White River Valley. Namangaha ang lahat habang tinitingnan ang kalangitan.
"Diyos ko, hindi ba si Overlord Marvin 'yan?"
"Naging God si Lord Marvin?"
"Paano siya nakapunta sa langit?"
Hindi maintindihan ng mga pangkaraniwang tao ang nangyayari.
Nakatingin lang sila habang kita nag mukha ni Marvin sa kalangitan.
Gulat na gualt rin sina Anna at Wayne.
"Kuya… Anong ginagawa mo?"
Kahit na isa siyang Seer, hindi nauunawaan ni Wayne kung ano ang ginagawa ni Marvin.
Nang biglang tumalon ang tibok ng puso niya sa di malamang dahilan!
"Hindi maganda 'to! Nasa panganib si Kuya!" biglang sabi ni Wayne.
"Panganib? Anong panganib?" Isang malumanay na boses ang maririnig sa kanyang likuran.
Si Daniela.
Ang Ice Empress sa hinaharap ay dahan-dahang lumalapit na nakatingin sa kalangitan habang sinasabing, "Ang lalaking 'yan… gumagawa na naman ng kumosyon."
"Ano kayang ginawa niya para makapunta sa World Tree..."
"Hindi 'yan isang lugar na maaring puntahan ng sino man. Wala naman sigurong mangyayaring masama kay Marvin."
Kahit paano ay huminahon si Wayne.
"Talaga?"
"Magtiwala ka sa akin, Wayne!" kampanteng kinurot ni Daniela ang pisngi nito, kaya namula.
"Isa pa, magtiwala ka sa kuya mo. Isa ang kuya mo sa mga taong walang nakakapagsabi sa susunod na gagawin. At dahil ginawa niya iyan, siguradong pinaghandaan niya 'yan."
"Kung may mga tanong ka, intayin mo siyang makabalik."
May kakaibang naramdaman si Anna habang pinapakinggan ang usapan ni Wayne at Daniela.
'Bumalik kang ligtas,'Tahimik na dasal nito.
…
Hindi mabilang ang mga debate sa buong Feinan tungkol sa paglitaw ng kakaibang eksena.
Ginagawa pa rin ni Marvin ang makakaya niya para gupitin ang bulok na dahoon mula sa World Tree!
Hindi madaling sumira ng isang plane.
Hindi lahat ng tao ay kayang hawakan ang Golde Scissors at gupitin ang Decaying Plateau.
Ang Golden Scissors ay isang artifact, at kailangan mayroon kang Divine Fragment para mahawakan ito.
At nakuha ni Marvin ang Divine Fragment na ito mula sa Crimson Patriarch, kaya naman pasok siya sa pamantayan.
Pero kahit na ganoon, iba ang pagputol ng plane sa pagputol ng dahon.
Nang ikabit ni Diggle sang Decaying Plateau sa World Tree, pinaghandaan niya itong mabuti at gumamit ng napakaraming proteksyon.
Dahil dito, kaya nahihirapan si Marvin.
Sa loob ng higit sa tatlumpung minuto, naputol na niya ang tatlong-kpat ng dahoon.
At kanina pa siya pawis na pawis!
'Pucha! Mukhang konektado na ang World Tree sa Decaying Plateau. Doon sa trailer ng laro, napakadali lang pinutol ng Ancient Nature God ang isang dahol at gumuho na ang isang mundo. Parang ang dali-dali doon.'
'Bakit ako hirap na hirap!' Bahagyang naiinis na si Marvin.
Pero alam ni Marvin na ang lakas niya ay hindi maikukumpara sa Ancient Nature God.
Nagawa niyang makaputol ng tatlongkapat dahil umaasa siya sa epekto ng Golden Scissors.
Kung ibang plane, kahit pa isa itong pangkaraniwang secondary plane, hindi gagana ang Goldden Scissors!
Ni hindi niya mabubutasan ang Feinan.
Ang Decaying Plateau ay nagmula sa Evils Spirit See, kaya naman may pagkakataon si Marvin na samantalahin ito para putulin
'[Plane Destryoer], ngayon ko lang narinig ang titolong 'yon."
