Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 159 - Demon

Chapter 159 - Demon

"Grambol!"

Umalingawngaw ang tila tunog ng lindol sa kasukalan!

Na-alarma ang karamiha ng mga barbarian na tribong nakatira malapit dito. Gulat nilang tiningnan ang makasaysayang iceberg.

May lamat na ang iceberg.

Napayuko na lang ang mga ito habang tahimik na bumubulong-bulong.

Mayroon ring isang Legend Barbarian ang agad na sinugod ang iceberg.

Pero bago pa man siya makalapit sa iceberg, napigilan siya ng isang nakakatakot na pwersa.

Nanuod na lang sa takot ang Legend Barbarian.

Nahati ang iceberg, at isang babaeng nakapaldang kulay asul ay tinitigan lang ang mundo sa labas ng yelo.

Mayroong tato ng ahas sa kanyang noo.

Malabo ang pagkakaguhit ng ahas na mayroong walong ulo sa gilid at isang ulong tumutubo sa gitna!

Five-Headed Crimson Patriarch. Nine-Headed Azure Matriarch.

Isa itong bagay na kalat sa lahat ng manlalaro ng Feinan Continent.

Kahit na maraming gustong pumatay sa Crimson Patriarch, wala namang nagtangka sa Azure Matriarch.

Tulog pa siya bago ang Great Calamity. Sinasanay niya sa loob ng yelo ang kanyang lihim na taktika.

Pero binago ng pagkamatay ng Crimson Patriarch ang lahat.

Mas maaga siyang nagising kesa sa inaasahan.

Naglakad siya palabras habang mayroong dalawang kidlat ang lumabas mula sa Ethereal Plane at tumama sa kanyang katawan.

Agad namang nangisay ang kanyang katawan at walang tigil sa panginginig.

Kita ang sakit sa mukha nito!

"Bakit!"

"Bakit ayaw mong ipaghiganti ko siya!"

Makikita ang galit sa mukha ng babae.

Ngunit, tanging katahimikan lang ang sumagot sa kanya.

Maingat namang nanunuod ang Legend Barbarian, naguguluhan ito sa kanyang nakikita. Noon pa man ay sinasabi na ng mga matatanda na nakakulong sa loob ng malaking tipak ng yelo ang isang demonyo.

Magmula noong siya'y naging isang Legend, siya na ang naging Protector of the Northern Wilderness.

Pero dahil sa babaeng ito, ngayon lang siya nakaramdaman ng ganitong klaseng panganib mula sa isang tao!

Isang nakakatakot na panganib!

Ni hindi man lang siya tiningnan nito. Isa siyang Legend! Kailan ba minaliit ng mga tao ang tulad niya?

Pero tila tama lang ang naramdaman niya at hindi na nangahas pang gumalaw ang Legend Barbian.

Pinagpatuloy niya lang ang tahimik na pagmamasid.

Noong mga oras na 'yon, isang mababang atungal ng isang aha sang umalingawngaw mula sa Spirit Plane.

Hindi naunawaan ng Barbarian kung ano ang kanyang narinig, ang alam niya lang ay lenggwahe ito ng isang Ancient God.

Mga god…

Tila namanhid ang kanyang anit.

Hindi lahat ng Legend ay mayroong lakas ng loob na harapin ang mga god.

Gusto pa nga nitong tumakbo nang palihim.

Pero hindi niya inaasahang kakalma ang babae matapos marinig ang atungal ng ahas.

Sinulyapan nito ang Barbarian saka ito pinabayaan at binalewala.

Unti-unti muling pumasok ang babae pabali sa yelo at sumara naman muli ito nang mag-isa.

"Blag!"

Matapos ang lang sandali, bumalik na muli sa dati ang lahat, na tila walang nangyari.

Naiwang tuliro ang Barbarian.

Nang biglang lumapit ang isang matandang kalaking may hawak na maliit na garapong may alak.

Tinapik nito ang balikat ng Legend at nagbuntong hininga, "Sige na. Hindi na siya lalabas."

Natigilan ang Legend Barabarian. Kilala niya ang matandang lalaki. Isa siyang matanda mula sa tribo na kanyang pinoprotektahan.

Paano siyang biglang lumitaw dito?

Sa dami ng nangyayari noong araw na 'yon halos hindi na makasabay ang utak at pag-iisip ng Legend Barbarian.

"Ang babaeng 'yon, hindi ba siya ang demonyo sa mga kwento?" Tanong ng Barbarian.

"Siya? Maliit na aha slang 'yon."

Humigop ng kaunting alak ang matanda. Makikita ang panghihinayang sa kanyang mapulang mukha, "Sayang naman. Sayang talaga."

"Mas maganda sana kung naging mas mapusok siya…"

"Walong ulo, kaya ko pa ring putulin ang mga 'yon isa-isa."

