Sa East Cast headquarters ng South Wizard Alliance. Silid pulungan ng Kagawaran ng Pananalapi.
"Ano baa ng tingin ng lahat sa panghihiram ni Baron Marvin ng napakalaking halaga?" mahinang tanong ng isa.
Nanatili namang tahimik ang apat.
Matapos ang ilang sandal, suminghal ang isa, "10000 na ginto ng Wizard? Ngayon lang nagkaroon ng taong humihiram ng ganito kalaking halaga magmula nang maitatag ang Alliance, hindi ba?"
"Anong ginamit niyang pang-garantiya?"
Ang unang taong nagsalita ay isang babae. Siya ang namumuno sa kagawaran ng panannalapi, si O'Connor.
Sinulyapan niya ang lalaking nanunuya, "Mister Peter, pwede bang wag kang dumaldal ng kung ano-ano kung hindi mo pa naman natitingnan ang assessment report?"
Natahimik si Peter.
Lahat sila'y mayroong manipis na dokumento sa kanilang harapan.
Ito ay isang assessment report ni Marvin at ang potensyal sa pag-unlad ng White River Valley.
Mahigpit ang South Wizard Alliance pagdating sa pagpapahiram ng pera, at laging nagsasagawa ng detalyadong imbestigasyon ang mga ito.
"Sa pagkaka-alam ko, walang kakayahan ang teritoryo ni Baron Marvin na mabayaran ang lahat ng hinihiram niya agad-agad. Pero sa ekspedisyong ito, matagumpay siyang nakapagbukas ng panibagong teritoryo."
"Dinispatya niya ang isang buong tribo ng mga Ogre. Sinasabi sa mga balita na mayroon raw mga Legend Ogre sa mga ito."
"At natuklasan naming na maraming koneksyon si Baron Marvin."
Katatapos lang ni O'Connor magsalita nang biglang sumigaw si Peter, "Paanong nangyari ito!"
Habang hawak niya ang dokumento sa kanyang harapan at tinitingnan ang bawat pamilyar na pangalan, hindi niya mapigilang mabigksa, "Demon Hunter Constantine.."
"Elven War Saint Ivan…"
"Pati na ang mailap na si O'Brien?"
Napalunok sa inis si Peter. "Palsipikado baa ng dokumentong ito?"
Tiningnan siya ng lahat na para bang isa siyang tanga.
Ang dahilan kung bakit sila tahimik kanina ay dahil nagulat sila sa mga pangalang iyon na nabsa nila. Iniisip nila kung kaya ba talagang tipunin ng ganitong klaseng tao ang mga makapangyarihang tao sa iisang lugar.
Isama pa rito na binanggit rin sa dokumentong ito na si Marvin, kasama ng ilan pang mga makapangyarihang Legend, at napatay ang Crimson Patriarch. Isang bagay na kahit si Anthony ay hindi nagawa.
Walang kaduda-duda na base sa dokumentong ito, si Baron Marvin ay isang taong may malaking potensyal.
Balak na sanang ialok ng South Wizard Alliance kay Marvin ang titolong Viscount matapos ang matagumpay nitong wilderness clearing expedition.
Laging hinihikayat ng South Wizard Alliance ang mga noble, na may kakayanan, na palawakin ang kanilang mga kalupaan, ngunit, hindi ito tulad ng mga noble sa norte na hilig ang pakikipaglaban sa isa't isa hanggang kamatayan para lang sa kakarampot na pangangailangan.
Ang ikinagulat ng Alliance, ay hindi pa man nila naibibigay ang gantimpala ni Marvin, nanghihiram na agad ito ng pera.
At hindi nila inaasahang ganito kalaking halaga ang kanyang hihiramin!
10000 na ginto!
Katumbas nito ang sampung milyong pilak!
Katumbas na ng halagang ito ang kalahati ng loan quota ng kagawaran ng pananalapi ng headquarters sa East Coast ng South Wizard Alliance.
Kung ipauutang nila kay Marvin at umutan rin iba pang mga teritoryo, baka mawalan sila ng maaaring ibigay sa mga ito.
Kaya naman mula sa perspektibong ito, masyadong mapaglabis ang hinihiling ni Marvin.
Pero hindi rin magandang tugon ang agad-agad na pagtanggi rito.
Dahil may isang bagay na nakakahalinang nakasulat sa sulat na ito ni Marvin.
10000, ibabalik rin agad sa loob ng anim na buwan. Dalawang minahan ng ginto ang kolateral.
Pagkatapos na pagkatapos ng wilderness clearing military campaign, agad na may pinapunta si Marvin para tingnan ang mga ore vein sa kaibuturan ng Ogre Mountain.
