Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 150 - Origami Skill

Chapter 150 - Origami Skill

Tila ba naramdaman ni Marvin na mas mabait si Owl ngayon kumpara kanina.

Natutuwang tiningnan nito ang reaksyon ni Marvin, pero wala na ang galit at pang-mamalit na pag-uugaling ipinakita nito sa grupo ni Constantine kanina.

Madalas mawala at lumitaw ang mga Shadow Thief at walang nakakapagsabi kung kailan ito magaganap. Wala pa siyang nakakasalamuhang Shadow Thief noon kaya ito ang unang beses niyang makakilala ng ganito.

"Siguro may mga taong mas mahirap pakibagayan sa mundo kesa sa mga Seer," malabong sagot ni Marvin.

Nakakagulat namang tumango si Owl. "Oo nga, masyadong kampanteng tao ang mga Seer. Tingin nila basta-basta na lang nila pwedeng silipin ang hinaharap, pero hindi kasi ganoon kasimple ang hinaharap."

"Ang hinaharap na nakikita natin ngayon ay pwedeng mabago ano mang oras, basta may mabago, kahit gaano pa kalit, mag-iiba na ang hinaharap."

"Hindi permanente ang hinaharap at pabago-bago ito. Isang maliit na bahagi lang ng mundong 'yon ang nakikita nila."

Nabigla si Marvin.

Ibang-iba talaga ang pinapakita ni Owl ngayon. Tunay ngang isa siyang Shadow Thief pero pambihira ang kanyang pananaw.

Halos kalapit ng pagkakaintindi niya sa hinaharap ang pagkakaintindi ng mga god dito.

Bago pa man makapagsalita si Marvin, may sinabing misteryosong bagay si Owl.

"Kamukhang-kamukha mo siya."

"Siya?"

.

"Sino?" Tanong ni Marvin.

"Ang lola mo sa tatay mo." Biglang tumagilid ang Shadow Thief, tila ba nababalot ito ng anino.

Lola?

nasorpresa si Marvin sa kanyang narinig.

"Oy, bata, nagkamali ka ng tantya ng edad ko, no?"

Maririnig ang tuwa ni Owl sa kanyang tawa. "Nilabanan ko ang lolo mo noon… Pero hindi pa ako Legend noong mga panahong 'yon."

"Pagkatapos noon, nagpunta siya at ng asawa niya sa probinsya. Hindi na sila kailanman bumalik pahilaga."

"Kailan lang ay inimbitahan ako ni Hathaway, at saka ko lang napagtantong mayroong lugar sa mundong tinatawag na White River Valley."

Kahit na nakangiti si Owl, mararamdaman ang kalungkutan sa tono nito.

Hindi alam ni Marvin kung ano ang dapat gawin at sabihin.

Isang kahenerasyon ng Lolo ni Marvin? Mukhang komplikado ang naging relasyon nito sa kanyang lolo.

'Teka, sinabi niya bang galing sa hilaga ang lolo ko?'

Noon pa man ay marami nang tanong si Marvin tungkol sa kanyang lolo kaya naman agad nitong tinanong si Owl, "Malapit ka ba sa kanya? Sa lolo ko?"

"Malapit? Hindi ah," mahinahong sagot ni Owl. "Isa siyang binatang pinanganak sa isang maimpluwensyang pamilya. Hindi niya maiwasan mag-rebelde noong bata pa siya kaya naman lumayas siya. Naglakbay siya at nagkataon na nakilala niya ako, isang mahirap na bata. Ganoon ang nangyari. Pero kahit na matagal na siyang patay, galit pa rin ako sa biglaang pagdating niya noon."

"Dumating siya at biglang inagaw ang babaeng gusto ko. Nasaktan ako noon."

Biglang sumakit ang ulo ni Marvin. Hindi niya inaasahang magiging madrama ang kwentong ito.

Gayunpaman, kailangan ba talagang ikwento pa ang ganoong bagay?

Wala namang interes si Marvin sa buhay pag-ibig ng tatlong matanda. Ang nakapukaw ng atensyon ni Marvin ay galing pala sa isang impluwensyal na pamilya sa dakong hilaga.

Mahalagang bagay ang [inagmulan nito. Sa mga dokumentong nasa WhiteRiver Valley, tiningnan ni Marvin ang mga sinulat ng kanyang lolo, kakaunti lang ang nabanggit nito tungkol sa mga nagawa nito.

Ang sabi lang doon ay isa siyang pagala-galang Wizard na sinwerte habang naglilinis ng teritoryo sa kasukalan.

Noong pa man ay duda na si Marvin sa pagkatao nito. Paano nga naman makukuha, ang isang Wizard na pagala-gala, ng isang Ninth Month Medal?

