Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 214 - Territory Development

Chapter 214 - Territory Development

Sa likod ni Marvin ay isang kumpletong mapa ng White River Valley.

Ang mapang ito ay iniwan ng lolo ni Marvin at mas pinaganda pa ito ng ama ni Marvin, Pero hindi pa ito nababago para sa henerasyong ito.

Maituturing na hindi eksakto ang mapang ito.

Lalo pa't dalawang beses nang pinalawak ang White River Valley.

Mula sa minahan sa dakong hilaga hanggang sa White River sa dakong timog, Mula sa hanggangan ng River Shore City hanggang sa baybayin.

Nagdesisyon na si Marvin. Maghahanap siya ng dalawang Master Cartographer para gumawa ng mapa ng White River Valley.sa oras na matapos ang pagpupulong na ito.

Pero sa ngayon, kailangan muna niyang gamitin ito.

Hindi takot humarap sa tao si Daniela, para bang siya na talaga ang mapapangasawa ni Marvin.

Lumapit siya sa upuan ni Marvin at itinuro ang baybayin sa mapa. "Balak mong magtayo ng pantalan dito?"

Tumango naman si Marvin. "Oo."

"Mas maganda kung mas lalayuan pa ito ng kaunti."

Sinundan ng kanyang payat na dalirin ang baybayin at kagulat-gulat na itinuro ang bibig ng ilog, ang lugar kung saan kumokonekta ang White River Valley sa karagatan.

"Mas magandang dito magtayo ng pantalan, dahil maaari ring magkaroon ng kalakaran papasok sa White River Valley mismo. Sa pagkaka-alam ko ay malalim naman ang ilog na ito.

"Tiningnan ko ang ilog noong mga nakaraang araw noong nababagot ako. Malawak ang ilog, mabagal ang agos, at malalim. Pwedeng dumaan ang mga barko dito."

"Kapag nagtayo ka ng pantalan dyan, at muling inayos ang isa pang abandonadong daungan, pwede mo nang makonekta ang silangan at kanlurang bahagi ng teritoryo mo." Sabi ni Daniela na mayroong katiyakan.

Tumango si Marvin at sinabing, "Binalak ko ring gawin iyan noong simula."

"Kaso hindi gagana ang lokasyon. Hindi magandang magtayo diyan ng pantalan dahil sa erosyon na dinudulot ng ilog. Magiging mahirap ang pagtatayo ng siyudad sa kalupaan iyan. Isa pa, mas malapit sa kasukalan ang lugar na iyan."

"Ako na ang bahala sa problemang iyan," kampanteng sagot ni Daniela.

"Malambot na lupa lang 'yan. Basta walang problema sayo na ako ang umasikaso nito, magkakaroon ka na ng panibagong pantalan sa loob ng anim na buwan.

Tiningnan ng lahat si Daniela nang may pagdududa.

Tanging ang alchemist na gustong makisali sa kasiyahan ang biglang nagsalita, "Steel talcum powder?"

Gulat na tiningnan ni Daniela ang Alchemist. "Mahusay ka, mayroon palang nakaka-alam ng tngkol sa [Steel Talcum Powder] sa probinsyang 'to."

Kumibot ang dulo ng labi ni Marvin.

Dahil pinapahiwatig ng sinabi ni Daniela na hindi man lang niya alam ang tungkol sa steel talcum powder. Pero ang presyo at ang mga pinagkukunan nito ay hindi kakayanin ng kasalukuyang White River Valley, hindi ba?

Pero inisip niya itong mabuti. May rason naman ang sinabi ni Daniela.

Ang bukana ng ilog ng White River Valley ay isang mahalagang lokasyon. Kung mahahawakan nila ang lugar na ito, magiging mas madali ang kalakaran sa dagat at sa loob mismo ng White River Valley.

Saglit siyang nag-isip at ska nagsalita, "Paano kung gusto kong matapos mo 'to sa loob ng tatlong buwan?"

Nagkibit balikat si Daniela. "Kailangan doblehin ang perang gagamitin."

Tumango si Marvin. Mahusay ang appraising ability ni Daniela. Kakailanganin nila ng napakaraming mangagawa para mabuo ang bagong pantalan, at kakailanganin rin nito ng malaking halaga ng pera.

Kapag naman natapos na ang harbor. Kakailanganin pa nila ng sapat na barko.

Ang mayroon pa lang sila ngayon ay ang ninakaw ni Marvin na Southie. Nang matapos ang digmaan, nagpadala na si Marvin ng mga tao para asikasuhin ito.

Karamihan ng mga alipin ay piniling umalis, habang ang ilan naman dito ay nanatili. Hinayaan sila ni Marvin na manirahan sa silangang bahagi ng White River Valley, sa lugar na malapit sa bagong pantalan.

Maaaring sila ang maging unang residente sa panibagong pantalan. Habang ang Southie naman, tahimik itong sumasailalim sa pagbabago.

