Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 195 - Whispers from Hell

Chapter 195 - Whispers from Hell

Umasa si Marvin at Ivan sa Sea Emperor's Crown para makabalik sa East Coast.

Kalahating araw silang naglakbay para makabalik sa kampo.

Mabuti na lang at maayos naman ang lagay ng mga alipin a sailor sa pamumuo ni Lola at Boatswain Roberts.

Kasalukuyang tag-init at may sapat naman silang pagkain sa barko, kaya bukod sa mga lamok, wala na silang ibang kailangan alalahanin.

Kinausap ni Marvin si Ivan dahil umaasa siyang pwede niya silang tulungan bantayan ang kampo.

Dahil lalaki pa rin ang mga sailor na ito. Hindi nila alam ang maaaring mangyari kapag iniwan nila si Lola, Little Tucker, at iba pa sa mga ito.

Agad namang pumayag si Ivan.

Iniligtas na siya ni Marvin at ngayon naman ay tinulungan siyang patayin ang Dragon, at muling iniligtas sa kamay ng Sea Elven Queen. Maliit na bagay lang ito.

Paulit-ulit na binalaan ni Marvin si Lola na bantayang mabuti ang lahat ng bagay at inutusan naman nito si Roberts na ipatuloy sa mga sailor ang pagpapaganda ng kanilang kampo.

Ang kampo ang magiging pundasyon ng bagong daungan at siyudad.

Mas mabuti nang magplano na ngayon.

Matapos ipaliwanag, umalis na si Marvin at naglakbay pa-kanluran, patungo sa White River Valley.

Sa isang bulubundukin, hating-gabi. Makikita ang isang aninong kasing bilis ng kidlat sa pagtakbo.

Magmula nang mag-advance si Marvin sa pagiging Night Walker, mas nahihilig na sa paglalakbay si Marvin sa gabi.

Mas maganda ang paningin niya sa gabi kumpara sa umaga, kaya naman malayo ang nakikita nito.

Walang pangalan ang bulubundukin na ito, at hindi rin ito bahagi ng Shrieking Mountain Range. Hindi ito gaanong matarik, at maituturing lang na maliliit na mga burol na mayroong iilang malalaking bundok sa gitna.

Ang isa sa mga bundok na iyon ang pakay ni Marvin, ang bundok kung san naninirahan ang tribo ng mga Ogre.

At kapag nasa paanan si Marvin ng bundok, mayroong pwedeng daanan si Marvin para lampasan ito.

Sa dakong timog ay ang gubat, at sa timog ng gubat ay mayroong isang daan na kahilera ng White River na direktang patungo sa White River Valley. Sa dakong hilaga naman ay mayroong isang mababaw na bangin. Hindi siya sigurado kung anong mga nilalang ang naroon pero sigurado siyang hindi naman malalakas ang mga halimaw na ito kaya pwede rin siyang dumaan dito.

Hindi na tulad ng dati si Marvin. Level 13 na siya, kaya kahit makasalubong siya ng malaking grupo ng mga halimaw ay wala nang problema ito para sa kanya.

At kahit na hindi niya kayanin ang mga ito, mas madali na para sa kanya ang pagtakas.

.

'Saan kaya ako dadaan?' Nagdadawalang isip si Marvin.

Pero biglang may isang aninong nahagip ng kanyang paningin!

Isang maliit na anino.

'Isang Gnoll!'

Kuminang ang mga mata ni Marvin.

Hindi na siya nag-alinlangan at agad na nagtungo pa-hilaga.

Hindi niya direktang nakita ang Gnoll. Napansin niya lang ito, pati na ang iba pang bakas ng mga Gnoll sa bangin sa dakong hilaga dahil nakikita niya rin ang nakikita ng Night Crow.

Noong una ay nagtataka pa siya kung saan nakuha nina Toshiroya at Miller ang mga Gnoll na ginamit nila.

Ginalugad na niya ang mga lugar sa katimugan ng White River Valley pati na ang iba pang kahina-hinalang lugar pero wala siyang nakitang bakas ng mga Gnoll.

Pero sa wakas ay nahanap na niya ang lugar na ito.

May kutob si Marvin na may koneksyon ang Gnoll na kanyang nakita sa mga sumakop sa kanyang teritoryo!

Agad niyang binilisan ang pagtakbo at dumeretso pa-hilaga.

Sa bangin sa hilaga, isang Gnoll ang naglalakad ng nakatingkayad sa mga halaman at isang mabatong lugar, iniiwasan nito ang isang maliit na daanan habang patungo ito sa isang mataas na bundok sa dakong timog.

Iyon ang bundok na tinitirhan ng mga Ogre!

Pero biglang may aninong lumabas at sinipa ang Gnoll!

Umatungal naman ito sa sakit kasabay ng pagtalsik nito dahil sa sipa.