Paanong nangyaring ang isang galang Wizard ay maglalagay ng isang kakaiba at mahiwagang bagay sa loob ng lihim na kwarto? Isang bagay na nakukuha ang atensyon ng maraming tao?

Kung anak ng isang umpliwensyal na tao ang kanyang lolo, naipapaliwanag nito ang napakaraming bagay.

Pero nang magtanong pa si Marvin ng mga bagay-bagay tungkol sa kanyang lolo, tila nawalan na ng ganang makipag-usap si Owl.

"Wag mo nang pakakawalan 'yan, Liitle Marvin. Kadalasan ay nahahanap na ng mga tao ang taong para sa kanila pero hindi lang nila napapansin."

"Alam ko ang pakiramdam niyan. Marami ka pang bagay na iniintindi, ang pagpapalakas mo sa iyong sarili, ang pagprotekta sa teritoryo mo. Pero minsan, mas madaling mapatid ang isang taling masyado nang nabanat."

"Ay, oo nga pala. May ibibigay ako sayo bago ako umalis."

"Ang maliit na bagay na ito ang pinakapaboritong bagay ng lola mo. Medyo lalamya-lamya ako kaya matagal-tagal bago ko natutunan kung pano gawin 'yan."

Pagkatapos ay bigla na lang naglaho ang Shadow Thief.

.

Isang puting paper crane ang lumipad pababa at dumapo sa kamay ni Marvin.

Tiningnan mabuti ni Marvin ang paper crane para makita kung mayroon bang espesyal dito nang biglang pumasok ito sa katawan ni Marvin!

Tiningnan agad ni Marvin ang kanyang mga log at natuwa sa kanyang nakita.

[You received a Unique Secret Skill taught by the Legend Shadow Thief – Origami]

[Origami (49)]: Kasalkuyang kang nasa unang yugto ng pageensayo ng Origami. Mayroon kang skill para gawing kahit anong hugis ang papel. Ang materyal na gagamitin ang makapagsasabi ng uri ng origami.

Sa likod ng napakatarik na bangin ay ang pinakamataas na lugar sa palasyo.

May isa pang balakid na natitira.

Huminga ng malalim si Marvin habang nakaharap sa matarik na bangin at saka ito tumakbo pataas!

Anti-Gravity Steps!

Burst!

Mabilis siyang naglakad paakyat sa bangin at nakarating malapit sa tuktok nito!

"Bang!"

Gumuho ang batong inaapakan ni Marvin kaya naman muntik natalisod ito at muntik nang mahulog.

Kumapit siya sa may tuktok at hinila ang sarili pataas. Lumipad siya pataas saka lumapag sa lupa.

"Sabi nila dito raw kita makikita," sabi ni Marvin na bahagyang hinihingal pa. Mahirap pa rin para sa kanya ang pag-akyat sa bangin na ito kahit pa mataas na ang kanyang dexterity.

Nakasuot ng magandang damit ang disiseis anyos na si Hathaway sa tuktok ng bangin, nakapaa at nakatingin pa-kanluran.

"May kailangan ka ba sa akin?" bulong ni Hathaway.

Lumapit si Marvin at tumayo sa tabi nito. "Marami akong nakita tungkol sa Crimson Patriarch."

"Bakit hindi ikaw mismo ang magsabi niyan sa kanila?" Napakalumanay ng boses ni Hathaway. TIla napaka-amo nito sa kanyang dalagang anyo.

"Hindi ba mas mabuting itago ko ang pagiging Seer ko?" Bulong ni Marvin.

"Oo" Sagot ni Hathaway, "Akon a ang magsasabi sa kanila ng mahahalagang sasabihin mo sa akin."

"Sa pagkakataon ito, hindi na aalis ang Crimson Patriarch sa White River Valley. At syempre problema pa rin natin si Glynos.

Biglang nanginig ang boses niya nang sabihin niya ang pangalang 'yon."

Tumango si Marvin.

Noong una ay balak ni Marvin na sabihin ito sa matandang blacksmith pero dahil mayroong mas akmang tao, mas mabuti nang si Hathaway ang magsabi ng impormasyong ito sa iba pang Legend.

Napakatuso ng Crimson Patriarch at napakarami niyang paraan para manatiling buhay!

Ayon sa alaala ni Marvin, mayroon pa itong 6 item na makakapagligtas ng buhay nito, kasama na ang 3 taktika sa pagtakas. Maingat ito at madiskarte, kaya gustuhin man siyang patayin ng Legend, mahihirapan ang mga ito.

Kung hindi niya kaya ang kanyang makakalaban, tatakas ito agad-agad. Wala itong dangal ng isang tunay na makapangyarihang tao.

