Gabi. Napakatahimik ng White River Valley.
Nasisinagan ng liwanag ng buwan ang maliit nakagubatan sa tabi ng palasyo.
Dalawang anino ang kumikilos nang mabilis!
"Bilis!"
"Bilis!"
Paulit-ulit na sigaw ng isang malupit na boses.
Tinutuon ni Marvin ang lahat ng lakas niya sa kanyang mga binti, tumatakbo siya nang napakabilis, kaso isang matarik na pader ang sasalubong sa kanya.
Umabot na sila sa dulo ng gubat!
Kapag binilisan pa niya, hindi na siya makkatigil. At kapag nangyari 'yon siguradong babangga na siya sa pader at mapipinsala lang ang kanyang katawan!
'Yon ang iniisip niya.
Pero si Constantine na nasa harap niya ay sumisigaw pa rin, "Bilisan mo! Bilisan mo pa!"
Sa tuwing nag-eensayo biglang nagiging mahigpit at malupit ang lalaki.
Kinaskas ni Marvin ang kanyang mga ngipin at binilisan pa!
Burst!
Noong mga oras na iyon, babangga na si Constantine sa pader!
Pero biglang bahagyang bumaluktot ang kanyang katawan at umapak sa pader.
Tumakbo siya sa pader habang pinapanatili ang kanyang bilis, hindi nagtagal ay naabot na niya ang tuktok!
Hindi alam ni Marvin ang gagawin. Hindi siya kasing husay nito.
Anti-Gravity Steps lang ang kaya niyang gamitin! Pero kalahati lang ang itatagal nito paakyat!
Isa pa, sa bilis ng takbo niya, hindi niya alam kung gagana baa ng Anti-Gravity Steps.
Baka mabali lang ang uto niya sa paa sa unang hakbang niya.
Naaninag na niya ang pader sa kanyang harapan.
"Sundin mo ang tinuro ko sayo!" Sigaw ni Constantine.
Biglang natauhan si Marvin at naalala ang skill na itinuro ni Constantine.
Agad pumasok sa kanyang isip ang alaala noong tinuturuan siya nito.
Biglang kusang ginawa ng kanyang katawan ang naaalala niya
Nasa harapan na niya ang mataas na pader.
Bahagyang tumigil ang kanyang katawan habang mabilis na binaliktot ang kanyang katawan at nagsimula na siyang tumakbo paakyat ng pader!
"Woosh!"
Hindi nagtagal nakarating siya sa tabi ni Constantine.
Nang biglang umihip ang malakas na hangin mula sa bundok at halos mahulog si Marvin!
"Masyado pang mahina ang katawan mo! Kailangan mong mag-ensayo!"
Tinulungan ng matikas na lalaki si Marvin. Tila hindi ito masaya sa mahinang pangangatawan ni Marvin.
Pinunasan ni Marvin ang nanlalamig na pawis sa kanyang noo.
"Komplikaso ang [Demon Hunter Steps]. Kasama nito ang ilang teknikal na kilos pero maganda ang perception mo. Kaya madali mo na itong magagamit."
"Kung gusto mong lumakas nang mas mabilis, wala nang ibang paraan kundi ang araw-araw na pag-eensayo."
Tinapik ni Constantin ang balikat n Marvin at sinabing, "Pero ginulat mo ko dahil sa bilis mong matuto."
Pilit na ngumiti si Marvin at tumango
Lumitaw ang panibagong personal skill sa kanyang skill list, ang [Demon Hunter Steps (36)]
'Sa wakas natutunan ko na,' nakahinga na siya nang maluwag.
...
Dahil mayroong limang Legend sa kanyang teritoryo, hindi sasayangin ni Marvin ang pagkakataong ito. Sinamantala niya ang pagkakataong wala pang ginagawa ang mga ito. Kaya naman gusto niyang matuto sa mga ito.
Hindi pa rin nakikita muli ang Shadow Thief na si Owl magmula noong binigay nito kay Marvin ang Origami skill at noong itinapon rin ito mula sa tukok ng bangin.
Pero hindi kasama rito si Hathaway. Isa siyang Ranger na mayrong Shapeshift Sorcerer bilang subclass. Kahit na gustuhin man nitong turuan ng spell, hindi ito matututunan ni Marvin. Pero noong mga nakaraang araw ay nawili ito kay Wayne at unti-unti na itong binibigyan ng payo. Ikinatuwa naman ito ni Marvin.
Hindi ang paggamit ng Universe Magic Pool ang itinuturo ni Hathaway kay Wayne, kundi kung paano gumawa ng bagong paraan ng pag-cast ng spell nang siya lang mag-isa.
