Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 139 - Battle of Legends!

Chapter 139 - Battle of Legends!

Tumalon nang napakataas ang anino mula sa pader ng siyudad. Patungo ito sa mukha ng Ancient Red Dragon!

Ang Ancient Red Dragon na si Ell, ang napakasamang nilalang na ito, ay ang pinakamalakas sa lahat ng Chromatic Dragon sa Feinan.

Binabalak nitong was akin ang Tornado Harbor gamit ang Dragon Breath nito pero biglang may lumitaw na balakid.

Isang elf.

Dahil sa sobrang bilis nang paglipad nito, wala nang makkapigil pa rito.

At nagkabanggaan na nga ang dalawa!

Sinapak ng anino ang ulo ng Ancient Red Dragon.

Tila ba biglang nababaluktot ang oras.

Biglang napigilan ang pagragasa ng Ancient Red Dragon. Napatumba siya nang suntok ng kanyang kalaban kaya naman bumagsak ito sa dagat!

"Bugush!"

Nagdulot nang napakalaking alon ang pagbagsak nito sa dagat.

Napa-atras ng dalawang kilometro ang Red Dragon!

Biglang maririnig hiyawan ng mga tao mula Tornado Harbor.

Suablit, naapektuhan rin ang kalaban ng Red Dragon. Matapos ang malakas nitong pagsuntok sa Red Dragon, napa-atras rin ito!

Lumipad ito ng lagpas labing-limang kilometro, at bumagsak siya Pyroxene Hill na nasa dakong timog ng Tornado Harbor.

"Roooaaarrr!"

.

Isang galit na atungal ang maririnig mula sa dagat. Nayanig ang lupa kasabay nang pagtaas ng tubig sa dagat.

Biglang lumabas ang apoy mula sa karagatan, kasabay nito ang pag-ahon ng galit nag alit na Ancient Red Dragon na si Ell! Pinagaspas nito nang napakalakas ang kanyang mga pakpak. Makikita ang lamat sa ulo nito!

Mabilis itong lumipad patungo sa Tornado Harbor at bumuga ng nakakatakot na Dragon Breath.

Sinabayan ng isang kakila-kilabot na pahayag ang naglalagablab na apoy ni Ell.

"Ako ang apoy!"

"Walang makakapigil sa amin!"

...

Sa Pyroxene Hill, hindi makapagsalita si Marvin nang makita ang lalaki na nahihirapang tumayo.

'Napaka-pamilyar ng boses na 'yon…'

'Ikaw pala 'yon!'

Pinanuod ni Marvin habang paulit-ulit na bumagsak ang Elven War Saint sa tuwing sinusubukan nitong tumayo. Lumapit naman agad ito para tulungan ang kaawa-awang Elven Prince na tumayo.

"Bakit wala ka sa teritoryo ng mga Stone Giant?" Hindi maiwasang itanong ni Marvin.

Ang mapangahas na lalaki pala ay ang Elven Prince na si Ivan na nakilala niya sa Thousand Leaves Forest!

Matapos ang pag-atake nito sa Ancient Red Dragon, nahilo si Ivan at bumagsak muli sa balikat ni Marvin.

"Ha? Ikaw nga? Tama ba ko?" Gulat na tanong ni Marvin. "Mali ba ako?"

"Hindi pinapayagan ng Great Elven King ang mga elf na lumayo sa Thousand Leaves Forest."

"Wala akong pakielam sa Great Elven King na 'yan!" Galit na sabi ni Ivan habang tinutulak palayo si Marvin at pinipilit nitong tumayo mag-isa.

"Kusang loob akong pumunta rito!"

"Pero mamaya na natin pag-usapan 'yan, kapag nakuha ko na ang Dragon Killer na titolo."

Pagkatapos sabihin ito, susugod na sana muli ito sa Tornado Harbor.

Pero bigla itong binuhusan ni Marvin ng balde ng malamig na tubig at sinabing, "Kung ngayon ka kikilos, baka maagang matapos ang laban pagbalik mo sa Tornado Harbor!"

Biglang natigilan si Ivan, kita ang pananamlay sa mukha nito.

Naramdaman ni Marvin na mayroong mali.

Nasaan na ang matalino at mahinahon na Elven Prince na nakilala niya sa Thousand Leaves Forest?

Tila mapusok na bata na lang ito ngayon…

"Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Marvin.

Umiling lang si Ivan at hindi nagsalita. Nang biglang may mahinang boses ang nagsalita.

"Isa kang Elf?"

Manghang-manghang tiningnan ni Lola si Ivan.

Walang emosyon namang tumango si Ivan.

"Ang galing! Napakaputi ng balat mo…"

Lalo pang lumapit si Lola, tiningnan niya si Ivan at Marvin. "Magkaibigan ba kayo?"

"Hindi ko naman alam na may gwapong elf na kaibigan ang Overlord…"

"Ah, eh, Overlord, gwapo ka rin naman, pero mas gwapo lang ang mister na 'to…"

Bahagyang kumibot ang labi ni Marvin.

