Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 217 - Assassin Alliance

Chapter 217 - Assassin Alliance

Naglakad ang Holy Maiden mula sa desyerto, dalawang Bai clansmen ang tahimik na nakasunod sa kanya.

Mga Scimitar Fighter.

Kilala ang scimitar skill ng mga Bai clansmen sa buong Feinan. Ang Scimitar Fighter rin ang kilalang class ng mga Bai clansmen, tulad ng Battle Gunner class ng Sha clan.

Parehong may hawak na tao ang dalawang Scimitar Fighter.

Mukhang mga bilanggo ang mga ito.

Mukhang matikas ang mga ito, pero balot na sila ng mga sugat at pasa sa kanilang katawa at ang bibig nila ay mayroong nakatakip na tape.

Tumigil ang Holy Maiden sa labas ng Kassemuir at tiningnan ang mga taong nagtipon-tipon. Kasabay nito lumabas din ang mga gwardya mula sa Kassemuir para salubingin ang mga ito.

"Nahanap ko na ang mga pumapatay sa mga White Deer. Ang dalawang adventurer na ito."

"Bilang parusa, bibitayin ko ang dalawang ito sa harap ng lahat ng mga dayuhang ito."

Tumango ang mga gwardya.

Lumayo ang lahat at bumuo ng isang bilog.

Pinanuod ng mga tao mula sa maliit na bayan ang nagaganap.

Biglang may naramdamang mali si Marvin.

Hinawakan niya ang maliit na kamay ni Isabelle at bahagyang umatras, lumipat sila sa pwesto kung saan hindi sila natatanaw ng Holy Maiden na ito.

May kakaiba siyang nararamdaman sa Holy Maiden na ito.

Kadalasan, pinagsisilbihan ng Holy Maiden ng Bai Clan ang White Deer Holy Spirit, at bibihira siyang magpakita sa mga tao. Ang mga priest ng Bai clansmen ang laging humaharap sa mga tao.

Kahit na ganito kalaki ang problema, hindi naman niya kailangan magpakita, hindi ba?

Habang nagdadalawang-isip si Marvin, maririnig ang hiyawan ng mga tao.

Malinaw na pinugutan na ng ulo ang dalawang lalaki.

Kumalat ang dugo sa lupa.

Nabawasan na ang galit ng mga Bai clansmen at iminungkahi ng Holy Maiden na bawiin na ang batas military na ipinatupad sa Kassemuir.

Sunod-sunod na pumasok ang mga grupo ng tao sa loob ng maliit na bayan .

Tumingin ang Holy Maiden sa mga tao.

Pagkatapos nito, unti-unti itong pumasok sa bayan at kalaunan ay nawala na ito sa paningin ng mga tao.

Para sa mga manlalakbay, tila isang patalastas lang ang naganap.

Pero para kay Marvin isa itong malaking pangyayari.

May mga pumapatay ng White Deer… Ibig sabihin malapit nang magbukas ang White Deer Cave. 'Dapat na ba akong makigulo?'

Kapag napagkamalan siya ng White Deer Holy Spirit na siya ang pumapatay sa mga White Deer, siguradong malaking problema ito. Pero paano kun samantalahin niya ang labanan sa pagitan ng White Deer Holy Spirit at ng mga pumatay para mauna siya sa kayamanan?

Sa katunayan, natutukso si Marvin na gawin ito, pero kailangan niya pa ring timbangin ang mga panganib at ang benepisyong makukuha niya.

'Wag na. Masama ang kutob ko dito, at saka kailangan ko munang unahin ang mga kailangan kong gawin.'

Hindi na nagalawang-isip si Marvin. NAghintay siya hanggang sa mawala ang Holy Maiden bago siya pumasok sa maliit na bayan.

Ang Kassemuir, ang pinakamakinang na perlas ng Saing Desert.

Ang mga pambihirang istruktura ng mga Bai clansmen ay itinatag sa lugar na ito, mga espesyal na kubo na kayang labanan ang mga malalakas na bugso ng hangin at buhangin, kaya madadama mong nasa ibang bans aka talaga.

Bawat rehiyon sa Feinan ay may kanya-kanyang kultura. Kahit na pareho silang nasa katimugan, ibang-iba ang desyerto mula sa ibang lugar sa East Coast.

Nakasuot ng belo ang mga babae rito, at kadalasan ay balot na balot ang mga ito. Pangkaraniwan lang ito sa mga Bai clansmen.

Pero hindi naman nila tinatanggihan ang kakaibang pananamit ng mga dumarayo dito, tinuturing na isang mapagpatawad na bayan ang Kassemuir, hindi tulad ng ibang mga lugar sa Saint Desert kung saan tinitingnan bilang mga kalaban ang mga dayuhan.

Inilibot ni Marvin si Isabelle sa buong Kassemuir. Unang bumili ang dalawa ng kanilang pagkain at tubig.

