"Seer?" Makikita ang gulat sa mga mata ni Leymann.
Tiningnan nito si Marvin at kahit papaano'y nakahinga ng maluwag, "Kaya pala."
"Kaya pala nagtataka ako kung bakit ka nagpadala ng isang probinsyanong noble para sa kompetisyon. Hmph! Talagang mas tuso kayon mga kabataan."
Ngumiti si Hathaway, "Hindi mo kami kailangan alalahanin sa maliit na kompetisyon gaya nito."
Tahimik na tumango si Leymann, "Kung ganoon, wala na kong problema doon. Dapat ba nating ipaalam sa Alliance na isang Seer si Baron Marvin?"
"Hindi," agad itong tinanggihan ni Hathaway.
"Isang malaking pagkakamali ang pagpapaalam ng mga ganitong bagay sa Alliance. Sa tingin ko alam mo 'yan higit pa sa akin."
"Marami nang katanungan dahil sa pagkamatay ni Sir Anthoony. Tsaka nararamdaman kong may sumusunod sa akin noong mga nakaraang araw!"
"Kung hindi dahil sa Half-Artifact na pinahiram mo sa akin, marahil hindi ko naitago ang presensya ko."
Makikita ang takot sa mukha ni Hathaway matapos niyang sabihin ito. "Hinahanap na niya ako, Dahil sa pagiging Seer ko. Alam na nila."
Naging seryoso ang matandang si Leymann at sinabing, "Siguradong mayroon ngang traydor sa loob ng Alliance… Mag-iisip ako ng paraan kung ano ang dapat nating gawin."
"Kailangan mong ingatan ang sarili mo."
Tumango si Hathaway.
Kahit na pareho silang Tower Master ng Three Ring Towers, lumaki si Hathaway sa ilalim ng pangangalaga ni Leymann. Di lang silang guro at estudyante kundi, magkaibigan rin.
Kahit na hindi kasing kilala ni Anthony si Leymann sa East Coast, mahusay at disenteng Wizard rin naman ito.
Sa kasamaang palad, kakaunti lang ang mga tulad ni Leymann at Anthony sa South Wizard Alliance.
Ang ilang sa mga ito ay nauto na ng mga god at sinukuan na ang Universe Magic Pool, at mas pinili masamang pananampalataya.
Bulok ang systema sa loob ng Alliance. Tanging ang ang mismong Three Ring Towers lang ang ang maaaring mangalaga sa sarili nito. Ito lang ang tanging paraan para sa tatlong Tower Master.
Kapag hindi magagawan ng paraan ang paparating na Calamity, marahil ito na ang huling Battle of the Holy Grail.
Masasama na lang sa alaala ng kasaysayan ang Three Ring Towers, at kalaunan ay malilimutan kasabay ng pag-ihip ng hangin!
...
Sa loob ng yungib, sa sobrang init ng bola ng apoy na ito, napakaraming heatwave ang nagagawa nito!
1st-circle spell, [Lave Fireball].
Isa itong uri ng Fireball. Kailangan nito ng volcanic rock powder bilang casting material.
Naglagay na si Wayne ng volcanic powder bago pa man niya inilabas ang kanyang magic staff.
Gamit ang kanyang incantation, isang bola ng apoy ang lumabas mula sa dulo ng mala-ahas na magic staff. Agad itong tumama sa katawan ng espesyal na Snoe Demon at kasing lakas ng kulog ang tunog ng pagsabog nito!
Naghihihiyaw ito sa sakin, na agad namang nakatawag pansin ng napakaraming Snow Demon Protector.
'Klang!"
Hindi nag-alinlangan si Marvin na iwasiwas ang kanyang mga dagger!
Bukod sa ilang espesyal na Snow Demon, wala na siyang iba pang nakita.
At ang mga spell ni Wayne ay inihanda talaga nila para makalusot sa Snow Demon Lair.
Ipinalit ni Wayne ang kanyang 150MP para sa anim na kopya ng 1st-circle spell na [Lave Fireball]!
Kung titingnan sa mata ng iba, marahil mukhang hindi pinag-isipan ang ganitong istratehiya. Pero kahit pa gaoon, nakinig si Wayne sa mga plano ni Marvin.
Dahil malaki ang tiwala niya sa kanyang nakatatandang kapatid.
At ang kinalabasan ay tulad ng kanilang inaasahan. Naging kapaki-pakinabang ang special spell na Lava Fireball.
Mabilis na nagpapalipat-lipat ang anino ni Marvin sa bawa Snow Demon Protector. Sa isang iglap isa-isa niya itong dinidispatya.
'Talagang napapakinabanagan ko ang mga karanasan ko! Sana nandoon pa rin sa tagong lugar na 'yon ang kayamanan!'
Hindi mapigilang ngumiti ni Marvin habang tinitingnan ang lapag na puno ng pira-pirasong Snow Demon.