Sa kasalukuyang abilidad ni Marvin, kayang-kaya niyang batukan ang isang nilalang gaya ng Gnoll kung gugustuhin niya.

Agad niyang ginait ang Wishful Rope para itali ang Gnoll.

Salamat sa tinuro ni Lola, medyo disente na ang pagsasalita ni Marvin ng lenggwahe ng mga Gnoll. Tinutukan niya ito ng curved dagger at dahil dito ay inamin ng kaawa-awang Gnoll ang lahat agad.

Sinusunod niya lang ang utos ng Pinuno ng tribo na maghatid ng mensahe sa tribo ng mga Ogre.

Ang tribo nila ang parehong tribo ng mga Gnoll na umatake sa teritoryo ni Marvin. Noong una ay nakatira nag mga ito sa kaibuturan ng bangin. Pagkatapos nilang umatras, kakaunting mahihinang sundalo na lang ang nanatili,kaya naging mahirap ang pananatili sa lugar na ito.

Para mabuhay, naging utusan ang mga ito ng mga Ogre.

Napukaw ang atensyon ni Marvin dahil sa mga sinabi ng Gnoll.

'Utusan? Marunong tumanggap ng utusan ang mga Ogre?'

'Imposible. Ang mga Ogre ay malalakas na nilalang na mataas ang tingin sa kanilang race. Paano nagkaroon ng pakielam ang mga malalakas na Ogre sa mga Gnoll?'

Isa lang ang dahilan sa ganitong pag-uugali.

Marahil sobrang talino ng pinuno ng Tribe. Mataas din ang posibilidad na isa itong Ogre Mage.

Magkaiba ang kosepto ng magic ng mag Ogre Mage at ng mga Human Wizard. Tulad ng mga Dragon, mayroong silang kakaibang Sistema ng pag-cast at may kakayanan sila lusutan ang Universe Magic Pool at makakuha ng Chaos Magic Power para gamitin sa kanilang mga spell!

Ang konsepto ng kanilang pag-cast ay pareho lang sa mga Dragon Spell. Umaasa sila sa sarili nilang mga katawan para makakuha ng malaking halaga ng Chaos Magic Power.

Kaya naman, hindi naapektuhan ang mga Ogre Mage sa pagkawasak ng Universe Magic Pool.

Kasabay nito, dahil may kinalaman sia sa Chaos Magic Power nang mahabang panahon, mas lapitin ito ng kaguluhan at pagkasira.

Ito ang race na napakahirap paamuhin.

Kaya naman, naghanda nang mabuti si Marvin para sa dispatyahin at patayin ang ano mang nilalang na mangangahas na humarang sa kanya.

Siguradong dadanak ang dugo. Dahil imposibleng walang dumanak na dugo sa daan patungong kaunaran.

'Anong mensahe? Ilabas mo," utos ni Marvin.

Walang nagawa ang Gnoll kundi ilabas ang sulat.

Tiningnan ito ni Marvin at nalamang hindi niya naiintindihan ang nilalaman nito.

'Hindi lenggwahe ng Gnoll… Mukhang lenggwahe ng Ogre. Ang pinuno ba ng mga Gnoll ang mismong sumulat nito?"

'Pucha, paano ito.'

Kinuha ni Marvin ang liham, mas lalo pa itong nagduda.

Pagkatapos siguruhing wala na siyang makukuha pang impormasyon sa Gnoll na ito, pinatay na ito ni Marvin.

Hinding-hindi siya magpapakita ng awa sa mga Gnoll. Ilang mga inosenteng mamamayan ng White River Valley ang namatay noong sinakop nila ito.

Naaalala pa niya ang karamihan sa mga ito.

Isa itong poot na nabuo dahil sa dumanak na dugo. Kaya naman, hinding-hindi niya mapapatawad ang mga ito.

'Mukhang kailangan kong dumaan sa tribo ng Gnoll na 'yon.'

Huminga ng malalim si Marvin at pumasok sa bangin.

Paglipas ng isang oras, pareho lang ang ginawa ni Marvin sa pinuno ng mga Gnoll at sa mga sundalo nito.

Biglang isang Night Walker, walang kahirap-hirap na nakapasok si Marvin sa lugar nila.

Direkta naman niyang dinakip ang pinuno ng mga Gnoll

Magmula nang mamatay ang Shaman, ang Pinuno nila ay naging isang malakas na Fighter.

At syempre, depende pa rin ang basehan ng lakas. Sa malaking agwat ng isang 3rd rank at 1st rank, halos walang pinagkaiba ang kaawa-awang pinuno nila sa mga sundalo.

Panandaian itong tumangging magsalita, sa kasamaang palad, gumamit lang si Marvin ng ilang pamamaraan sa pagtatanong at agad naman itong nagsalita.

