Sa dilim, nagliliparan ang mga baga, kasabay ang tunog nag paghampas ng martilyo sa bakal.
Tuloy-tuloy ang pagliyab ng pugon habang dinadagdagan pa ng uling ni Marvin na nababalot ng dumi ang katawan.
"Masyadong marami ang nilalagay mo!"
"Hindi laging mas mabuti ang mas mainit!"
Nagiging mas iritable si Sean sa tuwing nagsisimula na siyang magtrabaho.
Kahit na tao ang lalaking 'to, kasing bilis naman ng dwarf ang pag-init ng ulo nito. Bukod sa maikling pasensya nito, malakas rin ito uminom.
Bilang si Marvin ay apprentice niya, siya lang ang nauutusan niya sa kakaibang incomplete plane na 'to.
Wala siyang magawa kundi tiisin ito!
Dahil ito ang kanyang kailangan gawin para sa kanyang advancement. Bilang isang kaawa-awang blacksmith apprentice, kailangan niyang matutunan ang blacksmithing skill ni Sean sa loob ng isang taon!
May pagbabago na rin sa kanyang quest menu. Natapos na ang unang Gawain at nakuha na niya ang 1500 general exp.
Pinapakita na nito ang ikalawang gagawin para sa advancement quest. 2000 general exp naman ang maari niyang makuha dito at magiging kwalipikado na siyang umusad sa susunod na pagsubok.
Hindi niya maiwasang isipin na ang laking pagpapahirap nito!
Isang buong taon niyang kailangan sundin at tulungan si Sean.
Bukod sa ilang oras ng pagpapahinga at pagkain, wala na itong ibang ginawa kundi humarap sa pugon at martilyo!
Hindi nagbibiro ang matandang blacksmith.
Sinusubok ng pagsubok na ito ang hangganan pasensya ng isang tao!
Mabuti na lang at hindi nagpapatinag si Marvin!
Dahil tinanggap na niya ang hamon na ito, hindi siya basta-basta susuko sa kalagitnaan!
Wala nang ibang alam na paraan si Marvin para makuha ang ibang ranger advancement, tanging Night Walker lang.
Pero sa huli, nauwi sa pakikipagtalo si Marvin sa matanda!
Maghapong minumura nito si Marvn at sinasabing mukhang babae, mahina, at hindi karapat-dapat.
Ang tunay na lalaki, siya mismo ang gagawa ng kanyang sandata!
Hindi siya nagreklamo at tahimik na ginawa ang inuutos nito!
Mahina talaga ang kanyang constitution.
Hindi rin sapat ang kanyang lakas.
Pero kahit papaano, nakakatulong talaga ang forging.
Lumipas ang mga panahon. Noong unang buwan, kinakaya pang magtimpi ni Marvin kahit murahin siya pagkatapos niyang mag-forge.
Noong ikatlong buwan, naging iritable na rin si Marvin. Sa tuwing mumurahin siya ng matanda, mumurahin niya rin ito pabalik. Bukod pa dito, gumagamit siya ng kung ano-anong insult na kung minsan ay natatahimik na lang si Sean.
Pag-abot ng anim na buwan, wala na siyang pakielam. Basta uulitin na lang niya ang mga pinapagawa sa kanya ng matanda!
Ni hindi na siya nagtatanong kung anong susunod na ipapagawa nito!
Para sa kanya, ang bawat ore ay pare-pareho lang, at bawat forging technique ay pare-pareho lang rin.
Isa siyang overloard. Alam niyang pagnakaalis na siya sa lugar na ito, malamang ay hindi na niya kailangan gumawa ng kahit anong may koneksyon sa pagiging isang blacksmith.
Pero kahit na ganoon, sa hinaba-haba ng kanyang pagsasanay, hindi lang niya nakuha ang life class na [Blacksmith], sobrang bilis na ring tumaas ng kanyang experience.
Hindi man naglaan ng kahit anong experience sa class na ito si Marvin sa loob ng nakakabaliw na taon na to, nakaabot na agad siya sa [Intermediate] na rank!
Kung tama ang pagkakatanda ni Marvin, lahat ng magagaling na blacksmith ng White River Valley ay mga Intermediate Blacksmith!
'Nakakatawa. Naging Intermediate Blacksmith talaga ang overlord na 'to.'
'Isang Blacksmith Overlord… Ako lang ata ang ganito sa buong Feinan!' Pang-aasar ni Marvin sa kanyang sarili.
"Klank!" paulit-ulit na umaalingawngaw ito sa tenga ni Marvin. Halos mabaliw na siya sa dami ng beses niyang narinig ang tunog na ito.
Noong ikahuling buwan, hindi na tinuruan ni Sean si Marvin ng kahit anong forging skill. Sa halip, nagsimula na itong gumawa ng sandata.
Tanging pag-alalay lang kay Sean ang nagawa ni Marvin.
Isang bagay lang ang nasa isip ni Marvin, ang matapos na kaagad ang apprenticeship na 'to!
Sandali pa lang si Marvin sa Feinan mula noong nag-transmigrate siya at hindi niya inaakalang mananatili siya ng isang taon sa incomplete plane ng Night Monarch!
Kung hindi iba ang takbo ng oras dito, siguradong di na nag-aksaya ng oras dito si Marvin.
