sa mga pinakanakakatakot na nilalang sa Astral Plane.
Ang katawan ng isang matandang Astral Beast ay napakalaki na maikukumpara na ito sa laki ng isang maliit na plane.
Mas malakas rin ang mga ito kumpara sa mga Dragon. Sa multiverse, ang mga Astral Beast ang pinakamalakas na hayop.
Unti-unti nilang kinakain ang mga piraso ng mga napabayaang plane.
Pero iyon ang mga pangkaraniwang Astral Beast.
Ang Astral Beast na ito ay mas malaki pa sa pangkaraniwang Astral Beast.
Kung umalis ito sa hangganan ng Void, ibig sabihin, nagawa nitong labanan ang hila ng gravity ng Void.
Pambihira ito para sa mga Astral Beast.
Huminga nang malalim si Marvin at huminahon.
'Ang Astral Beast na iyan siguro ang susubok na kainin ang Feinan kapag bumagsak ang Universe Magic Pool!'
"Noong mga oras na 'yon, nagpadala ng senyales sa paligid noong bumagsak ang universe Magic Pool. Inakala siguro ng Astral Beast na ito na senyales 'yon na itinatapon na ang plane na 'yon kaya gusto niyang samantalahin 'yon.'
'Mabuti na lang at mayroong kayaman ang mga god noon nakayang pumatay ng Astral Beast. Ang nakakatawa pa, ang kayamang iyon ay iniwan pa pala ng Wizard God na si Lance.'
"Alam siguro 'yon ng mga god na 'yon pero ginamit pa rin nila ito."
Maraming impormasyon tungol sa Astral Beast at sa Void ang pumasok sa isipan ni Marvin.
…
Sa laro, walang hanggan ang posibilidad ng mga pangyayari sa Feinan, kaya naman may interesante mundo ng paglalaro ang mga manlalro, pero base sa sinasabi ng mga katutubo, at lore ng maraming quest, masasabing hindi limitado sa Feinan ang mundong ito.
Feinan lang ang nasa gitna. Maraming tao ang gustong maabot ang puntong ito dahil kahali-halina ito.
Ginagawa nila ang lahat para dito.
Demon Evil Spirit, Devil… at kahit mga god!
Astral Plane ang tawag sa nasa pagitan ng mga plane.
At sa ilalim ng lahat ng mundo, sa ugat ng World Tree, mayroong mas tahimik na lugar.
At iyon ang Void.
Ang kalalalim-laliman ng Void ay isang uri ng natural na pwersa ng gravity. Ang mga bagay na hindi kayang labanan ito ay mahuhulog.
Tulad na lang ng mga luma at napabayaang plane. Bunga man sila ng World Tree, pero matapos makaranas ng napakaraming panahon ng pag-ahon at pagbagsak, unti-unti ring namamatay ang mga plane na ito at napapabayaan.
Kusa silang nahuhulog mula sa World Tree at bumabagsak sa Void.
Ang Decaying Plateau ay malinaw na hindi isang patay na plane. Ang koneksyon nito sa World Tree ay sinadyang putulin.
Pero ang katapusan nito ay pareho lang dahil bibihira lang ang nakakalaban sa pwersa ng gravity ng Void. Kaya naman, hindi na makakawala pa ang Decaying Plateau!
Hindi lang ito sa Decaying Plateau. Pareho rin ito para sa God Realms.
Sa taas ng Feinan ay ang Astral Sea. Ito ay isang baluktot na mundo kung saan maaaring bumuo ng sariling God Realm ang mga god at magpalaganap ng kanilang relihiyon at mangalaga ng mga taga-sunod sa iba't-ibang plane.
Ginagamit nila ang sarili nilang kapangyarihan para labanan ang gravity ng Void, kasabay nito, sa tulong ng God Realm mas mahina ang pwersa ng gravity sa kanila.
Pero namamatay rin kalaunan ang mga god
Kapag nangyari ito, kung wala ang kanilang Divine Power, babaksak ang kanilang God Realm.
Ang mga Realm ng mga patay na god ay babagsak rin sa Astral Sea.
Kahit pa nag-iwan ang mga natutulog na god ng sapat ng Divine Power para labanan ang gravity bago sila matulog, maaari pa ring bumagsak ang kanilang God Realm dahil hindi nila pinlano nang mabuti ang kanilang muling paggising.
