Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 140 - Dragon Killer Sword

Chapter 140 - Dragon Killer Sword

Galit na umaatungal ang Ancient Red Dragon sa Tornado Harbor.

Itinaas niya ang kanyang ulo, sinusubukang ipagaspas ang kanyang mga pakpak, at sinubukang lumipad. Pero hindi niya ito magawa dahil sa dalawang Mountain Giant.

Pinagpatuloy rin ng dalawang rogue Legend ang paggamit ng mga mabagsik na pag-atake.

Ang dagger ng Shadow Thief ay malinaw na ginamitan ng Armor Break, at pinupunterya nito ang leeg ng Red Dragon.

Sa kabilang banda, ang Slaughterer na mas mahusay sap ag-atake, ay mabilis ang pag-usad dahil sa walang tigil niyang pag atake sa pakpak ng Dragon.

Gumagamit ito ng maiikling patalim na mas mahaba ng kaunti kumpara sa mga dagger. Pero bahagyang naglalaba ng itim na kulay ang mga patalim na ito.

Isa itong Legendary Item!

Paglipas ng ilang sandal, ang matibay na kaliskis ng Red Dragon ay nabuksan na nila. Saka ito umatake muli at nag-iwan nang malalim na sugat sa dragon!

Galit na binuksan muli ng Ancient Red Dragon na si Ell ang kanyang bibig at bumuga ng dragon breath. Hindi mabilang ang mga pangkaraniwang sundalo na agad-agad na naging abo!

Kahit na may mga kalasag ang mga ito, mabilis ring natunaw ang mga ito sa mga kamay nila.

Hindi rin nakawala ang mga Mountain Giant!

Nasunog din ng Dragon Fire ang kanilang mga katawan. At kahit na mayroon silang malakas na Magic Resistance at Constitution, na dahilan kung bakit hinsi sila basta-basta mamamatay sa Dragon Breath, bumagsak pa rin ang mga ito sa lupa dahil sa sakit.

Ang isa sa mga ito ay nasunog pa ang mata at nagtatakbo paikot sa siyudad!

Sa isang iglap, nabaliktad na ang sitwasyon.

Mas sinwerte naman ang mga Legend class holder, tulad na lang ng Barbarian at Monk na nakatakas dahil sa tulong ng Wizard.

At may sariling pamamaraan naman ng pag-iwas ang Shadow Thief at ang Slaughterer. Pumasok ang isa sa Shadow Plane habang nag Flicker naman ang isa patungo sa ibang lugar. Pero kahit pa ganoon, kinabahan pa rin ng matindi ang Slaughterer. Halos hindi niya na naiwasan ang Dragon Breath dahil sa biglaang paglabas nito.

Wala itong kahit anong senyales, hindi iba ito kumpara sa pangkaraniwang Dragon Breath!

Alam ng karamihan na isa nga ito sa pinakamalalakas nilang atake. Pero mayroong limitasyon kung gaano karaming beses lang nila ito pwedeng gamitin.

Ginamit na ng Ancient Red Dragon na si Ell ang Dragon Breath sa Arcane Barrier ng Tornado Harbor. Dapat ay aabutin pa ng sampung minuto bago niya ulit ito magamit.

At dapat, mas mahina na ang kasunod na Dragon Breath.

Pero ang lakas na ipinakita nito ay nilampasan pa ang lakas ng isang Ancient Red Dragon!

Ang pinakawalan nitong Dragon Breath, halos pareho lang sa nauna!

Biglang nalabag nito ang limitasyon ng mga Dragon.

Bumigkas Dragon gamit ang Magic Language ng mga Dragon!

Sa ilalim ng incantation ni Ell, mabilis na lumiit ang katawan nito, at naging isang serpyenteng isang metro ang haba!

Legend Shrink!

Agad na nakawala mula sa mga kadena ang serpyente, at agad na lumipad patungo sa kalangitan!

Muling nakabawi ang Red Dragon. Muling lumitaw ang kanyang ulo.

"Papatayin ko kayong lahat!"

Hinawakan niya ang Legend Barbarian na naka-iwas dahil sa magic carpet ng isa sa mga Wizard!

...

'Sagupaan ng mga Legend!'

Nanuod ng mabuti si Marvin. Malalim ang pagkaka-unawa niya sa Ancient Red Dragon na si Ell, alam niyang napakalakas nito.

Sa kabuoan ay Level 43 ito, marami itong mga Legendary spell, isang makapangyrihang Dragon Breath, at katusuhan…

Dahil sa naglakas loob itong maghasik ng kaguluhan sa East Coast, malamang ay kampante itong kaya niyang was akin ang lugar na ito!

Pero hindi niya rin inikala na ganito kadeterminado ang South Wizard Alliance na pangalagaan ang East Coast. Kasabay nito, hindi niya inaasahan na biglang magpapakita ang Elven War Saint!