'Sa pagbagsak ni Diggles at ng outpost na ito ng Underworld, mas oonti ang mga inosenteng mamamatay dahil sa Great Calamity.;
Inisip ito ni Marvin at bumuntong hininga, bago bumalik sa kanyang ginagawa.
Sa pananaw niya, matagal nang nakatadhan ang pagbagsak ni Diggles at ang plane niya.
Ang buong Decaying Plateau ay nahihila na ng void.
Sa oras na maputol ni Marvin ang Decaying Plateau, wala nang magagawa si Diggles para ikonektang muli ito sa Evil Spirit Sea, at dahil sa paghila ng Void, mamamtay sina Diggles at ang milyong-milyong mga Evil Spirit!
Mapupunta sila sa malamig na Void at hinding-hindi na makakabalik.
Ito ang nakakatakot na Void
…
Sa Thousand Leaves Forest.
Kabadong pinapanuod ng Grupo ng mga Legend si Marvin.
Umalis na si Inheim at nagtungong norte sa tulong ni Sky Fury, hihingi sila ng tulong sa isa pang Great Druid, ang Mother of Creation.
Maraming enerhiyang nagamit ang iba pa sa laban pero wala namang sugatan sa kanila.
'Kailangan nating makahanap ng paraan para maibalik si Marvin!" Naninindigang sabi ng White Deer Holy Spirit. "Hindi siya makakabalik mula sa World of Tree nang mag-isa."
"Pero anong magagawa natin?" Tanong ni Endless Ocean. "Hindi na gumagana ang Rainbow Stone mo."
Saglit na tumahimik si Owl at bigla itong nawala.
Paglipas ng ilang sandali, muli itong bumalik at dismayadong sinabi, "Hindi na konektado ang Decaying Plateau sa Shadow Plane."
"Hindi na ako makapasok ng Decaying Plateau, hindi ko makukuha si Marvin."
Dismayado silang nagkatinginan. Walang nakaka-alam na ganito ang kahihinatnan nito.
Noong una, ang plano ay mabilis na puputulin ni Marvin ang dahoon at muling babalik sa Decaying Plateau para kasamang bumailik ng lahat sa Feinan.
Hindi nila inasahan ang mga naganap.
Halos matalo ang mga Legend dahil sa paglitaw ng Plague God, at hindi inasahan ni Marvin na masyadong matibay ang dahon!
Humigit kumulang apatnapung minuto na siya sa loob ng World Tree at ang eksena sa kalangitan ay bahangyang kumikisap-kisap.
Nakikita nang lahat na nagupit na ni Marvin ang 4/5 ng dahoon at habang tumatagal ay mas lalo itong naihirapan dahil na rin siguro sa pagod.
Kaunti na lang ay mapuputol na ang Decaying Plateau mula sa multiverse!
At sa kasaysayan na ang makikita ang pangalan ni Diggles!
Magiging isang tunay na bayani si Marvin.
Subalit… Mukhang malabong makabalik ang bayaning ito kapag natapos na niya ang kanyang misyon.
Ito ang ayaw mangyari nang lahat.
Dismayado silang nagkatinginan at laaht ng tingin nila ay napunta kay Ivan.
Pilit na ngumiti si Ivan at dahan-dahang tumayo.
"Susubukan ko," walang kasiguruhang sabi nito.
"Mahal na Ivan…" Nag-aalalang sabi ni Ollie, "Kinalulungkot ko pero ayaw po kayong makita ng King Nicholas sa ngayon."
Sumimangot si Ivan, "Bakit?"
"Inutos niya lang sa akin na walang sino man ang pwedeng umabala sa kanya!"
Hindi maipinta ang mukha ni Ollie.
"Hindi lang akong 'sino man', anak niya ako!" Direktang sagot ni Ian kay Ollie saka ito dumeretso sa kaibuturan ng Thousand Leaves Forest.
Natahimik sila.
Alam nila ang hindi maganda ang relasyon nina Ivan at ng Great Elven King, pero sa ipinakita ni Ivan, makikitang mahalaga si Marvin sa kanya.
Kahit anong mangyari, kailangan niyang subukan.
Sinunod ni Ivan ang kanyang perception at mabilis na naglakad sa Thousand Leaves Forest.
