Sa dilim ng gabi, tumawa ng kakaiba ang Three Eyed Great Devil Head.
Kinuyom ni Marvin ang kanyang ngipin at pumikit. Sa susunod na sandal iminulat na niya ang kanyang mata at nakita nawala na ito!
'Nakatakas siya?'
Tiningnan ni Marvin ang kanyang mga log.
Nagkaroon siya ng natural na reaksyon nang lumitaw ang Great Devil Head. Malamang isa itong ilusyon!
At ang willpower check ay nakumpirma nga ito.
Ang ilusyong ito ay parehong-pareho sa ilusyong nasa loob ng lihim na silid ng kanyang lolo, pero base sa lakas nito, makikitang nagmadali sa pag-cast ang kalaban at hindi ito kasing lakas ng katulad ng nasa lihim na silid. Kaya naman nagawang makatakas ni Marvin mula rito.
Pero nagkaroon rin ng pagkakataong makatakas ang kalaban dahil ditto.
Kahit na hindi niya makita kung gaano kalakas ang kanyang kalaban, nararamdaman ni Marvin na hindi sila magkapantay.
Baka konektado ito sa kanyang naging anyo.
Naramdaman ni Marvin na baka wala talagang katawang lupa ito.
Marahil ay kapareho ito ng isang kaluluwa.
Naglabas ito ng malakas na kapangyarihan, pero mukhang napipigilan ito ng mas malakas na kapangyarihan.
Kaya naman natuliro si Marvin dahil ditto.
Muli niyang ginamit ang Night racking at hindi na niya matunton ang matandang naka-itim.
Tiningnan niya ang paligid para maghanap ng kahit anong bakas, pero sa huli, pinili na lang niyang bumalik sa kanyang dinaraanan.
Bumalik si si Marvin sa bangin at halahating oras na pinatay ang mga Gnoll. Walang awa ang kanyang pagpatay. Sinigurado niyang binunot niya ang mga ugat at hindi pinalagpas kahit ang pinakabatang Gnoll.
Natural na masama ang mga Gnoll. Dahil galit naman na sila sa isa't isa, at kahit na hindi na sila gaanong banta sa kanyang teritoryo, may posibilidad pa rin na saktan ng mga ito ang kanyang mga nasasakupan.
Limtado lang ang kabutihan ni Marvin. Hindi naman kasi siya santo.
Sa ilang paraan, may angking katalinuhan rin ang mga Gnoll. Lumalaban rin sila para magparami at mabuhay.
Pero malupit ang mundong ito.
Gustong magbukas ng panibagong teritoryo ni Marvin kaya kalaunan ay kakailanganin niya ring patayin ang mga ito.
,
Hindi mag-iiwan ng kahit anong panganib si Marvin dahil kailangan niyang protektahan ang kanyang teritoryo, at protektahan ang mga tao rito.
At kung hindi na matatanggal ang mga dugo sa kanyang kamay ay wala na siyang pakielam, basta mapanatili niyang ligtas ang mga ito.
…
Pagkatapos ng bangin ay ang maburol na bahagi, pagkatapos nito ay ang magubat na parte. Paglagpas ni Marvin sa kagubatan, isang malawak na espasyo ang tumambad kay Marvin.
Sa di kalayuan ay makikita ang dumadaloy na White River, at sa isang mataas na burol, maaaninag ang isang palasyo.
Sa wakas, White River Valley.
Binilisan ni Marvin ang takbo at agad na bumalik sa kanyang teritoryo.
Pero nagulat siya nang mapansin mas buhay ang kanyang teritoryo ngayon!
Mayroong higit sa tatlong-daang low level adventurer ang nagtipon-tipon dito, lahat sila'y nagmadaling lumuwas mula sa Jewel Bay.
Nasa isa sa sampung bahagi lang sa mga taong ito ang tunay na inanyayahan ni Marvin.
Ang iba ay kusang-loob na sumali para subukan kung may makukuha ba sila kahit kaunti.
Hindi kayang tumanggap ng White River Valley ng ganito karaming mga adventurer.
