Nang mag-advance siya sa 3rd rank, tumaas ang level ni Marvin mula 10 ay naging 13. Nakakuha rin siya ng dalawang attribute point dahil dito.
Pero pinoproblema na niya ito ngayon. Umabot na kasi sa 25 na puntos ang kanyang Dexterity at mayroon na rin siyang dalawang ability na umabot na sa sukdulan ang [Anti-Gravity Steps] at ang [Flicker].
Masasabi na ring mabagsik na ang kanyang Dexterity, at ang susunod na pinakamataas nito ay 29 Dexterity.
29 ay ang attribute limitasyon ng lahat ng mga humanoid. Para malagpasan ang limitasyon na ito, kailangan gumamit ng isang tao ng iba't ibang pamamaraan para mapataas ang kanilang level of existence.
At isa na rin dito ang pagkuha ng Divine Fragment.
Mayroong False Divinity si Marvin na taglay ang Divine Fragment ng World Ending Twin Snakes, kaya hindi na mahirap ang paglagpas sa limitasyon na 29.
Ang pinakapinupunto nito ay nalagpasan na ng Dexterity ang kanyang iba pang mga attribute.
Sa lahat ng kanyang mga pangunahing attribute, nasa 15 lang ang kanyang Strength at dahil ito sa bonus ng Rock Giant Belt, habang ang Constitution naman niya ay nasa 13 na puntos lang.
Naapektuhan ng Strength ang Attack Power ng isang Ranger. Kahit na mas mabilis ang mga dagger ni Marvin, kung hindi ito makakalagpas sa depensa ng kanyang kalaban, wala rin itong silbi.
At nalilimitahan rin ng Constitution ang epekto ng Dexterity.
Pero kung wala siyang sapat na Constitution, mawawalan rin ng silbi ang kanyang napakataas na Dexterity, dahil hindi nito mailalabas ang kabuoan ng epekto nito.
Bahagyang naalala ni Marvin na ang 1 Constitution ay kayang suportahan ang 2 Dexterity.
Humigit kumulang ang 1 para sa 2 ang proporsyon nito.
Sa madaling salita, dahil sa 13 na puntos niyang Constitution, magiging epektibo lang ang Kanyang Dexterity kung 26 lang ito. Kung ilalagay ni Marvin nag dalawang puntos na ito sa Dexterity, kahit umabot ng 27 ang kanyang Dexterity, 26 na puntos lang ang epektibong magagamit nito..
Ito ang limitasyon ng Constitution.
Ito ang dahilan kung bakit walang makapangyarihang tao ang nagkaroon ng kakaibang paglakas. Dahil pinupunan ng bawat isa sa anim na attribute sa isa't isa. May ilan dito na para sa pagpapakadalubhasa, ang iba ay para sa pagbibigay-diin, pero magkakalapit lang ang mga ito.
Malinaw na malinaw kay Marvin ang mga dahilan.
Pero ang problema ay nasasayangan si Marvin na ilagay ang mahahalagang attribute point sa ibang mga atrribute.
Lalo pa at bibihira lang ang mga libreng attribute point.
Ang Constitution at Strength ay maaari namang maitaas sa pamamagitan ng ibang pamamaraan.
Saglit siyang nag-isip saka nagdesisyon na ilagay ang isang puntos sa Dexterity, para maging 26 na puntos na ito. Ito na ang pinakamataas niyang pwedeng abutin dahil sa 13 na Constitution niya.
At ang natitira pang isa ay isinantabi niya muna.
Pagkatapos ng digmaan, kailangan niyang pataasin ng mabuti ang kanyang Strength at Constitution.
'Kailangan umabot ng Strength ng hindi bababa sa 20 na puntos para maabot ko ang threshold ability.'
'Kailangan naman umabot ng 17 ang Constitution. Kapag nangyari 'yon, saka ko lang magagamit ng lubusan ang Ranger at Night Walker class ko.'
Desidido na si Marvin.
Matapos gamitin ang mga attribute point at skill point, muling tiningnan ni Marvin ang kanyang mga log.
Nawala na ang kanyang Path of Darkness na quest, at nakatanggap siya ng mission reward.
10000 general exp
Wala nang iba.
Hindi na nagulat dito si Marvin. Nararamdaman niyang ang sistema ng laro sa kanyang katawan ay parang isang gabay. Nariyan ito para tulungan si Marvin na mabilis na makibagay si Marvin sa mundong ito.
Wala na itong ibang silbi.
Gayunpaman, malaki pa rin ang pasasalamat ni Marvin sa sistemang ito, dahil kung wala ito, hindi niya malalaman kung anon gang mga dapat gawin matapos magtransmigrate.