Labis naman ang tuwa niya nang malaman ang resulta nito.
Ayon sa kanyang ama, mayroong minahan ng ginto doon. Pero hindi iyon ang naging resulta ng pagsisiyasat. Hindi lang isa ang ore vein, mayroong dalawa!
Mayroon ring dalawa o higit pang mga vein na makahanay na hindi nagsasalubong, isa sa dakong timog at isa sa dakong hilaga. Binigyan ni Marvin ng pahintulot na minahin ang isa sa mga ito sa Silver Church bilang bahagi ng kanilang kasunduan, pero siya pa rin ang nagmamay-ari nito.
Ayon sa imbestigasyon, kapag sinipagan nila ang pagmimina, aabuti sila ng dalawampung taon para minahin ang lahat ng ito.
At kapag pinagsama-sama ang halaga ng lahat ng ito ay higit pa ito sa 60000 na ginto.
Dahil sa mga minahan na ito, nahirapang magdesisyon ang kagawaran ng pananalapi.
Si O'Connor, na siyang ulo ng kagawaran, ay nagpadala na ng grupo para tingnan ito, at napag-alam niyang tuna yang lahat ng sinasabi ni Marvin. Walang nag-akalang mayroong ganoon kayamanang nakatago sa paligid ng kasukalan ng Shrieking Mountain Range. Pero huli na ang lahat para kumilos, dahil ang bundok na ito, kasama na ang baybayin nito ay pag-aari na ni Marvin.
Isa pa, pinapatupad pa rin ang wilderness clearing order. At hanggang patuloy siyang nagbubukas ng mga panibagong teritoyo sa loob ng susunod na anim na buwan, magkakaroon pa rin ito ng bisa.
Walang makakapagsabi kung anong gagawin ng ambisyosong binatang ito.
Sa panginin ng mga nakatataas sa Alliance, malaki ang potensyal ni Marvin at dapat lang itong pangalagaan.
At malaki ang kanyang kakayahang bayaran ang kanyang utang. Tila walang masamang aspeto ang pagpapahiram nila ng pera dito.
Subalit, masyadong malaki ang halagang hinihiram nito, kaya naman kinailangan magpulong ng kagawarang ito.
…
"Mukhang naunawaan niyo naman na lahat ang mga impormasyon patungkol sa White River Valley." Tiningnan ni O'Connor ang lahat at sinabing, "Oras na para bumoto."
"Siya nga pala. Kung nag-aalala kayo sa kasiguruhan nito, may dumating na impormasyon kanina, handang akuin ni Dame Hathaway ng Three Ring Towers ang pananagutan dito. Pero nagmamadali ito kaya wala na siyang oras na magpadala pa ng pormal na dokumento. At malinis namang ang reputasyon ni Dame Hathaway."
Natapos na magsalita si O'Connor saka pinangunahan ang botohan. "Sumasang-ayon ako sa pagpayag sa loan na 'to."
"Ako rin."
"Ako rin."
Kahit si Peter na noong una ay may pagdududa ay sumagot. "Ako rin."
Tanging ang huling lalaki ang nanahimik sandal at sinabing, "Nais ko mag-abstain sa pagboto."
Tiningnan nila ng kakaiba ito.
Isa itong Unicorn clansman. At nabalitaan nila ang tungkol sa maliit na hidwaan sa pagitan ngn Unicorn clan at ni marvin.
Ayon sa mga kwento, binabalak dispatyahin ng Unicorn clan si Marvin. Subalit nakaranas ng matinding sakuna ang mga ito sa kamay ng Ancient Red Dragon na si Ell.
Bumagsak na ang Unicorn clan. Bilang isa sa mga natitirang clansman, kahit na mayroong mataas na katungkulan ito sa, South Wizard Alliance, hindi naman siya gagawa ng malaking problema para kay Marvin.
4 – 0, pasado.
Paglipas ng tatlumpung minuto, sa Bass Harbor, sa loob ng head quarters ng South Wizard Alliance.
"Binabati kita, Miss Anna, aprubado na ang hinihiram na pera ni Lord Marvin. "
Personal na inabot ni O'Connor ang dokumento kay Anna at saka ito tumingin sa likuran nila. "Basta maipakita ni Baron Marvin ang kanyang Baron Medal, maaari na niya itong pirmahan.
Nilabas ni Anna ang medal at ngumiti. "Hindi siya nakasama, pero dala ko ang medal. Pwede na ba 'yon?"
Natigilan si O'Connor. Talaga bang ipinaubaya nito sa isang butler ang ganito kahalagang bagay?
"Nasaan siya?" Hindi mapigilang tanong nito.