"Pero kung siyam na ulo… Hindi ko na kaya 'yon."

Sa isang kweba sa ilalim ng lupa sa dakong hilaga, isang babaeng ang kagalang-galang na nakatayo."

Balot ang katawan niya ng mabangong langis, at sa harap nito ay isang mababaw na batis.

Dahan-dahan siyang lumubog sa kumukulong batis.

Sa sunod na sandali, isang makapangyarihang kamalayan ang pumasok sa kanyang katawan!

Isa-isang pumasok sa kanyang isipan ang mga iba't ibang imahe.

Ang pagkamatay ng Crimson Patriarch, ang paggising ng Azure Matrarch mula sa malaking yelo kasama ng isang babala ng World Ending Tiwn Snakes mula sa Spirit Plane!

"Ang limang taong 'yon…. Naiintindihan ko na."

"Azure Matriarch, hindi kita bibiguin."

"Ah…. Ang Divine Power na 'to, ang katawan ko…"

Biglang umabot ang boses ng babae sa buong kweba.

Paglipas ng tatlumpung minuto.

Lumabas ang dalaga sa kweba, may suot itong manipis na damit na gawa sa sutla.

Dalawang gwardyang nakasuto ng asul na damit ang yumuko at nagpakita ng paggalang.

"Lady Bamboo…"

Magulo nag buhok ni Bamboo, makikita sa noo nito ang marka ng isang ahas na mayroong walong ulo.

Masaya nitong sinabi na, "Pupunta ako sa katimugan."

Sa White River Valley.

Nagpapaalam na si Marvin sa lahat.

Tanghali noong nakaraang araw, sinamantala na ni Marvin ang pagkakataon pata ianunsyo, sa lahat ng naninirahan doon, na si Wayne na ang magiging Overlord Proxy.

Kapag wala si Marvin, nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan ni Marvin bilang Overlord.

Natuwa naman ang siyam na taong gulang na si Wayne dahil pinagkatiwalaan siya ni Marvin. Higit sa isang dosenang beses niyang binabasa niya ang makapal na sulat na inawan ni Marvin gabi-gabi. Tinatandaan niya ang bawat salitang inihabilin ng kanyang kapatid.

Wala muna silang gagawin sa teritoryo sa ngayon. Kailangan niyang hintayin na atakihin at palayasin ni Marvin ang tribo ng Ogre na naninirahan sa bundok na nasa dakong silangan. Hindi magiging madali ang mabilis na progreso.

Pero ang mas mahalaga, kailangan pa rin nilang gumawa ng matibay na pundasyon. Alam ni Marvin na kailangan ang pagpapalawig ng kanyang kapangyarihan para sa parating na panahon ng kaguluhan.

Kahit na kasalukuyang tigang ang lupa ng White River Valley, siguradong magiging hiyas ito ng Feinan, lalo na pagkatapos ng Great Calamity!

Noong mga panahong 'yon, gumagawa ng malalaking hakbang si Marvin para mapalakas ang White River Valley. Pero sa hinaharap, ang White River Valley naman ang walang sawang susuporta kay Marvin.

.

Wala nang lugar ang mga mapag-isa. Hindi na lang ito isang laro. Realidad na ito.

...

Ngayon ang araw na magtitipon-tipon ang hukbo ni Madeline pata atakihin ang Scarlet Monastery, kaya kailangan tumupad ni Marvin sa kanilang usapan.

Hindi naman siya nag-aalala masyado sa kanyang teritoryo dahil naroon naman si Hathaway kahit paano'y bantayan ito.

Ang isang bagay lang na inaalala ni Marvin ay umalis si Anna sa White River Valley kahapon. Hindi naman ito umalis nang walang dahilan. Hindi pa kasi bumabalik ang sundalong pinadala ni Marvin para sunduin si Lola. Mahahabol pa niya ito dahil sinabi niya rin ang tungkol sa Spider Crypt kay Anna.

Ang pinakamahalaga ngayon ay makapag-advance si Anna ngayon.

Matapos ang laban na 'yon, naramdaman din ng butler na masyado pa itong mahina. Umabot na sa sukdulan ng level 5 ang kanyang lakas dahil sa pagresolba ng mga problema sa kanilang teritoryo, pero hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataon na mag-advance. Ngayong mayroon na siyang kaunting oras, agad siyang humingi ng isang linggong pahinga kay Marvin.

Makakarating siya sa dakong timog ng Moonlight Forest sa loob ng isang linggo. Pagdating doon ay maaari siyang maghanap ng half-elf na maaaring magturo sa kanya para makapag-advance sa 2nd rank.

Si Lola naman, depende pa rin ang mangyayari dito. Lalo pa't baka itinakas na ng manggagantsong 'yon ang ginto.

