Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 152 - Pitiful Crimson Patriarch

Chapter 152 - Pitiful Crimson Patriarch

Tahimik ang gabi, at karamihan sa mga mamamayan ng White River Valley ay tulog na.

Ang lalaking nakasuot ng mahabang balabal ay nakangiting naglalakad sa daanan.

Naririnig niya ang mga mapayapang paghinga tapagtibok ng puso ng mga tao. Walang kaalam-alam ang mga tao na mayroong hindi inaasahang pangyayari ang magaganap ngayong gabi.

Nakatuon lang ang kanyang paningin sa palasyo. Tunay na mapangahas ang taong si Marvin.

'Noon pa man ang Twin Snakes Cult na ang nagnanakaw mula sa iba. Pero ako ang ninakawan ng lalaking'to,'

'Bilang isang mahinang Baron, sa tingin mob a poprotektahan ka ng Wizard alliance?'

'Isa lang naman ang hiniling ko sa kanya, ang maghanap ng mga taong angkop gawing taga-sunod. Pero hindi man lang maproteksyonan ng maayos ang Hiddeng Granary, kailangan tuloy na ako pa mismo ang kumilos.'

Makikita ang masamang balak sa mga mata ng Crimson Patriarch.

Ang pinakamahalaga ay mahanap niya ang labing-isang golden bull.

Ang hindi alam ni Marvin, hindi lang pagkain ang nasa loob ng mga golden bull na ito kundi laman din nito ang pinakamahahalagang sikreto ng Twin Snakes Cult.

Konektado ito sa pamamaraan kung paano nakakawala ang mga miyembro ng Twin Snakes mula sa Etheral Plane.

Kaya naman, kailangan niyang mabawi ang labing-isang golden bull.

Ang White River Valley naman…

Nakadepende naman sa kanyang kalayagan kung papatayin niya ang mga ito at gagawing human skin kite o gagawing mga taga-sunod.

Nakadepende rin ito sa magiging reaksyon ni Baron Marvin.

Biglang tumigil ang Crimson Patriarch.

"Ding ding ding!"

Umalingawngaw ang maliit na batingaw ng isang bahay.

Mayroon bumulong mula sa loob na nasundan naman ng nabubugnot na tanong.

"Pasensya na sa istorbo sa inyong pagpapahinga. Naliligaw ho kasi ako magtatanong lang sana ako."

Nang marinig ito, nagamadali ang may-ari ng bahay na isuot ang maayos nitong damit at dahan-dahang binuksan ang pinto.

Isang mapulta at nakakatakot na lalaki ang lumabas. Nakasuot ito ng maaligasgas na damit habang ang wala namang buhay ang mga mata nito. Mukhang inaantok pa ang lalaki.

Naghahanap ka ba ng matutulugan? Mayroong windmill diyan sa harap. Hindi nakakandado ang likurang pinto, pwede ka doon. Kung kailangan mo ng direksyon, pasensya ka na hindi pa ako nakaka-labas ng White River Valley. Matulog ka na muna at bukas pwede kang magpunta sa palasyo para magtanong," sabi ng lalaki.

Ngumiti si Auzin. "Hindi, nagpunta ako para magtanong tungkol sa dinalang labing-isang golden bull ng Overlord niyo."

Isang malamlam na kulay pula ang lumabas mula sa mga mata nito.

Mind Control!

Kampante ang Crimson Patriarch dahil alam niyang hindi niya kailangan gumamit ng isang Legend skill sa isang pangkaraniwang tao.

Pero hindi niya inaasahang hindi maaapektuhan ang lalaki, sa halip tinuro nito ang kanyang mga mata at sinabing, "Medyo namumula na ang mata mo, mukhang pagod na pagod ka na. Dapat magpahinga ka na. Teka, mga golden bull ba? Alam mo, mabagsik ang Overlord namin, pero mali ang narinig mo, higit pa sa labing-isa ang inuwi niyang golden bull!"

"Nasa dalawampu't isa ata lahat-lahat 'yon. Ako pa mismo ang nagbilang," misteryosong pagpupumilit ng lalaki.

Mukha man itong walang alam, pero hindi rin naman ata ito nagsisinungaling.

Natigilan ang Crimson Patriarch.

'Paanong…hindi umepekto ang Mind Control ko…'

"Blag!"

Bago pa man ito magkaroon ng reaksyon, sinarhan na siya ng pintuan ng lalaki habang humihikab at sinabing, "Mister pwede kang pumunta sa windmill. Pasensya ka na talaga, inaantok na ko."

Nakasimangot na naiwang nakatayo si Auzin sa labas ng bahay.

Naramdaman niyang mayroong mali.