Kaya naman kuntento na si Marvin sa kanyang 10000 na general exp.
Mahirap makakuha ng experience sa Feinan. Tanging 16000 lang ang nakuha niya sa Red Dragon na pinatay niya.
Magiging mas mahirap na maglevel-up mula dito.
Kasalukuyang mayroong 30000 exp si Marvin, at ang 20000 dito ay mga battle exp habang ang natitirang 10000 ay general exp.
Sa kabila nito, hindi pa rin ito sapat para pataasin ang level ng kanyang Night Walker class. Dahil 35000 experience ang kailangan para umabot ng level 5 ang Night Walker.
At para mag-advance sa Ruler of the Night mula sa Ranger class, ang unang kailangan ay maging level 8 na Ranger at level 9 na Night Walker. Maaaring punan ng kanyang subclass ng hanggang 4 na level ang kabuoan nito.
Kahit na gamitin pa ni Marvin ang pinaka-epektibong pamamaraan para mag-advance sa Legend, kakailanganin niya nang hindi bababa sa level 8 na Ranger, level 9 na Night Walker, level 6 na Shapeshift Sorcerer (Kalahati lang nito ang maisasama sa kabuoang level).
8+9+3=20.
Maaabot lang noon ang sukdulan ng pagiging isang 4th rank, ang pagiging Half-Legend, at para sa susunod na hakbang, kailangan niyang i-level up muli ang Night Walker.
Ang pangunahing kailangan ay ang pataasin pa rin ang level ng dalawan class. Lalo pa at bukod sa experience penalty na mayroon ang kanyang ikalawang subclass na [Battle Gunner], hindi rin ito kasama sa pagbibilang ng kabuoang level.
Kaya naman ang pinakamagandang gawin ay ang pagtuoann ng pansin ang kanyang Night Walker at Ranger na class.
Subalit, para sa isa pa niyang subclass, walang makapagsasabi kung kailan maaabot g Shapeshift Sorcerer ang 2nd rank… Nakadepende na ito sa kanyang bloodline.
Sa natural na talent ni Marvin, hindi pa rin niya mabubuhay ang kanyang Shapeshift Sorcerer na bloodline kung hindi dahil sa Fortune Fairy. Hindi na kataka-taka kung hanggang 1st rank na lang siya buong buhay niya. Kaya naman hindi na siya gaanon umaasa na makakatulong ang subclasss na ito sa kanyang pag-abot sa Legend rank. Kung ….
'Kung makakahanap lang sana ako ng paraan para umabot ng 2nd rank.
'Kung ganoon, kailangan kong makausap ang mga sino mang miyembro ng Cridland clan. Dahil sila lang ang mas nakakaunawa sa Shapeshift Sorcerer.'
Sa katunayan, hindi alam ni Marvin ang dapat niyang maramdaman sa biglaang paglitaw ng clan na ito.
Pero tanggap naman niya ito.
Kung hindi siya isang Cridland, hindi niya sana mabubuhay ang Shapeshift Sorcerer bloodline niya. Noon pa man ay kakaiba na ang mga ipinamamana sa White River Valley. Mula noong panahon ng kanyang lolo. Mayroong lang pangalan ang pamilya pero wala silang apilyedo. Nang tanungin naman ni Marvin na gkanyang ama, wala itong gaanong sinabi.
Bigla niyang naisip na baka may suliraning kinaharap ang kanyang lolo. Hindi niya ginustong magkaroon ng bagong apilyedong mamanahin, pero kung gagamitin niya ang apilyedo ng mga Cridland, mas madali siyang mahahanap ng mga Lavis.
Kaya naman hindi na lang siya gumagamit ng apilyedo.
'Marvin Cridland?'
Natutulirong sumandal si Marvin sa unan.
'Mukhang ayos naman siyang pangalan.'
…
Unti-unti naman nang nabubuo ang kampo sa silangang bahagi ng White River Valley.
Ang lugar na ito ay nasa 8 kilometro ang layo mula sa bundok ng mga Ogre at mayroong isang malaking bukirin sa pagitan ng mga ito. Magigingmahirap ang pagsasagawa ng lihim nap ag-atake rito.
Nakipagtulungan naman ang mga adventurer sa grupo ng logistics para gumawa ng iba't ibang uri ng mga pasilidad.
Maliwanag namang inilathala ni Marvin, sa pinakalat nitong war mobilization order, ang lahat ng tungkol sa kanilang mga kalaban
Higit sa 40 na mga Ogre!
Sadyang nakakatakot ang dami na ito.
Bawat Ogre ay isang uri ng elite na halimaw. Pinanganak ang mga ito na may lakas ng isang 2nd rank.