Pagkatapos nilang maglakad sa desyerto ng ilang araw, pagod na pagod na ang batang babae. Kaya naman hinayaan niya munang magpahinga ito nang isang araw.

Kinaumagahan, binuhat ni Marvin si Isabelle sa isang eskinita sa kanlurang bahagi ng bayan.

Sa dulo ng eskinitang ito ay mayroong maliit na pagawaan na gumagawa ng mga palayok.

Ang nagmamay-ari ng pagawaang ito ay isang lalaking na isa lang ang mata na tinatawag ng lahat na One-Eyed Byrd.

"Gusto niyo bang bumili ng mga White Deer na palayok?" Tiningnan ng lalaki ang dalawang bisita at binanggit ang kadalasang sinasabi nito.

Ibat't ibang uri ng palayok ang makikita sa silid na iyon.

Naging interesado si Isabelle sa mga ito.

Samu't sayo ang mga itsura ng mga White Deer sa palayok, marami ring uri ng dekorasyon ang mga ito. Ang ganitong sining ay pambihira sa buong East Coast. Kadalasang ginagamit ito para mag-imbak ng tubig, pero syempre, mas mahal pa rin ang mga pandekorasyong palayok.

"Gusto mo ba ang mga 'yan?" Ngayon lang nakitaang ng pannabik at pag-aasam sa mga mata ng bata.

"Kung gusto mo, pumili ka na ng isa."

"Isang ginto ng Wizard." Sabi ng One-Eyed Byrd.

Nanlaki naman ang mata ni Isabelle, at agad na umiling-iling.

Kahit na galing ang batang ito sa mahirap na pamilya, alam niya kung ano ang katumbas ng isang ginto ng wizard.

Bakit naman ganito kamahal ang isang palayok?

Pakiramdam niya ay magsasayang lang siya ng pera.

Pero mas nagulat siya nang biglang naglabas si Marvin ng ginto at inabot ito sa matanda.

"Pumili ka na," Sabi ni Marvin habang kinikindatan ito. "Hindi lang tayo basta bumibili ng palayok, kasama 'to sa matrikula."

Nang marinig ito, napatingin ang One-Eyed Byrd kay Isabelle.

Tila nalilito naman ang batang babae, kaya tiningnan niya si Marvin at mabagal na tumango.

Dahil nagbayad na si Lord Marvin, kailangan niyang piliin ang pinakamaganda.

Sinimulan niyang tingnan ang mga palayok, isa-isa. Seryosong-seryoso ito at tinitingnan mabuti ang bawat isang palayok bago siya pumili ng pinakangnagustuhan niya.

Inabot siya ng 20 minuto.

Noong mga oras na iyon, hindi nagsalita si Marvin at ang One-Eyed Byrd.

Maingat na hinawkan ni Isabelle ang palayok. May tumatalong White Dear na nakaguhit ditto.

"Ito ba?" Tinapik ni Marvin ang ulo nito.

Tumango ang bata. Makikita ang pagkasabik nito sa kanyang mga mata.

Ito ang unang beses na may nagbigay sa kanya ng napakagandang regalo.

"Alagaan mong mabuti," mahinang sabi ni Marvin, "Baka matagal tayong hindi magkita."

"Marami kang bagay na kailangan harapin mag-isa. Kampante ka ba?"

Tumango si Isabelle.

Bago sila umalis, tinanong na siya ni Marvin ng opinyon niya.

Noong mga oras na iyon, sinabi ng One-Eyed Byrd na, "Masyado ka naman yatang malupit… para iabot ang isang batang-bata na babae sa Shadow Valley."

"Marami naman batang ka-edad niya doon hindi ba?" Tiningnan siya ni Marvin.

"Kailangan ko munang makita ang permiso ng Alliance," mahinang sabi ng Byrd.

Tahimik namang inilabas ni Marvin ang kanyang pagkakakilanlan.

"Baron Marvin ng White River Valley, ikaw pala talaga 'yan."

"Kailan lang umabot na dito sa desyerto ang reputasyon mo."

"Mas bat aka pa pala kesa sa inaasahan ko." Gulat na tiningnan ng Byrd si Marvin.

Nanatiling tahimik si Marvin. Masyadong mabilis ang pagkalat ng balita tungkol sa kanya. Maraming napukaw na atensyon ang panghihiram niya ng napakalaking halaga ng pera para buoin ang kanyang teritoryo.

Ang kanyang orihinal na Overlord status ay sapat na para ipakalat ng mga tao ang kanyang panibagong tagumpay. Ngayon kilalang-kilala na si Marvin sa buong East Coast.

Marami nang mga kabataan ang tumitingala kay Marvin, umaasa ang mga ito na maging bahagi ng pangunahing pwersa sa hukbo ng wilderness clearing order sa pamamagitan ng pagsasanay ng kanilang martial skill.