Malaking bagay ang pagsuntok ni Ivan. Kung hindi dahil sa suntok na ito, siguradong masisira ng paglusob ng Red Dragon ang Arcane Barrier.

Kayang sirain ng kanyang Dragon Breath ang 1/5 ng Tornado Harbor!

Kahit na magtulong-tulong pa ang mga Legend Wizard, kasama nang mga Legend class holder, hinding-hindi nila ito mahuhuli.

Mayroon malalakas na melee ability ang Monk at ang Barbarian pero pangkaraniwan lang ang kanilang jumping ability. Kaya naman hindi nila mahuhuli ang isang Dragon na lumilpad nang ganoon kabilis.

Kahit na walang makakatalo sa mga Wizard kumpara sa ibang mga class, iba na ang usapan kapah dragon ang kanilang makakalaban. Siguradong mahihirapan pa rin ang mga ito.

At ang Shadow Thief at Slaughterer naman… tanging suporta lang ang mga ito kapag Dragon ang kalaban.

Tanging ang mapangahas na Ivan lang ang kayang lumaban ng harapan sa Dragon na ito.

Kahit na level 21 lang siya, hindi siya matatapatan ng mga pangkaraniwang Legend. Marahil ay mas matibay pa ang kanyang katawan kumpara sa mga Legend Monk!

At lahat nang ito ay may kinalamaan sa Great Elven King. Alam ni Marvin na kahit na mukhang arogante ang Great Elven King, na hindi man lang magawang tingnan ang kanyang anak, sa katunayan nito ay pinapahalagahan niya ito. Hindi na mabilang ang mga strengthening spell sa katawan ni Ivan, at saka noong bata pa siya, linggo-linggo ang pagpapalakas sa kanya…

Ito rin ang dahilan kung bakit noong nakipagbanggaan si Ivan sa Red Dragon, tumalsik siya sa malayo pero hindi naman siya gaanong nasaktan.

Kung isa sa dalawang Legend ang gumawa nito, maging ang Barbarian man ito o ang Monk, mamatay ang mga ito!

Kung hindi nagpadalos-dalo si Ivan at sumugod mag-isa, at inuna ang pagtawag sa South Wizard Alliance, marahil ay napatay na nila ang Dragon!

Sa kasamaang palad, hindi ganoon ang nangyari.

Nagbago ang ilang bagay dahil sa pagdating ni Marvin. Gayunpaman, hindi naman siguro ganoon kalaki ang magbabago sa kapalaran ng Ancient Red Dragon!

Nahuli ang Legend Barbarian sa pagitan ng mga kuko ng Ancient Red Dragon at walang magawa ang iba pang kasamahan nito. Ginamit ng Red Dragon ang mga ito para pira-pirasuhin ang Barbarian.

Saka niya inihagis ang duguang katawan nito!

Namatay ang isang Legend nang ganoon-ganoon lang.

Maririnig ang mga hinagpis mula sa Tornado Harbor. Ito ay galing sa mga taong naiwan pa at nagmamadaling lumikas. Tila nasa purgatoryo na sila dahil sa apoy at dugong bimalot sa lugar.

"Punyeta…" makikita ang poot sa mga mata ni Ivan.

Alam niyang masyado siyang nagpadalos-dalos. Bago siya kumilos, nagsaliksik rin muna siya patungkol sa Red Dragon, pero hindi niya inakala na ganito ito kalakas!

Alam niya rin na maaring iba ang kinalabasan kung naroon pa rin siya sa Tornado Harbor.

Sayang…

Wala nang oras para magsisi.

Rumble!"

Habang ipinamamalas ng Red Dragon ang kanyang lakas, kanina pa naghahanda sina Leymann at ang isa pang Wizard!

Hindi gagana ang mga ordinaryong spell sa Dragon.

Tanging mga Legend spell lang!

Isang makapal na kumpol ng kidlat ang gumihit sa kalangitan, kasama nito ang hindi na mabilang na pagsabog sa paligid nito.

"Aurora Burst!" Sa isang tingin ay nalaman ni Marvin kung an gang Legend Spell na ito.

[Aurora Burst]:Legend spell, isang makapangyarihang uri ng 3rd-circle spell na Aurora Lightning.

"Bang!"

Tumama at sumabog sa katawan ng Red Dragon ang Aurora Burts, Nagpagewang-gewang siya dahil rito at muntik na muling mahulog sa lupa.

Kahit na kamangha-mangha ang Magic Resistance ng Ancient Red Dragon, naapektuhan ang paglipad nito dahil sa kaguluhang dala ng spell na ito sa kalangitan.

"Naisipan mo pang…" Hindi pa tapos ang sinasbai ng Red Dragon, tumama na muli sa kanya ang ikalawang Aurora Burst.

Si Leymann na matagal nang naghahanda ay hindi lang isang Aurora Burst ang inihain!

Tuloy-tuloy ang pagguhit ng mga kidlat sa kalangitan kasabay ng sunod-sunod na pagsabog ng anim na Aurora Burst!