Tiningnan ng kakaiba ni Ivan si Lola at muling tiningnan si Marvin. "Kasinatahan mo?"

Umiling si Marvin.

"Alam ko naman na hindi ka nagkakagusto sa mga babae." Biglang napangiti si Ivan.

Nanlaki ang mga mata ni Lola. Tiningnan nito sina Marvin at Ivan at hindi alam kung ano ang dapat isipin.

Sa mga oras na iyon, biglang may lumitaw na Arcane Barrier sa ibabaw ng Tornado Harbor.

Naghalo ang kulay asul na ilaw at ang tubig ng dagat. Noong binuo ang anim na Pearl Harbor, naglagay ng malakas na depensa ang South Wizard Alliance, ang Arcane Barrier.

Mayroon na agad solusyon ang South Wizard Alliance bago pa man lumabas ang balita tungkol sa pagkawasak ng Crystal Island.

Kaya naman, una pa lang ay handa na ang Arcane Barrier.

Binugahan ng Red Dragon ng kanyang Dragon Breath ang kulay asul na Arcane Barrier. Ilang butas ang lumitaw sa ilang bahagi nito at tumagas mula dito ang kaunting apoy.

Nasunog ang mga sasakyang pandagat sa pantalan. Nasunog rin ang mga business district.

Sa pader ng siyudad, bukod sa tatlong aninong maikita, nagtago na ang mga sundalo sa likod ng kanilang pader pandepensa para hindi tamaan ng apoy.

At bukod sa tatlong aninong matikas na nakatayo, dalawa pang kamangha-manghang anino ang lumitaw mula sa kalangitan.

Mga Legend Wizard!

Pagkatapos ng pagkamatay ni Anthony, mayroon pa rin namang natirang mga Legend sa South. Subalit, malaki pa rin ang agwat n Anthony sa mga ito. Pambihira ang isang Legend na gaya ni Anthony sa buong South Wizard Alliance. Pansamantalang pinoprotektahan ng dalawang Legend Wizard na ito ang anim na Pearl Harbor at Thousand Sails City ng East Coast.

Sa kabila ng lahat ng ito, may lakas ng loob pa rin ang mga ito para harapin ang pinakamalakas na Red Dragon!

"Ang tanga ko!" Panunuya ni Ivan sa kanyang sarili.

"Kinalaban ko pa ang Red Dragon."

"Siguradong makukuha na ng mga 'yon ang Dragon Killer na titolo."

Dragon Killer?

Umiling si Marvin, "Tara, silipin natin mula sa tuktok ng burol. Hindi naman siguro magiging ganoon kadali 'yon para sa kanila. Kasing lakas ng Ancient Red Dragon ang mga avatar ng mga god!"

Bahagyang natigilan so Ivan, sa mga oras na 'yon hindi pa rin napigilan ni Lola na maki-usyoso.

"Uhm, gwapo elf, nabalitaan ko na matikas daw ang mga Elf, pero bakit…"

"Madaling matuto sa mga masasamang ehemplo, Lola," biglaang sabat ni Marvin. Saka niya hinila patungo sa tuktok ng burol ang dalawa.

Naiiba si Ivan sa mga wood elf. Ang paglalakbay niya sa labas ng Thousand Leaves Forest ay marahil sa pagtatakwil sa kanya ng Great Elven King.

Ibig sabihin lang nito na nagsimula nang magbago ang kasaysayan.

Naalala ni Marvin na matapos ng Great Calamity, agad na gumawa ng hakbang ang Thousand Leaves Forest. Noong mga panahong iyon, binabantayan pa rin ng Great Elven King ang Thousang Leaves Forest habang nanatili sa teritoryo ng mga Stone Giant si Ivan.

Pero ngayon, sa di malamang dahilan, pumunta na si Ivan sa East Coast para patayin ang dragon.

Alam ni Marvin na lahat ng pagbabagong ito ay dahil sa kanyang pagdating.

Lalo pa't isa lang laro dati ang lahat ng ito. Pero tunay na mundo na ang kaharap niya ngayon. Dadaan sa matinding pagbabago ang mundong ito.

Kailangan niyang maging handa.

Mas maayos nilang napapanuod ang lahat ng nangyayari mula sa tuktok ng Pyroxene Hill. Lalo pa't mas lumakas ang paningin ni Marvin dahil sa blessing ng Night Monarch.

Kaya ring makakita ng malayo ng mga Elf. Pinaliwanag ni Ivan ang ilang bagay kay Marvin, "Alam ko namang napaghandaan na ng South Wizard Alliance ang mga ganitong pangyayari. Hindi ko lang inasahang ganito katindi ang paghahanda nila."

"Mukhang minalas ang Unicorn clan. Pero sila na rin mismo ang dahilan ng pagkawasak ng clan nila. Nabalitaan kong nagmimina sila sa ilalim ng dagat gamit ang explosion technique ng mga northern dwarf. Iyon ang dahilan ng pagsabog ng bulkan sa ilalim ng dagat na gumising sa halimaw na 'yan."

