Ang Wizar Corps ng River Shore City ay binubuo ng dalawampu't dalawang high level na mga wizard, walo sa mga ito ay 3rd rank at katorse rito ay 2nd rank.
Hindi na kailangan pang kumilos ni Madeline para lang harapin ang mga Pain Monk. Ang anim saw along 3rd rank ang umatake.
Sabay-sabay nilang ginamit ang spell na Dissociation!
Dahil sa Liwanag ng Holy Grail, bumaba ang resistance ng mga Pain Monk. At dahil dito ang Dissociation na kadalasan ay mababa lang ang epekto ay nagkaroon ng malakas na epekto!
Tulad ng inaasahan, bago pa makabawi ang mga Pain Monk, matagumpay na nagawang abo ang mga ito ng anim na 3rd rank Wizard!
Isang berdeng ilaw ang kumisap-kisap sa nakasaradong gate ng Scarlet Monastery, habang tahimik naman ang loob nito.
Pinangunahan ng mga gwardya ng River Shore City. Ilang mga Guardian na makapangyarihan ang sumugod patungo sa pinto habang may hawak na malalaking kalasag.
"Boom!"
Bumanggan ang mga kalasag ng maraming Guardian sa nakasaradong pintuan. Tila bahagyang gumalaw ang pintuan.
"Ipagpatuloy niyo lang!" Makapangyarihan ang boses ni Madeline.
Bahagyang umatras ang naunang grupo at sumunod namang umatake ang ikalawang grupo ng mga Guardian!
"Blag!"
Sa pagkakataong ito, isang sulok ng pintuan ang bumukas at lumabas mula rito ang hamog mula sa Scarlet Monastery.
Alam ni Marvin na kung ibang lugar ito, nagdala na si Madeline ng battering ram.
Pero walang magandang paraan para dalhin an gisang battering ram dito sa maliit na bundok na ito, kaya naman ginamit na lang nito ang mga Guradian para buksan ang pinto.
Mayroon mang Unlock skill ang mga Thief, ngunit mayroong ito magical at pisikal na kandado. Masasayang lang rin ang paggamit ng lakas ng isang Wizard, dahil mayroon lang silang limitadong spell na maaaring gamitin sa loob ng isang araw. Ang isa-isang pag-atake na lang ng mga Guardian ang pinakamagandang solusyon.
Matapos ang nasa apat na bugso ng pag-atake, nabuksan na nila ang napakalaking pinto ng Monastery!
Tumambad sa lahat ang monastery na balot ng hamog.
"Rouge Squad, kayo ang mauna."
"Mga Wizard, sumunod kayo sa akin. Sir Collins, paki-utusan ang mga Paladin at Cleric ng Silver Church na depensan ang mga gilid."
"Guard Sqaudron ng River Shore City, ihanda niyo ang mga sarili niyo!"
Makikitang hindi lang basta-basta nagpapanggap ang City Lord ng River Shore City. Mahusay ang pamumuno nito!
Organisadong-organisado ang buong hukbo dahil sa mga utos nito.
Noong mga oras na 'yon, walang magagwa si Marvin kundi panandaliang umalis sa tabi ni Collins.
Isang mahalagang bahagi ng laban sa Scarlet Monastery ang kanyang Holy Grail, kaya kailangan niyang maging isa sa mga nasa unahan.
Nakiusap ito kay Colling na alagaan si Isabelle at kusang tumabi kay Madeline si Marvin.
Dahan-dahang pumasok ang grupo sa Scarlet Monastery.
...
"Akala ko hindi ka na aalis sa tabi ng matandang 'yon," pang-aasar ni Madeline.
"Mabuting tao si Sir Collins," sagot ni Marvin. "Mabuti pa siya, may integridad."
"Iyon ang kailangan sa pakikipagkalakal o pakikipagtulungan."
Ngumiti lang si Madeline. "Nadidisymaya ako sayo, mister Masked Twin Blades."
"Akala ko ay magkapareho tayo. Pabago-bago ang mga bagay sa mundong ito. Akala ko pa naman isang matapang na lalaki ang taong pumatay sa kanyang sariling tiyuhin."
"Hindi ko inakalang hindi ka ganoon ka mangmang… At hindi ko naman inakalang pagkakatiwalaan mo talaga ako."
"Para pagkatiwalaan agad ang isang babae, kahinaan talaga 'yon ng mga lalaki, no?"
Ngumiti si Marvin at umiling. "Handa naman ang magtiwala sa kahit na sino."
"Pero hindi ibig sabihin noon madali akong maaapi."
