Nagmadaling bumalik si Marvin sa tent at sinabi kay Isabelle, "Magtago ka sa First Hall! Protektahan mo ang sarili mo!"
Tumango ang batang babae, pero nang tumalikod na si Marvin at pumunta sa labanan ay may nakita siyang kakaibang pagsabog
Ang lahat ay nagising sa ingay.
Lumipad agad si Madeline sakay ng magic carpet
"Magtipon kayo!"
Maririnig ang malalim at mababang tunog ng tambuli habang mabilis na nagtipon ang mga sundalo!
Dinala ni Madeline ang mga pinakamahuhusay na sundalo. Wala ni isa sa kanila ang nagtanggal ng kanilang armor sa pagtulog, at ang kanilang mga armas ay nasa kanilang tabi.
Sa loob lamang ng tatlong minuto, personal na gwardya man niya o ang tatlong malaking grupo, lahat ay nagsama-sama.
Ang mga Wizards galing sa Wizard corps ay hindi natutulog ng mga oras na yun!
Dahil mag-mamadaling araw na, naghahanda na sila ng mga spells na gusto nilang ipalit sa Universe Magic Pool.
Nagmamadali nilang tinapos ang pagpapalit ng mga spell at tumungo sa tabi ni Madeline.
Sa kabilang banda, kasama ng mga Paladin ni Collins, may ilang mga Cleric na naghihintay.
,
Nang ito ni Marvin mas napanatag ang kanyang pakiramdam.
Iba talaga ang tunay na hukbo.
Kung sila ay mga walang disiplinang adventurer, siguro hindi nila mapaghahandaan ang atake.
"Aabutin pa siguro ng limang minuto bago makapaghanda kung mga adventurer ang mga ito."
Sinuri ni Marvin ang mga nangyayari.
Ang mga pribadong sundalo ng mga nobles ay napakabagal. Noong nakapagtipon na ang pangunahing pwersa ng River Shore City sa harap ng pinto, ang iba sa mga matatandang Lord ay hindi pa nasusuot ang kanilang armor.
Kung ang lahat dito ay katulad ng mga tangang yun, hindi na nila kailangang lumaban sa labanang ito.
Dahil makalipas ng tatlong minuto, ang ilan sa mga trosong sumusuporta sa bakal na pinto ay bumukas!
Ang mga troso at ang bakal na pinto ay iniligay doon ni Madeline gamit ang kanyang magic.
Hindi kayang buksan ng ordinaryong tao ang pintong iyon.
"Bang!" Nahulog ang bakal na pinto!
Maririnig ang mga kabayo galing sa lagusan.
Lumiliwanag ang azure sword sa kadiliman.
Isang grupo ng mga naka-armor na mga knight na nakasakay sa mga skeletal warhorse ang lumabas mula sa kadiliman, para bang mga sugo ng kadiliman!
At pinapangunahan sila ni Avenger Fegan!
"Mamatay kayo!" Isang malalim na boses ang namutawi sa bibig ni Fegan.
Marahas siyang sunugod sakay ng kanyang kabayo, papunta sa harap ng hukbo ng River Shore City!
…
'Ibang-iba 'to sa nangyari sa laro.'
Natakot si Marvin nang makitang pasugod na ang mga kabalyerong balot na balot ng armor.
Dati, hindi nagulantang ni Madeline si Fegan at walang hirap at agad na inatake ito.
Pero sa di malamang dahilan, sa pagkakataong ito'y napansin ni Fegan ang mga nagaganap.
At agad na sumugod ito nang gabi!
Hindi ito napaghandaan ni Marvin.
Tanging ang may mga karanasan lang sa pakikipaglaban ang nakaka-alam kung gaano nakakatakot ang pagsugod ng mga kabalyerong balot ng armor.
Ang mga class na nakasuot lang ng armor na gawa sa balat, tulad ng mga Ranger at Thief, ay sasagasaan lang ng mga kabalyerong ito!
Hindi maitatanggi ang nakakatakot na lakas ng mga ito lalo pa't sakay sila ng mga kabayo, mas malakas pa ang mga ito kumpara sa mga Guardian.
Kabado namang nagtipon-tipon ang mga Guradian, na nasa unahan ng hukbo ng River Shore City, at itinaas ng ilan sa kanila ang kanilang mga shield na dalawang metro ang taas!
Sa ngayon, sila ang paunang depensa ng kanilang hukbo.
Ngunit makikita sa mga mata ng bawat isang Guardian ang hindi maipaliwanag na takot.
Mga Demon God Enforcer ang mga 'yon!
Kayang-kayang sagasaan ng mga ito ang kahit anong uri ng depensa. Mukhang mang matatag ang mga shield ng mga ito, hindi pa rin makakayanan ng mga ito ang pagragasa ng mga Demon God Enforcer!
Tila makinarya ng pagpataya ang grupong ito.
