Sa paglingon ni Marvin ang tangi niyang nakita ay ang nakamaskarang lalaki na nakatingin nang masama sakanya.
Nababalot ng dilim ang paligid, pero kayang makita ni Marvin ang lalaki dahil sakayang darksight.
Ngunit mukhang nakikita din siya ng malinaw ng lalaki.
Nagulat si Marvin.
"Blood Race?"
Alam niya na merong ilang mga Vampire ang naninirahan sa Deathly Silent Hills, sa hilaga ng River Shore City. Ang mga taong ito ay myembro ng Bright Party at meron silang mga kasunduan sa mga nakatataas sa River Shore City.
Sa pagkakatong ito, siguradong nakalap na ni Madeline lahat ng pwersang pwedeng umatake sa Scarlet Monastery. Kaya hindi nakakapagtaka na sumama ang mga Vampire.
Payat ang lalaki, ang mga galaw niya ay tahimik. Kaya nitong masundan siya ng hindi niya napapansin, bukod sa nilalang na ito, hindi na alam ni Marvin kung ano pa nakakapagtago sa perception ng isang Night Walker habang gabi!
Nagulat ang nakamaskarang lalaki. kinalaunan ay umismid ito, "Mabait sayo si Madeline hindi ba? Sinasabi niya ang lahat sayo."
"Hindi niya sinabi sa akin, nanghula lang ako." Umurong si Marvin ng bahagya, ang dalawang kamay ay nakahawak sakanyang mga dagger."
Iba ito sa pinlano niya.
Sa plano niya walang baliw na Vampire ang bigla na lang lalabas para makipaglaro sakanya.
Kahit na umalis siya ng palihim, sinadya niyang hindi itago ng tuluyan ang kanyang sarili. Ngunit ibang tao pala ang sumunod niya sakaniya!
Hindi lumabas ang inaasahan niyang tao. Sa halip ay isang kakaibang Vampire ang lumitaw.
"Napapansin ko ang galit mo sa akin," sabi ni Marvin sa mababang boses. "Hindi ko maintindihan kung bakit."
Mayabang na sinabi ng nakamaskarang lalaki, "Dahil sayo ay nawalan ako ng bagong blood slave. Hindi ba iyon sapat?"
Sumimangot si Marvin, "Wala akong alam sa sinasabi mo."
"Hintayin mong maging blood slave kita, magkakaroon ka na ng alam sa panahong yon." sambit ng nakamaskarang lalaki habang tumatawa sa mababang boses.
Sa mga sumunod na sandali, dinamba niya si Marvin.
Isang kislap ang nakita ni Marvin. 'Sobrang bilis!' hindi masundan ng kanyang mga mata ang nangyayari.
…
Sa isang sulok ng First Hall, isang duwelo ang nagsimula
"Woosh!"
Mabilis ang naging pagsalakay kay Marvin. Kung hindi nakaiwas si Marvin at nakagawa nang nagbabantang aake ay nakabaon na sana ang pangil ng Vampira sakanyang leeg.
Nakakamangha ang bilis ng lalaking ito; nasa 27 na puntos siguro ang Dexterity nito!
'Pucha mayroon palang nilalang dito na pumapantay sa Dexterity ko.'
'Siguradong isa siyang 3rd rank na Vampire Count.'
'Hindi takot sa mga Vampire ang mga Night Walker, pero masyadong mababa pa ang level ko. Dehado na ko.'
Hindi na natutuwa si Marvin sa kanyang sitwasyon.
Ang 27 na puntos ng Dexterity ay pagkakatantya niya. Siguradong may lihim na pamamaraan itong ginagamit dahil sa biglaang pagbilis nito.
Hindi biro ang pagharap sa mga Vampire. Natural na mas malalakas ang mga ito kumpara sa mga tao.
Ginamit ni Marvin ang kanyang dagger para protektahan ang mga kritikal na bahagi ng kanyang katawan. Saka ito naghanap ng puwang sa pag-atake ng mga Vampire.
Burst!
Anti-Gravity Steps!
Tumalon siya sa pader at naglakad dito na para bang isang sirkero.
Nakikipagpabilisan? Hindi natatakot sa ganitong hamon ang mga Night Walker!
Sa isang iglap, tumalon si palayo si Marvin sa mga atake ng Vampire.
Pero biglang sinabi ng lalaking nakamaskara na, "Anti-Gravity Steps?"
"Pumapangalawang race lang naman talaga ang mga tao. Kung hindi dahil sa mga Wizard, siguradong ang Blood Race na ang naghari sa mundong ito."
"Ano naman kung mayroon kang Anti-Gravity Step? Hindi ka na makakatakas!"
Bigla itong tumalon, at lumipad ang katawan nito.
Tumatakbo si Marvin sa pade habang ang Vampire naman ay lumilipad papalapit sa kanya!
[Low Flight]!
