Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 86 - Feinan Era

Chapter 86 - Feinan Era

Nararapat lang kay Sean ang titolo niyang First Aid Master. Lumalabas na hindi lang pala siya blacksmith, kundi isa ring doctor.

Di nagtagal, natapos na niyang gamutin ang paa ni Marvin.

Kahit na kailangan pa ni Marvin ng saklay, sa tingin ni Sean ay gagaling na rin ito sa loob ng dalawa o tatlong araw.

Mukhang ayos na. Ang problema lang sa mga pinsalang natatamo sa laban, hindi ito tuluyang gumagaling, bagkus ay nag-iiwan pa rin ng bakas.

Sa ganitong larangan, lumabas na ang tunay na husay ng organisasyon ng mga Night Walker.

Kahit na labing-walo na lang silang natitira, maraming magagandang bagay si Sean bilang dating pinuno ng mga ito.

Kasama na dito ang ilang divine spell scroll at mga sikretong gamot.

Mahal ang mga gamot na 'yon, hindi nagdalawang-isip si Sean na gamitin ito kay Marvin.

Sa mga kinikilos nito, makikitang nakapagdesisyon na itong kunin si Marvin bilang apprentice.

Isang apprentice.

Pagkatapos malampasan ni Marvin ang unang pagsubok, nalaman nito kay Sean na kailangan niyang dumaan sa isang proseso para maging Night Walker. Mas kumplikado pa ito kesa sa inaakala niya.

Sa ngayon, isa pa lang siyang apprentice, at kakailanganin niyang dumaan sa isang taon ng trial period bago siya maging ganap na Night Walker!

Pero masyadong mahaba ang isang taon para kay Marvin!

Hindi niya inaasahan na ganito pala katagal ang aabutin!

Kung alam lang niya na aabutin ng isang taon ang trial period ng pagiging apprentice, hindi n asana niya pinili ang path na ito.

Pero mukhang napansin agad ni Sean ang pagkabahala sa mukha ni Marvin kaya agad niya itong pinakalma.

Pagkatapos magpaliwanag ni Sean, nakahinga ng maluwag si Marvin.

'Ahh. Ganoon pala.'

Sa sumunod na dalawan araw, nagpahinga lang si Marvin sa pandayan. At sa mga oras na 'yon, nakilala niya ang anak ng blacksmith na si Jane. Humingi ito ng tawad kay Marvin, at kitang-kita ang hiya nito sa kanyang ginawa.

"Hinahanap mo pala talaga ang tatay ko… Akala ko kasi…" Nahihiyang sabi ng babae.

"Wala 'yon, mas mabuti nga ang katulad mong handa. Siya nga pala, ang sarap noong niluto mong lugaw." Ngumiti si Marvin.

Namula si Jane, kaya humanap ito ng rason para umalis. Wala naman ito kay Marvin. Hindi naman siya pumunta rito para mambabae. Mas gusto pa niyang matutunan ang craftsmanship ni Sean.

Pero bigla niya ring napagtanto na kailangan ng White River Valley ng magaling na tailor.

Pagkalipas ng dalawang araw, sa tulong ng iba't ibang sikretong gamot mula sa oraganisasyon, gumaling na si Marvin.

Malusog at maliksi na ulit siya.

Nang makita ito ni Sean tinanguan nito si Marvin, nangangahulugan na oras na.

Dahil sisimulan na ang ikalawang pagsubok.

Madaling araw, sa bakuran ng pandayan.

"Hindi ko alam na may basement pala rito."

Sinundan ni Marvin si Sean pababa sa basement.

Mayroon itong paikot na hagdan pagpasok at mga kandilang kumukura-kurap.

Medyo mapanglaw sa loob. Maririnig na parang may taong tila kumakanta ng awitin noong unang panahon.

"Isang lihim na organisasyon ang mga Night Walker. Kakaunti lang ang nakaka-alam tungkol sa amin.

"Alam ba 'to ng anak niyo?" Tanong ni Marvin.

