Isang miserableng sigaw ang narinig mula sa First Hall!
Ang mas nakakapagtagtaka pa ay unti-unti nang nawawala ang poison mist sa paligid ng Corpse King.
Mabilis na bumaba ang HP nito, isang-katlong bahagi nito ang nawawala sa loob lamang ng ilang segundo.
Ang katawan nito ay malapit nang bumigay, at maraming butas na ang lumitaw sa mga benda na nakatakip dito.
'Tulad ng inaasahan, kahit na hindi masyadong malakas ang #11 Holy Water, meron pa rin itong kakaibang epekto sa mga undead.'
'Siguradong madami ngang magagandang dala ang dating kasamahan na si Collins! Sa susunod ay hahanap ako ng pagkakataon na mas mapakinabangan pa ito.' Nangingising sabi ni Marvin sa kanyang sarili.
Nakakatakot na mga lason ang nilalagay ng ibang tao sa mga syringe. Ngunit ang nilagay niya sa syringe ay purong Holy Water.
Ang Holy water na ito ay bahagi ng kasunduan nilang dalawa ni Collins. Maliit na bote lamang ito at itinuturing itong paunang bayad.
Kung wala ang #11 Holy Water at ang pambihirang epekto nito laban sa mga undead, pano aatakihin ni Marvin ang nakakatakot na Corpse King?
Pero nasa ayos na ang lahat ngayon. Ang pinakamatinik na problema, ang poison mist, ay wala na.
Sinimulan na ni Marvin ang pagsasagawa sa kanyang plano!
…
"Isa itong Holy Water… naaamoy ko ang masangsang na amoy nito." Sabi ng nakabalabal na lalaki na kasam sa grupo ng mga misteryosong tao.
"Kakaiba talagang mag-isip ang batang ito."
"Katulad sa napag-usapan, sa akin ang small blood slave mo, hindi ba?"
Galit ang nakamaskarang lalaki, ngunit wala siyang magawa kung hindi ang tumango.
Hindi na maipinta ang mukha nito habang lalong sumasama ang tingin nito kay Marvin..
Nawala sa kanya ang isang pambihirang tender blood slave na kakakuha lang niya dahil sa lalaking yun. Paniguradong hahanap siya ng pagkakataon para turuan ng leksyon ang lalaking yon!
…
Sa mata naman ng isa pang lalaki ay kahanga-hanga ang ginawa ni Marvin.
Pagkatapos gamitin ang syringe, nawala ang makapagyarihang presensya ng Corpse King.
Parang kidlat si Marvin, pumulupot ito dito nang napakabilis..
Natuliro ang iba sa kanyang pinakitang galing sa paggamit ng kanyang patalim.
Kumikislap ang kanyang dagger habang galit na sinusubukan ng Corpse King na salagin ang kanyang mga atake. Ngunit mabagal na ang mga galaw nito, pagkatapos mawala ng ulap na naglalaman ng lason na nagsisilbing proteksyon nito, hindi na niya masundan ang mabilis na galaw ni Marvin.
Ang mga benda!
Sa opinyon ni Marvin, ang pinakamahalagang pagmamay ari ng Corpse King ay ang mga nakapalibot na benda sa katawan nito.
Hindi ito mapapansin ng iba, siguro iisipin nila na isa lamang itong mabaho at nakakadiring dekorasyon ng Corpse King, ngunit mga Magic Item ang mga ito.
Kailangan niyang tanggalin ang mga ito sa katawan ng Corpse King kung hindi ay mag aaksaya lang siya ng kagamitan at Holy Water.
Dahil dito, naging maingat si Marvin.
Ginamit niya ang Armor Strip skill na meron siya na ginamit niya noon summit para tanggalin ang baluti ng Guardian.
Magkasunod na umatake ang dalawang dagger, na tila ba gumagalaw sa perpektong paraan.
Sa loob lamang ng sampung segundo, natanggal na ang mga benda ng Corpse King.
At patuloy na umiikot si Marvin sa paligid ng Corpse King
Ang lahat ay nahihilo.
Pagkatapos nito ay natanggal ni Marvin lahat ng benda.
Tila isang palasong pabagsak na ang Corpse King, wala na itong lakas.
Dumadaloy ang #11 Holy Water sa loob ng katawan nito. Para sa mga bangkay na halimaw na taga-sunod nito, isa itong nakakatakot na bangungot.
Hubad ang kabuoan nito at makikita na isa lamang itong nabubulok na laman. Makikitang walang kaibahan ang Corpse King na ito mula sa mga ordinaryong Corpse Seeker, maliban sa malaking katawan nito.
"Bang!"
Mahigpit na hinila ni Marvin ang mga benda papunta sakanya bago maingat na inilagay sa kanyang Void Conch na tila ba napaka importanteng bagay ang kanyang nakuha.
Nagbago ng kaunti ang tingin ng karamihan kay Marvin.
