Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 165 - Corpse King

Chapter 165 - Corpse King

Napakabilis ng kilos ni Marvin kaya naman ikinagulat ito ng marami.

Noong una ay akala ng mga noble at sundalo ng River Shore City na isang bayarang palikero si Marvin kaya siya isinama ni Madeline.

Nang makita nilang pumasok ito sa karwahe ni Madeline, hinamak at nilait nila ito.

Nang inilabas nito ang Magic Holy Grail, napagtanto nilang ito ang dahilan kung bakit inimbitahan ng City Lord ang noble na ito.

Sa katunayan, mabilis kumalat ang balita sa River Shore City, at umabot na ang ipinamalas ni Marvin sa Battle of the Holy Grail sa huong East Coast.

Pero ang bida sa mga nakaraang Battle of the Holy Grail ay palaging mga Wizard, kaya naman hindi pinansin ng mga tao ang mga balita tungkol kay Marvin dahil inisip ng mga ito na nagpapasikat lang si Marvin.

Mas naniniwala silang ang nakababatang kapatid ni Wayne ang nagpakita ng husay sa laban, kaya naman napanalunan nila ang Holy Grail.

Kaya naman kahit na nauunawaan nila ang importansyang ibinigay ni Madeline kay Marvin, hindi pa rin pinapansin ng mga ito ang probinsyanong noble na si Marvin. Lalo pa at, kahit na may hawak na dalawang dagger si Marvin ay masyado pa rin itong payat.

Ang isang taon nang pagba-blacksmith ay nabigyan siya ng kaunting laman, pero kumpara sa mga malalakas na Fighter o mga Knight, masyado pa rin syang mahinang tingnan.

Isama pa ang kanyang maamong mukha, hindi na malayong may mga taong mag-isip ng masama sa kanya,

Pero ngayon, nagbago na ang tingin ng mga ito kay Marvin!

25 Dexterity! Flicker Specialty! Hindi ito naabot ng sino-sino lang!

...

Sa mga Paladin, pinugutan ng uli ni Goridan ang isang Corpse Seeker bago nito napansin ang nakakamanghang bilis ni Marvin!

'Ang lalaking 'yon..'

'Sabi na nga ba, siya nga!'

Noong nagtulungan ang dalawa para labanan ang Plague Envoy sa underground path, bumilib si Gordian sa ipinakita ni Marvin. Hindi sapat ang mascara nito sa bibig para maitago ito sa perception ng Paladin.

Nang makita nitong nakatayo si Marvin sa tabi ni Madeline, nagulat ito.

Pero mas ikinagulat niya ang mabilis na paglakas ni Marvin.

Kung hindi siya nagkakamali, noong hinarap nila ang Plague Envoy noong gabing 'yon, 1st rank pa lang si Marvin.

'Naabot na agad niya ang level 10!'

'Mukhang kayang-kaya na niyang lampasan ang 3rd rank ano mang oras. Paano nangyari 'to?!'

'Totoo bang may ganitong talento sa Feinan?'

Habang nakabaling ang atensyon ni Gordian kay Marvin, nakakita ng pagkakataon ang isang Corpse seeker at umatake.

Mabuti na lang at tinulngan siya ng isa niyang kasamahan na salagin ang atake bago sumigaw ng, "Sir! Anong ginagawa niyo?!"

Agad namang bumalik sa ulirat si Gordian at tiningnan si Marvin. Kinuyom nito ang kanyang ngipin at tinuon ang atensyon sa paglaban sa mga Corpse Seeker.

Isa siya sa mga mahuhusay na Paladin ng Silver Church!

Matagal na siyang nanatili sa 2nd rank.

Sigurado siyang pagkatapos nitong laban nila sa Scarlet Monastery at pagbumalik siya para tanggapin ang blessing ng Silver God, makakapag-advance na siya sa 3rd rank!

Pinigil ni Gordian ang kanyang paghinga at umatake nang mas mabangis!

Paglipas ng isang saglit, nagkaroon ng puwang sa hanay ng mga Corpse Seeker!

...

Sa kabilang band, komportable namang nakatayo si Marvin sa kabaong.

"Bang!"

Isang nakakatakot na tunog ang umalingawngaw noong bumagsak sa lupa ang takip ng kabaong. Hindi nagbago ang mukha ni Marvin pero tumalon pa rin ito pabalik para makaiwas na gumawa rin ng isang malakas na ingay.

Kasabay nito, ang Shadow Doppleganger ang pumalit kay Marvin, dahan-dahan itong lumabas sa kabaong.

Napakahusay nang pagkakagawa nito at hindi kayang magaya ng nino man.

Lahat ng nanunod sa laban sa dalawang panig ay biglang napunta ang atensyon kay Marvin.

Hindi na ganoon ka interesante ang laban ng mga sundalo at Corpse Seeker.

