Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 116 - Border of Life and Death

Chapter 116 - Border of Life and Death

Tumindi ang tensyon sa loob ng kweba.

Umabante si Marvin at pumunta sa harapan ni Wayne para protektahan ito.

Dalawang tao ang nakatayo sa kanyang harapan, isang lalaki at isang babae. Mukhang walang relasyon ang dalawa sa isa't isa.

Ngunit may kakaibang naramdaman si Marvin sa dalawang ito!

"Gemini?!"

Pinagmasdan niyang mabuti ang dalawa.

Nagkatinginan ang dalawang Gemini at nagulat. Hindi nila inakalang malalaman ni Marvin kung ano sila sa isang tingin lang.

Pero hindi na mahalaga 'yon, eh ano naman kung nalaman niya kaagad?

Pumunta sila rito para patayin ang magkapatid na ito sa harap ng maraming tao, upang mabawi nila ang dangal ng Unicorn Clan!

"Wayne, mauna ka na. Tingnan mo kung kaya mong buksan yang lagusan," malalim na sabi ni Marvin.

Hindi na nagmatigas pa si Wayne dahil iisang Lava Fireball na lang ang natitira sa kanya. At hindi biro ang pakikipaglaban sa dalawang ito, wala rin naman siyang magagawa para matulungan si Marvin. Ang masama ay kapag naging pabigat pa siya.

Agad itong tumakbo patungo sa lihim na lagusan at sinimulang aralin ang koneksyon ng Ouroboros snake at ng mekanismo ng lagusang ito.

Isa itong Teleportation Gate na inilagay ng isang Wizard, at kailan ang ay inaral ni Wayne ang mga ganitong bagay.

...

"Dalawa kami, is aka lang, sa tingin mo kakayanin mo kami?" bahagyang tumawa ang babaeng Gemini.

Minsan ang tawa nito'y tila namamaos, at minsan naman ay tila nang-aakit. Ang pabago-bagong ito ay nakakatakot. Dahil ito sa hindi maayos na istraktura ng kanilang katawan, kaya nagiiba-iba ang tono nito!

"Iisa lang kayo," Mahinahon sagot ni Marvin.

Naranasan na niya kumalaban ng mga Gemini sa Underworld Plane dati. Hindi bababa sa isangdaan mga katulad nito ang kanyang napatay.

Innate killer ang mga miyembro ng race na ito, pero isa lang isang karagdagang karanasan para sa isang Ruler of the Night.

Ang Marvin ngayon ay hindi man kasing lakas gaya noon, pero ang pagiging isang Night Walker + Ranger class ay sapat na para maging kampante siya sa pagharap sa mga ito ng mag-isa!

Shadow Doppleganger!

Isang maliit na anino ang unti-unting lumitaw mula sa mga anino ng yungib, pero bigla rin itong nawala!

Stealth!

Noong unang beses na ginamit ni Marvin ang kanyang doppleganer ay naka stealth ito at ginamit niya bilang espiya. Sa pagkakataong ito, pinag-stealth niya ang kanyang anino habang sinisimulan niya ang pag-atake!

At dahil hindi siya mag-isa, hindi siya pwedeng umatras o magtago.

Kapag umatras siya, maiiwan si Wayne sa mga Gemini. Base sa mga taktika ng mga Gemini, hindi gaanong mapapakinabanagn ni Wayne ang kanyang mga defensive item.

"Isang lihim na kakampi?"

Biglang inamoy-amoy ng babaeng Gemini ang hangin sa paligid, at agad na natunton ang doppleganger nan aka-stealth!

'Pucha!'

'Hindi ba masyadong manyakis ang babaeng 'to?'

Napamura na lang si Marvin sa kanyang sarili, pero hindi pa rin siya nagdalawang-isip, sa halip, hinawakan niya ang kanyang mga dagger at umatake!

Direktang labanan!

Ito lang ang maaaring gawin ni Marvin sa ngayon!

Blazing Fury sa kanyang kanang kamay, at ang Fang sa kaliwa. Kahit na magkaiba ang dalawang dagger, sa pamamagitan ng Two-Weapon Fighting, makapagpapakita 'to ng pagkaka-isa.

Isa pa, kailangan ni Marvin ang spell ng Blazing Fury.!

[Arcane Missiles]!

Limang sunod-sunod na Arcane Missile ang lumabas at lumipad papunta sa lalaking Gemini!

Kasabay nito, papunta rin si Marvin sa direksyon na ito.

Tumawa ang lalaki habang lumalaki ang kanyang katawan. Hinayaan niya lang na tumama sa kanya ang limang arcane missle sa kanyang katawan.