Sa wakas ay nakarating siya sa lihim na lugar sa kaibuturan ng kagubatan.
Ang ikinagulat niya ay walang bantay doon para paalisin siya.
Sumimangot siya at naglakad papasok, at tanging nakita ay isang lawa sa gitna ng lihim na lugar.
Ang Great Elven King na si Nicholas ay nakababad sa lawa, hubo't hubad!
"Ama…" Hindi alam ni Ivan ang kanyang sasabihin.
Dahan-dahan namang humarap sa kanay nag Great Elven King.
Nakalubong ang kalahati ng katawan nito sa tubig, at may mga patak ng tubig na tumutulo mula sa kanyang maputing balat. Pero ang ikinagulat ni Ivan ay may isang nagliliyab na butas sa dibdib nito!
Palaki nang palaki ang butas!
"Ikaw…"
"Anong nangyari sayo?!"
Biglang napalapit si Ivan.
"Dyan ka lang," matikas na sabi ni Nicholas.
Tumigil si Ivan.
Tuliro itong tuminginsa Great Elven King. Magmula nang bata siya ay, bihira na nitong makita si Nicholas. Mapagmataas ito at walang nakakatiis sa kanya!
Nakakamangha siya, laging nasa tuktok, hindi napapagod, hindi natatakot o nalilito.
Pero ngayon ay makikita ang pagod sa mukha ng Great Elven King!
Makikita ang mga namumuting buhok nito sa kanyang sintido.
Isang nakakatakot na apoy ang nasa butas sa kanyang dibdib, patuloy na winawasak ang katawan ng Great Elven King.
"Ipikit moa ng mata mo, tumalikod ka, at umalis." Malamig pa rin ang boses ni Nicholas pero maririnig ang pagod sa pananalita nito.
"Kailangan ko nang oras para matulog."
"At is aka pa ring exiled na elf, kaya pakiusap, umalis ka na."
"Sinabi ko na sayo, wag kan babalik hangga't hindi ka pa nagtatanda. Nakikita ko pa rin ang kamang-mangan ng isang bata sa katawan mo."
"Ivan… binigo mo ako." Unti-unting lumubog ang kanyang boses kasabay ng paglubog ng katawan nito sa tubig hanggang sa tuluyan itong mawala.
Tulirong tumayo sa tabi ng lawa si Ivan, tinitingnan ang anino ng Great Elven King, at saka tumingala at nakitang nahihirapan si Marvin. Isang malungkot na itsura ang gumuhit sa kanyang mukha.
…
Sa God Realm, isang lihim na diskusyon.
"Dahil sa dalawang tanga na 'yon, si Ann Maria at Glynos, napalabas talaga si Nicholas."
"Oo nga, ilang taon nang nagtatago sa Thousand Leaves Forest si Nicholas, hindi ko inaasahang hindi na siya makakapagpigil at aalis siya ng Feinan, kaya nagkaroon tayo ng pagkakataon."
"Direktang bumaon sa puso niya ang [Flaming Divine Spear] mo. Aabutin siya ng ilang dekada bago gumaling."
"Malaki ang nabawas sa mga banta."
…
Sa World Tree, dahil sa pagpupursigi ni Marvin, sa wakas ay naabot na niya ang huling hakbang!
Huminga siya nang malalim, balot ng pawis ang kanyang noo.
At unti-unti nang lumalabo ang Golden Scissors dahil matatapos na ang kanyang misyon. Maaari na itong mawala ano mang oras!
Kinuyom ni Marvin ang kanyang ngipin at gagawin na ang huling paggupit, para tuluyan nang masira ang Decaying Plateau.
Nang biglang, habang nakatitig siya sa dahin, may napansin siya sa ibaba.
Mayroong malaking aninong palapit sa kanya mula sa malayo.
Galing ito sa Void!
'Pucha…'
Huminga nang malalim si Marvin.
Isang Astaral Beast!
Nagpapalutang-lutang ito sa hangganan ng Void!
Dahan-dahan itong tumingala at tumingin kay Marvin.
Nanigas si Marvin, tumigil sa paggalaw ang kanyang mga kamay!