Mabuti na lang at mayroon nang sapat na pagkain sa kanilang teritoryo. Doble kayod ang mga panadero para gumawa ng mga tinapay na mabilis ring nauubos.
Bukod sa mga piniling adventurer ni Marvin na karapat-dapat na patirahin sa isang lugar sa labas ng palasyo, ang iba pa ay nagtayo na ng sariling kampo malapit sa White River.
Mariing iniutos ni Marvin na hindi maaaring gambalain ng mga adventurer na ito ang pang-araw-araw napamumuhay ng mga pangkaraniwang mamamayan, kung hindi ay paparusahan sila nito.
Mukha namang marunong lumugar ang mga taong ito.
Pero hindi mapigilang sumimangot ni Marvin nang makita niyang walang tigil sap ag-iingay ang mga ito.
Makakahanap at makakahanap talaga ng paglalabasan ng kanilang enerhiya ang mga taong ito.
Ngayon lang nakakita ng ganito karaming adventurer ang mga mamamayan ng White River Valley. Mabuti na lang at madalas ang pagpapatrol ng mga gwardya kaya mas panatag ang loob ng mga ito.
…
Tanghali na nang makabalik si Marvin sa kanyang palasyo. Nasurpresa naman si Wayne at si Anna sa kanyang pagbabalik.
Parehong nagreklamo ang dalawa sa kanya.
At pareho lang ang kanilang inirereklamo: Napakahirap paayusin ng mga adventurer na iyon!
"Dahil ang pinakikinggan lang ng mga adventurer na 'yon ay ang nagpakalat ng wilderness clearing order, hindi naming sila maiayos." Nanghihinang sabi ni Anna.
"May ilang bugnuting adventurer ang gumawa ng gulo. Kahit na napigilan naman naming sila ni Andre, apektado pa rin ang buhay ng mga inosenteng farmer at mga pamilya nila. Kaya pinapwesto ko sila malapit sa White River."
"Pero hindi pa rin naming sila ma-kontrol."
"Mayroong malaking gulo kahapon. May isang lasing na adventurer ang sinubukang gahasain ang isang babae sa Teritoryo. Mabuti na lang kumilos agad si Sir Constantine at pinatay siya agad."
"Nang malaman ng mga adventurer na mayroong Legend na nagbabantay sa teritoryo, mas nagpigil na sila."
"Pero magugulo pa rin sila. TUmatae at umiihi sila kung saan-saan. Para silang mga hayop." Dagdag ni Wayne.
Nakinig lang si Marvin at hinilot ang kanyang sintido.
Inasahan naman niyang mangyayari ang mga ito.
Dahil sa mga sinabi ng dalawa, kahit paano ay nagkaroon na siya ng ideya sa kalagayan ng kanilang terirotyo.
…
Ang pagsugod sa gyera ay para ka na ring nagsunog ng pera.
Para makuha ang mga 2nd rank adventurer na iyon, halos naubos na ni Marvin ang 200 na ginto ng wizard na nakuha niya sa bangkay ni Black Jack.
Isama pa na sa dami ng mga adventurer na nagtitipon-tipon dito, kung hindi sila susuplyan ng pagkain ay malaking problema ito.
Nangako si Marvin na mabibigyan ng pagkain ang mga adventurer niyang kinuha, pero bukod sa mga ito, kung gugustuhin ng iba pa na bumli ng pagkain, kailangan magkaroon ng produksyon ang White River Valley para mapunan ang pangangailangang ito.
Mabuti na lang at dumating na ang mga pagkain galing sa River Shore City.
Dahil sa pamamahala ni Anna, maituturing na halos napunan na ang pangangailangan ng daan-daang adventurer na ito.
Bilang saksi si Hawathay, natapos na ang kasunduan sa pagitan ni Madeline at Marvin. Magiging bahagi na ng pwersa ni Marvin ang River Shore City sa hinaharap, kaya hindi na nag-abala si Marvin patungkol sa mga dumating na pagkain.
'Kahit na may kalupitan si Madeline. Gagawin niya ang lahat para lang maging isang Legend.'
