Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 168 - Melee Battle in the Hidden Chamber!

Chapter 168 - Melee Battle in the Hidden Chamber!

Mahigpit na nagkabuhol ang dalawa!

Pareho silang nahulog dahil sa misteryosong pwersa na humila sa kanila.

Nataranta si Madeline.

Sa katunayan, nang hawakan ni Marvin ang kanyang baywang, binalak nitong gumamit ng ilang instant spell para turuan ito ng leksyon.

Kaso nga lang, napagtanto nito na tila hindi gumagana ang kanyang mga spell.

Pucha!

Ito lang ang pumapasok sa kanyang isipan.

Kinapitan siya nang mahigipit ni Marvin habang nahuhulog silang dalawa, nagpagulong-gulong lang sila pababa. Wala silang naging sugat o pinsala dahil makinis at walang sagabal sa kanilang dinaanan pababa.

"Sinabi ko naman sayo eh, akin ka ngayong gabi."

Bumulong si Marvin sa tenga nito, lumingon ito at hinawakan lang si Madeline. Napigilan niya ang sarili niyang pag-bagsak dahil nakakapit sa bato ang dalawa niyang paa.

"Sige na!" Ngumisi ito habang hinahayaang bumagsak mag-isa si Madeline.

"Blag!"

Malakas ang pagbagsak ng kaawa-awang City Lord ng River Shore City sa sahig na gawa sa kahoy.

Mabuti na lang at espesyal ang kanyang constitution. Hindi siya pangkaraniwang tao, kaya naman hindi magkakaroon ng malaking pinsala sa kanya ang pagbagsak na ito. May ilang gasgas sa kanyang maputing balat pero 'yon lang.

Galit na tumayo ito at napansing, paparating na si Marvin. "Ang lakas ng loob mong gumawa ng plano laban sa akin!"

Ikinagalit rin ito ni Marvin.

"Hindi ba ikaw ang nauna?" Direktang sagot ni Marvin.

Nagsimula na siyang magbalak magmula noong sinubukang nakawin ni Madeline sa kanya ang Holy Grail.

Hindi siya ang tipo ng tao na magpapa-api.

"Puff!" Isang kumikisap-kisap na liwanag ng apoy ang lumitaw mula sa kadiliman.

Ito ay isang apoy ng Wizard. Kusa itong sisindi sa oras na may pumasok na nilalang.

Nakapasok sila sa isang lihim na silid.

Pabilog ang kwartong ito, sa isang sulok ng kwarto makikita ang iba't ibang mga bagay pati na ang isang kama.

Mukhang kwarto ito. Pero kakaiba ang pakiramdam sa loob ng kwarto dahil sa napakakinis na mga dingding nito.

"Nasaan ba tayo?!" Muhing-muhing tiningnan ni Madeline si Marvin.

Hindi na siya mapalagay!

Dahil kahit ilang beses na niyang sinubukan; hindi pa rin gumagana ang kanyang mga skill pati na ang mga skill nitong may kinalaman sa paggamit ng magic!

Kakaunti lang ang mga [Magic Restricting Fields] sa buong Feinan!

Sabi sa mga kwento, sa mga piling lugar na 'yon ay maraming nakalibing na mga Wizard.

Kahit na mga Legend Wizard ang pumunta sa mga lugar na 'yon, hihina ang kanilang kapangyarihan, habang ang mga mas mababa sa Legend Level ay mawawala ang kanilang mga magical ability.

Sa madaling salita, wala nang kakayahan si Madeline na pagbantaan o kalabanin si Marvin.

Sa kabilang banda, kung gugustuhin ni Marvin, kaya na niyang tapusin si Madeline.

Galit man si Madeline, pero mas kinakabahan siya!

Ngayon niya lang naranasan ang ganito.

Kadalasan siya ang nangunguna at siya ang nakakalamang!

Walang problema sa kanya ang paggawa ng ganoong bagay, pero may isang bagay siyang sinisigurado: Siya dapat ang may hawak ng sitwasyon!

Natural na lang ito sa kanya.

Pero mukhang nagbago ang lahat ng 'yon ngayong gabi.

Kaya naman, tila isa siyang 16 anyos na natutuliro sa harap ng kanyang nagugustuhan.

'Hindi pwede 'to,' isip-isip niya.

"Gusto mo pa bang ipaliwanag ko pa sayo?"

"Isang Magid Restricting Field ang lygar na ito, isang lugar na kinakatakutan ng mga Wizard na gaya mo," sabi ni Marvin.

Tila hindi na ito natatakot sa pagharap kay Madeline, sa halip, mahinahon lang itong naglakad sa kwarto at naupo sa kama.

.

Mayroong isang tukador doon.

May isang isang pirasong papel na nasa tukador, karamihan sa mga nakasulatdito ay malabo na at halos hindi na mabasa. Binuksan ni Marvin ang bawat drawer ng tukador.

