Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 153 - Multi-Layered Trap

Chapter 153 - Multi-Layered Trap

Hindi, hindi pa ito ang pinakamagandang Origami."

Lumabas ang bosesn ng Shadow Thief na si Owl mula sa bolang krystal, napakalumanay nito.

"Buksan moa ng mga mata mo at manuod ka, Marvin."

"Para patayin ang isang maliit na ahas, bakit kailangan mo pa ng napakaraming plano? Ako pa lang ay sapat na."

"Bang!"

Hinawakan ng Crimson Patriarch ang paper dol at pinunit-punit ito!

May tinitingnan ito sa loob ng bayan.

Pero tila may kakaiba sa Whote River Valley sa ilalim ng liwanag ng buwan.

Lumabas ang mga anino mula sa bawat bahay. Lahat ito ay mukhang tao.

Pero sa ilalim ng buwan, kitang-kita ng Crimson Patriarch na mga paper doll ang lahat ng ito!

"Shadow Thief Owl!"

Nagngalit ang ngipin ng Crimson Patriarch habang sinisigaw ang panagalang 'yon.

"May atraso ba ako sayo?"

Habang tinitingnan ng Crimson Patriarch ang hindi mabilang na mga paper doll, hindi pa rin nito maintindihan kung ano ang nangyayari. Hindi niya inaasahang ang kalaban niya ay ang Shadow Thief na si Owl!

Hindi ba nasa Jewel Bay ang taong ito para labanan ang Ancietn Red Dragon? Bakit bigla siyang napunta sa isang walang kwentang lugar gaya ng White River Valley?

'Hindi kaya may sabwatang naganap? Ang pagsira sa Hidden Granary, ang paggamit ng mga golden bull para pumunta ako sa lugar na 'to, hindi kaya pakana ng kalaban ko ang lahat ng 'to?

Mabilis ang takbo ng isip ni Auzin. 'Baka ganoon na nga ang nangyari. Dahil kung hindi, paano nga naman kasi magkakaroon ng lakas ng loob na nakawin ang mga golden bull ko?"

Alam na niya ang nangyayari.

Sa katunayan, una pa lang ay naisip na niyang may mali sa White River Valley. Pero bilang isang makapangyarihang nilalang, kampante ang Crimson Patriarch sa kanyang angking kalakasan!

Kahit si Constantine at Enless Ocean ay hindi siya kaya. Kakaunti lang ang mga taong kinatatakutan niya sa mundong ito.

Lalong-lalo na nang mamatay si Anthony.

Kaya naman ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pagpunta. Gusto kasi nitong malaman kung ano ang nangyayari sa teritoryong ito.

Pero ang biglang paglitaw ni Owl ay higit pa sa kanyang inaasahan.

Matagal-tagal na ring kilala ang pangalan ng Shadow Thief na si Owl. Hindi masukat ang lakas nito. At isa pa, hindi alam ni Auzin kung sino pa ang mga nasa White River Valley.

'Si Constantine? Siya baa ng may pakana?'

'Imposible, dahil noong sinira ng mga kalaban ang kamalig, hinahabol ako ni Constatine at Endless Ocean. Hindi naman siguro nila nabuo agad ang plano doon, hindi ba? Pero sino ang nagplano ng lahat ng ito?'

Halos hindi na maipinta ang mukha ni Auzin. Laging siya ang nambibiktima. Hindi niya inakalang siya na ang magiging biktima ngayon.

Subalit, hindi pa sapat ang Shadow Thief na si Owl para matakot siya!

Sa dalampasigan, nagpalit-anyo ang lahat ng paper doll. At ang lahat ng mga ito ay naging si Owl mismo.

Pero dahil iba-iba ang uri ng mga papel, mayroong mga kakaibang angulo at pagkakaiba sa orihinal.

Ang lahat ng paper doll ay may hawak na dalawang dagger. May malisyosong ngiti ang mga ito habang pinapalibutan ang Crimson Patriarch.

"Malupit ang tunay na mundo, Auzin."

Ngumisi ang mga paper doll. "Wala kaming galit sayo, pero ang mga pinatay mo, hindi ba sila ang galit sayo?"

Namutla ang mukha ng Crimson Patriarch. Bigla niyang ibinuka ang mga kamay at nagsimulang mamuo ang Divine Power kahit na wala pa itong sinasabi!

[Divine Spell – Snake Whirlwind]!

Sa isang iglap tila may mga ipo-ipong lumabas mula sa kanyang dibdib. Napakarami ring mga aha sang nagsilabasan mula rito.

Inihagis ng mga ipo-ipo ang mga ahas papunta sa mga paper doll.

"Hangal!"

Ngumisi ang lahat ng paper doll, "Gawa ako sa papel, bakit ako matatakot tuklawin ng ahas?"

Hindi pinansin ng mga paper doll ang walang humpay na paglabas ng mga ahas.