Hindi takot mamatay ang mga Corpse Seeker, mabilis na natalo ang mga ito dahil sa mas madami at mas malalakas ang mga sundalo. Nakatadhana nang mamatay ang mga Corpse Seeker na ito.

Ang mas pinagtaka ng mga nanunuod ay ang tapang ni Baron Marvin. Ano ba talagang balak niyang gawin?

Isang malaking kabaong na gawa sa bato ang naglalaman ng isang elite level Character. Gusto ba niyang subukan patayin ito mag-isa?

"Mapusok o matapang? Gusto kong makita kung tunay nga ang mga balita tungkol kay Baron Marvin, ang pinakamalakas na Ranger sa buong katimugan."

Sa isang grupong nakasuot ng mga mistoryosong damit, isang lalaking nakasuot ng itim na balabal ang nagsalita.

Isa itong grupo ng mga espesyal na katulong na inimbitahan ni Madeline. Kailangan lang nilang gawin ang mga inuutos ni Madeline.

Mas misteryoso pa ang mga ito kumpara sa mga pangkaraniwang mersenaryo.

"Masasabi kong wala siyang pag-asang manalo." Isang lalaking nakasuot ng kulay lila na mascara ang nagsalita, "Isang 2nd rank na Ranger ay hahamunin ang isang halimaw na hindi bababa sa 3rd rank. Sigurado na ko sa kakalabasan nito."

"Pusatahan pa tayo," sabi ng lalaking nakabalabal. "Kapag natalo niya ang halimaw na 'yan, ang aliping kakakuha mo lang, ibibigay mo sa akin."

"Huh, sinasabi ko na nga bang may masama kang balak," ngumisi ang nakamaskarang lalaki. "Anong ipupusta mo?"

"Ang Ancestor Fang," direktang sagot ng nakabalabal na lalaki.

Hindi na ito nag-isip at agad na pumayag. "Sige!"

Kampante siya dahil inaral niya ng kaunti ang mga tungkol sa nasa loob ng kabaong na ito.

Hindi ito pangkaraniwang Corpse Seeker. Ito ang Corpse King!

Walang katulad ang constitution nito. Kailangan mo ng magandang stamina para matalo ito.

Hind tanga ang lalaking nakamaskara. Nabasa na niya ang mga kilos ni Marvin. Isa itong Dual Wielding Ranger, at kayang paulanan ang kalaban ng mga atake.

Walang buhay ang Corpse King. Kahit na Putulin ni Marvin ang ulo nito, kaya pa ring kumilos nito.

Mabilisan pagpatay sa Corpse King?

Hindi ito kayang gawin ng isang 2nd rank na Ranger.

'Aking na ang Ancestor Fang mo.' Siguradong-sigurado na ang lalaking nakamaskara na siya na ang magtatagumpay.

Sa kasamaang palad, hindi niya alam na kung ikukumpara sa ibang mga Ranger, lamang si Marvin pagdating sa karanasan!

...

Bilang isang katorse anyos na Ranger, hindi lahat ay naniniwala sa karanasan ni Marvin sa pakikipaglaban.

Pero maituturing na kakilala ni Marvin ang Corpse King.

Na-farm na niya ng maraming beses ang Instance na ito, at kahit na naharangan siya sa Fourth Hall, hindi naman ganoon kakumplikado ang mga hall na nasa harapan niya.

Kaya naman mag-isa nang hinarap ni Marvin ang Corpse King.

Kabisadong-kabisado na ni Marvin ang Corpse King!

'Alin kaya ang una niyang ilalakad, ang kanan o ang kaliwa?'

'Ang kaliwang paa ay poision mist, ang kanang paa naman ay [Twisting Bandages]…'

Yumuko sa likod ng kabaong si Marvin at nag-isip.

Nakikita niya rin ang nakikita ng kanyang Shadow Doppleganger, at kaya nitong makita ang galaw ng Corpse King.

"Pshhhh…."

Isang inga ang maririnig mula sa abo.

Nanuod ng mabuti si Marvin….

Ang kaliwang paa! Poison Mist 'yon!

Tulad ng inaasahan, matapos umapak palabras ng kabaong ang Corpse king, isang poison mist ang lumabas mula sa matangkad na pigura.

Hindi kumalat ang poison mist, umaabot lang ito ng kalahating metro mula sa Corpse King.

Pero kahit na ganoon, mapanganib pa rin ito!

Dahil nakakatakot ang poison mist na ito. Kung tamaan ang isang tao nito, at hindi ito agad na magagamot ng isang Divine Spell, siguradong mamamatay ang taong yon!

Pero may diskarte para dito si Marvin!

Sa likod ng kabaong na bato ay hindi abaot ang poison mist! Nanatili muna rito si Marvin at sinumulang manipulahin ang Shadow Doppleganger.