Sinimulan na ng mga inhinyero ng River Shore City ang paggawa dito.

Ang pagbabagong ito ay aabutin ng isang buwan. Sa oras na matapos ito, magiging isang ganap na panibagong barko na ang Southie, kahit sa panlabas lang. Kahit pa may gustong sabihin ang Taurus chamber of commerce ay walang magagawa ang mga ito. Sa oras na itigil nila ang kanilang pagpapanggap, tutuligsain ni Marvin ang kanilang lihim na slave trade.

Kahit na hindi ipinagbabawal ng South Wizard Alliance ang slave trade sa mga kasulatan, kailangan pa rin nito ng permiso. Malinaw naman na walang ganoong uri ng permiso ang Southie, kaya nagpapanggap itong isang merchant ship at palihim na nagkakalakal ng mga alipin. Gayunpaman, hindi naman na siya ang walang kaalam-alam na binate gaya ng dati. Umunlad na rin ang White River Valley. Hindi na siya nag-aalala kahit may subukang gawin ang Taurus chamber of commerce.

Pagkatapos nito ay bigla na lang umupo si Marvin sa lamesa, at hinayaan na niyang pangnahan ni Daniela ang pagpupulong.

Bawat ideyang sinasabi ni Marvin ay ginagawang perpekto.

Magpapatuloy ang operasyon ng minahan. At base sa mga iniwang sulat ng ama ni Marvin, bukod sa deep iron ore vein, marahil ay mayroon rin ditong iba pang uri ng ore vein.

Nalimitahan lang sila ng kahirapan ng kanilang ekonomiya sa White River Valleynoon, at kulang rin sila sa mga minero.

Iminungkahi ni Daniela na bumili ng mga alipin para malutas ito. At bumili nang napakaraming bilang.

"Kakailanganin ng mga manggagawa sa pagbuo ng isang teritoryo. Isa-kalima lang ang katumbas ng isang alipin kumpara sa isang malayang tao. Kahit na mas maiikli ang buhay nila, mas malaking maitutulong nito kumpara sa pagkuha ng mga minero." Mahinahon dagdag ni Daniela, "Wala akong gaanong alam sa sitwasyon ng merkado sa katimugan pero ganito ang ginagawa namin sa Norte."

"Magiging mas madali ring pangalagaan ang mabait mong imahe. Ipangako mo sa mga alipin na kapag nagsipag silang magtrabaho ng tatlong araw, malaya na sila."

"Karamihan ng mga tao ay kailangan lang ng kaunting pag-asa para ibuhos nila ang lahat ng makakaya nila s apagtatrabaho.

"Ibang-iba ito sa mga pinakawalan mong mga alipin. Ang mga alipin sa barong 'yon ay mula sa katimugan. Isa pa, karamihan sa kanila ay mga bata at babae. Pinangakuan mo sila ng kalayaan. Ang mga aliping kailangan mong bilhin ay mga bata at malalakas na lalaki. Madalas magkaroon ng digmaan ang mga siyudad sa Norte, marami sa kanila ang nagiging bilanggo ng digmaan kapag natalo. Alam ko kung saan pinakamagandang bumili ng mga alipin."

Hindi pa tapos magsalita si Daniela ay bigla namang sumabat si Marvin, "Sa Bass Harbor."

Natutuwa namang tumango si Daniela. "Mukhang may karanasan naman pala ang Overlord."

Napabuntong-hininga si Marvin. Bilang isang taong sumailalim sa edukasyon ng mas maunlad na sibilisasyon, kritikal siya sa usaping pang-aalipin.

Pero sa sitwasyon ito, kung hindi nila gagamitin ang mga pamamaraan ni Daniela, hindi nila mabubuo ang kanilang teritoryo nang mabulisan.

Hindi naman siya santo, at imposibleng matulungan niya ang lahat. At gaya ng sinabi ni Daniela, kailangan niya ng grupo ng mga bata, malakas, at masunuring mga alipin.

Pagkatapos nilang pag-usapan ang minahan at ang pantalan, napunta naman ang tingin ni Daniela sa katimugan.

Kahit na sandali pa lang siya namamalagi sa White River Valley, alam na niya ang sitwasyon ng White River Valley.

Sa dakong timog ng White River Valley ay mayroong lupaing mataba ang lupa, pero masyadong maraming halimaw rito na gagambalain ang pamumuhay ng mga maninirahan dito.

Kung ang pwersa lang ng mga gwardya ang mayroon sila, hindi nila ito lubusang malilinis.

Pero may iminungkahi si Danielang ibang paraan.

Ang pagtatag ng isang [Adventure Camp].

Magtatayo sila ng adventur camp sa dakong kanluran ng White River.