"Lumubog na ang Crystal Island, kakaunti na lang ang natira. Pero mukhang kakayanin nama nng East Coast ang pag-atake na 'to. Lalo pa't mayroong 6 na Legend sa Tornado Harbor."

Anim na Legend.

Ito na ang hakbang na ginawa ng South Wizard Alliance.

Dalawang Legend Wizard, at apat pang Legend na class holder. Isa sa dalawang Legend Wizard ay si Leymann na galing saThree Ring Towers. Hindi naman pamilyar si Marvin sa isa pa, pero ang sabi isa raw itong wizard na galing sa kanluran at pansamantalang inilipat rito.

Noon, ang East Coast ang pinakaligtas a lugar dahil sa proteksyon ni Anthony.

Pero nagbago ang lahat nang patayin siya ng Shadow Prince.

Kung buhay pa si Anthony, kahit pa magising ang Ancient Red Dragon, hindi ito mangangahas na atakihin ang East Coast.

Kung wala si Anothony, wala nang makakapigil sa kanyang Dragon Breath!

Makikita ang malaking anino ng Red Dragon mula sa Tornado Harbor. Binangga nito ang dalawang tower kung nasaaan ang ilang Magic Marksmen na patuloy na inaatake ng ang Dragon. Sa kasamaang palad, hindi tinatablan ng palaso ang dragon. Hindi tinatablan ng atake ng mga Ordinary class ang Ancient Red Dragon!

Arogante namang lumipad ito papalapit sa dalawang Wizard na lumilipad rin.

"Kakainin kita!"

Hindi gumalaw ang dalawang Wizard. Nang biglang may dalawang Teleportation Portal ang lumabas sa tabi nila!

Hindi ginamit ng mga Legend Wizard ang mga portal para tumakas, sa halip, may dalawang taong lumabas mula sa dalawang Teleportation Portal.

Matipuno at matikas ang dalawang ito. Mukhang napakataas ng Strength ng mga ito!

'Legend Monk!'

'Legend Barbarian!'

Tinignan mabuti ni Marvin ang dalawa at nalaman ang kanilang mga class.

Hinawakan ng Legend Barabarian, na lumabas mula sa Teleportation Portal ang ulo ng Red Dragon.

[Falling Star]!

Agad na ginamit ang isang napakalakas na skill. Nawala ang balanse ng Red Dragon, na tatlumpung metro ang taas nang paglipad, dahil sa pagbato sa kanya sa ibang direksyon!

Sa kabilang dako naman, hinawakan ng Legend Monk ang kaliwang pakpak ng dragon!

[Vajra Strength]!

Dahil sa pag-atake ng dalawang Legend class holder gamit ang kanilang malalakas na skill, direktang bumagsak ang Ancient Red Dragon mula sa kalangitan!

Bumagsak ito sa pader ng siyudad sa dakong kanluran. Nadurog nito ang iilang mga bahay. Kahit na binigyan na ng babala ang mga tao rito para lumikas patungo sa mga kweba, may mga naiwan pa rin kaya namatay ang mga ito dahil sa pagbagsak ng dragon!

Sabay namang lumitaw ang isang Shadow Thief at Slaughterer. Mayroong nakakatakot na burst power ang mga advanced rouge Legend class na ito.

Walang pag-aalinlangan na pinunterya ng mga ito ang pakpak at leeg ng dragon.

Sa gilid naman, ang mga elite na sundalo na kanina pa nanunuod ay agad na lumapit at naghagis ng malalaking kadena sa katawan ng dragon. Hawak ng dalawang Mountain Giant ang magkabilang dulo nito!

Ang mayabang na Ancient Red Dragon na si Ell, ay nakapirmi na sa lupa dahil sa dalawang mabibigat na kadena.

Sa magkabilang dulo ng kadena ay mayroong Mountain Giant na higit sa sampung tonelada ang bigat!

Hindi magiging madali ang pagpiglas mula rito!

"Roooaaarrr!"

Tanging ang galit na atungal ng Ancient Red Dragon ang natira sa Tornado Harbor!

Pinanuod ng dalawang Wizard ang pagpupumiglas ng Ancient Red Dragon, dahan-dahang itinaas ng mga ito ang kanilang mga kamay at sinimulang banggitin ang kanilang mga spell.

'Talaga bang papatayin nila ang Dragon na 'yon ngayon?!" nagulat si Marvin

Hindi alam ito ng ibang tao, pero siya, alam niya. Maaaring ang suntok ni Ivan ang nagbago ng tadhana!

Binago nito ang sitwasyon ng Ancient Red Dragon. Dahil kung hindi dahil dito, hindi eepekto ng ganoon katindi ang skill ng Legend Monk at Legend Barbarian!

'Imposible…'

'Ancient Red Dragon 'yon na mayroong 43 na level!'