'Pucha…Anim na Auror Burst…; Manghang-mangha si Marvin.

Talagang pinaghandaan ito ni Leymann. Siguradong marami itong Legendary Item o kahit mga Half-Artifact!

Kung hindi ay imposibleng makapagdala at magamit niya ang anim na Aurora Burst.

Ang isang Auror Burst ay kayang wasakin ang isang maliit na bayan.

Nagdulot nang pagkalito at pagkatuliro ang anim na Aurora Burst. Bumagsak siyang una ang ulo sa daungan, kalahati nang kanyang katawan ay naputna sa dagat.

"Roaaaarr…"

Itinaas niya ang kanyang leeg na puno ng mga pasa at sugat.

...

Namumutla naman si Leyman na nasa kalangitan.

Masyado na niyang sinagad ang paggamit ng kanyang kapangyariha. Umabot na siya sa kanyang limitasyon dahil sa sunod-sunod na paggamit ng 6 na Aurora Burst sa loob ng maiksing panahon.

At ang spell na inihanda naman ng isa pang Legendary Wizard ay bigla na lang lumitaw sa harap ng lahat.

Isang matalas na espada ang namuo sa kalangitan

Kulay dilaw ang espada na ito at mayroong mabahong amoy.

Legendary spell – Dragon Killer Sword!

Isa itong Legend spell na matagal nang nawala dahil magtutulong-tulong ang mga Evil Dragon para hanapin at patayin ang mga Wizard na nakaka-alam ng spell na ito.

Ang Dragon Killer Sword ang kahinaan ng mga Dragon!

Nakakuha pa ang South Wizard Alliance ng Wizrd na mayroong Dragon Killer Sword!

Ibig sabihin, wala silang intensyong hayaang mabuhay si Ell.

Kailangan dala ng Wizard na ito ang ulo ni Ell pag-alis ng Tornado Harbor!

Biglang nagtungo ang Dragon Killer Sword patungo kay Ell. Si Ell naman ay natatarantang pinagspas ang kanyang pakpak at lumipad!

Umabot na rin sa sukdulan ang bilis ng Red Dragon pero inusundan pa rin ito ng Dragon Killer Sword na para bang isang aninong ano mang oras ay papatayin ka!

"Papatayin ba nila?" Bulong ni Ivan.

"Sa kasamaang palad…" Umiling si Marvin.

Nakatulala lang si Lola na pinapanuod ang nagaganap, hindi niya alam kung ano ang dapata sabihin.

At nang tatami na sa leeg ni Ell ang Dragon Killer Sword, biglang dumagundong ang isang spell mula sa bibig nito.

Sa isang iglap isang spatial distortion ang lumabas sa kanayng harapan.

Sa sususnod na sandal, pumasok ang Red Dragon sa isang black hole at nawala.

Walang habas naman na umatake ang Dragon Killer Sword, at nahati ang dagat sa dalawa. Hindi mabilang ang mala-ulan na kaliskis na nahulog mula sa kalangitan.

May bahagi rin dito ng manipis na buntot.

Biglang namuo ang malalaki at malalakas na sunami na rumaragasa na patungol sa anim na Pearl Harbor.

"Mga walang kwentang Wizard, kayo ang peste sa mundong ito. Patapos na ang paghahari niyo sa mundong ito!"

"Nakita ko na ang hinaharap, at narinig ang ilang boses ng mga god. Nakatadhana na kayong mamatay!"

"Kapag dumating ang oras na 'yon. Lilinisin ko ang lupaing ito gamit ang apoy ko!"

...

Isang malaking pader ng tubig ang lumabas at rumagasa. Kung hindi lang nasa mataas na lugar ang anim na Pearl Harbor, marahil nilamon na ito ng tubig.

Walang nakinig ng mabuti sa pagpapahayag ng Red Dragon tungkol sa kanyang paghihiganti. Matapos ang kaguluhan,tahimik na naglabasan mula sa kweba ang mga tao.

Kasabay ng pag-iyak ng mga tao ay ang nakakabinging katahimikan.

At si Marvin na nasa Pyroxene Hill ay hindi mapigilang ikuyom ang kanyang mga kamao.

Masyado pa siyang mahina!

Wala siyang nagawa kundi manuod sa ganoon klase ng labanan. Kung naroon man siya sa Tornado Harbor, marahil mahihirapan rin siyang proteksyunan ang kanyang sarili!

'Hindi ito maaari, kailangan ko pang magpalakas!'

'Masyado pang mabagal ang pananatili sa 2nd rank!'

Nagngalit ang ngipin ni Marvin at agad na nagdeisyon.

Kahit na isa ang Ancient Red Dragon sa pinakamalalakas na nilalang sa Feinan, sa panahon ng Great Calamity, tanging ang ganito kalalakas na nilalang lang ang mananatiling buhay!

Kailangan niya pang magpalakas.

Ito ang kailangan niyang gawin para maprotektahan ang kanyang mga nasasakupan!