Karamihan ng mga Ogre ay mabilis na nahihinog at kapag tumatanda naman ang mga ito, kusa na silang umaalis sa kanila tribo o pinipili ang isang lugar na gusto nila para mapayapang hintayin ang kanilang katapusan.
Kaya naman bibihirang magkaroon ng mga supling o matatanda sa mga tribo ng mga Ogre.
Higit sa 40 na Ogre, at karamihan sa mga ito ay nasa 3rd rank.
Marahil mayroon ring mga 4th rank na Ogre. At kung mga Legend naman ang pag-uusapan… Walang gaanon nalalaman ang mga adventurer tungkol dito.
Pero base sa impormasyon nakuha ni Marvin, malinaw na makikita rito na mayroong Legend sa mga Ogre.
At malamang isa itong Ogre Mage!
Malaking problema ito, lalo pa noong dumating si Daniela.
Nasa Three Ring Towers si Hathaway na malayo mula sa White River Valley. Kailan lang ay sinimulan niyang aralin ang isang secret spell, at hindi na nito binabantayan si Marvin. Kung mayroon lang sana silang Legend Wizard mas mapapadali ang digmaang ito.
'Kaya naman sigurong kalabanin ni Ivan ang Ogre Magi, o di kaya ay kahit pigilan lang ito.'
'Pero ang iba sa mga ito, kasama na ang mga halimaw sa bundok, ang pwersa lang namin ang haharap sa mga ito.'
Sumakay si Marvin sa isang kabayo at dahan-dahang umikot sa buong kampo.
Bawat taong nakikita siya ay sumasaludo sa kanya.
Kumalat na ang balita tungkol sa Crimson Cross. Kaya naman, nagkaroon na ng paggalang ang mga adventurer kay Marvin.
Bago pa man siya maghanda para sa digmaang ito, ginawa na niya ang pagsasa-ayos sa White River Valley.
Si Anna at Wayne pa rin ang mamamahala sa teritoryo. Sa huli ay iniwan na niya ang kalahati ng kanyang mga gwardya, kasama ng isang Phantom Assassin at isang Dark Knight.
Kakakyanin naman ng siguro ng mga ito ang lahat ng maaaring maging problema sa teritoryo.
Habang naiwan naman si Constantine para bantayan sina Daniela at Oren. Ang bagay na dapat nilang ikatuwa ay tila mahaba ang pasensya ng Knight na iyon at ng kanyang pinsan.
Ipinaabot pa nga ni Oren ang isang mensahe mula sa Lavis:Ang tungkol sa kayamanan ay isang usaping pamilya kaya naman, walang problema sa paghihintay na matapos ang digmaan.
Hindi naman alam ni Marvin kung gaano katotoo ang sulat na ito.
Gayunpaman, hindi pa rin nila magagamit ang lakas ni Constantine.
Pero mabuti na lang… Muling hiniram ni Marvin ang [Brilliant Purple].
Ang bagay na ito ay isang Legendary Item na kayang pumatay ng isang Dragon. Wala ring nagawa si Constantine nakatali na siya kay Marvin kaya naman sumugal na lang ito.
At si Marvin naman mismo, naging mahinahon naman siya. Kung ihahalintulad sa isang kompanya ang White River Valley at ang iba pang mga territoryo nito sa hinaharap, maituturing na namumuhunan sina Constantine at ang iba pa. Siya mismo ay isa sa mga kasosyo at ang taong namamahala sa buong kompanya. Nakapagbigay naman na siya ng kasiguruhan na mayroong makukuha ang mga ito, kaya ano ba naman kung dagdagan niya pa ang mga ito.
Ang bangkay ng Red Dragon, ang minahan ng ginto, ang pambihirang materyal sa ilalim ng Ogre Mountain. Naipakita naman na ni Marvin ang kanyang husay sa kanyang mga kasosyo para makasigurado ang mga ito.
Kahit na magsisimula pa lang ang proyektong ito, tila abot kamay na nila ang kanilang tagumpay.
Kaya tinipon na niya ang lahat ng pwersang mayroong siya.
…
Handa na ang mga Knight at Cleric ng Silver Church ay handa na. Pinapangunahan na ang mga ito ni White Gown Collins.
Ang dalawang hukbo ng River Shore City ay nasa pamamahala na rin ni Marvin. Nagdala pa ang mga ito ng dalawamping trebuchet at dalawampu't limang taong gagamit nito!
Dumating na rin ngayong araw ang Wizard Corps ng Ashes Tower. Ang pinuno nito ay ang witch na nakasuot ng lilang balabal na muntk nang pumatay kay Marvin sa gate ng MAgore Academy. Shirley ang pangalan nito.