"Bang!""Bang!""Bang!""Bang!""Bang!"

Umalingawngaw ang malalakas na ingay mula sa yungib, tila may tumamang bakal na martlyo sa pader na bato.

Hindi man lang nagalusan ang lalaking Gemini.

'Force Immunity!'

Biglang naalala ni Marvin kung ano ang specialty na ito. Kasama ang Arcane Missiles sa mga Force Magic. Hindi normal ang mga Gemini. Kaya kahit na level 7 lang sila, mayroon na agad silang mga specialty na makapagpapahirap sa mga ordinaryong wizard.

Agad namang nakalapit si Marvin sa lalaki, at agad na inatake ang braso nito gamit ang Fang!

"Klang!"

Isang mababaw na gasgas lang ang nangyari sa balat nito!

'Steel Skin!' Naiinis na si Marvin!

Tunay na elite nga ang Gemini na ito.

Hindi gumagana ang mga atake ni Marvin.

Bigla namang binuksan nito ang bungangang puno ng pangil at yumuko sa kakaibang Angulo, habang inaabot si Marvin gamit ang mga kamay nito!

Kasabay nito, kumilos na rin ang babaeng Gemini. Tiningnan nito si Marvin na nahulog sa patibong saka ito ngumisi, hindi na nito pinansin ang Shadow Doppeganger at agad na dumeretso patungo kay Wayne.

...

'Tapos na sila!'

Ito lang ang tumatakbo sa isip ng mga manunood!

Nang buksan ng lalaking Gemini ang bunganga nito, alam na agad nila ang mangyayari: Patay na si Marvin.

Dahil ganoong-ganoon ang pagkamatay ni Bergner!

Nalampasan ng babaeng Gemini ang lahat ng Defensive spell nito at hindi man lang ito nakasuko bago nilapa ng lalaking Gemini ang ulo nito!

Ang nakikita nila ngayon ay napanuod na nila kanina!

"Napakamadugo…"

"Gwapo pa naman si Baron Marvin. Sayang naman kung mamamatay na siya dahil sa Gemini. Bakit ba nila pinayagang sumali ang isang halimaw sa Battle of the Holy Grail? Hindi naman sila maituturing na mga tao!"

"Oo nga, pero kasalanan din naman niya kung bakit nagalit ang Unicorn Clan. At saka, kung hindi mo pa napapansin, kakaiba talaga ang Battle of the Holy Grail."

"Kakaiba?"

Habang nag-uusap ang mga Wizard, biglang nabaliktad ang sitwasyon!

Nanlaki ang mga mata ng lahat.

Sa magic screen, si Marvin na yayapusin na dapat ng lalaking Gemini ay biglang yumuko at lumusot sa ilalim ng mga braso nito na para bang isang pusa.

Bago pa man makahinga ng maluwag ang mga tao, bigla itong pumunta sa likod ng binti ng lalaking Gemini at nagpaikot-ikot, ibinalot nito ang kanyang mga paa sa baywang ng Gemini at biglang nagsalubong ang kanyang mga dagger!

"Alam kong hindi protektado ng Steel Skin ang leeg mo!"

Ginamit pa ni Marvin ang Burst para malampasan pa ni Marvin ang limitasyon ng kanyang katawan!

Ginamit niya ang kanyang pamilya na Thief combo

Nagpaikot-ikot ng mga dagger, nakatutok ang mga talim nito sa lalamunan ng lalaking Gemini!

Ikinagulat ng mga tao ang mabilis na pagkilos ni Marvin. Talaga bang may pagkakataon si Marvin na mapatay ito?

Makapigil hininga ang eksenang pinapanuod ng lahat.

"Klang!""Klang!"

Maririnnig ang dalawang magkasunod na kalansing ng bakal!

Natigilan si Marvin.

Nahawakan ng Gemini ang kanyang mga dagger!

Cutthroat Failed!

'Pucha! Hindi dalaga mapapantayan ng mga curved dagger ang attack speed ng mga straight dagger!'

'Kumain din ng oras ang papaikot ko sa mga ito kaya nagkaroon ng pagkakataon ang kalaban na salagin 'to.

'Yon ang tingin ni Marvin sa nangyari!

Ito ang combo na madalas niyang gamitin noong naglalaro pa lang siya, pero magkaiba ang mga Thief sa mga Ranger.

Tungkol naman sa bilis ng mga straight dagger, siguradong tatami ang Cutthroat na 'yon, at hindi na makakabawi pa ang kalaban!

