Isang matangkad na anino at isang maliit na anino ang hirap na umusad sa isang walang hanggang dagat ng buhangin.
Malakas ang hangin at lulubog ang kanilang mga paa sa buhangin sa bawat hakbang, kaya naman mabagal ang kanilang pag-usad.
Lalo na ang batang babae sa bandang likuran. May mga gasgas na ito dahil sa mga lumilipad na buhangin.
Makikitang hirap na hirap ito sa bawat hakbang.
Pero pinagpatuloy lang ni Marvin ang pagsunod dito, walang maaaninag na emosyon sa kanyang mukha.
Gaya ng kanyang sinabi, hindi siya mag-aalinlangan gawin ang kahit anong ipagawa sa kanya ni Marvin.
At hindi rin ito tinulungan ni Marvin.
Nakikita niya ang kanyang dating kaibigan sa batang babaeng ito na mayroon na lang 18 taon para mauhay. Ang tatahakin nilang landas ay hindi magiging madali, kahit pa kay Marvin.
Pero may tiwala ito kay Marvin. Pakiramdam ni Marvin ay responsible siya para sa batang ito dahil sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.
Kailangan niyang Maka-isip ng paraan para matulungan siya.
Kaya naman, nang umalis ito ng White River Valley, sa pagkakataong ito ay wala siyang ibang sinama kundi si Isabelle!
Mahirap ang landas na pinlano ni Marvin para sa kanya.
Ang landas na ito ay mas mahirap pa kesa sa desyertong ito, pero ito na lang ang pag-asa niya.
'Umaasa akong kayanin niya 'to.'
Nilingon ni Marvin si Isabell. Malinaw na nanghihina na ito, pero nakinig pa rin ito sa sinabi ni Marvin: Wag gamitin ang [Blink].
Uubusin lang ng ability na ito ang kaunting natitira niyang buhay. Inutos ni Marvin na wag gamitin ito maliban na lang kung kailangang-kailangan na.
Nahihirapan siya sa bawat hakbang.
Mukhang ito ang kapalaran ng mga Hammon.
Tumigil si Marvin at saglit na hinintay si Isabelle na makahabol.
Sa katunayan, tatlong araw na ang layo nila mula sa Deathly Silent Hills.
Mayroong hawak na compass na hawak si Marvin, sinisigurado niyang tama ang kanialng dinaraanan.
"May isang oras pa tayong maglalakad. Kamusta ka?" Nag-aalalang tanong nito.
Bahagyang tumango lang si Isabelle.
Nagpatuloy ang dalawa.
Paglipas ng walumpung minute, mas kaunti na ang umiihip na hangin.
Umakyat ang dalawa sa isang dune. Bahagya nilang natatanaw ang isang tirahan ng tao sa malayo.
Kinusot ng bata ang kanyang mata at inisip na isa lang itong ilusyon.
Malumanay na hinimas ni Marvin ang ulo nito, dinura nito ang buhangin na pumasok sa kanyang bibig. "Nandito na tayo."
Isa itong oasis. Ang pinakakilalang bayan sa silangang bahagi ng Saint Desert, ang [Kassemuir] ay binuo sa oasis na ito.
Naniniwala ang mga tao rito na pinagpala ng mga god ang lugar na ito dahil karamihan ng mga oasis dito ay nawala na sa paglipas nang panahon, pero tanging ang Kassemuir ang nanatili.
Isang era na itong narito.
Karamihan ng naninirahan sa Saint Desert ay ang Bai clan. Ang Sha clan naman ay nakatira sa isang maliit na bahago ng stone forest sa dakong hilaga, dito nila inaaral ang mga baril at pulbura.
"Sa lenggwahe ng Bai clansmen, 'Pearl' ang ibig sabihin ng Kassemuir."
"Ito ang sinabi kong lugar na pagdadalhan ko sayo. "
Hiniwakan ni Marvin ang kamay ni Isabelle at naglakad patungo sa oasis.
Unti-unti nang nakikita ang bayan mula sa malayo.
Pamilyar si Marvin sa bayan na ito. Namalagi na siya rito at tumaas ang kanyang reputasyon dahil sa isang pagkakataon, muntik pa nga siyang maging pununo ng Bai Clan.
At may kaunti naman siyang nalalaman sa Kassemuir.
Hindi kasing hinahon ng itsura nito ang bayan na ito.
Mayroong mga presensya rito na hindi nakikita ng mga tao. Marahil ay namamahinga pa ang mga nakakatakot na aninong ito. At kung lumabas ang mga ito, baka matakot ang buong Saint Desert sa mga ito.
Pero ang rason ni Marvin sa pagpunta ay hindi para harapin ang lihim na panganib ng Kassemuir.