Hindi mahina ang lalaking ito sa labanan.
Makikita ang kanyang kagustuhan kung titignan ang Corpse King. Kahit na magpanggap tayo na isang magandang babae ito noong nabubuhay pa, hindi na makikilala pa ang katauhan nito.
Gusto niyang itaga ang sira-sirang kasuotan ng bangkay na ito?
Lahat ng uri ng nakakadiring kuro-kuro ang pumasok sa isipan ng bawat isa habang pinagpapatuloy ni Marvin ang pag-atake.
Ngayon ay isang marahas na pag-atake ang kanyang ginawa.
Patuloy niyang ginagamit ang Reckless Dual Wielder at Burst habang patuloy siyang umatake gamit ang dagger, na nagresulta sa pagkakapira-piraso ng bulok na laman ng Corpse King!
"Crash!"
Yumuko si Marvin at binasag ang buto sa tuhod ng Corpse King.
Umikot siya para makabwelo at tinamaan ang balikat ng Corpse King!
"Bang!" napuol ang braso ng Corpse King.
Ang mga sumunod na nangyari ay parang palabras.
Muling pinakita ni Marvin ang kakaiba niyang estilo ng paggamit ng dagger.
Tila ba isa siyang chef na nangangailangan ng perpektong galaw, sunod-sunod ang kanyang pag atake na naging sanhi ng pagkaputol ng Corpse King sa walong parte!
Pagkahulog ng huling buto ng Corpse King ay nag inat si Marvin at nagpakawala ng malalim na hininga.
Nahirapan siya sa duwelo nilang dalawa ng Corpse King.
Ito ay isang labanan na nangangailangan ng matinding pokus. Kung walang tulong ng Holy Water, hindi siya mananalo.
Gayunpaman, upang tuluyan na matalo ang Corpse King ng walang galos, at walang pinapakitang alas maliban sa kanyang estilo sa paggamit ng dagger ay mahirap gawin.
sa kabutihang palad, hindi niya lamang ito nagawa, nagawa niya ito ng perpekto.
Akala pa nga niya ay tataas ang kanyang Dagger Mastery.
Napakaganda ng pakiramdam na ito, ngunit hindi niya ito mahanap sa talaan kaya akala nil Marvin ay nasa isip niya lamang ito
Ngumit nararamdaman niya pa din ang pakiramdam na iyon.
Sa lalong madaling panahon.
…
Ang eksena kung saan ay malinis at madaling pimapatay ni Marvin ang Corpse King ay nakapagpamangha sa lahat ng nakakita.
Kinilala na nila na meron talagang kakayahan ang Baron Marvin na ito.
Nakasali siya sa hukbo at kinilala ni Lady Madeline dahil sakanyang kakayahan.
Bukod sa mga Wizard corps, snob a naman ang magtatangkang magsabi na kaya nilang manalo sa duwelo laban sa halimaw na tulad ng Corpse king?
Kahit a bigyan pa sila ng #11 Holy Water!
Walang magiging epekto ang pagsaboy ng Holy Water sa Corpse King dahil pinoproteksyunan ito ng benda.
Kahit na makahanap sila ng nakalantad na balat at makapaglagay sila ng holy water, hindi ganoon kalaki ang magiging epekto nito.
Tanging katulad lang ng ginawa ni Marvin ang makakapagsaboy ng Holy Water sa buong katawan ng Corpse King na makakapagpalabas ng buong epekto nito.
Mukha mang madali ang kanyang ginawa, sa totoo lang ay napakahirap nito.
Isang taong katulad lang ni Marvin na nakapatay na ng ilang ulit ang may kakayang gawin ito ulit.
Pagkatapos makakuha ng benepisyo, bumalik agad si Marvin sa hukbo.
Tumango si Madeline. "Mahusay. May karapatan kang maunang mag-loot."
Nanigas si Marvin bago palihim na nagdiwang.
Nang banggitin niya ang loot kanina, ang nasa isip niya ay ang mga benda ng Corpse King. Hindi niya inaasahan na hindi siya naintindihan ni Madeline.
Mula sa mga sinabi ni Madeline, mukhang siya ang unang makakakuha ng gamit sa First Hall!
Dahil ganito ang sitwasyon, hindi na magiging marangal si Marvin.
Hindi niya sasabihin kay Madeline na Magic Item na ang mga Benda ng Corpse King. Hindi lang basta basta Magic Item, kundi sobrang pambihirang kagamitan.
Tahimik na lamang siyang tuamngo.
…
Nagwakas din ang laban pagkatapos.
Malinaw na napanghinaan na ng loob ang mga Corpse Seeker matapos mamatay ng Corpse King.
Dahil sa pagtutulungan ng mga Paladin at mga guard natalo ang mga Corpse Seeker.
Ang buong First Hall ay nalinis.
