Biglang nag-iba ang mga nakangiting pigura sa mga painting.
Walang magawa ito kundi panuoring lamunin ng apoy ang kanilang mga katawan!
Dahil sila'y nakakulong sa mga painting. Pinoprotektahan sila ng mga painting na 'to pero kasabay nito ay nakakulong sila sa mga ito.
Kayang lagpasan ni Madeline ang mga depensa nito, kaya naman nasunog ang mga katawan nito.
Sa isang iglap, bukod sa Headless Girl painting na hindi naapektuhan dahil wala na itong laman, nasunog na ang lahat ng mga nainirahan sa mga painting.
Maririnig ang mga hiyawan. Tila ba maraming tao ang nilamin ng apoy.
Lumakas naman ang loob ng mga sundalo.
Hindi nagbago ang mukha ni Madeline at sinabing, "Mga basura."
'Hindi naman maling tawaging basura ang mga Evil Spirit, pero mayroon siyang abyssal bloodline. Para na rin niyang tinawag na basura ang sarili niya.'
Sa loob lang ng sampung segundo, naubos na ang mga painting sa Ghost Hallway. Naroon pa rin ang mga kwadro ng mga ito pero wala na ang mga tao sa loob nito.
Alam naman ni Marvin na ang mga taong ito ay tauhan ng Evil Spirit Envoy na si Morris na nakakulong rin sa loob ng mga painting.
Inakala ni Morris na walang makakahanap sa kanila sa mga painting na ito.
Sa kasamaang palad, mabagsik ang mga mata ni Madeline!
Ang mga apoy na ginamit niya ay makikitang hindi lang ordinaryong spell, pero isang espesyal na spell, na maaaring nagmula sa kanyang abyssal bloodline.
"Tara na," sabi ni Madeline matapos masunog ang lahat ng mga Evil Spirit.
Nagahahanda na ang lahat na umusad patungo sa First Hall, pero bago pa man sila makarating doon ay isang gait na boses ang umalingawngaw.
"Ang lakas ng loob mong sunugin ang mga tauhan ko!"
"Hindi mapapatawa ng Great Lord Diggle sang ginawa mo!"
Isang matangkad na lalaki ang lumabas mula sa huling painting at galit na tumayo sa harap ng lahat.
Direkta itong nakatingin kay Madeline.
...
'Mangmang…'
Tila walang magawa si Marvin.
Kilala ni Marvin ang matangkad na lalaking 'yon, ang Evil Spirit Envoy na si Morris. Hinabol na siya ng mga uwak at mga dark knight ng taong ito noong pumasok siya sa Boknin World para tulungan ang Headless Girl na si Vanessa na mabawi ang ulo nito.
'Talagang may sira ang ulo ng mga Evil Spirit Envoy.'
Bahagyang naawa si Marvin kay Morris.
Ang lakas ng loob nito na lumabas mula sa Boknin at komprontahin si Madeline…
Gusto ba nitong mamatay?
Alam na ni Marvin kung anong kahihinatnan nito!
Tulad ng inaasahan, tiningnan ito ni Madeline. "Evil Spirit Envoy?"
Buong yabang na itinaas ni Morris ang kanyang ulo at sinabing, "Tama, ako ang…"
Pero bago pa ito matapos, binuka na ni Madeline ang kanyang limang mga kuko at hinla gamit ang isang malakas na pwersa para hilahin si Morris papalapit sa kanya. Iniangat mula sa sahig si Morris at hinawakan ito ng mabuti ni Madeline.
"Mangmang," bulong ni Madeline.
Isang nakakatakot na apoy ang gumapang pataas mula sa kanyang mga palad. Tila may gusto pang gawin si Morris pero wala na itong oras!
"Whoosh!"
Sa isang iglap, naging abo na ito.
Isang apoy ang nagliwanag sa mga mata ni Madeline.
'Hindi lang isang Succubus bloodline!' Nanginig si Marvin.
Kahit na isang Half-Legend lang si Madeline, mabagsik ang uri ng magic na ginagamit nito. Ibig sabihin, pambihira rin ang kanyang abyssal bloodline.
Ang isang pangkaraniwang Succubi ay walang ganitong uri ng magic.
Nanatiling tahimik ang iba pa, dahil alam nila kung gaano kalakas si Madeline. Hindi muling magkaka-isa ang magulong River Shore City kung hindi dahil sa kanya.