Ang 2nd rank Wizard corps ay binubuo ng labing-walong tao na puro battle caster, na si Hathaway mismo ang pumili. Bawat isa sa mga ito ay may taglay na pambihirang lakas.
Ang pwersa naman ng White River Valley, bukod sa mga adventurer na kinuha ni Marvin, higit sa sampung gwardya at iilang militia ang sumunod kay Marvin.
Pero karamihan sa mga ito ay magsisilbing mga mensahero. At kasabay nito, gusto ni Marvin na palakasin ang mga ito.
Ang sentro ng kanyang pwersa ay ang labing-pitong Dark Knight pa rin!
Habang nakasakay sa kabayo si Marvin, nakakita siya ng usok mula sa malayo. Isa itong simbolo ng paghahamon mula sa mga Ogre.
Malinaw naman na maaalerto sila dahil sa dami ng taong nagtitipon.
Hindi tanga ang mga Ogre.
Naghanda na rin sila para sa digmaan.
Parating na ang digmaan.
_______
– Character Window –
Name: Marvin Cridland
Race: Human/Numan
Attributes:
[Strength] – 16
[Dexterity] – 26 (?+1)
[Constitution] – 13
[Intelligence] – 15
[Wisdom] (Perception) – 16
[Charisma] – 15(+1)
Life Classes:
[Noble] lv4 (0/800)
[Blacksmith] lv3 (32/600)
Battle Classes:
[Ranger] lv7 (0/20000)
[Night Walker] lv4 (0/35000)
[Shapeshift Sorcerer] lv4 (0/23000)
[Battle Gunner] lv1 (0/4800)
Titles:
[Chaotic Battle Expert]
[Newborn Ranger]
[Rope Master]
[Legend Killer]
[Dragon Slayer]
[HP]: 667
[Exp]:
0 (Noble)
19211 (Battle exp) [Available]
10000 (General exp) [Available]
[Skill Points]:
0 (Ranger)
16 (Night Walker) [Available]
30 (Battle Gunner) [Available]
Attribute Points: 1 [Available]
[Divinity]: False Divinity
[Divine Fragments]: 1 (World Ending Twin Snakes)
[Divine Power]: 0
[Specialties]:
[Classes Specialties]:
Two-Weapon Fighting (Ranger)
Reckless Dual Wielder (Ranger)
Nocturnal (Night Walker)
Night Kill (Night Walker)
Superior Reflex (Night Walker)
Quick Study (Noble)
Boundless Shapeshifting (Shapeshift Sorcerer)
[Personal Specialties]:
Versatile
Endurance
Burst
[Class Skills]
[Noble] (Baron):
Dignity (27)
Management (31)
Awareness (16)
Diplomacy (19)
Accounting (28)
Horsemanship (30)
[Ranger]:
Hide (46+9)
Stealth (101)
Inspect (37)
Climb (20)
Listen (49)
[Night Walker]:
Eternal Night (50)
Summon Night Crow (22)
Night Jump (70)
Shooting Blades (10)
Personal Skills:
Hidden Weapon – Darts (26)
Hidden Weapon – Throwing Knives (5)
Hidden Weapon – Flying Needles (5)
Cutthroat (56)
Shadow Step (43)
Edge Snatch (42)
Demon Hunter Steps
[Personal Spells]:
1st-circle – Vine Metamorphosis
Shadow Doppelganger (Book of Nalu, Bloodline)
Night Tracking (Blessing of the Night Monarch)
Shapeshift Basilisk
Origami
[Shapeshift] (Human Form)
Charming Looks
Transforming Magic Cube
Disguise
[Shapeshift] (Beast Form)
Asuran Bear – Skills:
Intimidating Roar
[Shapeshift] (Shadow Form)
Shadow – Spells:
Shadow Bind
Shadow Arrow
?
[Equipment]:
[Sika Deer badge]
[Pair of Curved Daggers Fangs]
[Blazing Fury] (2)
[Ghastly Gloves]
[Ring of Wishes] (Original)
[Wishful Ropes]
[Mark of the Moon]
[Vanessa's Gift]
[Mask of the Deceiver]
[Magic Holy Grail]
[Wristband of Gratitude]
[Thunder Ring]
[Rock Giant Belt]
[Contracted]:
[Wind Fairy]
[Items]
Deepwater Gems – Engineering Blueprints – Gold Bars – Ancient Book (Unknown/Scarlet Monastery) – Annihilation (Black Jack's weapons) – Treasure Map (Great Devil Head).
[Forces]:
White River Valley
Southie