Sa snow mountain, nagharap na ang tatlong kalahok na naiwan.
Malinaw naman na lamang ang duo ng Thunder Tower kumapara kay Bergner. Matapos kunin ni Marvin si Wayne para tumakas, naiwan ito para mag-isang harapin ang dalawa.
Napugutan na ng ulo ni Marvin ang kanyang Guardian, pero hindi pa niya ito alam sa ngayon.
"Sandali, may sasabihin ako." Umikot si Bergner, na sinusubukang lumayo sa dalawa, "Hindi ba sinubukan rin akong kunin ng Unicorn Clan niyo dati?"
"Pero tumanggi ka." Hindi nagsalita si Celina, bagkus ang lalakign nakatayo sa gilid ang sumagot habang nakangiti.
"Tama ka," sagot ni Bergner na pinipilit ngumiti.
"Pareho lang tayo ng kalaban, 'yung dalawang bata mula sa Ashes Tower, hindi ba? Hindi ba mas mabuti kung magtutulungan tayo?"
Dahan-dahan siyang naghandang umatras.
Nang biglang makikita ang sakit sa mukha ng Gemini, "Ahhh… Hindi k aba makakapaghintay?"
Agad namang natakot si Bergner. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng lalaking ito.
at biglang may payat na paang kulay puti ang lumabas mula sa katawan ng matipunong lalaki!
Umalingawngaw rin ang boses ng isang mapang-akit na babae, "Hindi ko na matiis. Gaano na nga uli katagal mula noong huli kang nakapatay? Hindi ba sayang 'to? Gusto ko na ulit makatikim ng dugo!"
Sa harap ng gulat na mga tao, pilit na lumabas ang isang babae mula sa katawan ng lalaki!
Konektado ang laman ng dalawang taong ito! At naghihiwalay na tila putik ang mga konektadong bahagi ng kanilang katawan.
Naging dalawang tao ang kanina'y iisang tao lang sa harap ng libo-libong manonood.
Kalbo ang babaeng 'yon at napakapangit ng itsura, wala itong suot ngunit tila hindi siya nilalamig.
"Zhh!" Biglang humaba ang kanyang mga kuko at naging matatalas na patalim.
"Oh ano pang tinatayo-tayo mo dyan?" Utos ng babae, "Patayin mo na siya!"
Walang nagawa ang lalaki na napakibit-balikat na lang ito at napailing. Ang kanina'y normal na bibig ay napuno ng matatalas na pangil, at biglang lumobo ang iba't ibang bahagi ng katawan nito na tila ba nagiging isang demon!
Kitang-kita ang takot sa mukha ni Bergner!
'Ano 'yang nilalang na 'yan?'
Pero bago pa man ito makapag-isip, "Woosh!" biglang napunta ang babae sa harapan niya.
Direktang bumaon ang matatalim nitong kuko sa magic armor nito!
…
Gemini!
Kinilabutan ang lahat ng taong nanunod sa tatlong tower.
Halos lahat ng mga noble ay alam na ginalit ni Marvin at Wayne ang Unicorn Clan kaya siguradong matitikman ng mga ito ang kanilang paghihiganti.
Kung tutuusin, napatay ni Marvin si White sa loob ng kompetisyon, kaya hindi gumawa ng kahit ano ang Unicorn clan para mapanatili ang relasyon nila sa Wizard clan.
Kaya mas pinili nilang makilahok na lang sa Battle of the Hol Grail.
Hindi na nangielam dito ang mga nakatataas ng Three Ring Towers dahil ayaw nilang maging masyadong mahigpit sa Unicorn clan. Sa kabilang banda, basta pumayag ang mga kalahok, wala itong problema.
Kaya naman inaabangan ng lahat kung anong klaseng nilalang ang ipapadala ng Unicorn clan.
Nilamig ang lahat sa kanilang natunghayan!
Isang Gemini ang pinadala nila!
Hindi ba't matagal nang naglaho ang race na 'to sa Feinan?
Paanong nangyari na mayroon ngayon sa loob ng Battle of the Holy Grail? At kasali ito ngayon bilang isang follower.
Saan naman nahagilap ng Unicorn clan ang kakila-kilabot na race na 'to?
Natural na marahas ang mga Gemini. Pinanganak silang mga hermaphrodite na kayang paghiwalayin ang kanilang mga katawa ngunit konektado sap ag-iisip. Walang papantay sa kordinasyon ng mga ito sa tuwing sila'y pumapatay.
Ang mga Gemini ay nanganganak mag-isa, ang mga bagong Gemini ay nabubuo dahil sa pagsasama ng lalaki at babaeng bahagi ng mga ito.
Dinispatya na ng Wizard Alliance ang mga nilalang na ito dahil sa labis na kagustuhan ng mga ito ng dugo.
