Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 213 - Ancestor’s Mystery

Chapter 213 - Ancestor’s Mystery

"Kakaibang pakiramdam ang tawagin kang lolo ng isang binatang halos kasing laki ko lang."

Kumurap ang binate sa painting. "Anong pangalan mo? Anak ka ba ni Jean o ni Miller?

"Ako po si Marvin. Anak po ako ni Jean," sagot naman ni Marvin.

"Kamusta sila?" Nag-aalalang tanong ng lalaki sa paiting, "Pagkatapos kong umalis, hindi ko na masyadong nabigyang pansin ang White River Valley. Ibinigay ko ang White River Valley sa ama mo pero hindi siya gaanong magaling. Lagi ko kayong iniisip."

"Pagkatapos niyong umali?" Nagulat si Marvin.

"Hindi kaya buhay pa kayo?"

Tumawa ng bahagya ng binate. "Syempre, biro lang naman 'yon. Pero mukhang matagal-tagal akong hindi makakabalik. Mas mabuti na sigurong isipin ng lahat na patay na ako."

Bahagyang nahilo si Marvin.

Ang lolo niya…. Buhay pa kaya ito?

Naniniwala siyang ang scroll na ito ay isang alchemy item na mayroong [Message Image] enchantment. Ang lalaki sa loob at ang mga sinasabi nito ay noon pa nakunan.

Pero hindi niya inaasahang buhay pa pala ang kanyang lolo.

Ang painting na iyon….

"Sa loob lang ng ilang minuto ay masusunog na ang painting na ito. Baka matagal-tagal mo akong hindi makita, Marvin."

Makikita ang kabutihan sa mga mata nito habang tinitingnan si Marvin. Kahit na pakiramdam niya ay mayroong kakaiba sa kabutihang ito, pinilit niya pa rin itong tanggapin.

Lalo pa't galing ito sa kanyang lolo.

"Mahirap ang komunikasyon sa pagitan ng mga plane, bukod na lang kung makakahanap ka ng taong makakagawa ng kaparehong bagay."

Malungkot namang sabi ng binata, "Wala na taying oras. Alam kong marami kang katanungan pero ang pinakamahalaga lang ang pwede kong sagutin."

Pagkatapos nito, dalawa't kalahating minutong nagsalita ang lalaki, at nakinig lang si Marvin, itinatanim niya sa kanyang puso ang bawat sinasabi nito.

Talagang nakakagulat ang mga sinasabi nito.

Paulit-ulit niyang iniisip ito, sinisigurado niya sa kanyang puso na hindi nagkamali ang kanyang lolo.

Nang dumating na ang oras, kusang nasunog ang ibabang bahagi ng scroll.

"Mukhang hanggang dito na lang ang pag-uusap natin." Ngumiti ang binate. "Kahit na nagulat akong hindi ka naging Wizard, maganda pa rin naman na naging isang Ranger ka na mayroong Shapeshift Sorcerer na subclass. Napansin ko rin ang napakaraming makapangyarihang blessing sa katawan mo. Mukhang maraming umaasa sayo."

"Ipinagmamalaki kong apo kita."

"May iiwan naman ang painting na ito. At ang maiiwang iyon ay ang marka ng plane. Kung makakakuha ka ng gamit pangkomunikasyon sa pagitan ng mga plane, pwede mo kong subukan tawagan. ALam kong marami ka pang katanungan. Pero kailangan mo munang mag-isang maglakbay…."

Hindi pa man tapos ang sinasabi nito ay nasunog na ang buong painting.

Dahan-dahan namang lumapit si Marvin para pulutin ang isang maliit na krystal mula sa mga abo nito.

Ito ang marka ng plane na sinasabi ng kanyang lolo.

Bigla na lang siyang nakarinig ng umuubo sa kanyang likuran!

Sa wakas ay nakawala na mula sa petrification ang makapangyarihang Ice Angel

Galit na galit ito habang tinitingnan ang walang laman na platform. Nawalan na ito sa sarili a tinanong si Marvin, "Anong ginawa mo?"

Mahinahong tiningnan ni Marvin si Daniela. "Kinuha ko ang ibinigay sa akin ng lolo ko."

"Iyon lang."

Hindi makapaniwala si Daniela at agad na hinawakan ang kamay ni Marvin.

Maririnig ang lamig na nagmumula sa katawan nito.

"Talaga bang…. In-equip mo?" Nanlulumong sabi ni Daniela.

Nagngalit ang ngipin ni Daniela at tinitigan si Marvin, "Bakit ikaw?!"

"Sabi ng ama ko sa akin 'yon!"

"Sa akin dapat 'yan."

Tila ba nawalan ito ng gana sa lahat ng bagay.

Malumanay na tinapik ni Marvin ang balikat nito. "Wag ka nang magalit, baka nagkamali lang ang ama mo."