"Bata, kapag may binanggit ka kay Jane tungkol sa mga Night Walker… Maniwala ka sa akin, kahit na halos kalahati na ang nawala sa lakas ko, kaya pa rin kitang durugin," pagbabanta ng matandang blacksmith.

Nagkibit-balikat lang si Marvin. Hindi niya masyadong pinansin ang pagbabanta dahil hindi naman siya natatakot. "Hindi tanga si Jane, at sa totoo lang, matalino siya. Hindi niyo maitatago ang lahat ng 'to sa kanya."

Saglit na natahimik ang blacksmith, skaa ito napa-iling. "Ayoko lang naman na mapahamak siya."

"Kung maaari siyang manatiling mamuhay ng tahimik, mas mabuti."

"Mahirap ata 'yon," komento ni Marvin.

"Bata, ano ba talaga ang nakita mo?" Hindi na napigilang magtanong ng blacksmith, "Nakita niya raw ang pagkawasak ng mundo, eh ikaw?"

"Isang kalamidad." Hindi na kinaila ni Marvin ang kanyang nakita. "Walang makakaligtas. Kaya kung gusto mong mamuhay ng tahimik si Jane, ikinalulungkot ko pero hindi niyo gugustuhing manatili sa Oak Town."

Tiningnan ni Sean si Marvin na tila hindi makapaniwala at sinabing:

"Nandito na tayo."

Nakarating na nga sila sa kanilang pupuntahan.

Sa dulo ng hadgan mayroong isang makipot na silid.

Sa isang sulok ng kwarto, may isang itim na itim na litrato.

Iisa lang ang laman nito. Isang pares ng mata at mahinang liwanag sa ilalim nito.

May Nakasalansang mga buto sa liwanag at ang mga taong nakatungtong dito ay naghihirap at naghihinagis

Kahit na simple lang ang litrato, kay Marvin, malaki ang kahulugan nito!

"Eto ang…"

"Eto ang mga tao ng ancient era na naghihirap noong Eternal Night," mataimtim na sabi ni Sean. "Lumabas mula sa kadiliman ang Night Monarch at pinagtanggol ang Feinan, hindi niya hinayaang makapasok ang mga halimaw at mga tagalabas.

"Ang Ancient Era?" Nagulat si Marvin.

Sa katunayan, wala siyang masyadong alam tungkol sa night monarch. Bihira siyang mabanggit sa laro. Ngayon niya lang maririnig ang iba pang detalye tungkol dito.

Magmula nang mag-transmigrate si Marvin, hindi pa lumilitaw ang tunay na katawan ng Night Monarch.

Base sa nalalaman ni Marvin, nahahati sa apat na era ang kasaysayan ng Feinan.

Una, ang primal chaos and order. Bago ang pagdating ng Wizard God na si Lance, ang magic power ng Feinan ay binubuo ng pagsasanib ng power ng order at chaos. Nakalilikha ito ng buhay.

Noong panahon ng chaos era, kakaiba ang oras ng umaga at gabi ng mahabang panahon. Halimbawa na lang ang 4 hanggang 5 taon ng tuloy-tuloy na gabi.

Ito ang tinaguriang legendary eternal night.

Dito sa era na ito raw umusbong ang Night Monarch. Sabi ng iba isa siyang masamang taong nagmula sa kailaliman ng mundo, habang ang iba naman ay sinasabing incarnation ito ng Wizard God na si Lance.

Pero ang katunayan, ayon sa kasulatan, mas nauna raw lumitaw ang Night Monarch kesa sa Wizard God.

Natapos ang chaos ang order era sa pagdating ni Lance.

Ginawa ni Lance ang Holy Grail at nilikha ang Universe Magic Pool. Dahil dito'y naging mas maayos ang mundo.

Noong mga panahon ding 'yon ipinanganak ang unang nature god ng Feinan, si Fertile. Si Fertile ay isa sa mga high elf ng Feinan. Naging elven god ito dahil sa hindi malamang pamamaraan. Maganda ang naging samahan nito at ni Lance.