'Pero sa oras na maging Legend siya…. Wala nang makakapagsabi….'
Kilalang-kilala na ni Marvin ang babaeng iyon.
Sa oras na maging Legend ito, mawawalan na ng bias ang command contract. Walang makakapagsabi kung ibibigay nga ba talaga niya kay Marvin ang River Shore City kapag dumating ang araw na iyon.
Ikinatuwa naman ni Marvin ang pagpapadala nito ng mga kalakal noong mga oras na iyon.
Hindi lang pagkain at inumin, na kailangan ng White River Valley sa ngayon, ang kasama nito, mayroong ring mga simpleng damit at mga napaglumaang mga sandata ng mga gwardya ng River Shore City.
Hindi dapat minamaliit ang mga sandatang ito dahil sandata ito ng mga sundalo.
Kaunting paghahasa lang sa mga ito ay muli nang babalik ang talim ng mga ito.
Bukod ditto, nagpadala rin ito ng mga sariwang prutas at gulay. Regalo na niya ito kay Marvin.
At ito pa lang ang unang pangkat ng mga kalakal, kasunod na rito ang ikalawa.
Nangako si Madeline na ang River Shore City ang magiging pinakamalaking suporta ng White River Valley sa pagbubukas nito ng mga panibaong teritoryo.
Ikinatuwa rin ito ni Marvin.
May pakinabang naman pala ang pahina ng Book of Nalu.
Mismong si Marvin ay hindi nangahas na tingnan o basahin ang ikatlong pahina sa ngayon. Hindi niya ito gagalawin hangga't hindi pa siya isang Legend.
Ang kabanata ng [Destruction] ay maaaring baguhin ang pagkatao ng mga tao at pwede rin nila itong ikabaliw.
Isang magandang halimbawa ng Lich na nakahimlay sa Scarlet Monastery.
Kaya naman hindi na muna niya gaanong iniisip si Madeline ngayon. Mas nag-aalala siya para kay Hathaway.
Kahit na matalino ang mga Seer, maraming tao na magmula pa noong sinaunang panahon ang nabaliwa dahil sa Book of Nalu, at namatay pa kahit ang isang god!
Isang patunay na nakakatakot ang librong ito!
Umasa si Hathaway sa ika-anim na pahina ng Book of Nalu na [Rebirth], para makapag-advance sa Legend rank. Natatakot si Marvin na baka masyado na itong umasa sa Book of Nalu.
Pero ayon sa mensahe ng 2nd rank wizard, kasalukuyang may ginagawang panibagong spell si Hathaway at masyado pa siyang abala dito.
Mas napanatag ang loob ni Marvin dahil ditto.
Hindi mabasa-basa ni Marvin ang babaeng iyon na napakalakas ng will. Noong mga oras na iyon, ipinagdasal niya rin na mayroon itong sapat na Intellegence sa tuwing binabasa nito ang Book of Nalu.
...
…
"Oo nga pala, karamihan sa mga adventurer ay nababagot na noong mga nakaraang araw. Paulit-ulit nilang tinatanong kung kalian magsisimula ang misyon," sabi ni Anna. "Natatakot akong pag nagpatuloy pa ito magkakaroon na ng malaking gulo sa teritoryo."
"Kahit pa nandito si Constantine, baka may mga masaktang tao."
Tumango si Marvin.
Saglit itong nag-isip, saka ito nagdeisyon, "Tutal, walang magawa ang mga taong ito, paghandain mo na sila."
"Dahil gusto nila ng gyera, makukuha nila 'yon."
…
Sa ilalim ng init ng tanghali, ilang adventurer na halos nakahubo na ang lumulusong sa White River.
Pero sa mga Oras na iyon, isang malaking balita ang kumalat sa White River Valley.
Isang war mobilization order, na pinirmahan mismo ni Lord Marvin, ang inilabas!
Isang knight mula sa mga gwardya ang nagbasa ng mobilization order ni Lord Marvin sa lugar kung saan nagtipon-tipon ang mg adventurer.