"Ano mang mangyari, magkapamilya naman tayo diba?"

Hindi naman ang mga polseras na iyon ang tunay na kayamanan, pero iilang tao lang sa Cridland clan, na may sapat na talento, ang makakapagsuot nito.

Ang epekto nito ay magagawa nang kontrolin ng sino may may suot nito ang tunay na kayamanan.

Matapos niyang isuto ito, hindi na siya maaaring saktang ng mga clansman ng Cridland. Isa itong bloodline restriction.

Ginamit din ito ng kanyang lolo noong kapanahunan nito. Ninakaw niya ang kayamanang ito at lumayas nang walang humahadlang sa kanya mula sa Lavis Kingdom.

Sa Cridlang clan, mayroong bali-balita na kung sino man ang magsuot nito ay pamumunuan ang buong Norte.

Nang isuot ito ng lolo ni Marvin, wala itong interes na mamuno sa buong Norte. Paglipas nang ilang dekada mula nang nagtungo ito sa katimugan, umalis siya sa mundong ito.

Tama, umalis siya sa mundong ito, umalis siya sa Feinan.

Pero hindi ito nangangahulugan na namatay ito.

Inalala ni Marvin ang araw na nagsagawa ng lama yang kanyang ama at ang kanyang tiyuhing si Miller. Hindi mukhang malungkot ang mga ito.

Marahil alam ng mga ito na nawala man ang kanilang ama, hindi pa rin ito patay.

Umalis siya sa mundong ito. At hindi naman siya nagkaroon ng pagkakataon na sabihin kay Marvin kung nasaan siya, pero base sa hula ni Marvin….malamang ay nasa Hell ito.

Ang sikreto ng mga Numen, ang pinakamahalagang kayamanan ng Cridland clan… Sa wakas alam na ni Marvin kung ano ang bagay na iyon!

At iyon ay ang ulo ng Archdevil!

Kahit na binanggit ng kanyang lolo ang hindi mabilang na sinaunang seal na nakalagay dito, nagulat pa rin si Marvin.

Ang ulo ng Archdevil talaga ang bagay na hinahanap nila, at ngayon ay kalmado lang itong nananatili sa lihim na lagusan.

Habang iniisip ito, hindi man lang nangahas si Marvin na matulog sa sarili niyang palasyo.

Tunay ngang mayroong mabuting kalooban ang kanyang lolo. Ibinaon niya talaga ang isang bagay, na maaaring makawala ano mang oras, sa ilalim ng White River Valley. Hindi ba siya natatakot na ang isang bagay na gaya nito, na hindi man lang napagtibay ng mga malalakas na caster ang seal nito, ay maaaring magdulot ng kalamidad?

Sa katunayan, ang mga kalamidad na dinanas ng White River Valley noong mga nakaraan buwan ay dahil sa naka-seal na ulong ito.

Ang lalaking naka-itim ay isang phantom na sapilitang binuo ng Archdevil. Mayroong ilang taon itong kumukuha ng kaalaman sa Archdevil, pero wala itong lakas.

Kaawa-awa rin ang lalaking ito. Ang kanyang ulo ay pinutol ng sinaunang Numen, at humigop ang mga ito ng kaalaman at lakas ng kanilang bloodline mula sa ulo ng Archdebil. Matagumpay nilang nagawa ang kauna-unahang bloodline Sorcerer na gawa ng tao.At iyon ang mga sinaunang Numen.

Napakamakapangyarihan ng mga ito at naniil ng hindi mabilang na mundo, isang group ng mga baliw na siyentipiko. Labis silang nahumaling sa paggawa ng artipisyal na bloodline at gustong-gustong ikinikukulong ang mga makapagyarihang nilalang para higupin ang kanilang kapangyarihan.

Ang Archdevil na ito ang isa sa mga naging biktima.

Ilang henerasyon rin siyang ginamit ng Cridland clan, umaasa sila sa walang kapantay na sigla nito at ginamit nila ang kakayahan nitong humugot ng kapangyarihan mula sa void. Lagi na lang itong nag-aagaw buhay.

Napakaraming seal ang inilagay sa ulo ito, kaya naman hindi nito magamit ng lubos ang kanyang kapangyarihan.

At dahil wala na itong magwa, gumamit na ito ng iba't ibang pamamaraan. Nagkataon naman na dito siya magaling.

Ilang beses na niya itong sinubukan, at sa wakas ay nagtagumpay siya.

Ginamit niya ang lolo ni Marvin para itakas siya mula sa lihim na silid ng Cridland clan.

