Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 204 - Cridland

Chapter 204 - Cridland

Natigilan si Marvin.

Hindi niya inakalang masasabi niya nang malakas ang pangalang ito, at maagang maririnig ni Daniela ang magiging pangalan niya sa hinaharap.

Noong mga oras na iyon, naalala na niya kung bakit may nararamdaman siyang pamilyar sa tuwing titingnan niya si Daniela.

Akala niya ay lukso ng dugo lang ito.

Maraming bloodline sa Feinan ang may ganitong uri ng lukso ng dugo. Pakiramdam ni Marvin ay kilala niya itong nakita.

Pero wala pala itong kinalaman sa blood line. Dahil kilala pala talaga niya ito!

Pero alam ni Marvin na ang Daniela na "iyon" ay hindi ang kasalukuyang siya kundi ang Ice Empress mula sa pagtatapos ng Great Calamity!

Kahit na napakaganda rin ni Daniela noong mga panahong iyon, medyo naiiba ito kumpara sa kung ano siya ngayon.

Matapos alalahanin ang mga bagay na ito, napagtanto ni Marvin na baka noong nakita niya ang Ice Empress, si Daniela ito na nasa anyong Ice Angel Shape!

Matapos niyang maabot ang particular na level, maaaring pumili ang mga Shapeshift Sorcerer ng anyong papalit sa katawang tao nila.

Malamang ay papalitan ito ni Daniela ng Ice Angel, kaya bahagyang nag-iba ang itsura nito.

Kaya naman nag-iba na ang tingin ni Marvin kay Daniela.

Pinsan niya ang isang makapangyarihang tao?!

Sa alaala ni Marvin, ang Lavis Dukedome sa Norte ay isa sa mga iilang bansa na hindi nasira nang dahil sa Great Calamity.

Bukod dito, ang Lavis Queen, na siyang dalagang kaharap niya ngayon, ay sinamantala ang Great Calamity para mas palawigin pa ang kanyang teritoryo.

Siya ang namuno sa buong Norte. Subalit, nagkaroon sila ng pag-aaway ng Ice God, at sa galit ng mga ito, naglaban sila ng hindi bababa sa isang buwan!

At sa loob ng isang buwan na ito, nakaranas ng matinding tag-lamig ang Feinan na halos maging yelo ang lahat ng nilalang ditto.

Hindi lang basta nagyayabang si Daniela. May kakayahan nga talaga siya hinaharap na gawing tag-lamig sa buong Feinan!

Ito ang nakakatakot na lakas ng isang Shapeshift Sorcerer, ang lakas ng mga Numan!

Sa kabilang banda, ang dalawang shape ni Marvin, maging ang Beast-shape man ito o ang Shadow-shape, ay di hamak na mas mahina kumpara sa IceAngel Shape ni Daniela.

May kinalaman rin ito sa pagkadalisay ng kanyang bloodline.

Ang pagkamulat ni Marvin ay sapilitang pina bilis ng Fortune Fairy. Kung hindi dahil dito, marahil imposible na niyang mapalabas ang napakaliit na bahaging ito ng kanyang Numan na bloodline.

'Mukhang totoo nga na siya ang nakababatang pinsan ko at mapapangasawa ko."

'Marami rin ata silang pinadalang tao para imbestigahan ako dahil umabot na rin sa Norte ang tungkol sa pagiging isang Asuran Bear ko.'

'Pero… kahit na ipinakita ko ang mga abilidad ko bilang Shapeshift Sorcerer, bakit parang masyado naman akong binibigyang importansya ng Lavis Dukedom na ito?'

'Ipapakasal pa nila sa akin ang Ice Empress sa hinaharap?'

'May rason siguro ang lahat ng ito.'

Kahit na nagdala ang mga ito ng kaaya-ayang supresa, hindi hinayaan ni Marvin na lumaki ang kanyang ulo.

Mayroong sigurong mas malaking dahilan para hanapin ang kanyang lolo at umabot sila sa White River Valley.

At gaya ng inaasaha, nag-usap pa sila nang mahaba-haba, at hindi nagtagal sinabi na ni Daniela ang pangunahing rason para sa paglalakbay na ito.

Paglipas ng sampung minute, tahimik na lang na pinagmasdan ni Daniela si Marvin.

Nag-iisip si Marvin.

Direkta sa punto si Daniela.

O tila sinusubukan nito.

Sa paglalakbay na ito sa White River Valley, kinakatawan niya ang Lavis Dukedom para sa dalawang bagay.

Una, ay para magpakilala bilang mapapangasawa ni Marvin.

Pangalawa ay para bawiin ang isang bagay.

Ang una ay nagmula pa sa isang matandang tradisyon ng Cridland clan.

Ang malaki at misteryosong Cridland clan ay maraming mga sangay at mga kamag-anak, at isa na rito ang pamilya ng mga Lavis na isa sa pinakamalalakas.