Kaya naman, sa harap ng lahat, biglang tumalon ang Shadow Dopplegganger mula sa itaas ng kabaont!

Direkta nitong inatake ang Corpse King!

"Hindi pa ba patay ang taong 'yan?" sabi ng isa.

Napakahusay ng pakikipagpalit ni Marvin sa kanyang Shadow Doppleganger. Maraming tao ang hindi nakapansin nito at inakalang si Marvin pa rin ang nakatayo sa kabaong.

Pero may ilan ring na nakita ang pakikipagpalit ni Marvin sa kanyang doppleganger.

"Isang doppleganger." Sumimangot ang nakamaskarang lalaki.

Malinaw naman na hindi nila inaasahan ang ginawa ni Marvin.

Ano bang balak ng lalaking ito?

Kahit na doppleganger ito, hindi naman nito kailangan na pasugurin ito agad sa Corpse King. Hindi ba nagsasayang lang siya?

"Mahusay."

Sabi ito ng lalaking nakabalabal na namamangha kay Marvin.

"Magaling?" Natigilan ang lalaki habang sinago naman siya ng mabilis ng doppleganger ni Marvin!

May dala-dalang dalawang maliliit pero mtataling na kutsilyo ito.

Hindi pa sapat ang ganitong uri ng kutsilyo para makapatay, pero sapat ang talim nito para hiwain ang mga bagay-bagay.

Noong dinadambahan ng Shadow Dopplegagner ang Corpse King, gumagalaw na agad ang mga kutsilyo nito!

"Krak!"

Naputol na ang pinakamahinang bahagi ng benda na bumabalot sa Corpse King.

Mabilis namang nabawasan ang HP ng Shadow Doppleganger dahil sa epekto ng poison mist.

Si Marvin naman na pinapanuod nag pangyayari mula sa likod ng kabaong ay ngumiti.

'Takbo!'

Habang namamangah ang lahat sa panunod, biglang hinawakan ng Shadow Doppleganger ang isang dulo ng naputol na benta at biglang tumakbo!

Kahit na kalahati lang ng mga attribute ni Marvin ang nakukuha ng isang Shadow Doppleganger, mabilis pa rin ito.

Sa isang iglap nakatagbo na agad ito ng sampung metro!

Nabigla ang Corpse King, bahagyang nawala ang kanyang balanse at umikot bago niya napigilan ang kanyang sarili.

Noong panahon na 'yon, namatay na ang Shadow Doppleganger dahil sa lason!

Pero dahil dito, nagkaroon sila ng pagkakataon.

Sa likuran ng Corpse King may isang bahagi ng kanyang leeg na lumabas.

Isang umbok ng nabuublok na laman ang lumabas at wala nang bendang pumoprotekta rito.

Sa mga mata ni Marvin, isa na itong malaking pagkakataon.

Bigla itong kumilos at direktang tumalon sa kabaong.

Sa sunod na sandal, isang syringe ang lumabas sa kanyang kamay!

Ang syringe na ito ay 5 sentimetro ang lapad at maaaring maituring na produkto ng alchemy na ibinebenta ng isang malaking guild. Napakatalas ng syringe na ito. Naiiba ito sa mga syringe na ginagamit nila sa daigdig para malunasan ang mga sakit ng tao. Sa Feinan, ginagamit 'ito para pumatay!

Lalagyan ng Assassin ng laso ito para saksakin ang kanilang mga kalaban para mabilis itong kumalat sa kanilang mga katawan.

At gagamitin ito ni Marvin para patayin ang Corpse King.

Nag-aabnag siya ng pagkakataon sa poison mist, sinamantala na niya ito at pinalipad ang syringe!

Walang hirap na tumusok ang syringe sa bahagi ng leeg na nakalabas, dahil malapit lang ang kanilang distansya.

"Plop!"

Bumaon ang syringe. Biglang may kakaibang naramdaman ang Corpse King at dahan-dahan itong umikot.

Subalit, nakatalon na paalis si Marvin.

Umikot ito sa ere at walang habas na sinipa ang ang syring para lalong bumaon.

Ang likido sa syringe ay pumasok na sa katawan ng Corpse King!

Mabilis namang lumayo si Marvin.

Sa susunod na sandali, maririnig na ang malakas na alulong ng Corpse King na umalingawngaw sa buong First Hall!

"Anong nasa syringe?" Hindi mapigilang bulong ng lalaking nakabalabal.

Ito rin ang gustong malaman ng iba.

Ano nga ba ang nasa syringe?

Natulala ang lahat habang namimilitpit sa sakit ang Corpse King.

Tanging ang matandang si Collins lang ang nakangiti, na tila may alam ito, habang pinapanuod si Marvin na umiwas sa Corpse King.