"Wag kang masyadong makampante, Lady Madeline. Pagkatapos ng labang ito, marami pa tayong bagay na pagkaka-abalahan."
Nawala ang kislap sa mga mata ni Madeline.
Isang pagbabanta ang huling sinabi ni Marvin.
Kung hindi lang doon sa bagay na nasa gitna ng monastery, dinispatya na nito si Marvin kaagad!
Sa kasamaang palad… Pumirma na siya ng kontrata.
Maingat niyang binasa ang kontrata. Wala itong butas. Hindi ito isang bagay na kayang isulat ng isang pangkaraniwang tao. Nalaman na nito ang tungkol sa kanyang abyssal bloodline, pero hindi na niya ito ikinagulta. Ang balita ni tungkol sap ag-advance ni Hathaway sa pagiging Legend ay palihim nang naikalat sa lahat ng Wizard sa katimugan.
Nakita siya ni Madeline sa teritoryo ni Marvin kaya naman nainggit ito sa kanya.
Halos pareho lang naman silang dalawa. Mayroon silang pambihirang talent at mabili na nakapagpataas ng rank, ngunit pareho silang tumagal sa pagiign Half-Legend. Wala silang magawa tungkol dito. Nilimitahan ng Universe Magic Pool ni Lance ang mga Half-Legend sa pag-usad sa pagiging isang Legend.
Naunahan na siya ni Hathaway sa pag-abot sa Legend Realm, kaya naman mas tumindi ang pagnanais nito na mag-advance.
'Nakakagalit… Ginagamit talaga niya si Hathaway para tuyain ako.'
'Hintayin mo lang na makuha ko ang bagay na 'yon. Matapos kong mag-advance sa Legend, ako mismo ang magsasanay sa batang ito…"
Hindi mababanaag ang ano magn pagbabago sa mukha ni Madeline, pero sa loob-loob nito'y nakapag desisyon na siya.
...
Nagpatuloy sa pagpasok ang hukbo. Matapos nilang makalagpas ng pasukan, balot ng hamog ang buong kapaligiran.
Mayroong bangin sa magkabilang panig, patungo naman ito sa napakatarik na bangin sa kanilang harapan.
Matapos nilang malampasan ang bato, napatingin si Marvin sa itaas. Dito siya dumaan noong huli siyang nagpunta sa Scarlet Monastery para maiwasan ang dalawang Pain Monk at madaling makapunta sa Ghost Hallway na patungo naman sa First Hall.
Naaaninag na nila ang gusali sa kanilang harapan.
"Dame, ito po ang mapa ng monastery."
Isang Wizard ng Wizard Corps ang naglabas ng mapa ng Scarlet Monastery na isang metro ang haba at iniladlad ito sa harap ni Madeline.
Hindi kumpleto ang mapang ito, maraming lugar na ang nabura dahil sa tagal ng panahon. Pero mayroong namang malilit na bahago na muling iginuhit kasama ng ilang direksyon.
Napakalaki ng Scarlet Monastery, isa pa, nagkalat ang mga halimaw sa paligid.
Pero ang pinakanakakatakot sa lahat ay ang natutulog na Lich sa ikalawang palapag sa ilalim ng lupa.
Inakala ng lahat na patay na ito, pero kinailangan lang nitong magpanggap na namatay matapos mabigong na maabot ang pagiging god. Kaya ngayon ay nahimbing ito sa pagtulog.
Nag-iipon ito ng lakas sa kanyang pagtulog, bilang paghahanda sa kanyang pagbabalik. Nagpakalat ito ng napakaraming halimaw sa loob at labas ng Scarlet Monastery.
Ang iba rito ay tpaat sa kanya pero ang iba ay hindi, tulad na lang ng boss ng Third Hall, si [Avenger Fegan]. Sa pagkaka-alam ni Marvin, matagal nang pinupunterya ng toang ito ang Divinity ng Lich. Isa pa, bumubuo na ito ng relasyon sa isang Evil Sprit Overlord.
Kailangan madispatya ang lalaking ito. Mas mapanganib pa ito kumpara sa Half-God na Lich.
...
Tiningnan mabuti ni Madeline ang Mapa. At kahit na ilang beses na niya itong tiningnan, kailangan pa rin niya itong ikumpara ng ilang ulit sa kanilang kapaligiran.
Sa kanyang utos, maingat nang nauna ang mga rogue.
Ang kanilang gagawin ay tingnan ang kapaligiran bago ang First Hall.
Pero alam ni Marvin na babalik ang mga ito na walang napapala.
Dahil nadispatya na niya ang mga bantay dito.