Bawat miyembro ng clan na ito ay may posibilidad na mamulat ang kanilang Numan bloodline para maging isang Shapeshift Sorcerer.

Pero syempre, maliit lang ang posibilidad na ito.

Para masigurado ang pagkadalisay ng bloodline, mayroong mahigpit na patakaran ang Cridland clan na kailangan sa kamag-anak lang nila sila ikakasal. At para magkaroon ng mas malalakas na Shapeshift Sorcerer ang susunod sa susunod na henerayon, may karagdagang patarakan, at 'yun ay kailangan magpakasal sa pinakamalapit na bloodline.

Pero ang sangay ni Daniela sa henerasyon na ito ay puro babae lang!

Kung gusto niyang magpakasal, kailangan niyang humanap ng lalaki mula sa ibang sangay. Isang bagay ito na hindi makapapayag ang royal family na malaki ang pagpapahalaga sa pagiging dalisay ng kanilang bloodline.

Nang magkaproblema sila rito, biglang natuklasan nila ang tungkol kay Marvin.

Pareho ang lolo sa tuhod nina Daniela at Marvin, kaya ibig-sabihin, galing sila sa iisang sangay.

Kaya, base sa patakaran ng clan, kailangan nilang magpakasal.

Pero patay na ang mga patakaran habang buhay ang mga tao, at saka, hindi lahat ng miyembro ng Cridland clan ay handang pumayag sa mga patakarang ito.

Isa nang halimbawa rito ang lolo ni Marvin. Labis-labis ang pagrerebelde nito noong kabataan nito. At para salungatin ang mga patakarang ito, umalis siya sa Norte at nagtungo sa katimugan.

Pero para sa royal family ng Lavis, ang pinaka-importante sa kanila ay kinuha nito ang isa sa pinakamahahalagang kayamanan ng Cridland clan.

Sa pananaw ni Marvin, ang pangunahing dahilan nang pagpunta ni Daniela sa White River Valley ay para bawiin ang kayamanan ng Lavis Dukedom.

Tungkol naman sa kasal… Sinong makakapagsabing hindi siya basta-basta tatakas pagkatapos niyang makuha ang kayamanan?

Sa ikli ng pasensya ni Daniela at sa lakas nito, napagtanto ni Marvin na hindi niya kakayaning harapin ito sa ngayon. Bukod dito, wala rin siyang interes sa ganitong uri ng kasalan.

"Pasensya na, Miss Daniela," sagot ni Marvin pagkatapos mag-isip, "Pero wala akong alam tungkol sa kayamanan."

"Pinatay ng mga miyembro ng Twin Snakes Cult ang ama ko, at wala siyang nabanggit sa akin na tungkol sa kayamanan. At wala rin akong masyadong alaala sa aking lolo."

"Kinalulungkot ko pero hindi kita matutulungan."

May sarili siyang paraan ng pag-iisip.

Ang kayamanang ito ay kinuha ng kanyang lolo mula sa clan, kaya siguradong napakahalaga ito kung ano man ito.

At masyadong malaking importansya ang binigay ng pamilya ng mga Lavis dito, may kinalaman rin ito sa Great Devil. Masyadong maraming bagay na ang may konektado dito.

Hindi naman maaaring ipamigay ni Marvin ang isang bagay na itinabi ng kanyang lolo para sa mga inapo nito.

"Hindi mo ko matutulungan?"

"Kung ganoon, may hihilingin sana ako sayo." Sabi ni Daniela.

"Ano 'yon?" sagot ni Marvin.

"Pwede ko bang halughugin ang palasyo mo? Baka nakatago ang kayamanan kung saan."

"Kung ibabalik moa ng kayamanang ito, mas malaking halaga ng kayamanan ang makukuha mo mula sa Cridland clan. Higit pa sa inaakala mo."

Nakakagulat na mahinahon lang si Daniela habang nakikipagnegosasyon, ibang-iba kumpara sa bastos na babae kanina lang.

Saglit na natahimik si Marvin.

"Hindi maaari," sabi ni Marvin.

"Palasyo ko ito, hindi ko hahayaang ang sino man na maghanap ng isang bagay."

"At kung napapansin mo, nasa kalagitnaan ako ng paghahanda para sa isang digmaan. At masasabi kong sa mga panahong ito, hindi ko ito pahihintulutan."

Sumimangot si Daniela.

Hindi inasahan Daniela na magiging ganito katigas si Marvin.

"Sa tingin mo ba kakayanin ng White River Valley ang makapangyarihang Lavis Dukedom" bahagyang pagbabanta ni Daniela.

May nyebe nang namumuo sa mga kamay ni Daniela.

Hindi nagsalita si Marvin.

Dahil noong mga oras na iyon, isang gwapong lalaki ang biglang tumalon papasok sa bintana.