Noon din ay abala si Lance sa pakikipaglaban sa isang halimaw na mula sa labas. Panandalian nitong ibinigay ang Feinan kay Fertile.

Bigla naman naging dominante ang mga high elf at pinagharian nila ang lahat.

Ito na ang dakilang 2nd era. Tanging mga elf lang ang nakatataas at mas mababa na ang iba pang nilalang.

Hindi nagustuhan ng elven god ang ganito kaya nilisan niya ang Feinan, tinulungan na lang nito si Lance sa paglaban. Kalaunan ay natulog ito ng napakahabang panahon. Nang umalis ang mga elf, nagsimula na ang 3rd era, ang era kung saan naglaban-laban ang lahat para sa kapangyarihan. Ito rin ang panahon na umusbong ang tatlong fate tablet.

Naging god ang mga taong nakakuha ng bahagi ng mga tablet.

Karamihan ng mga god sa puntong ito ay nabuo dahil sa kapangyarihan ng mga fate tablet noong 3rd era, bukod pa rito ang unang henerasyon ng mga sinaunang gods, at ilang nature god.

Pagbalik ng Wizard God sa Feinan, ito na ang simula ng wizard era, dahil dito'y biglang umangat ang mga tao.

Sa 4th era rin muling umalis ang Wizard God. At ngayon mukhang permanente na ang pagkawala nito.

Biglang hindi na mapakali ang mga god na umusbong noong 3rd era.

Dahil ayon sa propesiya, nasa loob ng universe magic pool ang 4th tablet, pero kailangan nilang wasakin ito para makuha. Kapag nasira na ito, sila na ang maghahari sa Feinan.

Kaya naman, unti-unting natapos ang 4th era na puno ng kaguluhan at takot. Unti-unting nagsimula ang bagong era.

….

Dahan-dahang dumaloy ang mga alaalang ito sa isipan ni Marvin.

Naging mas malinaw sa kanya ang imaheng nasa harap niya.

"Simulan na natin. Isang taong apprenticeship. Sana'y kayanin mo."

"Gusto kong malaman mong kailangan ng pasensya at pagtyatyaga mula sa puntong ito!"

Hinawakan ni Sean ang isang mata, at sumenyas kay Marvin na gawin din ito.

Bigla itong nagsimulang magbigkas ng incantation na hindi maintindihan ni Marvin.

Kumplikado ang incantation na tumagal ng humigit kumulang tatlong minuto.

Nang biglang naramdaman ni Marvin na umiinit ang kanyang palad at naramdaman nitong may pwersang humuhila mula sa mata!

Hinigop siya papasok sa imahe!

Kadiliman.

Mayroong darksight si Marvin, pero wala siyang makita dito!

Ito ang [Eternal Night Paradise], na kasama sa incomplete plane ng Night Monarch!

Kailangan dumaan ni Marvin sa isang taong apprenticeship sa incomplete plane na ito.

Ang maganda lang dito, iba ang takbo ng oras dito.

Ang isang taon dito'y katumbas ng isang araw sa Feinan!

Ito ang dahilan kung bakit ipinagpatuloy ni Marvin ang advancement ng Night Waker. Kung hindi, babalik na sana siya sa Three Ring Towers para sa Battle of the Holy Grail.

Pero kahit na ganoon,magiging mahirap pa rin lampasan ang isang taon.

Dahil tuloy-tuloy na tatakbo ang oras dito.

"Anong kailangan kong gawin?" Tanong ni Marvin.

Umalingawngaw mula sa malayo ang boses ni Sean. "Apprentice kita kaya malamang lang na may ipapagawa ako sayo."

"Anong binabalak mo?" Tanong ni Marvin.

"Clang! Clang!"

Maririnig ang tunog ng bakal mula sa malayo.

"Isa akong blacksmith," sagot ni Sean.

"Halika rito! Magiging matalik mong kaibiga ang pugon at martilyo sa taong ito!"