Isa palang Snow Demon Leader ang espesyal na Snow Demon. Mayroong 4 hanggang 6 na tulad ng mga ito sa bawat pugad ng Snow Demon.
Ang Snow Demon na ito ay isang 2nd rank na nilalang, at mayroon rin itong [Crystalization] na ability!
Hindi gagana dito ang mga pisikal nap ag-atake at mga ordinaryong spell. Mayroon ring malakas na penetrating power ang kanilang mga atake, kaya naman mahirap depensahan ang mga ito.
Mahirap na kalaban ang nilalang na ito kaya kahit isang 2nd rank wizard at hindi ito kayang talunin.
Pero alam ni Marvin kung anong spell ang dapat gamitin para matalo ang Snow Demon Leader.
At 'yon ang Lava Fireball!
Isa lang ito sa maraming uri ng Fireball, at kapag tumama ito sa Snow Demon Leader, matutunaw ito agad-agad!
Hindi umaabot ng ganito kainit ang mga ordinaryong Fireball!
At ang mga ordinaryong tao ay hindi ipagpapalit ang kanilang MP para sa isang spell ng sangay ng magic na hindi gaanong pinapansin.
Kaya naman, inihanda talaga ni Leymann ang Snow Demon Lair para sa mga 2nd Rank Wizard. Ngunit nakita lang ito ng isang transmigrator gaya ni Marvin!
Hindi lang siya isang transmigrator, isa rin siyang experto sa paglalaro.
Hindi na mabiling kung ilang beses niyang napuntahan ang lugar na ito.
Isang Fire Wizard at isang taong gumagamit ng dagger ay sapat na para patayin ang lahat ng Snow Demon.
Ngunit, ang kapalit nito ay mawawalan ng lakas makipaglaban si Wayne kapag nagamit na niya ang anim na Lava Fireballs. At kapag nangyari 'yon, kailangan siyang protektahan ni Marvin!
Dahil ibang bagay ang pinaghandaan ni Marvin kaya muntik nang mapahamak si Wayne!
Isa nga naman kasing shortcut ang path na ito. Basta madispatya nila ang lahat ng Snow Demon, mahahanap na niya ang lihim na Gate.
Direktang konektado ang lihim na Gate na ito sa tuktok ng bundok!
At sa loob ng Snow Demon Lair, mayroong baul ng kayamanan na may lamang anim na susi na tulad ng kailangan nila!
Umaasa na lang si Marvin na hindi pa ito nagbabago.
Sa ngayon, normal pa naman ang lahat.
Nagpatuloy lang sa pagbaybay ng yungib ang magkapatid, at tuloy-tuloy rin nilang pinapatay ang mga Snow Demons na nakakasalubong nila.
Hinati ng magkapatid ang trabaho, si Marvin ang bahala sa mga Snow Demon Protector, at si Wayne naman ang bahala sa mga Snow Demon Leaders.
Sa loob lang ng 20 minutos, narrating na ng dalawa ang kaibuturan ng Snow Demon Lair!
Mayroong malaking espasyo na matatagpuan sa gitna ng Snow Mountain.
Sa dulo ng malaking espasyo, makikita ang isang rebulto ng apat na Ouroboros na magkakalingkis at isang gumagapang sa pader.
Sa alchemy ng Feinan, [Transformation] ang ibig-sabihin ng Ouroboros, habang para naman sa mga Wizard, [Transmission] kahulugan ng simbolong ito.
Isa itong lihim na Teleportation Gate.
Hindi alam ng isang ordinaryong tao kung paano ito gamitin, pero kahit papaano'y may ideya si Marvin kung paano ito papaganahin.
Ang pagpapagana ng isang Teleportation Gate ay isang mahalagang ability ng mga thief!
Pangkaraniwan na sa mga lihim na lagusan ng Feinan ang iba't ibang uri ng mystical magic lock at combination lock, kaya naman mayroong kaunting skill si Marvin pagdating dito.
"Kuya, may baul dito!"
Habang papunta sila rito, nagamit na ni Wayne ang lima sa anim na Lave Fireball. Kaya naman isa na lang ang natitira sa kanya.
Tinuturo nito ang isang lugar sa tabi ng malaking espasyo.
Lumapit ang dalawa rito.
Halos pareho naman ang laki ng baul na ito sa baul na naaalala ni Marvin. Nakatago ito sa dulo ng dingding ng yungib. Mukhang matalas ang paningin ni Wayne dahil nahanap niya ito kaagad.
Walang kandado o ano man ang baul na ito at maaaring buksan agad-agad.
"Bang!"
Mayroong nga anim na susi sa loob ng baul!
"Tara na!" Pinatabi na ni Marvin kay Wayne ang mga susi at saka sila naglakad papalapit sa lihim na lagusan.
May maliit na platform sa tabi ng rebulto ng Ouroboros. Mayroong apat na bambo, na magkakaiba ang haba ang platform.