Pinagpag nito ang kanyang bagong dyaket at mahinahong sinabi, "Marvin, bakit parang lahat ng mapapangasawa mo ay gusto kang saktan?"

Biglang nawala ang nyebe sa kamay ni Daniela habang makikita naman sa mukha ni Daniela na hindi ito makapaniwala!

At kaswal lang na umupo si Constantine sa isang upuan sa loob ng silid, tiningnan nito si Daniela at sinabing, "Pero magaganda silang lahat ah."

Bahagyang ngumiti si Marvin, tumango siya kay Constantine para magpasalamat.

Kung nakabantay ang Legend na ito, si Daniela na hindi pa isang Legend, ay hindi maglalakas loob na gumawa ng kahit anong masama!

Mas nagin kampante si Marvin sa pakikiapagnegosasyon.

"Hayaan mong ipakilala ko siya sayo. Siya si Sir Constantine."

Nagkibit balikat si Marvin at sinabing, "Walang balak ang White River Valley na kalabanin ang Lavis Dukedom. Marami pa ang pinagkakaabalahan ngayon, kailangan kong maghanda para sa isang digmaan."

"Kaya hayaan mo sana akong umalis muna. Ibibilin ko kayo sa aking mga tauhan, pero wag niyo sanang abusuhin ang kabaitan ko. Kung hindi, alam naman natin pareho kung ano ang kalalabasan nito."

"At kung pakiramdam mong kulang ka pa sa karanasan sa pakikipaglaban dahil sa haba ng nilakbay niyo, baka payag si Sir Constantine na tulungan ka."

"Ayos lang ba 'yon?"

Tiningnan niya si Constantine.

Kumuha naman si Constantine ng baso ng alak sa harap ni Marvin at uminom bago nginitian si Daniela. "Oo naman, walang problema."

Sa kwarto, hating gabi, hindi pa makatulog si Marvin.

Simula pa lang ang nangyaring negosasyon kaninang umaga. Kahit na pansamantalang mapipigilan ni Constantine si Daniela, alam niyang hindi magiging madali ang pakikipagtuos niya sa nakababata niyang pinsan.

Ibig-sabihin ay kailanagn manatili ni Constantne sa palasyo.

Mas magiging mahirap ang digmaang ito dahil nawalan na siya ng isang Legend.

Pero hindi naman nag-aalala masyado si Marvin.

Dahil may isa pa siyang kaibigan.

"Hu…"

'Mabuti na lang at nandyan pa si Ivan.'

Siguradong hindi naman mas mahina ang lakas sa pakikipaglaban ng isang Elven War Saint Kumpara kay Constantine!

'Bukas pupunta ako sa kampo at sisimulan ko na ang paghahanda para sa digmaan.'

'Si Anna at Wayne na muna ang bahala sa mga pangangailangan ng White River Valley. Sapat na sigurong mag-iiwan na rin ako ng isang Dark Knight kasama ng dalawang Phantom Assasin para kung sakaling kailanganin.'

'Si Constantine na ang bahala kina Daniela at Oren.'

'Kailangan kong makausap si Ivan nang mas maaga.'

Sunod-sunod na pumapasok ang mga bagay na ito sa isip ni Marvin, kaya naman nag-isip lang ito nang nag-isip hanggang magbukang-liwayway.

'Pucha…. Hindi ako nakatulog.'

'Teka, may hindi pa pala ako nagagawa.'

Bunuksan ni Marvin ang kanyang character window para tngnan ang tumpok ng mga skill point at attribute point na hindi pa niya nagagamit.

Masyado siyang naging abala noong mga nakaraan araw. Hindi pa pala niya nagagamit ang kanyang mga skill point at attribute point magmula nang mag-advance ito.

Mayroong 24 na puntos ang kanyang Ranger class. Saglit na nag-isip si Marvin saka niya ito ginamit sa Listen. Kapaki-pakinabang ang skill na ito. Lalo pa at maaari na niyang magamit ang [Eavesdrop] dahil sa 50 na puntos sa Listen kaya naman sulit na ang 24 na SP.

Habang ang 36 SP namang ng Night Walker, nag-alinlangan man siya pero ginamit pa rin niya ang 20 dito para sa [Night Jump] at itinabi naman niya ang natitirang 16.

Para naman sa Battle Gunner na kakukuha niya lang, sa kasamaang palad, hindi niya pwedeng gamitin ang 30 na puntos dahil pansamantalang hindi magagamit ang mga skill na ito dahil may kinalaman ito sa mga baril. At matapos niyang ibalik ang Brilliant Purple kay Constantine, wala pa rin siyang sarili niyang pistol.

At para naman sa pinakamahalagang libreng dalawang attribute point…

Natuliro siya.

Gagamitin ko pa rin bas a Dexterity? O babalansehin ko ang lahat?