'Sigurado akong labing-isa lang ang mga golden bull, paano nangyari na nagkaroon ng dalawampu't isa?'

'Hindi pa tinablan ang lalaking 'yon ng Mind Control ko, paano nangyari 'to?'

'May problem aba sa bayan na 'to?'

Madalas talagang mapraning ang Crimson Patriarch.

Agad itong pumikit at sinuri ang buong bayan gamit ang kanyang isipan!

[Divine Skill – Spirit World]!

Bawat kulay dilaw na tuldok ay taong tulog.

Normal naman ang kanilang paghinga.

Walang kakaiba sa bayan na ito.

Binuksan ng Crimson Patriarch ang kanyan mata na bahagyang nagdududa pa rin. Pero nakaisp rin siya ng dahilan kung bakit ganito ang nangyari.

Sa isang lugar gaya ng White River Valley, simple lang sila kung mamuhay, kaya wala silang materyal na kagustuhan.

Magtrabaho sa araw, magpahinga sa gabi.

Dahil sa ganitong pamumuhay, wala silang mga masamang iniisip, kaya naman simple at tapat kung mag-isip ang mga ito.

At ang susi sa Mind Control ang pagmanipula sa mga kagustuhan ng bibiktimahin saka ito babaluktutin para magamit sa kanyang pansariling kagustuhan.

Mukhang walang ambisyon ang lalaki. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nahulog sa Mind Control.

'Probinsya lang naman ito, paano ito naging mapanganib?'

'Masyado lang akong napapraning…'

Natauhan na uli si Auzin at nagpatuloy.

Sa pagkakataong ito, tumigil naman siya sa isang mukhang mas maayos na bahay.

"Tok tok tok!""Tok tok tok!"

"Tao po, naliligaw po kasi ako, pwede po bang magtanong." Inulit ni Auzin ang mga sinabi niya kanina.

Pero ang ikinagulat niya, isang batang babae naman ang lumabas ngayon.

Kasing putla ng balat ng lalaki kanina ang balat ng bata.

"Bakit kaya ang putla ng mga balat ng mga tiga rito? Mukha silang mga multo…" Hindi mapigilang bulong ni Auzin sa kanyang sarili.

Hindi na mabilang ang nakita niyang bangkay. Unti-unti siyang umangat sa Twin Snakes Cult, mula sa isang simpleng Cleric hanggang sa maging Crimson Patriarch. Walang humpay na ilog ng dugo ang dumaloy mula sa kanyang mga kamay. Personal niyang binalatan ang higit sa isang libong tao, at pinatay ang higit sampung libong katao. Sinsitibo siya sa presensya ng kamatayan.

Kung isang multo ang batang nasa harap niya, siguradong mapapansin niya ito.

Pero hindi.

Nagtatakang tiningnan ng bata si Auzin. "Naliligaw ka po ba?"

Ngumiti si Auzin nang ngiting sa tingin niya ay tama. "Oo, may nagnakaw ng labing-isang golden bull ko, pwede mob a akong tulungan hanapin?"

Mind Control!

Ginamit niya itong muli.

Nang biglang naging mabagsik ang itsura nito at galit na sinabing, "Hindi magnanakaw ang Overlord naming!"

"Masamang tao ka. Binuhat niya pabalik ang mga golden bull para makakain ang lahat ng tinapay. Hindi siya magnanakaw."

"Ayoko sayo, ayaw kitang makita."

"Blag!"

Sinarado ang pinto.

Muling natigilan si Auzin.

'Pucha….'

Dalawang beses na pumalya ang Mind Control niya?!

Para bang isang ilusyon ang lahat ng ito!

Siguradong ilusyon lang ito!

Tumingala siya at tinignan ang maliit na bayan.

Noong mga panahong 'yon, naramdaman niyang malungkot at nakakatakot ang bayan na ito.

Hindi pa nagkakamali ang kanyang kutob. Dapat na siyang umalis!

Pero alam niya rin sa kanyang sarili na posible rin talagang pumalya ang kanyang Mind Control sa batang babae. Hindi niya ito natingnan ng mabuti sa mga mata, at saka bata pa ito, kaya wala pa itong masasamang hangarin, kaya normal lang na hindi ito tablan ng Mind Control.

Isa pa, maliit na bayan lang ito.

At maliit lang rin ang palasyo.

Ang sabi nila ay malakas raw ang Overlord, pero isa lang siyang 2nd rank na Ranger.

Bilang isang Legend, bakit siya matatakot dito?

'Nasagad ata ni Constantine ang limitasyon ko kaya ako nawawalan ng tiwala sa aking sarili.'

'Pucha, hintayin niyo langmabawi ko ang mga golden bull ko, gagawin kong alipin ang lahat ng tao sa bayang ito!'