Sa kasalukuyang Feinan, kakaunti lang ang innate killer na makikita.
"Siguradong nasa panganib na ngayon si Baron Marvin!"
Nakatulala lang ang mga manunood kay Bergner habang namamatay ito sa pinagsama pag-atake ng Gemini at ng witch na si Celina. Hindi mapigilang mag-alala ng mga ito sa kapakanan ng magkapatid.
...
"Mayroon na tayong tatlong susi, at mayroon na rin silang tatlo."
Dinampot ng babaeng Gemini ang susi at ibinato kay Celina at sinabing, "Mauna ka na sa tuktok, ako na ang bahala rito."
Hindi na nagreklamo si Celina. May kasunduan na sila ng Unicorn clan. Sa Battle of the Holy Grail na ito, susundin niya ang kanyang follower.
Kinuha niya ang susi at nagsimulang umakyat patungo sa tuktok.
Habang sinundan ng Gemini duo ang mga bakas na iniwan ni Marvin at Wayne!
Simple lang ang pakay nila: Ang brutal na patayon ang magkapatid na Marvin at Wayne!
"Hahaha… Naiinip na ko," ika ng babae. "Mukhang malambot at nakakatuwa ang maliit na wayne na 'yon."
"Sigurado akong masarap ang mukha niya…"
…
"Mag-ingat ka, mayroong pugad ng Snow Demon dyan," pabulong na paalala ni Marvin.
Pagliko nila, may ilang kakaibang anino ang maaaninag sa loob n yungib.
Tumango si Wayne.
Hindi lang naman basta-basta nagpaplano si Marvin. Bilang isang beteranong manlalaro, hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang nalampasan ang bahaging ito ng Battle of the Holy Grail.
Alam niyang nahahati sa dalawang rank ang bahaging ito. Ang Apprentice level at ang 2nd rank Wizard level ay may magkaibang hirap na pagdadaanan.
Pero pareho itong nakapagbibigay ng shortcut!
Ang Snow Demon Lair! Hindi ito natural na nabuo bagkus, binuo ito mismo ng Legend Wizard na si Leymann.
Nakatakda talaga dapat ang mga Snow demon para sa mga kalahok na 2nd rank Wizard, dahil sa bawat pugad, mayroong limang Snow Demon Leader. Ang limang Snow Demon Leader na ito ay 2nd rank lahat na mayroong napakalakas na fighting ability. Magdudusa ang sino man hindi pumunta rito nang handa.
At tanging si Leymann lang ang nakaka-alam ng impormasyong ito. Kahit si Hathaway ay hindi alam ang tungkol dito.
Nang sabihin ni Marvin ang tungkol dito kay Wayne, sinabi niyang galing ang impormasyon kay Hathaway. At dahil pakiramdam ni Wayne ay may espesyal na relasyon si Marvin at Hathaway, nakumbinsi siya nito.
Isang Half-Legend si Dame Hathaway. At walang alinlangan na gagawin ni Wayne ang planong inihanda ng kanyang nakatatandang kapatid!
Kaya naman maaga pa lang kahapon namili na ito ng mga spell na kanyang gagamitin. Kung nalaman ito ng ubang tao, magugulat ang mga ito!
Wala siyang piniling kahit anong 0-circle spell!
Anim na cast ng iisang 1st circle spell ang kanyang pinili. Ang pagrereserba ng anim na spell na 'yon hanggang sa makapasok sila sa yungib ay ang pinakamahalagang bahagi ng plano ni Marvin.
Dahil kahit na napakalakas ng Wizard class, mayroon pa rin itong kahinaan. Kapag naubos na nila ang kanilag mga spell, hindi na sila makakatuloy sa pakikipaglaban.
Kung tutuusin, mas maganda sanang gamitin na lang ang set up na pinili ni Hanzel. Dahil masyadong matindi ang set up ni Marvin.
Pero nakatakda naman kasi itong gamitin para sa matitinding sitwasyon!
Unti-unting naging malinaw ang mga aninong nasa harpan nila. At kahit na hindi makakita si Wayne, nagpatuloy pa rin sila sa pagbaybay sa yungib, sa tulong ni Marvin.
Sa di kalayuan, isang Snow Demon Protector ang nakatayo sa kalagitnaan ng yungib.
Mayroong ring nasa 5 o 6 na Snow Demon Protector sa likuran nito.
Ang mga Snow Demon Protector na ito ay mga 1st rank na nilalang lang. Hindi sila gaanong mapanganib para kina Marvin at Wayne.
"Mauuna nako!" Bumulong si Marvin, agad siyang gumamit ng stealth.
Maituturing ring kasukalan ang yungib ng Snow Demon, kaya naman walang penalty ang Stealth ng isang Ranger dito.