Sa pag-alis ni Anna, biglang naging komplikado ang mga bagay sa loob ng teritoryo. Wala namang problema sa garrison. Matapos nilang mahuli ang espiya at dahil sa pamumuno nina Gru at Andre, napapanatili naman ang kapayapaan ng lugar. Ngunit, pagdating sa mga Gawain sa loob ng teritoryo, hindi ito kayang mag-isa ni Wayne.

Mabuti na lang, may isang karwaheng dumating kinagabihan. Bumalik na ang matandang burtler mula sa MAgore Academy. Sa tulong nito, mas mapapadali na ang trabaho ni Wayne.

...

Umalis na si Marvin sa palasyo, sakay ng isang kabayo, nagtungo siya pa-kanluran.

Nang biglang may isang babaeng bumaba mula sa kalangitan at hinarangan ang daan.

"Hindi ka ba magpapaalam sa akin?" Nakaupo si Hathaway sa isang magidc carpet na kulay rosas at tinitingnan si Marvin.

Dahil wala na itong masabi, ito lang ang naisagot niya, "Kung nagtatago ang isang Legend Wizard, siguradong hindi ko siya mahahanap."

Nagtatakang tiningnan ni Hathaway si Marvin at sinabing, "Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng isang Overlord na hindi napipirmi sa kanyang teritoryo. Ipinasa mo pa ang paghawak sa iyong teritoryo sa siyam na taong gulang mo ng kapatid."

"Ano bang naisip mo para gawin 'yon?"

"Kailangan kong magpalakas," mabilis na sagot ni Marvin, "Hindi kasing yaman ng Ashes Tower ang White River Valley. Walang ibang magagawa ang Overlord na 'to kundi magpglibot-libot para maghanap ng magandang oportunidad."

"Hindi magandang lugar ang Scarlet Monastery," panunuya ni Hathaway. "Siguradong papalya ang plano ni Madeline."

"Siguro." Ngumiti si Marvin. "Wala akong pakielam."

"Ngayon lang naman ako makikipagtulungan sa kanya, titingnan ko lang kung may makukuha ako."

Tinitigan ni Hathaway si Marvin at biglang may napagtanto, "Gusto mong makuha ang Divine Power ng Lich?"

"Mayroon na akong False Divinity, sayang naman kung hindi ko gagamitin," mahinahong sagot ni Marvin."

"Hindi ka hahayaang magtagumpay ni Madeline."

"Tuso at ambisyosa ang babaeng 'yon."

Biglang lumipad pataas ang magic carpet ni Hathaway at nawala sa kalangitan, tanging naiwan kay Marvin ang huling pangungusap nito.

"Payong kaibigan. May dugong galing sa Abyss ang babaeng 'yon."

'Abyss…'

Pinag-isipan itong mabuti ni Marvin.

Sa sobrang daming sinabi sa kanya ni Hathaway, nakita na ni Marvin ang iba't ibang mukha nito. Hindi ito madali para sa isang marangal na Legend.

Kung mayroong dugong Abyss si Madeline, alin doon?

Medyo nainis si MARvin. Lalo pa at napakaraming Demon sa Abyss.

Pero kahit naman malaman niya, gusto pa rin niyang tumuloy.

Tutal, pamilyar naman siya sa pasikot-sikot ng Scarlet Monastery.

Nag-aalala masyado si Hathaway nab aka gamitin siya ni Madeline, pero hindi nito naisip na siya ang manggagamit kay Madeline?

Kahit na mahirap harapin ang isang 4th rank Half-Legend, basta hindi ito isang direktang dwelo, kayang-kaya itong diskartehan ni Marvin.

Lalo siyang nagmadali patungong River Shore City habang iniisip ito.

...

Sa kanlurang bahagi ng River Shore City. Isang hukbo ang tapos nang magtipon-tipon.

Naka-upo lang si Madeline sa kanyang karwaheng nakabukas ang pinto. Makikita ang napakaputing hita nito mula sa labas.

Tag-init noon kaya mainit ang panahon. Maraming sundalo ang napapalunok ngunit hindi sila nangangahas na tumitig nang matagal.

Alam nila ang mga pamamaraan ng City Lord.

"Dame, dumating na po si Baron Marvin," magalan na sabi ng isang babaeng tagasilbi.

"Papasukin mo siya." Biglang nagliwanag ang mga mata ni Madeline habang inilalagay sa kanyang bibig ang isang sariwang lychee.

Naglakad papalapit si Marvin at nakarating na nga sa harap ng karwahe.

"Pasok ka," sabi ni Madeline sa isang mahinhin na boses.

Biglang naramdaman ni Marvin ang ilang mga tingin na tila gusto siyang patayin!