Ilan sa mga paper doll ay mayroong lima o anim na ahas na nakalingkis sa kanila, pero hindi pa rin naapektuhan ng mga aha sang kanilang pagkilos.

Namangha si Marvin habang pinapanuod ang mga nangyayari sa bolang krystal. Kung magiging ganito rin kalakas ang Origami Skill ni Marvin, siguradong magiging malaking tulong ito sa kanya.

'Kung si Owl ang kaharap ng Crimson Patriarch, siguradong madali na lang mabawasan ang mga buhay nito.' Isip-isip ni Marvin.

Ang hindi alam ng karamihan, hindi ang napakaraming paraan ng pagtakas nito ang dahilan kung bakit mahirap siya patayin, kundi ang napakaraming buhay nito!

Ang Five-Headed Crimson Snake ay mayroong limang buhay sa kabuoan.

Ito ang ikalawang anak ng World Ending Twin Snakes, isang Five-Headed Basilisk. Mababawasan ang ulo nito sa tuwing mapapatay siya, kasabay nito, mababawasan ng isa ang kanyang mga buhay.

Pero pagkalipas ng kaunting panahon, muling tutubo ang ulong naputol dahil sa blessing ng World Ending Twin Snakes.

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit mahirap siyang patayin.

Sa katunayan, nagawang bawasan ni Constantine at Endless Ocean ang buhay nito noong isang araw. Sa madaling saita, apat na lang ang natitirang buhay ng Crimson Patriarch.

Bawat buhay na natitira rito ay pinagplanuhan na ni Marvin.

Ngayong higit pa sa tatlo ang Legend na tutulong, wala nang ibang maisip si Marvin na dahilan para hindi sila magtagumpay.

Bukod na lang kung ngayon na dumating ang Shadow Prince!

'Hindi naman siguro magkakasabay ang pagdating nila, hindi ba?' Sinulyapan ni Marvin ang bolang Krystal at tumingin sa kalangitan.

Maliwanag naman ang buwan at walang itim na ulap.

...

Masasabing desperado na ang Crimson Patriarch sa nangyaring laban ng mga ahas at mga paper doll. Walang emosyon pa ring nakatayo ito sa dalampasigan at patuloy na kina-cast ang paggawa ng ipo-ipo.

Tila matalas na patalim ang mga ahas, nagliliparan ang mga ito at walang habas na pinupunit ang mga paper doll na nasa harapan.

Hindi pa rin nakakalapit ang libo-libong paper doll sa katawan ng Crimson Patriarch.

"Nagustuhan mo ba ang skill na 'to?" Panunuya ng Crimson Patriarch habang tinitingnan ang mga paper doll na sinusubukan makalapit sa kanya.

Sa palagay niya ay nakakubli si Owl sa mga paper doll at naghihintay lang ng tamang pagkakataon para kumilos.

Sa mga Legend Lass, hindi gaanong kalakasan ang mga Shadow Thief. Dahil nito gaanong kayang lumaban, kaya naman madali lang para sa isang makapangyarihang class na talunin ang mga ito.

Marami pa siyang mga Divine Spell, pero sa tingin niya, hindi pa ito ang tamang oras para gamitin ang mga ito.

Nararamdaman kasi niyang hindi lang si Owl ang kanyang kalaban. Alam niyang mayroon pang nagtatago at hindi pa nagpapakita.

Nakareserba na ang mga Divine Spell na 'yon para sa iba pang hahamon sa kanya.

At para naman sa Shadow Thief, ang dalawang force field na pang depensa at ang mga warning spell nan a-enchant sa kanyang katawan ay sapat na para talunin ito.

Hindi mapigilang mapangiti ni Auzing habang iniisip ito.

Itinaas niya pa lalo ang kanyang mga kamay at nagpadala pa ng Divine Power sa ipo-ipo!

Hindi na mabilang ang mga ahas at halos mapuno na ang dalampasigan.

Nang biglang may napansin siyang paper doll na naiiba sa lahat.

Hindi siya sinusugod ng paper doll na ito gaya ng iba, sa halip nagpapalita-lipat lang ito ng pwesto.

'Doppleganger? O ang tunay niyang katawan?' Tinuon ng Crimson Patriarch ang kanyang atensyon sa paper na dol 'yon.

Pinag-iisipan pa niya kung gagamit ba siya ng Divine Spell para atakihin ang paper doll na iyon, nang biglang may malalim na boses ang nagsalita sa tabi n kanyang tenga.

"Naisip mo ba kung bakit ako naghukay ng napakalaking butas?"

Nagulat ang Crimson Patriarch!

Pero huli na ang lahat!

Kuminang ng mga straight dagger sa ilalim ng liwanag ng buwan. Tahimik na lumabas si Owl sa butas na nasa likuran ng Crimson Patriarch!