Kung hindi sila magising sa tamang oras, maaaring bumagsak ang kanilang God Ealm sa Abyss, Hell, o kahit sa Void.
Halimbawa na lang dito ang God of Wealth, sinabutahe siya habang siya ay natutulog. Hindi siya nagising sa tamang panahon kaya walang nagawa ito nang bumagsak ang kanyang God Realm.
Kasama niyang nailibing ang kanyang God Realm.
…
Ang katawan ng Astral Beast ay kasing laki ng kalahati ng Feinan. Ang dahilan kung bakit kitang-kita ito ni Marvin dahil baluktot ang space-time sa paligid ng World Tree.
Hindi pa rin nagbago ang katawan nito.
Pero sa pananaw nito, ang Feinan ay isang dahin ng puno habang ang halimaw sa ibaba ay mas maliit.
Hindi mabilang ang mga matang nito na tumitingin sa paligid na parang isang hayop na naghahanap ng makakain.
Nakakapangilabot ang ptingin nito dahil kumakatawan ito sa pagkawasak.
Pero alam ni Marvin nag n Astral Beast ay hindi nakatingin sa kanya; sadyang tumitingin lang ito pataas.
Hindi niya alam kung gaano ito kalayo sa kanya, pero kung gusto nitong pumasok sa Feinan, kailangan nitong gumamit ng malaking bahagi ng enerhiya. Isa pa, maraming lugar sa multiverse na nasa ilalim ng proteksyon ng World Tree, kaya hindi siya nito madaling makikita. Kung walang malalaking paggalaw na pupukaw ng atensyon nito, hindi sila mahahanap nito.
Makapangyarihan ang Astral Beast na ito, pero para itong bulag na taong nasa malawak multiverse. Kung hindi lang dahil sa pagsabog ng universe Magic Pool, hindi nito mahahanap ang lugar na ito.
Habang iniisip ito, nagdesisyon si Marvin.
Ibinuhos na niya ang natitira niyang lakas sa pagputol ng natitirang Decaying Plateau!
Nang biglang umalingawngaw ang boses ni Diggles sa kanyang tenga!
"Punyetang Marvin! Sinusumpa kita! Gusto kong dalhin mo ang sumpang ito na dala ang kapangyarihan ng isang mundo!"
Nagulantang si Marvin.
Tahimik na bumagsak ang bulok na dahon mula sa World Tree.
…
Sa Feinan, gulat na nakatingin pa rin nag mga tao sa eksenang nasa kalangitan.
Ang noon ay asul na kalangitan ay tila naging kulay berde. Nakakita sila ng napakaraming halimaw na umaatungal, nakita nila ang paghihirap ng mga ito habang bumabagsak ang mundo ng mga ito, nakita nila si Diggles na walang tigil sa pagmumura… at nakita nila ang mabigat na mukha ni Marvin.
Doon lang naunawaan ng lahat ng nasa Feinan ang ginawa ni Marvin.
Sinira niya ang isa sa mga mundo ng Evil Spirit.
Binalik niya ang kapayapaan sa Feinan, na matagal nang nagdurusa sa panghihimasok ng Decaying Plateau.
Isa siyang bayani.
Ito ang naramdaman ng lahat ng pangkaraniwang tao sa Feinan.
Nagdiwang ang buong East Coast.
Kahit na hindi kilala ng mga taga-norte kung sino ang binatang ito, alam na ng mga naninirahan sa East Coast ang tungkol sa Magical Marvin na matagal-tagal na ring bukambibig ng mga tao.
"Mabuhay si Lord Marvin!"
Nagpapalakpakan at naghihiyawan ang mga tao sa mga kalye ng Tornado Harbor.
"Dakilang Bayani na si Marvin!"
Nag-iinit ang paningin ng mga babaeng noble habang tinitingnan nila si Marvin sa kalangitan.
Kumalat ang saya sa mga tao.
Ang kalungkutang bumalot sa mga sa mga ito, magmula nang mamatay si Anthony, ay gumaan kahit papaano.
Dahil sa pagbagsak ng Decaying Plateau, tila mas luminis ang atmospera ng Feinan.
At sa mata ng lahat, ang lahat ng ito, ay dahil kay Marvin!
Sa World Tree, tuloy-tuloy ang paglabas ng mga log ni Marvin.
Umabot na ng napakataas ang kanyang Fame!
At hindi na lang ito basta Region Fame, ito ay World Fame, at mayroong pang Multiverse Fame!