Pero pumalya rin ito. Ang kanyang lolo ang nagtataglay ng pambihirang talent sa buong Cridland clan (ito ang sabi sa kanya ng binata.). Kahit na naniniwala ang iba na isa lang siyang 3rd rank Wizard, sa katunayan, ang kanyang Sorcerer class ay mas mataas pa ang level kumpara sa kanyan gWizard class. Kahit na hindi ito alam ng madla, sa tantya ni Marvin hindi bababa sa Legend ang rank ng kanyang lolo.

Natuklasan nito ang panlilinlang ng Devil kaya ikinulong ito sa isang maliit na lugar gaya ng White River Valley bago ginamit ang sariling lakas nito para pagtibayin ang mga seal.

Huminahon rin naman ang Archdevil.

Pero hindi pa rin ito sumuko.

Nagpustahan ang dalawa at inilagay ito sa isang kontrata. Noong mga panahong iyon, ang mayabang na binata ay natalo at kinailangan niyang sundin ang kontrata at iwan ang Feinan.

Akala niyang makakabalik rin siya agad pero nakulong siya rito.

Kaya naman ilang taon na rin ang lumipas.

Sa tulong ni Daniela, ngayon lang nalaman ni Marvin ang buong katotohanan.

Dahil sa pag-alis ng kanyang lolo, nagsimula nang matanggal ang mga seal sa ulo ng Archdevil.

Unti-unti, nagawa niyang bumuo ng isang phantom. At kahit na maliit na hakbang pa lang ito, nagawa na niya ang kinakailangan para makatakas.

Ginamit niya ang pagkakakilanlan ng Nakaitim na lalaki para linlangin si Toshiroya, King Cobra, Miller, at ang mga Ogre. Hindi na siya nangahas na maghanap pa ng mas malalakas na tao dahil mabibisto siya ng mga ito.

Umaasa siyang maililigtas siya ng mga taong ito, at syempre, ginamitan niya ang mga ito ng mga kasinungalingan.

Pero biglang dumating si Marvin sa mundong ito kaya naging imposible na ang lahat.

I-nequip ni Marvin ang kanyang mga polseras na pinangalanang [Ancestor's Mystery]. Mas pinalakas ang kapangyarihan ng bracelet, at sa pamamagitan nito, muling mabubuhayan ang maraming seal na nawala sa ulo ng Archdevil.

Base sa mga sinabi ng kanyang lolo, anim na buwan pa uli bago muling makagawa ng panibagong phatom ang ulo ng Archdevil.

Binalaan rin nito si Marvin na wag munang hahawakan sa ngayon ang ulo, bukod na lang kung kaya na niyang malagpasan ang willpower check sa lihim na silid.

Ang Great Devil Head na iyon ay kopya ng tunay na ulo ng Archdevil na ginawa ng kanyang lolo sa pamamagitan ng alchemy. Sa oras na kayanin niyang harapin mag-isa ang epekto nito, saka lang niya malalabanan ang pangmamanipula ng Archdevil.

Kaya naman isinantabi muna ni Marvin ang ideya tungkol sa pagtingin sa ulo ng Archdevil.

Subalit, mukhang nakahanap na siya ng panibagong path para sa kanyang ShapeShifter advancement.

Gayunpaman, sa wakas ay nalaman na ni Marvin ang pinagmulan ng lalaking naka-itim, at panandalian niyang natanggal ang krisis sa kanyag teritoryo.

Para naman kay Daniela, talagang nanlumo ito. Lalo pa at nanumpa siya na kapag hindi niya naiuwi ang ulo ng Archdevil, ay hindi siya babalik sa Norte.

Pinadala niya si Oren pabalik sa Lavis Dukedom para ipaalam ito sa kanyang ama.

Wala namang masabi si Marvin tungkol dito.

Hindi na siya nag-aalala sa pamamalagi ni Daniela sa kanyang teritoryo. Lalo pa't ngayon hawak na niya ang Ancestor's Mystery, hindi na ito magpapadalos-dalos na hanapin at lapitan ang ulo ng Archdevil dahil mamanipulahin lang siya ng tusong Devil na ito.

Pero ang hindi inaasahan ni Marvin, ay isang araw lang ang lumipas ay sinurpresa siya ni Daniela.

noong sumunod na araw, sa isang silid.

Tinipon ni Marvin ang lahat para pag-uspan kung ano ang mangyayari pagkatapos ng digmaan at kung paano nila pauunlarin ang White River Valley.

Nagsalita lang ito nang kaunti nang biglang tumayo si Daniela.

"Tutal, wala na akong kailangan gawin rito."

"Simula pagkabata ay inaaral ko na kung paano bumuo ng isang bansa. Kung pagkakatiwalaan mo ko bilang mapapangasawa mo, ako na ang bahala dito."

Nagkatinginan ang lahat, mayroong silang pagdududa kay Daniela.

Bahagyang nagdalawang-isip si Marvin.

"Sabihin mo muna sa akin kung ano ang binabalak mo."