Isang tao lang na sumusuporta sa mga Guardian ang hindi pa rin natitinag.
Si Madeline.
Ang City Lord ng River Shore City ay nakatayo sa ere, pinapanuod lang nito si Fegan habang seryosong sinabi na, "Avenger Fegan."
"Sakim at masamang nilalang. Mamamatay ka na ngayon!"
Kasunod ng kaniyang matatapang na pananalita, biglang lumamig ang kapaligiran sa Second Hall.
Biglang naging nyebe ang mga tubig na nasa hangin at nagsimulang bumagsak.
Nagliwanag ang mata ni Marvin!
Handa si Madeline.
Nararapat lang para sa isang Half-Legend Wizard. Binago niya ang sitwasyon dahil sa kanyang pagkilos.
4th-circle spell, [Ice World]!
Ang halumigmig sa Second Hall ay maganda para sa spell ni Madeline!
Pambihira ang epekto ng 4th-circle spell na ito.
Mayroong manipis na yelo ang nagsimulang bumalot sa lapag!
Hindi na naiwasang madulas ng mga skeletal warhorse ng mga Demon God Enforecer. Wala nang ibang kapupuntahan pa ang mga skeletal warhorse na ito na napakabilis ng takbo!
At 'yon ay ang madulas!
"Shhhhh!"
Bukod kay Avenger Fegan, na pambihira ang warhorse na nagawang hindi madulas at makapagpatuloy ang pagtakbo, nagkakagulo na sa likuran nito ang kanyang mga Demon God Enforecer!
Tuluyan nang nadulas ang mga skeletal warhorse, nawalan na ng kontrol ang mga ito sa kanilang galaw at bumangga na sa isa't isa bago tuluyang bumagsak sa lupa.
Sa loob lang ng ilang segundo, tatlumpung Demon God Enforcer ang walang habas na bumalibag sa sahig!
Bibihira lang mangyari ang ganito.
…
'Mukhang hindi inakala ni Fegan na naghanda si Madeline ng [Ice World]'
'Matalino ang ginawa niya. Basa ang hangin sa loob ng Second Hall, kaya napabilis nito ang pag-cast ng Ice World. Kung hindi baka kinulang ng oras si Madeline sa pag-cast nito at hindi na napigilan ang pagragasa ng mga Demon God Enforcer,' Pag-aanalisa ni Marvin.
Mas bumuti na sa ngayon ang kanilang sitwasyon. Bukod kay Fegan, nalaglag na ang lahat ng Demon God Enforecer sa kanilang mga kabayo… Kaya naman wala na rin ang malakas na pwersa na dala ng mga kabalyerong ito na balot ng armor!
Para na ring nawala ang malaking bahagi ng kanilang lakas!
Nasa tabi naman si Marvin na gumamit ng Stealth. Walang siyang internsyong lumaban ng harapana at binalak na maghintay ng pagkakataon para kumilos.
Lalo pa't malaki pa rin ang lamang ng mga ito sa kanyang class.
Parang mas pinalakas na 2nd rank Guardian ang mga Demon God Enforcer na nahulog sa kanilang mga kabayo. Mahirap silang kalabanin!
Kaya mas mabuting magmasid muna at maghanap ng magandang pagkakataon para umatake.
…
Habang patuloy na umeepekto agn Ice World, umabot na ang yelo sa harap ng mga Guradian, at lalo pang bumalot ito sa mga armor ng Demon God Enforcer!
Nahirapang makatayo ang mga ito at damputin ang kanilang mga sandata, bumagal na rin ang kanilang pagkilos.
Pero kahit na ganito, isa na itong patunay kung gaano sila kalakas.
Dahil kung ibang tao ito, siguradong naging yelo na ang buong katawan ng mga ito dahil sa epekto ng Ice World!
Habang kaya pang maglakad ng mga Demon God Enforcer!
Pambihirang tibay na ito. Lalo pa't mga 2nd rank na halimaw lang ang mga ito!
'Pucha!'
'Ilan bang high level curse ang nilagay ng Lich na 'yon sa mga 'to!'
Nagngangalit na ang ngipin ni Madeline habang tinitingnan ang mga pangyayari.
Ito lang ang naidulot ng isang 4th-circle spell. Talagang nakakagulat.
Pero wala na silang magagawa dito. Hindi tulad ng mga monk at iba pang nilalang, kusang tumanggap ng high level curse ang mga Demon God Enforcer sa kanilang mga katawan.
Ang ganitong uri ng high level curse ay hindi kayang tanggalin ng Holy Grail ni Marvin, ni hindi nito kayang pahinain man lang ang mga ito.
Tanging paggamit ng pwersa ang maaari nilang gawin!
"Protektahan niyo ako!"
"Ako na ang bahala sa isang 'yan!"
Mariing utos ni Madeline.
Kasabay nito, umabot na ang rumaragasang si Fegan sa unang linya ng kanilang depensa!
