Maingat na iniligay ni marvin ang baul ng kayamanan sa lupa sa loob ng tent.
Si Marvin at Isabelle lang ang nasa loob ng tent. Laging tahimik ang batang babae kaya hindi siya pansinin.
Laging pinapanood ng babae ang bawat galaw ni Marvin. Madalas ay puno ng kuryosidad ang kanyang mga mata ngunit hindi siya nagsasalita.
Iniintindi niya ang mundo sa kanyang sariling paraan.
Hindi masyadong pinapakialaman ni Marvin ang ginagawa nito. Unti-unti nang nabubuhay na dito ang bloodline ng mga Hammon. May sariling daan na tinatahak si Isabelle, hindi niya ito ginagabay maliban na lang kung inaaksaya nito ang sarili nitong oras.
Naglabas siya ng kumpol ng mga scroll, bawat isa ay mga mataas na uri ng Unlock Magic Lock scroll.
Kung makikita ito ng iba, siguradong mamangha sila.
Kakaiba ang mga mataas na uri ng Unlock Magic Lock scroll kumpara sa mga karaniwang scroll. Hindi nito mabubuksan ang baul pagkatapos ng ilang beses na pagkabigo.
Pero di hamak na mas mahal ito.
Ngunit naging mayaman si Marvin pagkatapos niyang manakawan ang Hidden Granary ng Twin Snakes Cult. Naihanda niya ang lahat ng uri ng kakailanganin niyang gamit at instrumento.
Ginamit niya ang kanyang anim na scroll para buksan ang baul, na sa loob ay makikita ang isang maalikabok na scroll.
'Hindi ba angkop lang na gumamit ng scroll para buksan ang isang baul na naglalaman din ng isang scroll?' pangunngutya ni Marvin sa kanyang sarili.
Nilabas niya ang Magical Scroll at maingat na inusisa bago niya kumpirmahin na pareho lang ito ng nasa kanyang mga ala-ala.
Sa pag-gamit niya ng [Inspect] malalaman niya ang pangalan ng scroll at dahil sinulat ng may gawa ang saeriling pangalan sa laso na nakatali sa scroll.
Kalimitan ay naghahanap siya ng appraiser na may malawak na kaalaman tungkol sa mga scroll para malaman ang epekto ng scroll.
Pero pwede nang hindi ito gawin ni Marvin.
Hindi niya kailangang malaman ang mga detalye tungkol sa scroll. Kailangan niya lang magamit ito.
Inilatag niya ang Magical Scroll sa lupa.
Maraming mga rune ang nakasulat sa scroll, ngunit ang mga rune na ito ay iba mula sa mga magic rune. Mukha itong mga lengguwahe ngunit maraming mga simbolo ng alchemy ang makikita.
Walang kahit anong alam si Marvin tungkol sa alchemy.
Nilagay niya ng mabuti ang Blazing Fury sa ibabaw ng scroll.
Pagkatapos ay naglabas siya ng panulat at nagsimulang siyasatin ang mga rune sa kaliwang bahagi ng scroll.
Inilublob niya ang dulo ng panulat sa tintang kinuha ng isang birhen ng bukang-liwayway. Napakadalisay nito.
Ito lang ang tanging paraan para malaman ang epekto ng scroll.
Pagkatapos baybayin itong ni Marvin, nagsimulang mag-apoy ng kusa ang scroll.
Hindi nababahala si Marvin habang binabalot ng apoy ang kaniyang kamay. Bagkos ay masarap ito sa pakiramdam.
Pagkatapos niyang isulat ang apat na linya ng mga rune ay lumipat ang apoy ng Magical Scroll sa Blazing Fury.
…
Binuksang maigi ni Isabelle ang kanyang mga mata at maiging pinagmasdan ang Blazing Fury, sinusubukan niyang tignan kung anong pagbabago ang mangyayari.
Natatakot siyang may malagpasang detalye kaya pinanatili niya ang kanyang paningin, pinapanood itong maigi.
Unti-unting sumilab ang mga apoy bago ito mawala.
Tanging isang dagger na lang ang natira sa lapag.
Makikita ang pagtataka kay Isabelle, ang kanyang mga mata'y tila ba nangangaati.
Kaya naman hindi niya mapigilang kumurap.
Pagkatapos ay nakakita siya ng dalawang magkahawig na dagger sa lupa.
Lumaki ang mga mata ng batang babae sa pagkagulat.
…
Nasisiyahang hinawakan ni Marvin ang dalawang dagger sa kanyang mga kamay. Kamangha-mangha ang mga ito sa pakiramdam.
Kahit ang kanyang Fangs ay may maliliit na pagkakaiba dahil meron talagang pagkakaiba kapag craftsman ang gumawa.