Ang bawat isa sa mga ito ay maaari lang gamitin ng isang beses kada isang oras.
Isa itong aktibong mekanismo na kayang manipulahin ang pagbubukas at pagsasara ng lihim na lagusan.
Sigurado si Marvin na sinusundan sila ng kanilang mga kalaban, at kahit na ayos lang sa kanyang makipaglaban, ayaw pa rin niyang ipakita sa maraming taong nanunod ang tunay niyang lakas.
Pagkatapos ng Battle of the Holy Grail, palihim niyang papatayin ang killer ng Unicorn Clan.
Pagkatapos noon, mabibigla ang buong Unicorn Clan sa pag-atake ng ancient red dragon, at hindi na sila makakabangon pang muli.
Kaya naman, kailangan makahanap si Marvin ng pinakamabilis na paraan para malaman kung paano paganahin ang mekanismo ng lagusang ito!
'Apat na bamboo… rebulto ng Ouroboros…parang ngayon ko lang ata nakita ang mekanismong 'yon.'
Sumimangot si Marvin.
Ang pinakang nagpasakit talaga ng ulo ng mga manlalaro sa Battle of the Holy Grail ay ang mekanismo ng lagusang ito.
Nagbabago-bago ang mekanismo nito. Hindi naman ito mahirap pero nakakaubos talaga ito ng oras.
Pero ang pinakang kailangan ni Marvin ngayon ay oras!
'Ouroboros… Teka, apat na kulay!'
Biglang nagkaroon ng ideya si Marvin! Mayroong apat na kulay ang Ouroboros na ito, apat na klase ng ahase, na nakalingkis sa bawat isa.
Sa alchemy, ang nested na Ouroboros ay binabasa mula loob palabras, gumagamit rin ito ng numeric color code1.
Panandaliang nag-isip si Marvin at naisip na niya kung ano ang apat na numero!
Lumapit siya sa platform at tiningnan ang mga bamboo, at nakakita ng panukat sa itaas ng mga ito. Maaaring ito na ang gamiting numero!
'Hindi naman pala ganoon kahirap!'
Nakahinga na ng maluwag si Marvin. Habang nanunod si Wayne, ginalaw ni Marvin ang mga bamboo pataas at pababa base sa apat na numerong naisip niya.
Pero ang ikinagulat ni Marvin, matapos ang kanyang ginawa, walang kahit kaunting nangyari sa lagusan!
Kung tama ang ginawa niya, dapat mayroon itong kahit kaunting ingay.
"Mali ba?" Sinubukan niyang igalaw muli ang mga ito habang nag-iisip.
Pero tulad ng inaasahan, hindi niya na ito maigalaw at kailangan pa muling maghintay ng isang oras bago ito magamit!
Kasabay nito, maririnig na mayroong mga yabag na papalapit!
Dalawang tao!
Nagulat sina Marvin at Wayne!
Naabutan na ba sila?
....
Sa Three Ring Towers.
Pinapanuod ng mga tao nang mabuti ang mga nagaganap sa magic screen.
Pinanuod nila sina Marvin at Wayne na mabilis ang pag-usad. Kahit na hindi nila alam kung anong ginagawa ng dalawang 'yon doon, hula nila'y mayroong shortcut doon.
Pero mabagal pa rin ng kaunti ang kanilang pagkilos!
Magkaiba ang class ng dalawang katawan ng Gemini. Ang lalaking Gemini ay isang Fighter at ang babaeng Gemini ay kitang may class na mayroong mataas na dexterity.
Pinanuod nilang sumanib ang katawan ng lalaki sa babae, at mabilis na tinunton nito ang mgakapatid.
Talagang nakakatakot ang mga nangyayari.
Mas mahusay ang babaeng Gemini sa pagsunod sa mga naiwang bakas, at di nagtagal, naka-abot na sila sa gubat, nakita ang isang yungib at pumasok.
Kinakabahan ang mga manunood para kay Marvin!
Sa tingin nila'y hindi kakayanin ng magkapatid ang nakakatakot na killer race rna ito!
Biglang naging madilim ang paligid. Makikita na screen na magharap na ang dalawang grupo.
At nakalimutan na nila ang babaeng pinaakyat nila sa tuktok ng bundok na si Celina!
…
Sa isang sulok sa Thunder Tower, walang reaksyong pinanuod ni Kate ang nangyayari at tahimik na isinummon si Ding!
_____________________
1 ED/N:Mas magugustuhan ko kung ang resistor color code ang ginamit. Mabuhay ang mga electrical engineer!
T/N: Oras na ng patalinuhan hanggang sa maitama nila! (Eh ano naman kung abutin sila ng ilang araw. ..]
ED/N: Kung alam lang nila na mali ang posisyon ng mga rod. At dahil nagkokomento na rin ako, sali na kayo sa aming discord sa https://discord.gg/NmuND4g