Biglang dumagundong sa lakas ang kanyang warhorse at direktang inatake nito ang tower shield ng mga Guardian, nagawa pa nitong mapatay ang ilan sa mga ito dahil sa pagsagasa nito!
Isang knight sa likod ng mga Guardian ang humiyaw at sumugod, sinubukan nitong putulin ang mga paa ng warhorse gamit ang two handed greatsword nito.
Pero isang nakakabulag na liwanag na tila ba yakap ni kamatayan ang agad na pumugot sa kanyang ulo.
Walang hirap at mag-isa ng sinugod ni Fegan ang hukbo ng River Shore City.
Galit na galit na nagtatatakbo ang warhorse ni Fegan habang nanatili naman siyang mahinahon, paulit-ulit lang nitong iwinasiwas ang kanyang kulay malaki at kulay asul na greatsword, habang sunod-sunod ang pagkitil nito ng mga buhay!
Sa loob lang ng ilang segundo, anim na elite na gwardya na agad ang napatay nito!
Talagang mayroon itong lakas ng isang 4th rank Half-Legend. Hindi na nakakapagtaka kung bakit gusto nito ang Divnity ng Lich!
…
"Tumabi kayo, ang mga Demon God Enforcer ang kalabanin niyo."
"Ako na ang bahala sa halimaw na 'to!"
Namumutla na si Madeline. Bawat isang sundalo na narito ay tapat sa kanya!
Nasasaktan ito sa tuwing may isang sundalong namamatay dahil kay Fegan.
Habang sinasabi ang mga ito, nag-cast ito ng isang binding spell!
Sapat na siguro ang isang 3rd rank binding spell para mapigilan ito ng limang segundo.
Pero…
Dalawang segundo lang ang kailangan ni Fegan para makawala sa isang binding spell!
"Mangmang na caster," Panunuya ni Fegan. "Sa tingin mo ba ay kaya mo akong patayin?"
"Binigyan ako ng kakayahang para labanan ang magic!"
Sumimangot si Madeline. Sumama ang kutob niya!
Paano nangyaring napakataas ng Magic Resistance ni Fegan?
Pero noong mga oras na 'yon, isang pigurang hindi katangkaran ang nakatayo malapit kay Fegan, at nakatingin sa kanya.
Si White Gown Collins.
"Ang kapangyarihan ni Diggles. Isang kapangyarihang ipinagkaloob sayo ng Evil Spirit Overlord."
"Hindi ko man kayang i-banish ka, kaya ko namang i-banish ang kapangyarihang 'yan." Walang emosyong sabi ni Collins.
"Subukan mo!"
Mabagsik na sigaw ni Fegan. Isang malaking mukha ang biglang lumitaw sa kanyang likuran!
Ito ang Evil Spirit Overlord na si Diggles.
"Talagang gagawin ko." Biglang ibinuka ni Collins ang kanyang mga kamay at nagsimulang mag-chant.
Biglang hinila ni Fegan ang mga renda ng kanyang kabayo at agad na tumakbo papalapit ang warhorse nito kay Collins.
Agad namang kumilos si Madeline na gumamit ng ilang mga spell para subukang pigilan si Fegan.
Pero nagawang salagin ni Fegan ang mga spell na to at walang habas na binangga si Collins!
…
Sa kabilang dako ng Hall, isang marahas na labanan ang nagaganap.
Bumuo ng maliliit na grupo, na mayroong tatlo hanggang limang miyembro, ang hukbo ng River Shore City para simulan nilang paghiwa-hiwalayin ang mga Demon God Enforcer at patayin sa tulong ng Wizard corps.
Isa ito sa mga plano ni Madeline.
Ang maalis sila sa kanilang mga kabayo, saka paghiwa-hiwalayin at saka patayin!
Sa kabila nito, nahirapan pa rin ang lahat dahil sa mataas na Magic Resistance ng mga Demon God Enforcer.
Isang Vampire ang sumubok na umatake ng palihim sa Demon God Enforcer, pero nahuli siya nito at saka binalibag na walang awa sa lapag.
Saka siya hiniwa nito!
Wala nang nakapagligtas pa sa Vampire na nasa lapag!
"Mga tanga! Gumamit kayo ng mga sibat!"
Sa gitna ng kaguluhan, hindi na nila alam kung sino ang sumigaw.
Bigla na lang natauhan ang mga ito saka kumuha ang ilan sa mga ito ng mga sibat mula sa kanilang kampo.
Noong mga oras na 'yon, pinunterya ng naka-Stealth na si Marvin nag isang malakas na Demon God Enforcer.
Lumapit ito, paisa-isang hakbang.
Dahil sa pag-atake ng Vampire, nakitaan ng butas ni Marvin ang depensa ng Demon God Enforcer.
At magaling sa paggamit ng mga kahinaan si Marvin .