Bilang isang Seer, mas marami itong nakikita kumpara sa ibang tao. Nabawasan ng ilang Wizard level dahil sa pagtuturo nito pero mas nakakatakot ang kalalabasan nito sa hinaharap.
Bukod dito, mahusay na kasama sap ag-eensayo ang Legend Monk na si Inheim. Kaso nga lang, wala itong ibang ginawa kundi ngumiti at tumango kay Marvin pagkatapos magsabi ng ilang salita.
Alam naman ni Marvin na nakatuon ang atensyon nito sa Shadow Prince.
Alam naman niyang isa itong matapat na tao, pero makapangyarihan ang makakalaban nito. Nilalagay nito sa panganib ang sarili para lang harapin ang Shadow Prince.
Kaya naman hindi niya ito maaaring istorbohin.
Si [Endless Ocean] naman ay isang babae, at hindi pamilyar si Marvin dito. Kaya naman hindi yata tama na umasta si Marvin bilang kakilala nito.
Ang matandang blacksmith naman, matapos nitong tulungang maging Night Walker si Marvin, hindi na nito tinuruan pa ng kahit anong skill si Marvin. Medyo kakaiba ang taong ito kaya naman naiintindihan ito ni Marvin. Lagi lang itong umiinom at kumakain sa loob ng palasyo. Kaya naman hindi na umaasa si Marvin sa kanya.
Ang tunay na maasahan niya ay ang Legend Night Walker na si Constantine.
Ang Legend na ito na nasa kanyang kalakasan ay napakahusay. Isa siyang makapangyarihang nilalang nakayang kalabanin ang Crimson Patriarch. Naghanda na si Marvin ng rason para pumayag ito, dahil umaasa siyang may matututunan siyang mabagsik na skill sa taong ito.
Hindi naman niya inaasahang papaya agad si Constantine.
Kaya naman nawalan naman ng silbi ang mga inihandang rason ni Marvin.
…
Demon Hunter ang palayaw ni Constantine. Kumalat na sa buong katimugan ang pangalang ito at narinig na ito ng karamihan sa mga adventurer.
Sabi nila ay sa dami nang napatay nitong vampire ay kaya nanitong makapuno ng isang simbahan. Ang pangalang ito ay kinakatakutan ng mga masasamang elementong uiikot sa gabi at mga nilalang na sina-summon ng mga Defiler.
Kakaunting tao lang ang nakaka-alam na isang Night Walker si Constantine. Lalo pa't napakabihira ng class na ito. Pero kinikilala naman ng lahat ang lakas nito.
Sa katimugan, isa itong hunter na tumutugis ng mga demon tuwing gabi. Marami nang halimaw ang namatay sa kamay niya.
Ang kanyang bilis ang kanyang alas.
Ang Demon Hunter Steps ay isang Night Walker skill na siya mismo ang gumawa. Kapag isinabay pa ito sa lamang na mayroon ang isang Night Walker sa gabi, mahirap nang isipin kung gaano ito kalakas.
Halos hindi pa rin ito matutunan ni Marvin matapos ang dalawang buong araw ng pag-eensayo.
Kahit na ganito, nakatayo na siya sa tabi ni Constantine, nanginginig ang mga tuhod.
Kahit na nabawasan ng Demon Hunter Steps ang pwersa ng kanyang pagbangga, mababa pa ang kanyang constitution, kaya marami pa itong hindi kayang gawin.
'Mukhang kailangan kong paglaanan ng oras ang pagpapalakas ng katawan ko.'
Naka-alis na si Marvin sa bundok sa tulong ni Constantine, nakapagdesisyon na rin ito.
Hindi mabilang ang mga lugar at lihim na paraan na pumasok sa kanyang isipan .
Pagkatapos nilang harapin ang Crimson Patriarch at ang Shadow Prince, kailangan na niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang Constitution.
...
Sa pandayan sa castle town.
"Klang!""Klang!" Maririnig ang paghampas ng martilyo sa pugon.
Nakatayo lang si Endless Ocean sa labas ng pandayan habang mahinahong pinapanuod ang matandang blacksmith na pinoproseso ang Fearless Set.
"Sir Sean, hindi ba mas makakabuti kung ang mas binata na ang gumagawa niyan?" Tanong ni Endless Ocean.
Nagtalsikan sa paligid ang mga kisap.
