Talagang pahamak itong si Madeline!
Nararamdaman ni Marvin na sa dami ng pwersang kinuha niya sa labas ng River Shore City, marami dito ang may gusto sa kanya.
Ilang mga noble sa mga kaalyadong teritoryo ang agad na nagpunta para tumulong, bitbit nila ang napakaraming knight ng kanilang mga pamilya.
Subalit hindi man lang nasulyapan ng mga ito si Madeline.
Sa halip, ang hindi kilalang si Marvin ang personal na inimbitahan ng City Lord na pumasok sa kanyang karwahe!
Pinagmulan ito ng inggit mula sa mga tao.
Masasabing gusto talagang iwasan ni Marvin ang kahit anong uri ng atensyon sa kanya. Pero nang tingnan ni Marvin ang mga ito, karamihan naman sa kanila ay mga walang kwenta.
Hindi magiging problema ang mga ito kay Marvin.
Gusto niyang malaman kung ano ang plano ni Madeline, kaya hindi na ito nag-atubili na pumasok sa karwahe.
Pumitik si Madeline na mayroong ngiti sa kanyang mukha.
Kusa namang sumarado ang pinto ng karwahe at wala nang nakaka-alam kung ano ang nangyayari sa loob.
"Tara na!"
Sa utos ng City Lord, dahan-dahang nagmartsa ang buong hukbo patungong hilagang-kanluran.
.
Isang bundok na walang pangalan na nasa kalagitnaan ng Hall Mountain Range ang makakatanggap ng hindi inimbitahang bisita.
…
.
Maluwag ang karwahe.
Makikitang iniba ito ni Madeline. Mas malaki ng limang beses ang loob nito kaysa sa orihinal na laki.
Nahahati sa limang kwarto ang kanyang karwahe, at nakikita ni Marvin ang malilit na sensyales na ginamitan ito ng alchemy.
Isa itong laboratoryo!
Naka-upo si Marvin sa velvet na sofa, at hindi man lang naramdaman ang init ng panahon.
Mararamdaman na mayroong [Cold Air] Enchantment sa loob. Sinipat ni Marvin ang magarang karwahe na ito at nakita naman niya ang ideya at konsepto nito.
'Ang mahal siguro ng gastos dito…'
Naiinggit si Marvin.
Sa Era kung saan naghari ang mga Wizard, mayroong talagang mga yaman at pinagkukuhanan ang mga Wizard na wala ang mga pangkaraniwang tao.
Ang halaga ng karwaheng 'to…. Kahit pa ibenta ang buong White River Valley, hindi pa rin ito sapat para bilhin ito.
"Gusto mo ba ng maiinom?" Umalingawngaw mula sa isang kwarto ang boses ni Madeline.
Hindi pa man nakakasagot si Marvin ay lumabas na ito mula sa kwarto.
Mayroon siyang bote ng alak at isang basong walang laman sa kanyang kaliwang kamay at isang basong may laman sa kanan!
Inilapit nito ang baso ng alak sa kanyang mga labi, at pinaglaruan ang mga apoy na bumabalot sa kanyang makurbang katawan na tila inaakit si Marvin.
Unting-unting pumasok sa kanyang bibig ang alak habang nagsisimulang maglagablab ang mga apoy.
Tila gustong lamunin ng naglalagablab na apoy si Marvin.
Nangilabot si Marvin at ipinikit ang kanyang mga mata.
Buhok na kulay lila… apoy…. Abyssal bloodline…
Tumutugma na ang lahat.
Ang pangitain ni Wayne!
Bigla niyang napagtanto na tila masyado siyang naging pabaya sa basta-basta niyang pagsakay sa karwaheng 'yon.
"Natatakot ka ba?"
Lumapit si Madeline na tila mukhang mabait. Inilapag niya ang mga baso at umupo habang tinitingnan is Marvin.
"Mahaba pa ang byahe, hindi k aba nababagot?"
"Or.. hindi ka ba lalaki? Gusto kong makita ang reaksyon mo…"
Tumawa si Madeline na tila nang-aakit.
Nang bigla itong pumatong kay Marvin.
…
Subalit, noong mga oras na 'yon ay may pumasok sa isip ni Marvin.
Bigla siyang nakaramdam ng mainit na pakiramdam sa kanyang dibdib.
Ito ang ornament, ang Vanessa's gift!
'Pucha, ilusyon lang 'to!' Mura ni Marvin sa kanyang sarili.
Agad niyang naintindihan ito at ilabas ang Holy Grail!
Ngayong hawak na niya ang Holy Grail, kumalat sa kanyang katawan ang tila nakakakalmang pakiramdam. Agad itong nakwala sa ilusyong gawa ni Madeline.
Isa ito sa mga nakakatakot na katangian ng Holy Grail.