Sa katunayan, umalis siya ng White River Valley na iisang pakay: Ang kunin ang Source of Fire's Order.
Malalabanan lang nila ang mga bugso ng chaos magic sa panahon ng Great Calamity, kapag hawak na nila ang Source of Fire's Order na ito at nakapagtayo ng isang lugar na pansamantalang hindi maiimpluwensyahan ng chaos magic. .
Ito ang rason kung bakit kayang magtayo ng isang bansa ng Rocky Mountain noong mga panahong iyon. Hawak ng tatlong Fate Sisters ang Source of Fire's Order.
Sinindihan nila ito para basbasan ang mga tao.
Kahit na hindi alam ni Marvin kung saan nila nakuha ang Source of Fire's Order na iyon, alam niyang mayroong tatlo nito.
Ang una ay ninakaw ng Shadow Prince na si Glynos. Ang ikalawa ay sapilitang inapula ng napakaraming god na nagtulong-tulong nang sindihan ito ng magakakapatid.
Habng ang ang ikatlo naman, ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid, ang babaeng pinatay mismo ang Black Dragon, ay pinatay ang ilang avatar ng mga god at sinunog ang order.
Sa kabila nito, nagdusa sila dahil sa inggit ng mga god sa Rocky Mountain kaya naman hindi rin ito nagtagal.
Kailangan ni Marvin ang Source of Fire's Order. Alam niya na ang mga pamamaraan ng mga god, kaya isa lang ang kailangan niya.
Pero mas maganda pa rin kung higit sa isa ang makuha niya.
Kaya naman umalis siya ng White River Valley para pumunta sa bansa ng mga Sorcerer, ang Rocky Mountain!
At napadaan lang naman sila dito sa Saint Desert.
Maraming toang tumutungo sa Kassemuir. Kung hindi dahil kay Isabelle, hindi kakailanganing pumunta ni Marvin dito.
Pero an gang ikinasama ng loob ni Marvin ay ito pala ang maling oras para pumunta dito.
Nang makarating sila sa bayan, nalaman nilang nasa ilalim ito ng batas military!
Ang mga taong walang ID ay hindi makakapasok sa Kassemuir. Maaari rin silang hulihin bilang mga espiya ng mga gwardya.
'Anong nangyari?'
Nagtatakang tiningnan ni Marvin ang isang malaking grupo ng mga taong nakapalibot sa isang karatula sa labas ng Kassemuir.
Hinila niya si Isabelle para lumapit.
…
Sa walang hanggang desyerto.
Ilang nakahilig na cactus ay nakahiga sa tabi ng kalasada.
Isang gutom at uhaw na taong naglalakbay ang nasa tabi ng kalsada, tila naligaw ito.
Nagsusugat na ang kanyang labi, marahil dahil sa uhaw. Baka mamatay siya kapag walang tumulong sa kanya.
Nang biglang lumabas ang isang masiglang White Deer.
Isang White Deer, nasa desyerto?
Kung nakita ito ng isang pangkaraniwang tao, marahil iisipin nito na isa lang itong ilusyon.
Pero tila naakit ang taong ito at pinilit na tumayo.
Nanatili lang ang White Deer sa kinatatayuan nito, hindi gumagalaw.
Dahan-dahang lumapit ang lalaki.
Hindi naman kumilos ang White Deer, puno ng kabutihan ang mga mata nito.
Pero noong mga oras na iyon, biglang pinakita ng taong ito ang kanyang mga pangil. Lumubog ang mukha nito at naging isang malaking bunganga na puno ng matatalas na ngipin!
Agad namang nagulat ang White Deer!
Pero huli na ang lahat. Dinambahan na ito ng lalaki at kinagat ang leeg ng White Deer.
Agad namang bumagsak sa lupa ito at pumiglas pa ng ilang saglit bago tuluyang natuyuan dahil sa paghigop ng lalaki rito.
Tumawa ang lalaki at pinunasan ang dugo sa kanyang bibig, saka ito bumalik sa kanyang anyong tao.
Noong mga oras na iyon, isang nakaputing babae ang biglang lumitaw.
"Magaling"
"Ipagpatuloy mo lang ang pagpatay ng White Deer. Pero bantayin mo rin ang Kassemuir. May nakapansin na ng opersayon natin."
"Kailangan nating mag-ingat sa paghihiganti ng mga Bai," malumanay na babala ng babae.
Tumawa naman ang lalaki. "Wag kayong mag-alala, Lady Deciever."
"Hindi pa rin naman alam ng mga Bai ang pinagkaiba ng mga tao sa mga Evil Spirit."
Seryosong tumango ang nakaputing babae. "Sige."
"Base sa imbestigasyon ko, sabi nila kapag nakapatay lang tayo ng partikular na bilang ng mga White Deer saka lang natin magagalit sa atin ang [White Deer Holy Spirit].