Idagdag pa rito na mababa lang ang perception ng mga Snow Demon.
Hindi nagtagal naka-abot na si Marvin sa likod ng Snow Demon at walang awa niya itong pinugutan ng ulo!
Gamit niya ang Blazing Fury!
Agad na bumagsak sa 0 ang HP ng Snow Demon. Biglang nabasag at naging neybe ang katawan nito.
Agad namang naramdaman ng iba pang Snow Demon na may mali, kaya agad na lumapitn ang mga ito na alerto at galit.
Hindi pa rin pinakilos ni Marvin si Wayne, dahil kaya na niyang tapusin ang mga Snow Demon na ito nang mag-isa!
Mahina lang ang katawan ng mga snow demon, pero mataas ang resistance nila sa karamihan ng mga spell. Subalit, wala silang kahit anong paraan para dumepensa laban sa mga pisikal na atake.
Napakasama ng mga nilalang na ito. Sinasabi na ang sino mang kaluluwa na mamatay dito nang hindi tama ay magiging isa sa kanila.
Kaya naman walang problema kay Marvin na pataying ang mga ito!
Swabeng-swabe lang ang pagdaloy ng kamay niya sa leeg ng mga Snow Demon. Sa isang iglap, nadispatya na rin niya ang natitirang 4 na snow demon.
"Tara na," Tinawag ni Marvin si Wayne.
Nagpatuloy ang dalawa.
Habang papasok sila, marami pa silang nakitang Snow Demon Protector ngunit hindi pa rin pinakilos ni Marvin si Wayne. Siya na ang mismong tumapos sa lahat ng mga ito.
Hanggang sa makasalubong sila ng isang Snow Demon na kakaiba.
Tila mas maliit ito kumpara sa normal na Snow Demon, pero mukhang mas matigas ang mga nyebe sa katawan nito!
"Ikaw naman," pabulong na sabi ni Marvin.
Tumango si Wayne, naglabas ito ng magic staff na tila isang ahas at maingat na inasinta ang walang kaalam-alam na espesyal na Snow Demon.
Sa susunod na sandal, isang malaking bola ng apoy ang namuo sa taas ng magic staff!
...
Ang hindi alam nina Marvin at Wayne, nagdulot na ng usap-usapan ang kanilang mga ginawa.
Pinanuod ng mga tao sa magic screen ang pagpasok sa kaloob-looban ng yungib na ito ng magkapatid. Walang kahirap-hirap na napatay ni Marvin ang hindi mabilang na Snow Demon na nakasalubong nila.
Hindi nila masyadong pinagtuunan ng pansin kung paano napatay nito ng walang hirap ang mga Snow Demons, bagkus ay nagtataka sila kung bakit pumasok sa yungib na ito si Marvin!
Tila baa lam niya kung ano ang nasa loob nito!
Takang-taka ang mga tao dahil dito.
At sa dami ng nakasalubong nilang Snow Demon, may isang bagay silang nakumpirma: hindi lang basta-basta nagpapaikot-ikot si Marvin sa yungib na ito, mayroon siyang pinupunterya.
Hindi maintindihan ng mga tao kung ano ang nangyayari.
Paanong nagawa ni Marvin na baybayin ang incomplete plane ni Leymann nang ganoon kadali lang?
"Nandadaya siya!" Sigaw ng isang tao.
"Halatang nandadaya siya! Mukhang may alam siya!"
Ilang boses pa ang sumuporta sa akusasyon na ito, pero karamihan ng mga tao'y hindi naniniwalang tutulungan ng Wizard na si Leymann si Marvin pra lang mandaya.
Dahil kung tutuusin, si Marvin ay kalahok na nagmula sa Ashes Tower, at hindi sa Thunder Tower.
....
Samantala, isang tao ang biglang lumitaw sa tukok ng Ashes Tower.
"Sig Leymann, ituturing ko bang panghahamon ito?" Seryosong initigan ni Hathaway ang matadang wizard na nanghimasok sa kanyang Wizard Tower.
"Hathaway, hindi naman ako mambabastos ng ganito kung hindi mo nilabag ang mga patakaran ng kompetisyon ito." Sumimangot ang matanda.
Paano niya nalaman ang tungkol sa Snow DemonL Lair?
Nagmamatigas naman sumagot si Hathaway ng, "Sa tingin mo ako ang nagsabi sa kanya noon?"
Hindi na nagkomento ang matandang lalaki tungkol doon. "Wag mong sabihing naniniwala lang nagkataon lang na pumasok sila dito?"
"Hindi." umiling si Hathaway na hindi maipinta ang mukha at seryosong sinabing:
"Sir Leymann, dapat mong malaman na hindi lang ako ang natatanging Seer sa mundo."