Ang Resistance sa mga ilusyon ng mga Legend level pababa.
Nang buksan ni Marvin ang kanyang mata, nakita niya si Madeline na nakasuot ng manipis na pantulog, seryoso siyang tinititigan nito.
Ngumiti siya nang makita ang Holy Grail, "Sa wakas inilabas mo na rin."
Biglang naramdaman ni Marvin na gumaan ang kanyang kamay dahil wala na rito ang Holy Grail.
Grab!
Isang hindi nakikitang pwersa ang bumalot sa Holy Grail at nagdala nito sa mga kamay ni Madeline.
Ito talaga ang binabalak niya!
Ang paggamit ng isang ilusyon para mapilitan itong umasa sa Holy Grail para makawala sa nasabing ilusyon.
Nagulat si Marvin. Siguro ay hindi niya binabalak na angkinin ang Holy Grail, pero para sa paglalakbay na itom hindi na muna niya ito ibabalik kay Marvin!
'Hindi ko pwedeng pabayaang manakaw niya ng Holy Grail.'
Mabilis ang naging reaksyon ni Marvin.
Bigla itong tumakbo papalapit ka Madeline at ginamit ang Burst!
"Bang!"
Isang makapangyarihang pwersa ang biglang nagpatalsik kay Marvin!
Tumama siya sa dingding ng karwahe at nabaluktot ang kanyang katawan!
Nakangiting hinawakn ni Madeline ang Hly Grail. Tiningnan niya ang si Marvin na kita ang sakit sa mukha at dinilaan ang kanyang mga labi, "Gusto kitang kainin."
"Pero bago 'yon, kailangan ko munang tapusin ang problema sa Scarlet Monastery, kailangan mo munang maghintay."
"Wag kang mag-alala, hinihiram ko lang ang Holy Grail. Hindi mo naman kailangan sumali sa laban na ito, pwede mong gawin kung ano ang gusto mo sa karwaheng ito, pwede ka ring matulog."
"Hintayin mo na lang akong matagumpay na magbalik…."
Tuwang-tuwa si Madeline sa kanyang sarili.
Biglang makikita ang galit sa mga mata ni Marvin.
Hindi marunong magpatawa ang babaeng ito. Nagkasundo na ang dalawa ngunit hindi inaasahan ni Marvin na magbabago ang isip nito.
Hind na nakakagulat pa para sa isang taong mga Abyssal Bloodline… Kaya naman pala sinabi ni Hathaway na mag-ingat siya.
Buti na lang may natitira pa siyang alas!
Biglang naging mahinahon si Marvin.
Bago niya makuha ang Holy Grail, at bago siya umalis ng Three Ring Tower, pinakiusapan nito si Hathaway na kausapin ang isang Wizard mula sa Craftsmen Tower na lagyan siya ng isang enchanment.
Isa itong pansamantalang enchantment at tatagal lang ng tatlong buwan. Pero aktibo lang ito lagi sa loob ng tatlong buwan na 'yon.
[Return to Rightful Owner] ang tawag sa enchantment na ito!
Sa loob ng tatlong buwan, kahit na mayroong magnakaw ng Holy Grail ni Marvin, kailangan niya lang magbigkas ng isang incantation at kusa nang babalik sa kanyang kamay ang Holy Grail!
Bukod na lang kug isang Wizard ang katapat niya.
Pero isang Half-Legend lang si Madeline. Isang Level 20 na Wizard.
Hindi mahahadlangan nito ang spell enchantment na ito.
...
"Kung ganoon pala, pwede mob a akong pakawalan?" Sabi ni Marvin sa isang mababang boses.
Nagulat si Madeline sa sinabi ni Marvin.
Akala niya ay magwawala si Marvin. Handan a sana ang Calm at Sleep spell niya. Pero nagulat siya sa mahinahong sagot ni Marvin.
"May ginawa k aba para mapapasok mo ko sa karwahae mo para sa Holy Grail? Tiningnan ito ni Marvin sa mata.
"Ngayong hawak mo na ang Holy Grail. Hindi ba wala nang katuturan pa na nandito ako?"
Umirap si Madeline, " Hindi, para sa kaligtasan mo, sa tingin ko kailangan mong manatili sa karwaheng ito."
"Alam ko ang tungkol sa mga kaibigan mong Legend. Hindi ko sinasabing maamatay ka dito."
Ikukulong mo ako dito?'
Ngumisi si Marvin. Kahit papaano'y naiintindihan niya ang president.
Hindi talaga ganoon kadaling kontrilin ang City Lord na 'to.
Kailangan niyan maka-isip ng ibang paraan para makatakas sa mga karwahe.
.