Kahit na hindi sila magiging noble, makakahalubilo nila ang mga Knight.

Ayon sa balita ay bukod sa gantimpalang titolong Viscount, bibigyan din siya ng kapangyarihang maggawad ng titolo sa kanyang mga tauhan.

Kwalipikado na siyang magkaroon ng dalawang kampon.

Pero sa kasagsagan ng wilderness clearing campaing na ito, hindi masyadong umasa si Marvin sa ibang tao, kaya kakaunti lang ang mapagpipilian niya. Kaya isinantabi na muna niya ito.

Matapos nilang magkaroon ng simleng negosasyon, tinapos na ni Marvin ang paunang pormalidad para kay Isabelle.

Ang sunod dito ay ang pagpunta sa Shadow Valley.

Hindi naman nag-aalala si Marvin tungkol dito. Mayroong lang talagang sariling pamamaraan ang One-Eyed Byrd bilang tagapamagitan ng Assassin Alliance.

Hindi nagtagal, sinarado na ni Byrd ang kanyang tindahan at nagdala ng dalawang camel sa bakuran. Sinamahan na nito sina Marvin at Isabelle at umalis na sila ng Kassemuir.

Sumakay ang tatlo sa camel pa-kanluran. Hanggang sa isang mahaba at walang patid na mga bundok ang nakita nila mula sa malayo.

Ang mga bundok na ito ay umaabot hanggang sa gitna ng Saint Desert, kaya naman mas naging komplikado ang kalupaan ng lugar na ito.

Kaunti at hiwa-hiwalay ang mga halaman sa bulubundukin na ito.

Paglipas ng dalawang araw, nakarating na ang tatlo sa pasukan ng isang lambak.

Ang Shadow Valley.

Ang headquarters ng mga Assassin Alliance.

"Tara na" bulong ni Byrd at unang pumasok sa loob ng Byrd.

Sinundan naman siya ni Marvin at Isabelle.

Matapos magpakita ni Byrd ng pass, pinalagpas na siya ng dalawang lalaking naka-itim.

Nagpatuloy sila sa pagpasok habang tinitingnan ang magagandang tanawin sa kapaligiran.

Nakita nila ang napakaraming bata na nasa kalagitnaan ng isang matinding laban sa buhangin, Kalaban nila ang isa't isa sa isang labanang nakasalalay ang kanilang buhay.

Bawat isa sa kanila ay mayroong hawak na straight dagger.

Isang bata ang nagtagumpay habang ang iba naman ay namatay.

Ito ang pagsubok ng Apprentice Assassin.

Nakapunta na rin dito si Marvin dati.

Bilang isa sa mga ka-alyadong organisasyon ng Souht Wizard Alliance, ang Assassin Alliance ay kilala sa paghubog ng mga Assassin. Ito ay isang paraiso ng mga Assassin. Kahit ano pa ang piliin mo sap ag-advance, matutulungan ka nila sa nais mong maabot.

Phantom Assassin, Ace Assassin, Blood Assassin… Maraming Assassin advancement ang maaaring matapos dito.

Nag-advance din si Marvin sa Phantom Assassin sa lugar na ito bago niya tuluyang tinahak ang landas sa pagiging Ruler of the Night.

Sa wakas ay tumigil na ang tatlo sa harap ng isang pabilog na istruktura.

"Papasok na kami. Isasama ko siya para dumaan sa proseso."

"At dahil isa siyang kandidatong nirekomenda ng isang noble ng Alliance, maaari na niyang lagpasan ang unang pagsubok at direktang maging Apprentice Assassin."

"Pero hindi ko masisigurado sayong mananatili siyang buhay," babalang sabi ni Byrd habang tinitingnan niya si Isabelle na hawak ang kanyang palayok na pinili.

Tumango si Marvin.

"Pwede ka nang umalis. Mailap sa mga taga-labas ang Shadow Valley, "sabi ni Byrd kay Marvin. "Kapag namatay siya, ipapaalam naming sayo."

"Kung hindi naman, pwede mo siyang makita ng isang beses bukas. "

Ngumiti si Marvin. "Alam kong alam mo na mayroong pang isang posibilidad."

Tiningnan ni Byrd si Marvin, tila nabigla ito at sinabing, "Oo… posible rin namang maaga siyang makapagtapos dito."

"Sige na, umalis ka na, hindi na makakapagtimpi nang matagal ang mga gwardya."

Hindi niya inaasahang tatawa lang si Marvin at iiling. "Hindi lang ang pagdala sa kanya dito ang dahilan kung bakit ako pumunta Shadow Valley."

Ikinagulat ng lahat ang mga taong nasa paligid ang mga sumunod nyang sinabi.

"Gusto kong lumahok sa hamon ng King Assassin."