Pero naalala ni Marvin na mayroon maliit na grupo ng mga Legend, na mula sa guild ng mga high rank na manlalaro, na nagawang sagarin ang kakayahan ng Crimson Patriarch.

Kung hindi lang dahil sa biglang paglitaw ng Azure Patriarch para iligtas siya, marahil ay namatay na siya!

Pero pagkatapos ng gabing 'yon, nailantad na lahat ng nililihim na alas ng Crimson Patriarch. Bilang isan Ruler of the Night, gusto na sanang patayin ito ni Marvin. Kaya naman inaaral niya ang ano mang impormasyon tungkol sa Crimson Patriarch. Kaso nga lang, hindi na niya nakaharap ang Crimson Patriarch bago siya nag-transmigrate.

Pero hindi niya rin inaasahan na ganito kabilis niya makakaharap an Crimson Patriarch pagkatapos niyang mag-transmigrate.

Sa pagkakataong ito, hindi siya pwedeng kumilos mag-isa. Kailangan niya ng tulong ng iba.

Sa katunayan, si Constantine at Endless Ocean lang ang kailangan sa plano ni Marvin para mapatay ang Crimson Patriarch.

Dahil alam na niya ang lahat ng alas ng Crimson Patriarch!

.

Siguradong hindi papalya ang plano niya.

Isa pa, nadagdagan pa ng tatlong Legend ang kanilang grupo. Hindi na niya lubos maisip kung paano pa makakatakas ang Crimson Patriarch.

Lalo pa't noon pa man, impormasyon na ang pinakamahalagang bagay. Pamilyar na si Marvin sa mga alas at patibong ng mga makapangyarihang tao. Ito ay isang malaking kalamangan nila.

Nang magdesisyon si Marvin na dalhin ang labing-isang golden bull sa kanyang teritoryo, nakatadhana na ring mamaay ang Crimson Patriarch.

"Napakarami niyang paraan para makaligtas." Sumimangot si Hathaway. "Kaya naman pala hindi pa rin siya nahuli ng Demon Hunter at ni Endless Ocean."

"Medyo naiiba ang mga pangitain mo sa akin, napakalinaw ng sa iyo…"

Makikita ang duda sa mga mata nito.

Pinilit na lang ni Marvin ngumiti. Lalapit na sana ito kay Hathaway nang bigla nitong sinabing, "May sasabihin ka pa ba?"

"Muntik na.."

Sa sumunod na sandal, isang malaking kapangyarihan ang bumalot kay Marvin!

Mage Hand!

"Kung nasabi mo na ang lahat ng sasabihin mo, makaka-alis ka na." Malumanay pa rin ang tono ni Hathaway.

Isang malakas na pwersa naman ang nagtapon kay Marvin pababa!

At noong malapit na siya sa ibaba, biglang bumagal ang kanyang pagbagsak, kaya naman nahilo siya.

"Bang!"

Bumagsak siya na una ang ulo sa taniman ng trigo. Makikita ang gulat sa mukha ng farmer na malapit sa kanya.

"Lord Marvin…" sabi ng farmer.

"Ayos lang ako." Pinilit na ngumiti ni Marvin habang gumagapang patayo. Sa loob-loob niya ay nginaratan niya ang tuktok ng bangin.

"Punyeta… Isang araw magiging…"

Hindi na siya nangahas na buoin pa ang sasabihin niya. Isang Seer at Legend SI Hathaway. Siguradong mahahagip ng perception niya ang ano mang tungkol sa kanya. Kaya dapat maging maingat.

...

Sa tuktok ng bangin, tumayo si Hathaway.

"Wala kang karapatang tumayo sa tabi ko kung hindi ka pa Legend," malumanay na bulong ni Hathaway.

Nang biglang isang mapagbirong boses ang nagmula sa tabi niya. "Tsk tsk, masyadong komplikado."

"Kaya naman pala sabi ni Jiska, natural na raw sa babae ang paglaruan ang puso ng tao…"

Ang Shadow Thief na si Owl.

Hindi nagbago ang mukha ni Hathaway. "May iba ka pa bang gustong sabihin?"

Ngumisi si Owl at sinabin, "Wag mong masyadong papangitin ang postura mo…"

Mage Hand!

"Bang!"

Isa pang tao ang ibinato pababa at walang habas na bumagsak sa taniman ng Trigo!

Hindi na niya pinigilan ito sa pagkakataong ito. Isang malaking butas ang naging resulta nito.

Hindi bumagal ang pagbagsak ng Legend Shadow Thief. Hindi naawa sa kanya si Hathaway.

Ikinatuwa ni Hathaway nang makita ang dalawang lalaking bumubulong-bulong sa bukid matapos nilang bumagsak.

Sayang lang at wala nang sumunod pa sa dalawa.

Sayang talaga.