Makikita ang masamang balak ni Auzin sa kanyang mukha.

...

"Tok tok tok!""Tok tok tok!"

Kumatok siya sa pinto ng ikatlong bahay.

Sa pagkakataong ito, isang payat at mahinang lalaki ang nagbukas ng pinto.

Maputla rin ang balat nito.

Hindi na rin nag-abala pang magsalita si Auzin at agad na ginamit ang Mind Control!

Tumigil sa pagkilos ang lalaki; sa wakas may tinablan na ang Mind Control!

Mayroong malamlam na kulay pula ito sa mga mata.

"Sa wakas, gumana rin…"

Halos maiyak ang Crimson Patriarch. Matapos pumalya ng dalawang Mind Control niya kanina, nagtataka na siya kung binawi na ba ng Twin Snakes ang kanyang mga Divine Spell.

"Sabihin mo sa akin lahat ng nalalaman mo tungkol sa White River Valley, sa palasyo, at sa Overlord na si Marvin at ang labing-isang golden bull na dinala niya!" Sabi ni Auztin.

Tumango ang lalaki. "Ah, eh, hindi naman ganoon kahaba ang kasaysayan ng White River Valley. Ikalawang henerasyon na mamamayan ako dito, noong una, nagpagala-gala ako sa River Shore City, alam mo naman ang buhay…"

"Tama na!" Sumakit ang ulo ni Auzin.

NApakadaldal ng taong ginamit niya ng Mind Control.

Kapag hinayaan niya pa itong magsalita, baka abutin sila ng magdamag!

"Sabihin mo sa akin kung nasaan ang mga golden bull?" Tinanong na lang niya ang pinakamahalaga.

Agad namang bumulong ang lalaki, "Sa tingin ng iba, tinago ng Overlord ang mga golden bull sa palasyo pero alam kong hindi."

"Kagabi, nakita ko mismo. Naghukay siya ng malalim sa dalampasigan at doon niya inilagay lahat ng golden bull!"

"Kitang-kita ng mga mata ko, at walang ibang nakakita."

Sumimangot ang Crimson Patriarch.

'Binaon sa dalampasigan? Bobo baa ng Overlord niyo?'

Pero nakita nito ang kulay ng mga mata ng lalaki. Malinaw na nasa ilalim siya ng Mind Control. Gusto sana niyang basahin ang iniisp ng lalaki kaso nga lang ang Detect Thoughts ay isang 4th-cirlce spell at isa lang ang inihanda niya. At balak niya itong gamitin kay Baron Marvin.

May kutob siya na kung sino man ang mapangahas na kumuha ng golden bull ay may itinatagong mga lihim.

...

May dalawang taong dumatin sa White River, tumayo sila sa ilalim ng isang mahabang puno na kakaiba ang hugis.

Hawak ng lalaki ang pala. "Maghukay ka," utos ni Auzin.

Nagsimula namang maghukay ang lalaki.

Malambot ang buhangin sa dalampasigan, kaya naman madali lang ang paghuhukay.

Napakaligalig ng pagkilos ng lalaki at tila ba hindi nito kayang kontrolin ang sarili. Ikinalat niya ang maraming buhangin, ang iba sa mga ito ay direktang tumama sa mukha at damit ni Auzin!

"Pucha! Inutil!"

Galit na nagdabog sa lupa si Auzin. Hindi pa siya napapahiya ng katulad ngayong gabi!

Pero alam rin naman niyang may problema sap ag-iisip ang mga nasa ilalim ng Mind Control.

Wala siyang magawa kundi isisi sa kamalasan ang nangyari habang pinapanuod ang paghuhukay ng lalaki.

Lumipas ang oras. Napakalaki na ng butas na nahukay ng lalaki ngunit wala pa rin kahit anong bakas ng mga golden bull.

Naghahabol ng hininga ang lalaki habang bumubulong, "Nandito lang 'yon, nandito lang 'yon. Kitang-kita ng dalawang mata ko."

Nauubusan na ng pasensya si Auzin!

Naramdaman niyang mayroon talagang mali ngyaong gabi!

Huminga ito nang malalim pagkatapos ay biglang nilapitan ang lalaki at kinwelyuhan ito!

"Anong ka ba?"

Tumawa ang lalaki, "nahulaan mong isa akong bagay?"

Pumutla nang pumutla ang balat ng lalaki sa ilalim ng liwanag ng buwan, unti-unting nagbago ang katawan nito.

Natunaw ang mukha nito at naging isang paper doll!

...

Sa loob ng palasyo, nanunuod si Marvin gamit ang bolang krystal at hindi mapigilang sabihin:

"Ito ang pinakamagandang Origami!"