Ang specialty n g3rd rank Blood Race. Kaya nilang lumipad kahit na sila'y nasa orihinal na anyo nila. Mababa lang ito at limitado ang oras ng paggamit.
Sa Feinan, kaunti lang ang paraan para lumipad. Mayroong magic carpet ang mga Wizard, kaya rin nilang lumipad ng mababa gamit ang mga 2nd rank na spell. Karamihan sa mga class ay hindi kayang lumipad kahit pa umabot ang mga ito sa Legend Level.
Isa rin ito sa mga rason kung bakit ang mga Wizard ang naghari sa mundo.
- Isang lumilipad sa kalangita, isa namang ang nanghahabol sa lupa, hindi man lang makahawak kahit balahibo. – Isa ito sa mga ginagamit na pang-asar ng mga manlalaro noon.
Pinapakita nito ang kahalagahan ng paglipad sa pakikipaglaban!
Kayang talunin ng Legend Monk na si Iheim ang avatar ng Shadow Prince dahil sa tulong ng Void Boots.
Ang ang 3rd circle Low Flight ng mg Blood Race ay kaya ring talunin ang ibang mga class at race dahil dito.
.
Pero kahit papalapit na ang Vampire, hindi nagpatinag si Marvin.
Takot ang ibang tao sa Blood Race, pero hindi natatakot si Marvin. Sa Katunayan, Kung alam niya lang sana ang tungkol sa labang ito kaya naman pinaghandaan na niya ito. Baka sakaling napadali pa ang pagtalo niya sa Vampire Count.
Gabi na noon, ang oras kung saan ang Night Walkers ang naghahari.
'Kahit na hindi ko siya mapatay, matuturuan ko naman siya ng leksyon.'
May liwanag na kuminang sa mga mata ni Marvin. Sa susunod na sandal, sinipa na niya ang pader gamit ang kanyang kaliwang paa!
…
'Tapos na siguro ang Anti-Gravity Steps!'
Ang lalaking nakamasakara naman na lumilipad gamit ang Low Flight ay ngumisi. Kinalkula nito kung saan patungo si Marvin, kaya binilisan pa nito ang lipad at dinamba ito.
Pero nakakagulat ang sumunod na nangyari.
Pagkatapos mawala ang epekto ng Anti-Gravity Steps n Marvin, gumapang ito paakyat ng pader sa kakaibang paraan!
Namaluktot ang kanyang katawan at kakaiba ang mga yapaka nito pero nagawa niyang imakyat sa pader na tila walang epekto sa kanya ang gravity!
[Demon Hunter Steps!]
Isa itong panumilang bahagi ng pinakamalakas na galaw sa paa ng Demon hunter na si Constantine na itinuro kay Marvin.
Sinadya niya ang paggamit ng Anti-Gravity Steps para mapalapit niya ang kanyang kalaban.
Sa katunayan, kapag ginamit niya ang kanyang Demon Hunter Steps sa loob ng isang silid, kayang-kaya niyang paglaruan ang Vampire Count!
Walang kahit anong inabutan ang Vampire Count sa pagdamba nito.
Pagkatapos nito, inikot ni Marvin ang kanyang katawan para masipa ang pader gamit ang kanyang dalawang paa!
Sa sunod na sandali, biglang umalulong sa sakit ang lalaking nakamaskara nang talunan ito ni Marvin. Pagkatapos noon ay bumagsak ito sa sahig.!
Hindi isang tunay na flying skill ang Low Flight.
Noong mga oras na'yon, para siyang isang martilyong iwinawasiwas, umaabot sa pinakamataas bago ito tuluyang bumulusok pababa!
"Krash!"
Bumagsak naman ang Vampire sa sahig. Duguan ang napakaputing balat nito nang inapakan ito ni Marvin sa kanyang baywang at isinaksak ang dalawang dagger sa leeg nito.
"Sabi nila, hindi raw kayang patayin ang mga Vampire."
"Subukan ko kaya?" tanong ni Marvin
Hindi napigilan ng lalaking nakamaskara ang kanyanng galit, pero nakabaon na sa kanyang leeg ang dalawang dagger, kaya naman hindi na ito makagalaw!
Hindi naman katulad ng Blood Race ang halimaw na si Corpse King.
Siguradong mamamatay ang mga ito kapag pinutol ang kanilang ulo.
Kaya naman hindi na ito nangahas gumalaw!
Ang mas ikinalungkot pa nito ay ang kahit na mayroong lihim na paraan ang mga Blood Race para gawin isang paniki ang sarili para makatakas, hindi niya ito magamit sa ngayon.
Dahil inapakan ni Marvin nag kanyang likuran.
Dito nagsisimula ang pagpapalit anyo nito.
Tanging ang mga taong may alam tungko sa mga Blood Race ang nakaka-alam ng kahinaan na ito!