"Ah, eh…." Pumirma si Anna habang sinasabing, "Hindi ko rin alam eh…"
Si Lola naman na nasa likuran niya ay tumango rin. "Kilala si Lord Marvin bilang isang lagalag. Pagkatapos niya kaming bigyan ng mga kailangan gawin, umalis na siya."
…
Tama ang sinabi ni Lola, pagkatapos planuhin ni Marvin ang mga kailangan gawin sa kanyang teritoryo, binigyan niya na ng kanyang-kanyang gawain ang lahat saka ito muling umalis.
Pa-kanluran naman siya sa pagkakataong ito. Wala siyang sinama bukod kay Isabelle.
Hindi niya kalakasan ang pagganap bilang overlord. Mayroon lang itong kaunting nalalaman sa pamamahala, at kaunti lang rin ang ideya niya sa kung paano bubuo ng isang makapangyarihang teritoryo.
At nagpakita naman ng pambiirang galing si Daniela sa larangang ito.
Kampante na si Marvin na iwan kay Daniela ang mga kailangan gawin sa kanyang teritoryo. At syempre, si Wayne pa rin ang Proxy Overlord habang wala si Marvin.
At ang mga hihingi at hiniram naman nila sa River Shor City ay madali na lang, magpapadala lang sila ng liham dito at ipapadala na ni Madeline ang mga ito.
Lalo pa't nasa kamay pa rin niya ang 6th page ng Book of Nalu, at nasa kalagitnaan pa lang siya ng Enlightenment.
Bago siya makapag-advance, maaaring bawiin ni Hathaway ito ano mang oras kaya hindi siya nangahas na kalabanin si Marvin.
At tungkol naman sa hinihiram niya sa South Wizard Alliance, pinag-isipan niya itong mabuti at pinadala si Anna.
Malaking halaga ito ng pera. Wala siyang pagkakatiwalaang ibang tao para dito. Kampante lang siya kapag ang butler na magmula noon ay nasa tabi na niya ang gagawa nito.
.
At si Lola naman, pinadalawa niya ito para bumili ng mga kailangan nila at mga alipin.
Pormal na niyang itinalaga si Lola bilang opisyal ng pananalapi ng White River Valley. Ang pagbili at pagbadyet ng pera ang pangunahing trabaho nito. At ang tunay na kapangyarihan sa paghawak ng mga salapi ay nasa kamay pa rin ni Anna.
Si Daniela naman ang nakatalaga sa pagtatayo ng mga etruktura sa teritoryo. Hindi na ito nakikielam sa ibang mga bagay.
Pero ang pananatili niya ay tinuturing din na proteksyon ni Marvin nang umalis ito.
Dahil kahit na naroon naman lagi ang mga Dark Guards para depensahan ang White River, kapag may dumating na makapangyarihang tao, hindi naman nila ito kakayaning labanan.
Lalo pa at umalis na si Constantine at O'Brien ng White River Valley. Si Constantine ay umalis dahil sa bangkay ng Red Dragon. Tila walang marunong maghati-hati ng katawan ng isang Dragon sa buong katimugan. At para masulit niya ang paggamit dito, personal na pinuntahan ni Constantine ang isang dating kakilala. Ayon sa kwento tatlong dragon na raw ang kinatay nito! Kaya marami itong karanasan pagdating dito.
Mabuti na lang at hindi naman magkakaroon ng problema ang bangkay ng Red Dragon sa loob ng Thousand Paper Cran. At ang paliligo naman sa dugo ng dragon, tinanong ni Marvin ang tungkol dito at pinagalitan naman siya ni Constantine dahil sayang ito.
Kayang gumawa ng makapangyarihang gamot ng dugo ng Dragon.Tunay naman na tatas ang ilang attribute ng taong ipapaligo ito, pero hindi ito ang pinakamagandang paraan na paggamit dito.
Matapos itong maunawaan ni Marvin, nagdesisyon siyang hntayin na muling makabalik ang dumating ang taong magkakatay dito, humiling rin to kay Constantine na kung maaari ay kumuha ito ng ilang master-level na Potioneer.
Bukod dito, sinamahan naman ni Ivan sina Anna at Lola patungong Bass Harbor sa Norte para masiguradong ligtas na makakabalik ang pera.
At maayos namang naihanda ang lahat para gagawin sa buong White River Valley.
…
Paglipas ng tatlong araw, isinama ni Marvin si Isabell para akyatin ang isang bundok sa dakong kanluran ng Deathly Silent Hills, sa dakong hilagang silangan ng River Shore City.
Isang walang hanggang desyerto ang tumambad sa kanila.
Ang Saint Desert
Huminga ng malalim si Marvin at pinangunahan ang paglalakad sa ilalim ng initan.
"Tara, mahaba pa ang lalakbayin natin."