Ang grupo na nag isip ng plano ay nagsimula ng mag-loot. Ito ay binubuo ng mga pinagkakatiwalaang tulong ni Madeline, o mga alalay na nakokontrol.
Sa utos ni Madelne, ang buong First Hall as mabilis na nilinisan.
Karamihan sa mga loot ay binubuo ng tatlong bagay. Una ay mga armas ng Corpse Seeker, o mga gamit sa kanilang katawan. Maliit lamang ang halaga ng mga ito. Pangalawa ay ang mga kabaong. Tatlumpu ang lahat ng kabaong, kasama na ang batong kabaong ng Corpse King. Lahat ng ito ay mayroong itim na mahika at nabebenta sa mga Necromancers ng Despair Hill. Ang pangatlong bagay ay ang baul ng kayamanan na natagpuan ng mga rouges. Kaunti lamang ang mga ito, ngunit maaaring may tinatago itong mahalagang bagay sa loob.
Sumulyap si Madeline kay Marvin, senyales na siya ang dapat mauna.
Bumulong si Marvin, sandaling nagpapanggap na nakatingin sa mga treasure chest, nang akala ng lahat ay yoon ang pipiliin niya, itinuro niya ang kabilang banda.
"Kukunin o ang mga ito."
Nakakapagtakang makaturo siya sa mga kabaong!
Lahat ay tumingin kay Marvin at nagtataka. Tanga ba itong lalaking ito, o may ibang plano siyang nasa isip?
Baka Necromancer siya? Baka gusto niyang gawing Corpse seekers ang mga buhay na tao?
Hindi maari to… Wala namang usapan na may mga multo na pumupunta sa White River Valley.
Kung ibebenta man niya ang mga ito, sinong nakakaalam kung magkano naman kaya ito bibilhin ng mga Necromancer? Di hamak na mas mababa ang kikiain dito kumpara sa baul ng kayamanan na maaring magbigay ng nasasalat na kayamanan, nang hindi sumusugal.
Dahil sa pakikipagnegosasyon sa mga Necromancer maaari ka nilang atakihin upang makuha ang iyong pinagbibili.
"Gusto moa ng mga kabaong na ito?" gulat na tanong ni Madeline.
Tumango si Marvin. "Pwede kang magdesisyon sa hatian."
Dahil sinabi niya ito, binigyan siya ni Madeline ng pantay na dami.
Sa pakikipaglaban ni Marvin ay isang mahusay na serbisyo ang kanyang pinakita. Nakita ng lahat ang taglay na lakas ng Corpse King. Kung hindi sa katapangan ni Marvin at mag-isang pakikipaglaban niya sa Corpse King, madaming buhay siguro ang nawala.
Sa hatian ng loot, kailangang masihaan si Marvin sa makukuha.
Kaya nagdalawang isip siya at sa huli ay binigay niya ang kalahati ng tatlumpung kabaong kay Marvin, kasama na ang batong kabaong.
Hindi ito tinutulan ni Marvin. Masaya na siya sa kalahating bilang ng mga kabaong.
Walang saysay ang mga kabaong na ito para sa iba, ngunit para sa kanya, magiging eksperimento ito.
Kaya niyang gawin na cultivation tank ang mga kabaong. Gamit ang cultivation tank, kaya niyang taasan ng bahagya ang constitution ng isang tao.
Pagtapos ng ilang pag-ayos dito ay magiging perpekto na ito para mapataas ang lakas ng kanyang garrision.
Ngunit hindi niya ito kayang gawin mag-isa. Kailangan niya ng isang taong magaling sa
Necromancy na matutulungan siya.
Meron nang taong nasa isip si Marvin na makakatulong sakanya.
…
Mabilis na nakahati ang loot, at ang First Hall ay nalinis, ito ay para masiguradong walang halimay ang natira.
Pagkatapos lagpasan ang First Hall, hindi na nagmadaling umatake si Madeline. Sa halip ay inutusan niya ang mga Guardians na sirain ang bukana ng monastery at harangan ang daanan mula First Hall papuntang Second Hall.
Nagsimula na silang gumawa ng kampo sa First Hall.
Ang patuloy na pag-usad nila ang susi sa kanilang tagumpay.
.
"Takipsilim na. Magpahinga tayo ngayong gabi at umatake sa Second Hall bukas," utos ni Madeline.
Lahat ay nagsimulang gumawa at unti unting inayos ang kanilang mga tent sa loob ng Scarlet Monastery.
Sa hiwalay na tent ang itinalaga kay Marvin at Isabelle.
…
Maingat na umalis si Marvin sa loob ng tent upang di magising ang batang babae.
Tahimik siyang naglakad hanggang makarating sa sulok ng First Hall.
Ngunit hindi niya inaasahan ang nangungutyang boses na nagsalita sa kanyang likod.
"Akala mo ba maloloko moa ng lahat?"