Basta nahahadlangan ang bahagi ng katawan nilang ito, hindi nila magagamit ang kanilag lihim na paraan.
Isang kaalamang hindi nalimutan ni Marvin.
Pero napakahirap nga namang harapin ang Vampire Count na ito.
Hindi rin namang magandang ideyang patayin ito dahil maraming inimbitahang Vampire si Madeline at baka ikagalit ng mga ito ang pagpatay sa kapwa nila.
Hindi rin naman pwedeng hindi niya ito patayin. Ginalit siya ng lalaking ito. Kahit na ipinahiya si ni Marvin, hindi niya ugaling pakawalan ang mga mababangis na hayop na nahuhuli niya.
Habang nagdadalawang isip pa si Marvin, isang kaakit-akit na boses ang nagsalita.
"Mukhang natalo ang aroganteng Vampire sa araw na ito."
Bahagyang nakahinga ng maluwag si Marvin. Ang taong inaasahan niyang sumunod sa kanya ay dumating na sa wakas!
Magagawa na niya ang binabalak niya.
....
Si Madeline.
Ang dahilan ni Marvin sa pagpuslit ay para sundan siya ng Ciy Lord.
Muntik na siyang itulak sa isang butas ng babaeng ito kaya naman siguradong babawian ito ni Marvin.
Malaki ang agwat ng kanilang lakas kaya naman kailangan niyang gumawa ng ibang paraan para harapin ito.
At lumalabas na mayroon parang isang paraan para maturuan ng leksyon si Madeline sa Fisrt Hall.
Dahil dito, pumunta ang isang Vampire ng mag-isa para mabugbog siya nang mag-isa.
Bahagyang tumawa si Marvin bago tuluyang binunot ang kanyang mga dagger saka ito umatras.
Woosh!
Galit na tumayo ang Vampire at muling dinama si Marvin.
Nang biglang nanigas ang kanyang katawan sa hangin.
[Hold]!
"Kamoth, hindi pa ba sapat ang pagkatalo mo ngayong araw?" mahinahong tanong ni Madeline.
"Binigyan ka pa ng pagkakataong mabuhay ni Baron Marvin pero wala ka pa ring utang na loob?" Sa totoo lang, sa kasalukuyang Blood Race, kahit na isa ka sa mga pinakamagagalaing, malayong-malayo ka sa lakas ni Gwyn."
"Ang pagkatalo ay pagkatalo. Kapag inulit mo pa 'yan. Papatayin kita.
Biglang lumipad palayo ang katawan ni Karnoth!
Sa di kalayuan, isa pang anino ang dumating.
Ito ang lalaking nakabalabal. Hinuli niya si Kamoth na lumilipad saka ito yumuko.
"Salamat po."
Saka nito sinulyapan si Marvin na nasa dilim, bago biglang ngumiti at sinabing, "Arognate lang talaga ang pnsan ko. Ako na ang nagpapasalamat dahil hindi mo siya pinatay."
"Interesante kang tao. Umaasa akong magiging magkaibigan tayo."
"Ako nga pala si Gwyn."
Pagkatapos magsalita ni Gwyn, binuhat na nito si Kamoth at nawala mula sa kinatatayuan nila.
'Kaya naman si Marvin at si Madeline na lang ang nawian sa First Hall.
...
"Kung magpinsan sila bakit sobrang laki lang ng pinagkaiba nila?"
Lumapit na nakangiti si Madeline.
Tila ba nang-aakit ito sa paraan ng paglapit nito.
Paatras naman ng paatras si Marvin.
"Bang."
Nauntog tuloy ito sa pader na bato.
"Anong ginagawa mo rito?" malumanay na tanong ni Madeline.
"Wala naman…" Nagpilit na tumawa si Marvin. "Gabing-gabi na, babalik na siguro ako sa pagtulog."
"Isang anim na taong bata lang ang nasa loob ng tent mo, wag mong sabihing gusto mong makipagtalik sa kanya?"
.
Dahan-dahan pang lumapit si Madeline at ngumiti.
Maluwag ang damit nito, mula sa anggulong ito, nakikita niya ang dibdib nito.
Tila masamang bagay ang magandang paningin ng mga Night Walker sa sitwasyong ito…
Nakasandal na si Marvin sa pader habang napapalunok na lang.
Hinawakan ni ng malambot na kamay ni Marvin ang katawa ni Marvin at huminga ng malalim.
"Sa akin ka ngayong gabi."
Kakaiba ang rekasyon nito at bigla na lang napasabing. "Ano?"
"Parang baliktad?"
Tiningnan niya ito at itinama, "Sa akin ka ngayong gabi."
Pinindot ng kanyang kanang kamay ang isang bato at hinila naman sa baywang si Madeline gamit ang kanyang kaliwang kamay!
Biglang nawalang ng balanse ang dalawa.
Dahil pareho silang nahulog sa isang lihim na lagusan!