Ang marka sa Fearless Set ay kalaunang natunaw dahil sa epekto ng [Shadowless Water]/
"Mas marami pang ginagawang mahahalagang bagay ang batang 'yon," sagot ng matandang si Sean.
Lumagok ito ng kanyang alak bago sinabing, "Kahit na naituro ko na sa kanya ang sikretong skill na [Smelting] na ito, na sa tingin ko ay ang tanging rason kung bakit siya nangahas na kunin ito, hindi na niya kakayaning gawin pa ito dahil sa tindi ng pag-eensayo nila ni Constantine."
"Isa pa, wala rin naman akong ginagawa. Kaya hindi naman masamang tulungan ko siya kahit kaunti."
"Maganda ang kalidad ng armor na 'to, pwedeng gamitin sa pagtugis ng mga dragon."
Bahagyang lumabo ang paningin ng matandang blacksmith pagkatapos itong sabihin.
Yumuko si Endless Ocean.
"Naaalala ko pa noong niligtas mo ako pati mga magulang ko sa Black Dragon Angela."
"Noong gabing 'yon, sinira ng apoy ang bahay namin. Dumating ka para kalabanin ang masamang dragon na'yon."
"Matapos ang laban na'yon, nawala na ang pag-asa mong maka-advance sa pagiging Legend. Hindi ko pa rin maintindihan ang kabaitan ipinapakita mo."
Umiling lang ang matanda. "Hindi ba't tama lang na itaya mo sa kabataan ang pag-asa?"
"Balang araw, gagawin mo rin 'yan."
"Mayroong mga bagay na hindi natin kayang harapin. Pero hindi dapat tayo malungkot dahil mayroong papalit sa atin."
"Alam natin pareho kung bakit laging may pag-asa ang sangkatauhan. Kahit pa gaano kasama ang sitwasyo, mayroon laging darating na henerasyon ng kabataan na ipagtatanggol ang mundong ito."
"Ito ang salawikain ng Night Monarch, ang katotohanan."
"Klang!"
Tuluyang nabura ng huling hampas ng martilyo ang marka.
…
Tumango si Endless Ocean. Malalim ang tingin niya sa paanan ng bundok.
Sa isang puno sa tabi ng dalampasigan ng White River, may aninong nakasabit patiwarik.
Ang Shadow Thief na si Owl
Nakatingin ito sa buwan.
Hindi ganoon kabilog ang buwan sa norte, pero matagal-tagal na rin itong hindi nakakauwi roon.
Ibang ang pakiramdam niya sa rehiyong ito. Pamilyar ang pakiramdam pero tila iba rin.
Protektahan ang mundo?
Walang interes si Owl sa mga ganoong bagay. Siguro noong kabataan pa niya ay pumasok ito sa kanyang isipan.
Pero napakahaba na ng kanyang buhay. Gusto na lang niyang makahanap ng bagay na makakapagpasabik sa kanya.
Maging ang Crimson Patriarch man o ang Shadow Prince, kapwa nakakasabik pakinggan.
Muli syang tumingin sa kalangitan habang iniisip ito.
Lalo pang naging bilog ang buwan.
…
Sa isang walang lamang bahay.
Naka-upo siya sa sahig at pinapakiramdaman ang lupa.
Si Legend Mon Inheim.
Pumikit man ito, tila kita pa rin nito ang buong mundo.
Kaya niyang marinig ang lahat, at ma-precieve ang lahat.
Sa isang tahimik na bayan, mayroon lang siyang nakitang bakas.
'Taktika ng isang Shadow Thief,' galit na isip ni Inheim. Pero para sa ikabubuti ng lahat, ibinaba na niya ang kanyang dangal.
Sa katunayan, noong isinuot niya ang Void Boots, isinuko na niya ang kanyang dangal/
Isa na lang ang layunin niya: durugin ang kalaban.
…
Sa tuktok ng bangin, suot pa rin ni Hathaway ang pulang damit at mag-isang nakatayo.
Walang nakakakita sa kanya.
Ginamit niya ang Legend Invisibility skill.
Sakop ng kanyang paningin ang buong White Rier Valley, kahit na ang pagsabay ng damo sa hangin ay nakikita niya.
"Parating na siya," bulong niya.
…
Hatinggabi.
Isang lalaking nakasuot ng mahabang balabal ang naglakad sa pangunahing kalsada.
Nakangiti ito at nakatuon ang tingin sa palasyo.
Nararamdaman na niya ang labing-isang golden bull sa loob ng palasyo.
"Para nakawan ako, matapang ka…"
Ngumiti ito habang papasok sa isang maliit na bayan sa ilalim ng palasyo.