Ngunit ang dalawang Blazing Fury na ito ay parehong-pareho. Mula sa kanilang pag-aari hanggang sa bigat, magkamukha!
Ito ang mahiwagang katangian ng Magical Scroll.
Kaya nitong kumopya ng isang Magical Weapon.
Isang perpektong kopya.
Mukhang napakamakapangyarihan nito, ngunit sa totoo ay hindi gaanong mahalaga ang scroll na ito.
Kaya lang nitong kumopya ng sandata. Isa pa, hindi pwedeng mas malaki ang sandata kesa sa scroll. Ibigsabihin, hindi nito kayang kumopya ng mga two handed greatsword, pike, at axe.
Tanging maiikling armas lang ang pwedeng kopyahin.
Kung titingnan, kung meron kang magandang Magic Weapon, bakit mo pa kakailanganin na gumawa ng kopya? Para gamitin pamalit?
Siguradong magiging magara ito.
Ngunit para sa mga Thieves o Dual Wielding Ranger, napakahalaga nitong scroll!
Lalo na kay Marvin na merong mga Specialty na [Two-Weapon Fighting] at [Reckless Duel Wielding]. Magiging mas magaling pa siya sa pakikipaglaban lalo na at may balanse sa kanyang mga armas.
Talagang ang Blazing Fury ay namumukod tangi.
Hindi na kailangang umasa ni Marvin sa Shapeshift Socerer kung meron siyang pares nito. Ang gagamitin na lang niya ay anim na beses ng Arcane Missile araw-araw at dalawang spell ng Blazing Fury.
'Ito na ang tamang oras para pagpahingahin ang regalo ng Propesor '
'At ito na ang tamang oras para gamitin ang Blazing Fury bilang pangunahing sandata'
Kuntentong itinago ni Marvin ang kanyang mga Fang.
Matagal na niyang ginagamit ang pares ng mga sandatang ito. Kahit hindi masyadong matalim ay malaki ang naitulong ng mga ito sakanya.
Kamakailan lang niya nakuha ang Blazing Fury, ngunit dahil sa kaibahan ng dalawang weapon, hindi niya masyadong mapapakinabangan ang kanyang kakayahan habang gamit ito. Kung kaya ginamit niya bilang pangatlong sandata ang Blazing Fury.
Ngayon ay pwede na siyang magpalit ng mga sandata.
Sa pagkakaalam ni Marvin ay namumukod tangi na ang pares ng mga Blazing Fury.
Pwede nitong punan ang kaunting pagkukulang sa kanyang attack power.
Hindi kalabisan ang pagsasabi na ang pares ng mga sandatang ito ay nasa itaas ng mga Magic Weapon. Alam ni Marvin kung nasaan ang ilan sa mga natatanging sandata, pero nakatago ang mga ito sa mga delikadong lugar, kung kaya't walang pagkakataon para makuha ang mga ito sa madaling panahon. Malamang ay kasama niya ang kanyang Blazing Fury hanggang sa 4th rank.
Ang tanging nakakahigit lang sa mga Magic Weapon ay mga Legendary weapon na higit na mas mahirap makuha. Hindi muna ito iisipin ni Marvin sa ngayon.
…
Karamihan ng mga tao ay tulog na ng hating gabi.
Pagkatapos mapatay ang mga Sirens, hidni nagyabang si Marvin, ibinalik niya agad ang pamumuno kay Madeline.
Nagulat ang nahuli dahil dito.
Akala niya ay pagkatapos mamuno ni Marvin ay maghahangad pa ito ng higit pa.
Ngunit hindi ito ginawa ni Marvin. Alam niyang pangkaraniwan lang ang paraan ng kanyang pamumuno. Ang alam lang niya ay ang mga taktika para pigilan ang dalawang halimaw sa Second Hall. Sa Third Hall ay mayroong hindi mabilang na mga Demon God Enforcer at makapangyarihang Avenger Fegan.
Hindi ordinaryong Demon God Enforcer si Fegan at magiging sobrang hirap para kay Marvin ang kalabanin ito ngayon.
Kahit ang pagpatay sa isang Demon God Enforcer sa isang duwelo ay magiging mahirap.
Dahil ito sa limitasyon ng kanyang class. Mas malaki ang lamang ng mga Demon God Enforcers sa mga Guardians kaysa sa mga Night Walker.
Para sa pag atake sa Third Hall, meron nang plano si Marvin.
Magtago sa likod at manood.
…
Maingat din si Madeline, hindi niya ginamit ang mataas na moral ng mga tao para sumugod, sa halip ay ginamit niya ang lumang paraan.