Sa unang drawer ay mayroong ilang talaarawan. Itinabi na ni Marvin ang mga ito pati na ang papel dahil baka maging kapaki-pakinabang ang mga ito sa ibang pagkakataon.

Nakakandado naman ang ikalawang drawer, nakaselyo ito gamit ang isang mataas na uri ng rune combination lock. Hindi ito kayang buksan ni Marvin sa ngayon, at siguradng hindi rin ito mabubuksan ng mga pangkaraniwang mga Thief. Tanging ang mga taong tulad ng Legend Great Thief lang ang makakapagbukas nito.

Sa ikatlong drawer naman, mayroong bolang krystal na nababalot ng sutla.

'Prophecy Globe.'

Kuntento na si Marvin. Nandoon pa rin kasi ang mga kagamitang nakatago sa silid na 'yon.

Magandang item para sa mga Wizard ang Prophecy Globe. Kaya nitong pataasin ang spirit power at willpower.

Ang pinakamaganda pa rito ay kaya nitong panatilihing maaliwalas ang kanyang isipan at malinaw na makita ang kalagayan ng kanyang pag-iisip. Magiging kapaki-pakinabang ito para sa parating na delubyo.

Kinuha ni Marvin ang lahat ng nakita niya. Para kay Wayne ang nakuha niyang Prophecy Globe. Ang mga talaarawan naman at papel, parang makasaysayang libro ang mga ito na nakuha niya dati: may kinalaman ang mga ito sa kasaysayan ng Scarlet Monastery at maaari niyang mabasa ang mga ito sa hinaharap. Baka swertehin pa siya dahil sa mga ito.

"Nakarating ka na ba sa lugar na 'to o alam mo ang tungkol sa lugar na 'to?"

Itiniklop ni Madeline ang kanyang mga braso, isang normal na reaksyon na nagpapakitang naghahanda siya sa maaaring mangyari.

Sa ngayon, para na lang siyang isang tupang naghihintay na katayin.

Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili.

Pero noon pa man umaasa lang ang mga Wizard sa kanilang magic, kaya naman nang biglang mawala ito kay Madeline, hindi na ito mapakali at hindi nito magawang kumalma.

Kita na rin ni Marvin na bahagyang nanginginig ito.

"Syempre. Nagsaliksik akong mabuti, nagbasa ako ng maraming libro. Isang high level Wizard ang lolo ko, kaya naman marami siyang naiwang bagay na kapaki-pakinabang.

Muling ginamit ni Marvin ang kanyang lolo bilang dahilan.

Kung sabagay, isa naman talagang misteryosong tao ang kanyang lolo, kaya hindi na kataka-takang paulit-ulit niyang ginagamit na dahilan ang kanyang lolo.

"Dalawa lang tayong narito."

Habang palapit nang palapit si Marvin, nagsimula nang mataranta si Madeline, atras ito nang atras hanggang sa umabot na siya sa makinis na dingding.

"Hindi ba mat usapan at kontrata tayo…" Tinitigan niya si Marvin.

"Kontrata?"

Mahinahon lang ang boses ni Marvin. Inilabas niya ang kontratang nakasulat gamit ang dugo at pinunit ito sa harapan ni Madeline na hindi makapaniwala ginawa ni Marvin. .

Nasunog ang kontrata at naging isang tumpok na lang ng abo.

"Masyado ka atang arogante kaya hindi mo nakita na may butas ang kontratang 'yon?" Tanong ni Marvin.

Umiling si Madeline.

Hindi naman niya alam na mayroong Magic Restricting Field sa loob ng Scarlet Monastery!

Dahan-dahang namanhid ang kanyang katawan habang tinitingnan si Marvin. Makikita ang takot sa mga mata nito.

"Balak mo kong labanan?"

Tumawa si Marvin. "Bakit ka namumutla?"

Saglit na natahimik si Madeline.

Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang damit at sinabing, "Hindi ka ba natatakot na maghihiganti ako dahil sa ginagawa mo sa akin ngayon?"

"O…. Balak mo ba akong patayin?"

Unti-unting lumalapit si Marvin.

"Papatayin ka? Hindi ako ganoong klase ng tao. Wala naman akong matinding galit sayo."

"May kailangan ka lang bayaran na pagkaka-utang sa akin, na mayroong kaunting interes…"

Pero bago pa man matapos si Marvin sa kanyang sinasabi, biglang nagbago ang katawan ni Madeline!

Isang manipis na buntot ang tumubo sa kanyang likod, nagbago rin nag kanyang awra, bahagyang namula ang kanyang balat, lalong naging kaakit-akit ang kanyang mga mata!

Biglang napuno ng pambihirang lakas ang katawan nito at walang habas na sinugod si Marvin!

"Wag kang masyadong magpakakampante, Baron Marvin!"