Sa mundong ito kung saan naghari ang kapangyarihan, kapaki-pakinabang man ang politik, hindi ito kasing kapaki-pakinabang ng isang legendary spell.
Ang lakas ay ang batas.
...
"Mukhang may gusto pa siyang sabihin," paalala ni Marvin. "Parang hindi naman ikaw yung tipo na basta-basta na lang pumapatay."
Ngumiti si Madeline. " Wag kang matakot, Baron Marvin. Mabait naman ako. Ang tanging dahilan kung bakit hindi ko na siya hinayaang magsalita ay dahil ayaw na ayaw ko sa mga Evil Spirit Envoy, 'yon lang at wala nang iba."
"Sadyang galit ako sa kanila, wag mo nang isipin 'yon," sabi nito.
Nagkibit balikat na lang si Marvin. Dahil hindi lang mukhang galit ito.
Gayunpaman, sa pambihirang lakas na ipinakita ni Madeline, lalong lumakas ang loob ng mga tao.
Matapos nilang malinis ang Ghost Hallway, pinauna muli ang mga Rouge at bumalik muli para ibalit na nakakita sila ng mga bakas ng Corpse Seeker.
Sumenyas si Madeline para magpatuloy ang mga ito at bigla silang hinaranagan sa pangalawang pagkakataon!
…
Isang malaking anino ang nanggaling mula sa malayong lugar.
Umikot ang anino sa Ghost Hallway at naging isang malaking mukha.
"Ginagalit mo ako…" sabi ng mukha.
Noong biglang lumitaw ang mukhang ito, natigilan ang lahat ng taong nakatingin dito!
Kakaunti lang ang kayang labana ang negatibong epekto nito, kasama na rito ang ilang 3rd rank na mga Wizard, si Madeline, at si Collins.
Hindi rin naapektuhan si Marvin dahil hawak niya ang Holy Grail.
"Evil Spirit Overlord Diggles!" Biglang naging Seryoso ang itsura ni Madeline.
"Tama. Ako nga…."
Nawawala ang mga mata sa mukhang ito.
Pero tila wala pa ring kwenta ang lahat na para bang lahat ay nakikita nito.
"Napakaruming mga nilalang talaga ng mga tao. Ang lakas pa ng loob mong…" Panunuya ni Diggles
Sa kasamaang palad, may isang taong ayaw makinig sa pananalita ng Evil Spirit Overlord!
Ang matandang negosyanteng nakasuot ng putting balabal ay lumapit, itinaas ang kanyang scepter at nag-chant!
Sa isang iglap, isang umiikot na void ang lumitaw sa Ghost Hallway.
"Ikaw…" Biglang tumaas ang boses ni Diggles, ngunit noong mga oras na 'yon, biglang bumuka ang void at hinidgop ang mukha papasok rito!
"Bang!"
Sumarado ang butas at muling natahimik ang Ghost Hallway.
Nakahinga na ng maluwag ang lahat. Halos sambahin ng mga tao si Collins.
Nagulat si Marvin nang tiningnan niya ito!
Alam niya ang spell na 'yon. Isang 4th-circle Divine Spell, ang [Banishment]!
Ang Divine Spell na ito ay kayang i-banish ang karamihan ng mga nilalang na mayroong Legend rank o mas mababa na galing sa iba't ibang mga plane.
Kahit na mapanganib si Diggle, galing siya sa Underworld. Isa lang itong pansamantalang projection na nasa 4th rank at kayang ma-banish gamit ang Divine Spell na ito!
Malaking Divine Power rin ang nagamit nito, kaya naman ang isang maramot na tao gaya ni Collins ay magkukusang loob na gamitin ito kesa humingi ng kapalit para dito.
Isa pa, ipinahiya nito ang Evil Spirit Overlord. Masasabing hindi gusto ng nguto ng magkabilang panig ang isa't isa.
Anong nangyari?
Tiningnan ni Marvin si Collins.
Ngumiti ito at sinabing, "Wag mo kong alalahanin, Baron Marvin. Mabait naman akong tao. Ang tanging dahilan kung bakit hindi ko na siya hinayaang magsalita ay dahil ayaw na ayaw ko sa mga Evil Spirit Envoy, 'yon lang at wala nang iba."
"Galit. Galit."
Tumingin si Madeline kay Collins, makikitang hindi ito natuwa dahil sa paggaya nito sa kanyang mga sinabi.
Pero si Collins na nga ang gumawa ng paraan, hindi pa ba ito sapat para sa kanya?