Para palakasin ang curved dagger, kinailangang lakihan ni Marvin ang kilos niya para mas tumaas ang epekto ng Cutthroat.

Pero dahil dito, kaya pumalya ang kanyang atake. Nagdulot ito ng malaking butas sa atake ni Marvin.

Ang mga ordinaryong class holder ay hindi magagawang malusutan ang butas na 'yon.

Pero mas malaki ang kinaibahan kapag isang expertong may karanasan ang kaharap!

Halimbawa na lang, noong nakalaban ni si Diapheis, nagkamali rin ng pagtantsa si Marvin.

Isama mo pa ang nakakatakot na Gemini na kalaban niya ngayon. Hindi tinatablan ng mga pisikal na atake ang mga kamay nito kaya ginamit niya ito para pigilan ang mga dagger ni Marvin.

"Ahh!" Sigaw ng Gemini habang hawak ang mga dagger at hinila si Marvin para maalis ang pagkakakapit nito sa kanyang likuran.

Hindi na nagawang bitawan ni Marvin ang mga dagger bago siya walang awang hinampas sa lapag!

"Plop!"

Hindi niya napigilang dumura ng dugo. Dama ni Marvin ang sakit sa buong katawan niya. Malakas ang kanyang pagbagsak!

Tila naririnig niya ang pagkabali ng mga buto niya!

Masyado pa ring mababa ang constitution niya!

Ngumiti naman ng masama ang Gemini. Hinawakan nito ang mga kwelyo ni Marvin at gustong buhatin.

Muntik nang hindi makagalaw si Marvin!

Lumalabo na ang paningin niya sa lahat at hindi siya makahinga.

Sinubukan niyang iwasiwas ang kanyang dagger pero wala siyang magawa!

Mukhang masyado niyang minaliit ang lakas ng Gemini na 'to!

Hindi niya inaasahang magagamit laban sa kanya ang maliit na butas sa kanyang atake. Nanganganib na si Marvin!

Nahilo siya at wala siyang magawa dahil sa pagkakabagsak sa kanya.

"Hehe, masyadong matanda yung kinain ko kanina, eto mukhang mas masarap 'to."

Isang malalim na pagtawa ang maririnig mula sa lalaking Gemini, habang unti-unting bumubka ang kanyang bunganga at naghahandang kainin si Marvin!

'Mamamatay na ba ko?'

Halos mawala na sa ulirat si Marvin!

...

Natigilan ang lahat ng nanunuod sa Three Ring Towers

Ilan sa mga tao'y nagrereklamo na at sinasabing hindi dapat pinapayagan ang mga Gemini sa Battle of the Holy Grail!

Masyado silang abnormal, mayroong silang physical immunity at magic resitance!

Nakakatakot rin ang mga pamamaraan ng mga ito. Hindi na ito tugma sa tuntunin ng Battle of the Holy Grail.

Isa itong kompetisyon ng mga Wizard! Sa halip, si Marvin ang bumida at pinangibabawan naman ito ng isang Gemini!

Paano na ang mga Wizard? Ano na ang nangyari sa kanila?

Paano na ang pagiging prestihiyoso ng mga Wizard?

Halos hindi napansin ang tatlong Apprentice Wizard ng tatlong academy!

Bakit tila naging kompetisyon ito ng mga follower?

Hinding-hindi pa ito nangyari noon!

Kadalasan ang mga followers ay suporta lang sa Battle of the Holy Grail. Sinong makakapagsabing kabaliktaran ang mangyayari ngayon?

Si Wayne ng Magore Academy, para sa isang kakaibang plano, ay limang Lava Fireball lang ang inihanda!

Si Celina ng Thunder tower, nakipagtulunga sa Unicorn clan at hindi man lang nagpakita ng kanyang lakas.

At ang kaawa-awang Bergner na ginusto talaga ipakita ang kanyang lakas ay walang kahirap-hirap na dinispatya ng isang Gemini!

Isa na itong malaking kalokohan!

Isa-isang napailing ang mga Wizard. Ang iba nama'y pinaguusapan na kung dapat na ba nilang kanselahin ang pagsali sa susunod na taon.

Wala nang may pakielam sa kahahantungan ni Marvin.

Dahil para sa kanila, alam na nila kung ano ang katapusan nito!

Panalo na ang Thunder Tower. Papatayin na ng Gemini sa isang iglap ang magkapatid.

Pero sa isang sulok, isang dalaga ang galit na kinukurot ang pisngi ing isang matabang nilalang at sinasabing:

"Ding! Tulong, kung hindi ka pa gigising mahuhuli na ang lahat!"