Sumuntok si Madeline. "Dahil alam mo naman na mayroon akong abyssal bloodline, magkalinawan lang tayo sa isang bagay…"

"Hindi mo basta-basta makukuha ang katawan ko!"

Rumaragasa ang kamao ni Madeline, at sa isang iglap, tumama ito sa dibdib ni Marvin.

Pero tila kidlat ang kilos ng kanang kamay ni Marvin at nasalo ang kamao ni Madeline!

Bahagyang napa-atras ito, pero hindi nagbago ang mukha nito.

"Alam ko namang kahit paano'y mas malakas pa rin ang fighting ability ng mga Demon kaysa sa akin."

"Pero mayroon ka lang kaunting Succubus bloodline at kaunting dugo ng iba pang Demon. Hindi pa rin ito sasapat."

"Isa pa, gabi na."

Kumindat si Marvin. Night Walkers ang naghahari sa gabi!

Hindi naunawaan ni Madeline ang huling sinabi ni Marvin.

Sinubukan niya pa ring lumaban!

Pinunterya naman ng buntot niya ang sikmura ni Marvin!

Paglipas ng tatlumpung segundo, sa loob ng lihim na silid, nakahiga na sa kama si Madeline.

Nakatihaya itong nakahiga at mahigpit na nakagapos sa kama gamit ang dalawang tali.

Tulad ng sinabi ni Marvin, kakaunti lang ang Demon Blood ni Madeline, kaya naman hindi nito kayang matapatan si Marvin sa gabi.

Matapos lang ang simple pero mabangis na labanan, walang hirap na natalo ni Marvin si Madeline at agad na iginapos ito sa kama.

Galit pa rin si Madeline na pilit na nagpupumiglas, ngunit, kinakabahan pa rin ito hanggang ngayon.

Pero ang mas ikinagulat niya…. Inaabangan niya ang ang susunod na mangyayari.

'Anong nangyayari?'

'Bakit ko inaabangan ang gagawin niya sa akin…'

'Ang lalaking 'to… Hintayin mo lang na mabawi ko nag magic ko, titirahin ko siya ng libong ulit! Titirahin ko siya hanggang sa matuyuan siya!'

Ito ang sigaw ng puso ng City Lord ng River Shore City… pero hindi ito naririnig ni Marvin.

Nakaupo lang ito sa tabi niya habang nakangiti, at tinitingnan ang napakagandang itsura nito. Hindi niya mapigilang mapabuntong hininga, 'Napakaganda talaga ng mga Succubi.'

Kahit na walang Charm skill ang mga ito, karamihan ng mga lalaki ay mababaliw kakatingin sa napakagandang mukha at hubog ng katawan ng mga ito.

Gayonpaman, sa loob ng Magic Restricting Field, wala ring pakinabang ang mga ability na may kinalaman sa magic.

Tila paraiso ang lugar na ito para sa mga physical class, at bangungot para sa mga caster.

"Ano bang gusto mo!"

"Kung gusto mo kong patayin, patayin mo na ako! Kung tunay na lalaki ka, diretsohin mo na ako!" Bugnot na sigaw ni Madeline.

"Natatakot ka ba?"

Hinawakan ni Marvin ang pisngi nito, "Ngayon mo lang naranasan ang ganito, no?"

Napakagat si Madeline sa kanyang labi at maluha-luhang tiningnan si Marvin.

Isang babaeng mayroong Succubus bloodline ang nagpakita ng ganitong reaksyon, maaaring ikamatay ito ng sino mang makakita.

Kung hindi lang dahil sa metatag na willpower ni Marvin, baka sinunggaban na ni Marvin si Madeline.

Pero alam niyang hindi niya ito maaaring gawin.

Isang curved dagger ang tahimik niyang binunot at itinutok sa leeg nito habang makikita na sa mkha ni Madeline ang desperasyon.

Seryosong sinabi ni Marvin, "Sabihin mo sa akin ang tunay mong pangalan."

Natahimik ang lihim na silid.

Matapos ang mahabang katahimikan, dalawang salita lang ang lumabas sa bibig ni Madeline, "Hindi, Ayoko!"

Isang matinding lihim ang tunay na pangalan ng isang Demon, kapag nalaman ito ng ibang tao, maaaring mas matindi pa kesa sa kamatayan ang maging kapalaran nito. Isa siyang Half-Demon, kaya naman hindi ganoon katindi ang limitasyon sa kanyang pangalan. Pero kapag nalaman ito ni Marvin, wala na siyang magagawa laban sa kanya.

"Wag ka namang ganyan, pinagmumukha mo naman akong masama eh," seryosong sabi ni Marvin. "Sabihin mo na sa akin ang pangalan mo at pakakawalan na kita."

"Ayoko!" Nagngalit ang ngipin ni Madeline.

Isang tunog ng paghiwa ang umalingawngaw sa lihim na silid.