Hinarangan niya muli ang daanan, sa pagkakataong ito as mula sa Second Hall papunta sa Third Hall, pagkatapos ay gumamit ng mga troso bilang suporta.
Magpapahinga sila sa gabi at aatake sa susunod na araw.
Hinangaan ni Marvin ang pasensya ni Madeline dahil sa kalmadaong pag uugali nito. Malinaw na gusto pa rin nitong maabot ang Legend level, pero pinanatili pa rin nito ang kanyang rason. Mahirap gawin ang bagay na ito.
Mahirap talunin ang babaeng ito.
Sa kabutihang palad ay siya ang unang gumalaw at nakalamang siya sa pagpirma sa command contract sa Magic Restricting Field, kung hindi ay namatay na siya.
'Hindi ko alam anong mangyayari sa labanan bukas…'
'Kung katulad lang ito ng laro, matatalo ang hukbo ng River Shore City dito. Makikipagsabwatan si Madeliine kay Collins, at dahil dito ay makakatakas ang Fegan. Ang Fourth Hall ay magiging sagabal na hindi na nila malalagpasan pa.
'Demon God Enforcers… Talagang pinapasakit ng mga halimaw na yun ang ulo namin.'
Sa loob ng tent ay iniisip ni Marvin ang problema.
"Mukhang naguguluhan ka Lord Marvin?"
Tila may napansin ang batang babae at sa di inaasahang pagkakataon ay tinanong niya si Marvin.
Hindi pangkaraniwan ang nangyaring ito.
"Hmmm. Oo, meron akong iniisip. Sakit sa ulo ang kalabang kahaharapin natin," pagpapakatotoo ni Marvin.
Hinawakan ng mahigpit ni Isabelle ang dagger sa kanyang kamay at sinabi nang may matatag na ekspresyon, "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para protektahan ka."
Hindi sinasadyang natawa si Marvin.
Pinisil niya ang maliit na pisngi ni Isabelle at pinagkatuwaan ang bata, " Anong gagamitin mo para protektahan ako? Ang kakayahan mong Blink-like?"
Hindi niya inaasahan ang seryosong pagtango ni Isabelle.
"Kung susunugin ko ang lahat ng natitirang haba ng buhay ko, kaya kitang protektahan ng matagal," sagot ng batang babae.
"Burning lifespan?" Nagulat si Marvin. "Burning lifespan ang kakayahan mo?"
Tumango si Isabelle, tila ba hindi nangangamba para sa kanyang buhay.
"Kaya mong gamitin ang sarili mong lifespan? Ilang taon pa ang natitira?" nangungunot ang noong tanong ni Marvin.
Ito ang unang pagkakataon na narinig niya iyon!
Hindi nakakapagtakang sinabi ng lalaki na ang buhay niya ay malapit ng…
Hindi nakapagtatakag noong tinulungan siya ni Marvin na magwagi ay lumusong ito sa dagat ng apoy para mapatay ang huling kalaban.
Sobrang lalakas pala ng mga Hammon, ngunit kapalit nito ang kanilang buhay!
Ilang sandaling tahimik si Isabelle bago niya sinabi na, "18 na taon."
"Ano!? 18 na taon na lang?" sumisinghap na sabi ni Marvin.
Anim na taong gulang pa lamang si Isabelle! Ibig-sabihin nito kahit hindi niya gamitin ang kanyang Blink-like ability sa hinaharap, mabubuhay lang siya hanggang 24?
Nakakaawa ang kanyang sitwasyon!
"Hindi yun importante Lord Marvin," seryosong sabi ni Isabelle. "Hindi naman mahalaga ang mabuhay ng mahaba, di ba?"
Tahimik lang si Marvin. Hinawakan niya ang balikat ni Isabelle at mahinahong sinabi na, "Mangako ka sa akin na hindi mo gagamitin ang kakayahan mong yan sa hinaharap, maliwag ba?"
Nagulat si Isabelle. Seryoso ang mukha ni Marvin. "Ipangako mo sa akin."
Matagal na nag-alinlangan ang batang babae bago tumango.
Mahinahon na hinaplos ni Marvin ang bata at akmang may sasabihin.
Ngunit isang malakas na pagsabog ang narinig hindi kalayuan sakanila!
Mayroong bumangga sa bakal na pinto na naghaharang sa daan patungong Third Hall!
Lumabas agad ng tent si Marvin.
Sa tulong ng kanyang Darksight, nakikita niya ng malinaw ang matinding pagkasira ng bakal na pinto.
Isang malaking azure greatsword ang humiwa dito mula sa kadiliman at direktang lumabas sa kabilang panig ng iron door!
Namumukhaan ni Marvin ang espada.
"Avenger Fegan!"
"Pinangunahan na ng lalaking ito ang pag atake!"