Ibig sabihin, hindi lang ang mga mamamayan ng Feinan ang nakakakilala kay Marvin, kundi pati mga god ay napansin na ang binatang ito na sumira ng isang plane!
Nasabik rin si Marvin.
Maraming maganda at pangit na dulot ang Fame na ito, pero matapos niyang matagumpay na makabalik sa Feinan, at ginamit niya ito ng tama, isa itong napakagandang bagay.
'Bayaning Marvin. Parang ang gandang pakinggan.'
'Kung may ganoong kakayahan na akong makapagtipon ng tao, kasama ng sapat na lakas, posible sigurong mapagtipon-tipon ng mga pwersa ng Feinan pagkatapos ng Great Calamity.'
'Gusto kong mauwi sa wala ang mga balak ng mga god na 'to!'
Habang iniisip niya ito, bumagsak na ang Decaying Plateau malapit sa Evil Spirit Sea.
Sinubukan pang gamitin ni Diggle sang kanyang kapangyarihan para suportahan ang Decaying Plateau at muling iahon ito sa Evil Spirit Sea, pero imposible na ito.
Masyadong mabilis ang pagbagsak nito para sa gravity ng Vois, at ang lahat ng Evil Spirit ay hindi na kayang suportahan nito. Kaya naman gumuho na ang Decaying Plateau.
Wala nang sapat na oras.
Ang katawan at kaluluwa ni Diggles ay naging isa na sa buong plane. Imposible na siyang makatakas kahit gustuhin man niya.
Kaya naman, wala na itong nagawa kundi murahin si Marvin.
Ginamit niya ang kapangyarihan ng isang buong plane, pero hindi pa rin naapektuhan ng sumpa si Marvin.
Protektado ng Golden Scissors ang Plane Destroyer, hindi nito hinayaang tablan ng sumpa si Marvin!
Kahit na nawala ang Golden Scissors, bago ito tuluyang nawala, naging isang makapangyarihang artifact pa rin ito!
'Sa wakas, nagawa ko na!' Nakahinga na nang maluwag si Marvin.
Pinanuod niyang bumagsak ang Decaying Plateau at lamunin ng Astral Beast na nag-aabang sa hangganan ng Void. Malinaw na naghihintay ang Astral Beast na ito nang makakain!
Magmula sa araw na iyon, wala na si Diggles at ang Decaying Plateau.
Ang iba pang mga Plane sa Underworld, tulad ng Abyss o Hell, ay malayo sa Feinan.
Nakuha na rin ni Marvin ang titolong Planet Destroyer.
Pero wala na siyang oras para tingann mabuti ang titolong ito, dahil isang malakas na kapangyarihan ang biglang lumitaw sa likuran niya!
Hindi mapigilan tumalsik ni Marvin!
Lumingon ito sa gulat, pero tanging mukha ng isang babae ang nakita niya.
"Sa tingin mo ikaw lang ang may Token mula sa Ancient Nature God?"
Humagikgik ito. "Paalam, Marvin."
Pagkatapos nito ay nahulog ang katawan ni Marvin!
…
Sa Feinan.
Nagulat ang lahat sa nangyari!
Ang bayaning si Marvin ay palihim na inatake at nahulog mula sa World Tree!
Sa isang iglap, hindi na nila nakita s Marvin.
Pero alam nang lahat ng nakakita… na pareho na ang kahihinatnan ni Marvin sa kinahinatnan ng Decaying Plateau at ni Diggles.
Babagsak siya sa Void!
Kamatayan na ang nag-aabang sa kanya!
"Hindiiii!"
…
Sa Thousand Leaves Forest.
Sabay na napahiyaw sina Hathaway at Ivan!
Tulirong tinitingnan ni Shadow Thief Owl si Marvin na nawala sa kalangitan. At ang magandang babaeng nakatayo sa World Tree.
Isang imahe ang biglang namuo sa likuran nito.
Walong ulo, at tumutubo pa ang ika-siyam.
Ito ang marka ng Azure Matriarch!
Nawala man ang mga Evil Spirit sa Feinan, nilamon naman sila ng anino ng Twin Snakes Cult!
"Gusto ata nilang mamatay!" Biglang nanlisik ang mata ni Ivan.
Bigla itong lumabas ng Thousand Leaves Forest.
Tahimik na nawala si Shadow Thief Owl. Tinawagan naman ni Endless Ocean si Constantine.
Nagkagulo ang buong White River Valley!