Sat tulad ng inaasahan, bumalik na ang mga rogue sa hukbo na nasal abas ng gusali. Ibinalita nilang walang laman ang mga kwarto.
Ikinagulat ito ni Madeline.
Ayon sa kanyang impormasyon, mayroon dapat mga mortal na kinokontrol ang isipan ng Demon God Enforcers sa Scarlet Monastery… Saan sila napunta?
Isang kakaibang pakiramdam ang bumalot sa hukbo.
Tanging si Marvin lang ang nakaka-alam na marahil nakita na ng mga Demon God Enforcers ang mga Scarlet Slaves na pinatay niya at dinala ang mga ito sa Fifth Hall para ipakain sa halimaw.
Kumakain nang kumakain ito pero hindi kailanman nabubusog.
'Mayroong limang hall ang Scarlet Monastery. Ang First Hall ay puno ng mga Corpse Seeker, at ang boss nila ay isang elite na Corpse King. Sapat na ang lakas ng mga gwardya ng River Shore City para dispatyahin ito, isama pa ang Siver Church.'
'Ang Second Hall naman ay puro Gargoyle at Siren ang laman. Kayang pigilan ng Holy Grail ang mga ito kaya hindi naman mahirap patayin ang mga ito.'
'Ang Third Hall ang pinakamapanganib, dahil hindi tinatablan ng halo ng Holy Grail ang mga Demon God Enforcer. At ang si Avenger Fegan ay isang Half-Legend. Nakadepende ang pagtatgumpay dito kina Madeline at Collins.'
'Base sa laro, maraming namatay sa Third Hall at nakaharap nila ang isang kalaban na hindi nila matalo sa Fourth Hall, kaya naman wala silang nagawa kundi umatras.'
Biglang pumasok sa isip ni Marvin ang kwento ng laro.
'Pero kasama na nila ako, kaya siguradong mag-iiba na ang sitwasyon.'
'Ang pinakamahalaga ay ang Fourth Hall…'
Biglang pumasok sa kanyang isip ang matangkad at matikas na anino kaya napabuntong hininga siya.
Wala na siyang magagawa tungkol sa Fourth Hall. Baka doon sila matigilan, dahil ganoon lang talaga ang lugar na'yon.
Lalo pa't sobrang nakakatakot ang lalaking 'yon.
Kahit na si Constantine at Hathaway ang humarap dito, maaari pa rin silang matalo. Paano pa kung si Madeline lang ang haharap.
Kung gusto nilang makapagpatuloy, kakailanganin nila ng mga tulad ni Inheim.
Kaya naman kampante ang Lich noong ito ang pinagbantay niya ng Fourth Hall.
Dahil ang lagusan patungo sa ilalim ng Scarlet Monastery ay nasa Fourth Hall.
Tanging si Marvin ang nakaka-alam nito.
Sadyang iba ang nakalagay sa mapa. Wala nang ibang pupuntahan pagkatapos ng Fifth Hall.; ito ay walang hanggang abyss na lang!
Ang tunay na lagusan ay nasa Fourth Hall!
Tandang-tanda ni Marvin ang lugar na 'yon. Hindi pa siya nagtatagumpay noong inatake niya ang Scarlet Monastery noon.
Lahat ng manlalaro ay naiipit sa Fourth Hall dahil walang nakakahanap ng paraan para harapin ang lalaking iyon.
Kahit pa daanin sa dami ng umaatake, hindi pa rin ito natitinag kahit kaunti.
Pero wala rin itong masyadong ginagawa, hindi siya ang unang aatake sayo.
Ito ang prinsipyo niya.
Ang taong ito ay tinatawag na [Heavenly Sword Saint]. At siya ang pinakamalakas na tao sa Scarlet Monastery.
Naroon ito hindi dahil siya ay masama.
Pero dahil mayroon siyang kailangan protektahan.
Isang bagay na mas mahalaga pa kesa sa kanyang buhay.
…
"Kung walang mga mortal, dumeretso na kayo!" Utos ni Madeline.
"Sugod!"
Sa pagkakataong ito, hindi na ang mga Rouge ang nauna, kundi ang mga gwardya.
Pumasok ang mga ito sa Ghost Hallway.
Pinapanuod ang mga ito ng mga painting sa pader.
Tiningnan ni Madeline ang mga painting na ito at ngumisi. Isang apoy ang lumita sa dulo ng kaniyang daliri at lumipad patungo sa mga painting.
"Aaaah!"
Umalingawngaw ang mga sigaw mula sa mga painting. Biglang nabago ang Ghost Hallway!