Magmula ngayon, maghahanda na sila para sa isang digmaan!
Sa silangang bahagi ng White River Valley ang pansamantalang tagpuan, kung saan magtatayo ng pansamantalang kampo.
Paglipas ng isang lingo, doon na magtitipon-tipon ang mga hukbo, at ang lahat ng gustong maki-isa sa labang ito at magkakaroon ng parte sa loot, ay kailangan tumulong sa pagtatag ng kampo.
Si Lady Anna ang mamamahala sa pagtatayo ng kampo at ang lahat ng makikilahok ay kailangan nakarehistro.
Sa isang iglap, nasabik ang lahat ng mga adventurer!
Bakit nga ba sila pumunta sa White River Valley mula sa malalayong lugar? Ito'y para sa isang digmaan!
Isa pa, maraming mahahalagang bagay sa tirahan ng mga Ogre, isama pa ang bali-balitang minahan ng ginto!
…
Paglubog ng araw, matapos ianunsyo ang war mobilization order, karahiman sa mga adventurer ay lumipat na ng lokasyon.
Tumungo na sila sa pagitan ng gubat at ng mga burol na pinili ni Marvin at nagsimula na nilang itayp ang pansamantalang kampo sa pamamahala ni Gru, ang Vice-Leader ng mga gwardya.
At sa loob ng Palasyo ng White River, mayroong kakaibang hapunang nagaganp.
"Kaarawan?"
Gulat na tinitingnan ni Marvin sina Anna at Wayne. Isama pa si Constantine, ang matandang blacksmith na si Sean, at ang anak nitong si Jane, ang Necromancer na si Fidel, at ang Alchemist na nawalan ng alaala ay naroong rin kasama ng ilan pang tao.
"Oo? Wag mong sabihing nakalimutan mo?"
Naawang tiningna ni Anna si Marvin. "Ngayon ang kaarawn mo."
Biglang naunawan na ni Marvin nag nangyayari.
Ika-14 ng Agosto, ang huling araw ng Swimming Fish.
Sa gabing ito, paghaharian ng konstelasyon na Swimming Fish ang kalangitan ng Feinan.
Natuwa si Marvin. Marahil si Anna at Wayne lang ang nakaalala ng kanyang kaarawan sa buong White River Valley.
Wala nang duda ito para kay Wayne, pero si Anna, ang babaeng sumuporta sa kanya noon pa man, malaki ang pasasalamat ni Marvin.
Ginawa ng butler na ito ang lahat ng makakaya niya, isinantabi pa nito ang sariling pagpapalakas para lang tulungan si Marvin pamahalaan ang White River Valley.
Mahusay ang ginawa niya.
"Salamat," taos pusong sabi ni Marvin.
Isang napakagandang cake ang ipinasok
"Si Jane ang gumawa niyan," pabulong na sinabi ni Anna.
Ngumiti si Jane. "Wala kasing masyadong magawa dito sa palasyo."
Bahagyang tumango si Marvin at muling ipinarating ang kanayng pasasalamat.
Mahalaga ang mga kaarawan sa Feinan.
Dahil maaaring tugunan ng konstelasyon ang isang hiling mo sa araw na iyon. Kahit na wala naman itong kasiguruhan, maaari silang swertehin, o makatanggap ng basbas mula sa kanialng konstelasyon.
"Humiling ka na." Nakangiting sabi ni Constantine, "Malay mo, matupad dahil swerte ka naman."
Yumuko si Marvin, alinsunod sa kultura ng Feinan, at tahimik na humiling.
Simple lang ang kanyang hiling. At iyon ay ang kaligayahan at kaligtasan ng mga taong malapit sa kanya.
"Katulad noong mga nakaraang taon, hindi pa rin naman ako sinagot ng Swimming Fish," pilit na tawa ni Marvin.
Tumawa naman ng malakas ang lahat.
Isa itong emosyonal na sitwasyon. Iilang tao lang ang maaaring makakuha ng sagot.
Nang biglang isang napakaliwanag na ilaw ang lumitaw sa silid kainan!