Inutos niyang pakalmahin ang lahat na naapektuhan ng Evil Spirit Overlord.
…
Sa harap ng Frist Hall, nahati sa tatlo ang daanan.
Sa kadiliman ng hall, unti-unting nagliwanag ang daan dahil sa patuloy na pagsisindi ng mga gwardya ng River Shore City ng mga sulo na nasa dingding.
Bahagyang lumalakas ang apoy habang naririnig ang isang paghinga na nagmumula sa malayo ang unti-unti ring naririnig!
Isang matangkad na pigura na may hila-hilang kinakalawang na espada ang unti-unting lumabas mula sa kadiliman.
Nabubulok na ang katawan nito, nakabitin na lang ang panga nito, mayroon na lang manipis at butas butas na balat sa mukha nito.
Tuloy-tuloy na kumakawag-kawag ang lalamunan nito, at ang dibdib nito ay tumataas-taas, habang tila mga ungol ang paghinga nito.
[Corpse Seeker]!
Halos kapareho ng itsura ng mga zombie ang itsura ng isng Corpse Seeker.
Kaawa-awang nilalang ang mga ito!
Nabubuhay pa ang mga ito dati pero itinulak sila sa isang espesyal na kabaong, at nag-ibang anyo at naging ganito ang itsura dahil sa isang lihim na pamamaraan.
Tulad ng mga Pain Monk, laging nakakaramdam ng sakit ang mga ito.
Ang pagpatay sa kanila ang pinakamagandang paraan ng pagpapalaya sa kanila
"Klang!""Klang!""Klang!"
Dahan-dahang bumukas ang mga nakahanay na kabaong.
Isa isang gumapang palabras ng mga kabaong ang mga Corpse Seeker.
Sa ilalim ng liwanag ng mahinang apoy, nagsimulang kabahan ang mga sundalo.
Tiningnang mabuti ni Madeline ang mga ito, sinisipat niya ang mga Corpse Seeker bago siya magbigay ng utos.
Saka naman inilabas ng mga Paladin ng Silver Church ang mga espada nila!
"Klang!"
Natuliro ang iba sa tunog ng pagbunot ng matatalim na espada ng mga ito. Naglabas ng mainit na pakiramdam ang mga espadang na-enchant ng Divine Power.
Isang malamlam na kulay pilak ang bumalot sa mga sundalo, tinuon nila ang kanilang pansin sa mga nasa unahan.
Biglang nawala ang pagkatarantang nararamdaman nila.
Napalitan ito ng tapang at lakas ng loob.
Ito ang epekto ng Divine Spell. Minsan kaya nitong punteryahin ang will ng mga tao, at minsan naman kaya nitong bigyan ng lakas loob ang mga ito!
"Sugod!" Bulong ni Madeline.
Agad namang sumugod ang unang hanay ng mga sundalo.
Tumango na rin si Collins.
Isang maliit na grupo ng mga Silver Paladin ang kasamang umatake ng mga sundalo.
Kung titingnan tila malakas na alon ang dalawang grupo na sasalubong sa mga mababagal na Corpse Seeker!
"Krash!"
Nahiwa ng espada ang mga ito, tangin ang tunog lang ng laman na hinihiwa ang maririnig.
Napakabagal ng pagkilos n gmga Corpse Seeker, dahil wala namang buhay ang mga ito!
Kahit na hiwain moa ng bahagi ng laman nila, basta buo pa ang kalansay ng mga ito, kakayanin pa ring lumaban ng mga ito.
Ito ang rason kung bakit nakakatako ang mga nilalang na ito na tila mga zombie.
"Punteryahin niyo ang mga tuhod nila!" Malakas na sigaw ng isang Paladin.
Nakinig naman ang lahat.
Sa Hall, isang magulong labanan ang nagaganap. Mahinahong binantayan lang ni Madeline ang nagaganap.
Nang biglang may isang malaking kabaong ang tumayo sa isang sulok ng hall!
Nagulat ang mga taong nakapansin nito!
Si Marvin lang ang natuwa sa kanyang nakita.
'Ang Corpse King!'
Agad niyang inabot ang Holy Grail kay Isabelle, at agad na sumugod ito na parang isang palaso tinira ng pana.
"Ako na ang bahala dito."
"Akin na rin ang loot nito!"
Flicker!
Isang anino ang humiwalay sa katawan ni Marvin habang direkta itong tumalon sa taas ng kabaong!