Napakatagal niyang itinago ang sarili sa Shadow Realm!

Agad namang nawasak ang dalawang force field dahil sa atake na gamit ang mga legendary dagger!

Isang babala ang agad na umalingawngaw sa isipan ni Auzin. Kaya naman hindi na ito nagdalawang-isip at gumamit na ito ng isang instant Divine Spell!

4th-circle Divine Spell – [Life Severing Shriek]!

Isa ito sa mga pinakamalakas na taktika ng Crimson Patriarch. Ang mga taong makarinig ng sigaw na ito ay mapaparalisa ng matagal!

Pero tila hindi natinag dito si Owl.

'Ang pangit pakinggan…. Nagtataka ka siguro kung bakit kaya ko pa ring kumilos." Kinutya siya ni Owl.

"Dahil…."

"Mayroon akong pantakip ng tenga!"

Matapos sabihin ito, umatake ang mga dagger mula sa magkabilang gilid. Walang habas na sinaksak ng kaliwang dagger ang anino ng Crimson Patriarch!

Ang kanang dagger naman ay gumamit ng Cutthroat!

Sa isang iglap, nalaslas na ang leeg ng Crimson Patriarch at bumulwak ang dugo!

...

'Ginamit niya ang legendary dagger sa anino ng Crimson partriarch para hindi ito makatakas gamit ang [Void Shift]."

'Kahit na parang kadalasan ay walang pakiealam si Owl sa lahat ng bagay, binibigyang importansya pa rin niya ang mga ganoon kaliit na detalye ng laban.'

Masaya namang nakatingin si Marvin sa bolang krystal. Namatay na ang Crimson Patriarch.

Sa katunayan, hindi basta-basta kayang patayin ng simpleng Cutthroat ang Crimson Patriarch! Isang instant spell ang kanyang Void Shift. Isama mo pa rito ang Life Severing Shriek, walang makakalusot sa kanya.

Pero nagawa ito ni Owl. Kalahati dito ay dahil sa lakas niya, at kalahati naman ay dahil sa impormasyon ni Marvin.

Hindi niya siguro inaakalang kilalang-kilala siya ng mga tao sa mundong ito.

Nakatadhanang mamatay siya ngayong gabi!

Tinitigan ni Marvin ang bolang krystal, hawak niya ang isang bukas na scroll at potion.

Kapag may hindi inaasahang nangyari…

'Kailangan kong makielam…'

Sa dalampasigan, sinipa ni Owl ang ulo ng Crimson Patriarch sa White River.

Biglang nanginig ang katawan ng Crimson Patriarch at naging pira-pirasong bato ito.

"Hathaway, nasaan na siya?" Tumingala si Owl para tingnan si Hathaway na nasa tuktok pa rin ng bangin.

Siya ang namamahala ng komunikasyon sa pagitan ng mga fighter. Bukod kay Marvin, gumamit ang mga Legend ng [Telephatic Bond]. Isa itong communication spell na maliit na distansya lang ang naaabot.

Bago pa makapagsalita si Hathaway, isang boses na ang walang emosyong sumagot dito, "Wag na kayong mag-alala, ako na ang bahala."

Si Constantine.

Noong namatay ang Crimson Ptriarch, agad na ginami ni Hathaway ang kanyang True Sight na spell para hanapin kung saan sa bing White River Valley muli itong uusbong.

Kadalasan ay malapit lang sa lugar kung saan siya namatay, doon siya muling uusbong. Ito ay ayon sa karanasan ni Marvin.

At hindi nga siya nagkamali, nahanap ni ang Crimson Patriarch dahil sa plano ni Marvin, at agad na sinabi ito sa Legend Night Walker.

Kasing bilis ng hangin si Constantine sa tuwing sasapit ang gabi, kaya naman nakarating ito agad sa isang iglap. Wala nang ibang masabi pa si Owl.

Nagkibit balikat na lang ang Shadow Thief, "Bakit ba gusto mong makipaglaban nang mag-isa…"

"Masarap kayang pagtulungan ang isang tao."

Ngumiti lang si Marvin at wala nang nasabi habang nakatingin sa bolang krystal.

Simple lang naman ang rason kung bakit hindi maaaring pagtulngan si Auzin. Mabilis lang ang muling pag-usbong ng Crimson patriarch, mayroon ring itong sandamakmak na pamamaraan para makatakas. Kaya naman kahit na mas mabilis nila itong mapapatay kapag pinagtulungan nila ito, malalaman kaagad ng Crimson Patriarch na higit sa isang Legend ang kanyang kalaban, at kapag nangyari 'yon sa susunod na mamatay ito at muling mabuhay, siguradong tatakas na kaagad ito.

Sa Northern Mine, sa isang lugar malapit s Shrieking Mountain Range.

Namumutla ang Crimson Patriarch habang tinitingnan ang taon nasa harapan niya.