Sa kasamaang palad, selyado ang karwaheng ito ng at protektado ito ng magic. Maliban na lang kung gumamit ng Blink o Vanish si Marvin, saka lang ito makakatakas.
'Mukhang wala na kong ibang magagawa.'
May naisip na siya kaagad.
Ngunit, may isang taong biglang lumitaw noong gagawin na nya ang kanyang plano.
…
Isang batang babae ang lumabas mula sa isa pang kwarto
Batang-bata pa ang babaeng ito, namumula ang mga mata nito at walang emosyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong lumapit habang nakasuot ng damit pangkatulong.
Nanlaki ang mga mata ni Marvin.
Hindi napansin ni Madeline ito. Iniabot niya ang Holy Grail dito at sinabing, "Itago mo na 'yan."
Bumulong ang bata ng, "Opo, saka ito tumalikod at naglakad papunta sa likuran.
Hindi man lang ito tumingin kay Marvin.
Pero biglang nagtanong si Marvin, "Kamusta ang nanay mo?"
Biglang natahimik ang buong karwahe. Isang masamang kutob ang bumalot sa dibdib ni Madeline.
Tila walang halaga ang sinabi ni Marvin. Tanging siya at ang batang babae lang ang nakaintindi!
Si Isabelle.
Tandang-tanda pa ni Marvin nag pangalang 'yon. Mapupulang mga mata kasama ng kanyang mukhang hindi nagpapatinag kahit na inaapi na ito.
Bibihira ito para sa isang 6 na taong gulang na batang babae.
Biglang tumingala si Isabelle. Narinig niya ang boses ni Marvin!
Agad naman itong sumagot, "Sayo ba ito?"
"Isabelle!" Galit na sigaw ni Madeline habang dinuduro ang bata!
Agad itong gumamit ng Bind para mahuli ang bata.
Nag-alala si Marvin pero agad rin itong huminahon.
Dahil biglang nawala ang batang babae!
Hindi tumama ang Bind ni Madeline.
Biglang lumitaw si Isabelle sa tabi ni Marvin kaya naman muling naibalik ang Holy Grail kay Marvin.
"Namatay na si mama," sabi nito.
"Ninakaw din ng mga masasamang tao ang perang binigay mo sa akin."
…
"Ganyan mo ba tatratuhin ang nag-ampon sayo?!"
Galit na tiningnan ni Madeline ang bata, muli nang binalik ni Marvin sa Void Conch ang Holy Grail.
Kahit pa nakawin ni Madeline ang Void Conch, hindi nito makukuha ang mga nasa loob nito.
Kayang sirain ng mga storage item ang mga sarili nito, at hindi rin gagana ang mga pamamaraan nito.
Mahinahong sabi ni Isabelle, "Si Masked Twin Blades ang tagapag-ampon ko."
"Hindi ikaw, Lady City Lord."
"Nagpapasalamat ako sa pagkukop niyo sa akin. Pero hindi ikaw ang tagapag-ampon ko. Gusto mo lang akong gawing isa sa mga sandata mo."
"Babayaran ko ang lahat ng utang ko sayo. Natulungan rin naman ako ng pagsasanay mo sa akin na mailabas ang potensyal ko. At tungkol sa nangyari kanina…. Pasensya na."
Bigla nitong hinawakan ang kamay ni Marvin, at sa harap ng nagpupuyos nag alit ni Madeline, biglang naglaho ng sabay ang dalawa!
...
Sa isang karwaheng mas magara pa, isang Priest na nasa katamtamang gulang ang nakaupo ng tuwid. Walang katao-tao sa loob ng karwaheng ito.
Nang biglang dalawang anino ang lumitaw sa karwahe.
Nang iminulat ng Priest ang mga mata nito, nakita nito ang isang binata at isang batang babae.
Biglang nanlambot ang katawan ni Isabell. Inalalayan siya ni Marvin. Pawis na pawis ito!
Malinaw na ang paggamit ng mahiwagang skill na ito ay masyadong mabigat para sa isang batang babae.
"Ikaw…" Tiningnan ng Priest si Marvin na may paghihinala.
"Magbabayad kami," paulit-ulit na sabi ni Marvin, at binigyan naman nito ng ginto ng Wizard ang Priest.
Alam niyang sapat na ito para sa isang Priest ng Silver Church.
At tulad ng inaasahan, agad na nanahimik ang pari.
Agad namang bumalik ang atensyon ni Marvin kay Isabelle na nawalan ng malay.
Hindi niya inaasahang matatagpuan niya sa loob ng karwahe ni Madeline ang batang ito na hindi na nagpunta sa kanyang teritoryo.
'Sabi na, parte siya ng bloodline na 'yon….'
'Ang grupo ng tao na binansagang mga [Innate Assassins] sa mga kwento…'