Ang gagawin nilang maliit na bayan doon ay magbibigay ng pahingahan, mga maaaring bilhan ng kanilang pangangailangan, at pagkukumpuni ng mga sandata…

Matagal na rin itpinag-iisipan ni Marvin. Subalit, para maisip kaagad ito ni Daniela sa loob lang ng maikling oras, masasabi niyang ang magiging Ice Empress sa hinaharap ay tunay ngang may kakayahang mamahala ng isang bansa.

At kung papaano nila itatayo ang mga pasilidad na ito para sa mga adventurer, may plano na si Marvin.

Simple lang ang kanyang plano: Humingi ng tulong sa River Shore City.

Dahil tuloy pa rin naman ang kasunduan nila ni Madeline, maaaring humiling ng kahit ano si Marvin at wala itong magagawa kundi pumayag.

Dapat na niyang lubusin ang kasunduang ito, at samantalahing hindi pa nakakapag-advance sa Legend rank ito.

Base sa plano ni Daniela, sa oras na maitayo na ang adventure camp, matutulungan nitong makapaghanap ng matutuluyan ang mga adventurer na nagpunta rito para sa wilderness clearing order.

Maaari na nilang simulan ang paglalakbay sa katimugan. Bahagi ng kasukalan ang lugar na iyon, pero kung magkakaroon ito ng sapat na tao, unti-unti na nilang makukuha ang lugar na ito.

Maaaring magpalabas ng ilang monster extermination quest. Magkukumpulan doon ang mga bounty hunter na parang mga langgam na naghahanap ng pagkain.

Isa pa, maraming ma halimaw na sulit patayin sa White River Valley, kaya naman mabilis na magkakapera ang mga ito sa pagdispatya sa mga halimaw.

Magiging paraiso ito ng mga adventurer sa katimugan.

Bukod dito, ang pagkuha ng mga sentry at mga patrol ay isa rin sa mga binabalak ni Daniela.

Dahil sa plano niya, kailangan makapagtatag ng sistema ng depensa ang isang malawak na teritoryo, Kundi madali lang mapapasok ito ng mga kaaway.

"Dito, dito, at dito. Ito ang mga pinakamahalagang lugar… kailangan nating magtayo ng mga sentry tower sa mga lugar na iyan."

Nakakagulat na ang lugar na tinuturo ni Daniela ay ang tuktok ng Ogre Mountain.

At tulad ng sinabi niya, maganda ang mga lugar na ito dahil kita mula dito ang buong White River Valley. Tanaw dito ang Spider Crypt sa dakong hilaga, at ang magiging adventure kamp sa dakong timog nito, ang River Shore City sa kanluran, at ang bagong pantalan sa silangan.

Kailangan ng ligar na ito ang isang sentry tower na magbabantay dito maghapon at magdamag.

Ang ibang lokasyon naman na tinuro ni Daniela, mahahalagang mga lugar din ang mga ito.

Natutuwa naman si Marvin habang pinapakinggan niya si Daniela.

Kahit na bata pa ang babaeng ito, napakahusay ng mga naiisip at pinaplano nito.

"Naniniwala ka na ba sa akin?" Kinindatan nito si Marvin. "Apat na taong gulang pa lang ako gumuguhit na ako ng mga estruktura."

Pumalakpak si Marvin, "Mahusay naperkpekto mo na ang buong plano.

Noong mga oras na iyon ay hindi mapigilang tumayo ng mga tao.

Matagal nilang tiningnan sina Daniela at Marvin. Sa bandang huli, hindi napigilang magtanong ni Anna at Wayne, "Kuya/Master Marvin, ang dami niyong pinlano, pero… saan tayo kukuha ng pera?"

Nagkatinginan sina Marvin at Daniela, at sabay na sumagot, "Hihiram!"

Hihiram ng pera, hihiram ng napakalaking halaga ng pera. Ito ang dahilan kung bakit gustong atakihin ni Marvin ang Ogre Mountain.

Ngayong hawak na niya ang minahan ng ginto, pwede na siyang manghiram ng pera kung saan-saan.

Sa Wizard Tower sa labas ng River Shore City.

Namutla si Madeline nang makita niya ang pinadala sa kanya ni Marvin.

Humihiling ito ng napakaraming kagamitan at manggagawa.

'Pucha, mayroon pa silang hinihinging isang dosenang prostityut bilang manggagawa!'

Mas ikinagalit niya ang 2000 na ginto ng Wizard na nakasulat sa dulo ng listahan.

'Gusto mo ba talaga akong simutin?' Galit na hinawakan ni Madeline ang listahan.

Pero mas gumaan ang pakiramdam niya dahil sa susunod na linya.

'Dahil hiram ito…. Kalahating taon?'

Nagdalawang-isip ito bago pumayas sa hiniling ni Marvin.

Ganito rin ang nangyari sa headquarter ng South Wizard Alliance.

Pero umabot sa 10000 na ginto ang hinihiram nito!