Matapos niyang marinig ang lahat ng ito, nag-iisip pa rin si Marvin.

'May kinalaman ito sa isang lalaking naka-itim.'

'Sinusulsulan ng sulat na 'to ang tribo ng mga Ogre na atakihin ang White River Valley.'

'Sabi ng matandang ito na mayroong nakatagong kayamanan sa ilalim ng White River Valley!'

Ang matandang naka-itim na naman!

Hindi ito ang unang beses na nabalitaan ni Marvin ang tungkol dito. Narinig na niya ito kay Toshiroya, at ngayon naman sa pinuno ng mga Gnoll.

Sinubukan ni Marvin na ipalarawan sa Gnoll ang itsura ng matandang lalaki pero walang nasabi ang Gnoll.

Hindi niya ito maalala.

Hindi niya gaanong nakita ang itsura nito. Mukhang may kakaibang kakayahan ang matandang ito na pasunuring ang mga ito.

Pero sa oras na maghiwalay ang mga ito, tanging isang matandang nakasuot ng itim lang ang maaalala ng mga ito. At magiging Malabo na ang iba pang detalye.

Naisip ni Marvin ang Hell dahil sa pamamaraang ito.

Ang grupo ng mga Devil na ito ay mahilig gumamit ng ganitong istilo…. Sandali… Hell? Devil?

Naalala ni Marvin ang Great Devil Head sa lihim na kwarto ng kanyang lolo.

Kasama nito ang isang mapa.

Konektado ang lahat.

'Anong kayamanan?'

'Hindi kaya ang boses na kumakanta na narinig ko noon sa lihim na lagusan ay mga bulong mula sa Hell?'

Namanhid si Marvin habang iniisip ito.

Mahirap makipagkasundo sa mga Devil. Ang grupo ng mga nilalang na ito ay magaling sa paglalaro ng puso ng mga tao at pagmamanipula ng mga damdamin. Malakas ring magmanipula ng mga kontrata ang mga ito.

Malinaw na ngayon na may kinalaman sa mga Devil ang bagay na nasa ilalim ng kanyang teritoryo at mukhang hindi ito maliit na bagay.

Nabalisa si Marvin dahil ditto.

Pakiramdam niya ay nakaupo siya sa isang bomba.

Malay ba niya kung ano ang itinago ng kanyang lolo doon?

Kung gusto niyang malaman, kailangan niyang magsimula sa lihim na lagusan.

Kakailanganin niyang humingi ng tulong sa ilang Legend sa susunod na sisiyasatin niya ang lihim na ito.

Pinatay naman ni Marvin nag pinuno ng mga Gnoll na parang wala lang ito.

Matapos niyang dumaan sa tribo ng mga Gnoll, ipinagpatuloy niya na ang paglalakbay pa-kanluran. Hindi magtatagal ay makakarating na siya sa White River Valley.

Pero bigla siyang nakaramdam ng sakit.

Pinatay ang kanyang Night Crow!

Mabilis ang naging reaksyon ng pumtay ditto. Hindi na nakita ni Marvin kung sino ang umatake!

,

'Pucha!'

Sumimangot si Marvin at agad na ginamit ang Night Tracking!

Hindi naman siguro alam ng umatake ang tungkol sa skill na ito.

Ang Night Crow ay si Marvin ang nag-summon at kaya niya itong tuntunin gamit ang mga Night Walker ability. Kahit sino pa man ang pumatay ng Night Crow, magagamit ni Marvin ang Night Tracking para masundan ito!

Isang malamlam na pulang linya ang lumitaw at sa tantya ni Marvin ay malapit lang ito!

Binilisan niya ang kilos a paglipas ng limang minuto, naabutan na niya ito!

Pero nang maabutan niya ito, ang nakita niya ay isang aninong tuloy-tuloy ang pagtakbo.

Nakasuot ito ng itim na damit.

Isang kakaibang pakiramdam ang bumalot sa isip ni Marvin. Hindi niya makita kung gaano kalakas ang kalaban!

"Sino ka!"

Nagngalit ang ngipin ni Marvin at lalo pa niyang binilisan, nakarating ito sa harap ng anino at sapilitang hinarangan ang daraanan nito!

Napilitan namang tumigil ang lalaki sa isang patay na puno.

Tinitigan ito ni Marvin. Isang matandang lalaking nakangisi sa kanya!

Isang matandang lalaking naka-itim!

"Sino ka ba?" Seryosong tanong ni Marvin.

"Ako?" Mabagal ang pananalita ng matanda, tila nag-iisip ng sasabihin.

Nang biglang nag-ibang anyo ang katawan nito!

Mula sa pagiging isang matandang lalaki, naging isang Thre Eyed Great Devil Head ito.

Kinilabutan si Marvin sa kanyang nakita!