"Ito lang ang pagkakataon natin na buksan ang kweba ng White Deer. Mabubuksan lang natin ang Disaster Door kapag nakuha na natin ang mga kayamanan sa loob nito."
"Ipagpatuloy mo lang, pero wag mong hayaang madiskubre ka ng mga Bai worshipper. Kung hindi, hindi aalis ang White Deer Holy Sprit sa White Deer Cave. Naiintindihan mo ba?"
Tumango ang lalaki.
Pagkatapos nito isang mabuhangin na hangin ang umihip sa babae at nawala ito.
Nagpatuloy naman sa kanyang ginagawa ang lalaki.
At ang kaawa-awang White Deer ay nailibing na lang sa buhangin.
…
Sa harap ng karatula, seryosong binasa ni Marvin ang mga nilalaman nito.
Hindi tulad ng mga taong lumapit lang dahil sa pagtataka, naiintindihan talaga ni Marvin ang ibig-sabihin ng anunsyong ito.
'Malawakang pagpatay sa mga White Deer?'
'Kaya naman pala gustong isarado ng mga Bai ang Kassemuri.'
'Ang White Deer Holy Spirit ay ang banal na hayop ng mga Bai clansmen.'
Biglang pumasok sa isip ni Marvin ang mga impormasyon tungkol sa White Deer.
Bali-balita na noong napilitang lumipat sa desyerto ang mga ninuno ng mga Bai, hindi sila mapakibagayan ang buhay dito. Hindi sila makahanap ng tubig o ng lugar na matutuluyan.
Noong mga oras na ito, biglang lumitaw ang White Deer Holy Spirit, ipinakita sa kanila nito ang daan na patungo sa isang oasis.
Ang White Deer Holy Spirit ang diwata ng Bai clan.
Marami itong tagapanmana, at ang mga misteryosong White Deer na ito ay may kakayahang maging invisible. Nakakalat ang mga ito sa buong desyerto.
Madalas ay hindi nakikita ang mga ito.
Paminsan-minsan, kapag naligaw ang isang tao, bumagsak sa tabi ng kalsada, dumaranas ng krisis, biglang mmagpapakita ang White Dear sa kanila.
Kapag nangyari iyon, basta sundan nila ito, makakahanap sila ng mapagkukunan ng tubig.
Mayroon ring ganito ring mga alamat sa iba't ibang bahagi ng Saint Desert.
Ang mga White Deer na ito ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Bai clan at sila naman ang tagapag-ampon ng mga taong naglalakbay.
Pero ngayon, nagalit ang mga Bai clansmen nang matagpuan ang napakaraming bangkay ng mga White Deer.
Mayroong pumapatay sa mga White Deer.
Hindi naman mapigil ng mga Bai clansmen ang kanilang alit dahil dito. Sinarado nila ang buong oasis at inimbestigahan ito.
Kung makita ng iba ang laman ng karatolang ito, baka magtaka lang ang mga tao sa kung bakit may pumapatay ng mga White Deer.
'Maraming White Deer ang pinapatay para lang palabasin ang White Deer Holy Spirit. Saka lang magbubukas ang White Deer Cave na laman ng mga kwento.'
'Kayang gumawa ng lagusan sa pagitan ng mga plane ang artifact na iyon… Sinong may pakana nito?'
Napakaraming pangalan ang pumasok sa isip ni Marvin.
Mayroong ring ganitong kaganapan sa kanyang dating buhay. Pero hindi alam ni Marvin kung sino ang may gawa nito.
Lalo pa at may ilang mga plane na malapit sa Feinan na maaaring magbukas ng pansamantalang lagusan.
Ang Underwolrd, ang Abyss, ang Hell… Posible ang lahat ng ito.
Habang isinasantabi muna ang ideyang ito, may malaking problema nagyong kinakaharap si Marvin.
Kung hindi siya makakapasok sa Kassemuir, hindi niya magagawa ang kanyang pinaplano.
Namroblema si Marvin dahil dito.
Nang biglang may isang grupo ng tao ang biglang sumigaw, "Nagbalik na ang Holy Maiden!"
"Inimbestigahan niya ang mga nangyari sa mga pinatay na White Deer. Mayroon naman siguro siyang nakuhang impormasyon."
Lumingon si Marvin at nakita niya ang isang babaeng nakaputi na dahan-dahang naglalakad pabalik mula sa desyerto.
Mayroon siyang kakaibang naramdaman nang makita niya ito.
Pareho ang naramdaman niya rito noong makita niya si Daniela.
__________
_________
T/N: Ang Bai ng Bai clan ay white ang ibig-sabihin. Pareho lang ito sa white na white dear. Knowledge +1!