Noong una ay gusto pa nitong hanapin si Owl para maghiganti, pero bago pa man siya makalayo, hinarangan na ni Constantine ang kanyang dadaanan!

Ngayon, sigurado na siyang may sabwatang naganap laban sa kanya!

"Marami ka pa lang malalakas na kakilala, Constatantine. Nagawa mo talagang kumbinsihin ang Shadow Thief na si Owl para tulungan ka."

"Kung nandito ka… Ibig sabihin nandito rin si Endless Ocean?"

"Hehe, tatlong Legend. Napakalakas na grupo!"

"Pasensya na pero hindi kita mapapaunlakan ngayon."

Biglang tumawa ang Crimson Patriarch at biglang namaluktot ang katawan nito.

Nakati siya sa tatlo, at ang dalawa sa tatlo ay agad na pumasok sa viod.

Habang ang Crimson Patriarch na nakatayo pa sa harap ni Constantine ay bigla ring tumalikod at tumakbo patungosa Shrieking Mountain Range!

'Sabi na eh, matapos niyang muling mabuhay at mapansin na tatlong Legend ang kalaban niya, tatakas siya agad.'

Ngumisi si Marvin. Naaayon ang lahat sa kanyang plano.

Mabilis ang naging reaksyon ng Crimson Patriarch. Sa kasamaang palad…

Makakatakas ng aba siya?

­­­________

T/N: Isang maikling bersyon ng sulat ng may akda para sa Chapter 153 at 154

A/N (Mas pinaikli): May mga komento tungkol sa katalinuhan ng Crimson Patriarch.

Natutuliro ang may akda. Ang nangyari ay walang kinalaman sa kanyang katalinuhan kundi sa paraan ng pag-iisip nito.

Bilang isang Legend, isa siya pinakamalalakas na nilalang sa mundo. Bakit siya magkakaroon ng pakielam sa mga maliit na bagay. Kumapara sa kanya, ang White River Valley at si Baron Marvin ay tila mga langgam lang. At bilang isang Patriarch, wala siyang oras para imbestigahan pa ang buhay ng mga langgam. Mas marami pa siyang mahahalagang bagay na dapat gawin.

Napakahalaga na mabawi ni ya ang mga golden bull. Sa Katunayan, kung ibang Legend ito, gagamit muna sila ng pwersa. Halimabawa na lang si Leymann o si Hathaway, una nilang gagawin ay gumamit ng "Aurora Burst" o "Burning Firerain" bago nila tuluyang hanapin ang mga golden bull.

Habang ang Patriarch, gumamit muna ng Mind Control Para mag-imbestiga, hindi ba doon pa lang ay maingat na siya?

Isa pa, hindi naman dahil tuso at madiskarte ka, ay matalino ka na rin. Pinapatunayan lang ng pagiging tuso na maingat siya at pinahahalagahan niya ang kanyang buhay kaya lagi siyang nakakahanap ng paraan para makatakas.

Lahat tayo ay nakakakita gamit ang perspektibo ni Marvin, alam na natin kung ano ang naghihintay para sa Crimson Patriarch, pero ano ng aba ang nakikita ng Crimson Patriarch? Kung natakot na siya agad dahil lang sa mayroong kakaiba sa bayang pinasok niya, hindi siya karapat-dapat para sa Legend Realm.

Langgam lang rin si Marvin sa paningin niya, magiging ganoon ba siya kaingat sa harap ng isang langgam? Kahit pa mayroong kakaiba sa langgam na 'yon, tatakbuhan ba niya ito?

Isa pa: Ang mga taga-sunod lang ng Twin Snakes Followers ang mayroong mga ahas sa kanilang mga mata na kailangan tanggalin bago sila mamatay. Ang naglalagay ng mga ahas na ito ay ang mga Cleric kaya naman sila mismo ay wala nito. Kaya hindi na nila kailangan gawin ito. Natakot ako na baka akalain ng mga tao na naglalagay ako ng mga bagay na hindi mahalaga, kaya naman ang mga maliliit na bagay ay hindi ko na isinama pa. Sa susunod ay maglalagay na ako ng paglalarawan tungkol sa setting, pero sana wag nilang isipin na naglalagay lang ako ng mga filler. Pero dahil sa dami ng komento ay ibig sabihin marami sa mga tao ang nagugustuhan ang paraan ko ng pagsusulat. Kaya muli, ako'y nagpapasalamat.

T/N: Sabi ko kanina ay maikli lang ito pero napahaba pa rin. Kadalasan ay hindi ko TL ang mga sinasabi ng may akda pero naramdaman kong kailangan ito.

Ang isinama ko lang ay ang mga bahaging may kinalaman sa kwento. Patuloy niyo kaming suportahan sa pamamgitan ng pagbibigay pa sa amin ng mga power stone.