Pero nakakabagot pa rin dito.
"Kumag! Anong tinitingnan mo dyan? Wala kang makikita sa lugar na'to."
"Ikuha mo ako ng lava rock, bilis!"
"Pati 'yang scroll sa istanteng nasa likuran mo!"
Sa dami ng inuutos ni Sean, nawalan na ng gana si Marvin at basta na lang niya itong sinusunod.
Kalaunan, nabubuo na ang ginagawang sandata ni Sean.
Pero di nagtagal, hindi na pinatulong ni Sean si Marvin. Pinag-ensayo na lang niya ito ng kanyang blacksmithing skill sa isang malayong pugon
Walang magawa si Marvin kundi sumunod.
'Bakit ba napakamalihim ng matandang 'to?' Tanong ni Marvin sa kanyang sarili habang nababagot niyang pinupukpok ang isang ore.
…
Patuloy lang na lumipas ang panahon sa pagsubok na 'to.
Noong kanilang huling araw, tinawag ni Sean si Marvin.
Isang bagay na hindi maaninag ang nakalagay sa istante ng sandata.
Natatakpan ito ng tela.
"Binabati kita, bata. Tapos na ang apprenticeship mo." Pagod na sinabi ni Sean.
"Nagawa mong tiisin ang isang taon. Karamihan sa mga kabataan ngayon, ay maiikli na ang pasensya."
Wala talaga… tahimik na panunuya ni Marvin. Hindi niya kaugali ang ibang mga bata. Alam naman niyang bahagi lang ito ng pagsubok ni Sean, wala namang nakasama bagkus ay marami siyang napulot dito!
Sa isang taong pag-forge, 15 anyos na si Marvin at tila nag-iba na ang itsura.
Ang pinamahalagang pagbabago ay ang paglaki ng kanyang mga braso at dibdib! Tumangkad rin siya ng kaunti.
Kitang-kita ang mga pagbabagong ito sa kanyang stats. Sa loobng isang taong pagsasanay, tumaas ng 1 puntos ang kanyang strength at tumaas namang ng 2 puntos ang kanyang constitution!
Nakakuha siya ng 3 attribute point sa loob ng isang taong pagsasanay!
Hindi mangmang si Marvin. Hindi ordinary ang mga forging technique na itinuro sa kanya ni Sean.
Siguradong may nakatagong pamamaraan ng pagpapataas ng strength at constitution sa mga 'to, kaya naman ganoon kaganda ang naging epekto.
Tatlong attribute point! Kailangan mag-level up ng 6 na beses para lang makakuha ng ganoon kataas!
Kahit na hindi lang basta-basta ang lahat ng kanilang ginawa, lumakas ng kaunti si Marvin dahil sa pagpasa niya ng pagsubok ni Sean.
At hindi na ganoon kababa ang kanyang constitution kaya hindi na siya kasing hina tulad ng dati!
Tamang-tama naman ang dating ng 2000 na general experience. Mag-aadvance na siya kaya kailangang-kailangan niya ng experience.
Sa kabuuan, mayroong tatlong pagsubok ang mga advancement quest. Nalampasan na niya ang dalawa, at makaka-advance na siya pagkatapos ng ikatlo.
Kapag nangyari 'yon, kailangan niya ng malaking experience para ma-acivate ang kanyang advance class!
Ayaw naman ni Marvin na natapos nga niya ang kanyang advancement quest, tapos wala naman siyang sapat na experience para i-unlock ito.
…
"Ang pagkakaroon ng mahabang pasensya at pagiging matyaga ay mga kinakailangang katangian ng isang Night Walker.
"Bilang ganti sa iyong pasensya at pagtyatyaga, ito ang regalo ko sayo. Kilalanin ka man ng Night Monarch bilang isang Night Walker o hindi, ito ang regalo ko sayo."
Itinuro ni Sean ang sandata sa istante at kinuha ito.
Natigilan si Marvin.
Hindi niya inakalang ibibigay pala sa kanya ni Sean ang sandatang matagal nitong pinaghihirapan.
Kahit na tinutulungan niya ito, alam niyang para mabuo ang sandatang ito, kinailangan gumamit ni Sean ng maraming mahahalagang material at enerhiya.
"Wag kang masyadong matuwa," suminghal ni Sean. "Ito na siguro ang huling magic item na gagawin ko sa buong buhay ko."
Magic Item!
Nagulat si Marvin!
Agad niyang tinanggal ang asul na tela!
May curved dagger ito sa ilalim!
Kulay pula ang curved dagger, napakatalas ng talim nito, mainit din sa pakiramdam hawakan ito.
'Dahil ba 'to sa lava rock?'
Hinawakan ni Marvin ang curved dagger at naramdaman niya ang kapangyarihan nito.
"Blazing Fury ang pangalan niya." Kuntentong tiningnan ni Sean ang kanyang nilikha. "Kayang tapatan niyan kahit ang gawa ng mga Dwarven Master Blacksmith."
Tumango si Marvin. Matapos gamitan ito ng inspect, lumabas ang mga property nito sa window:
[Blazing Fury]
Quality: Magic
Attack: 13 – 18
Effect: Armor Break +7
2nd Effect: Shatter +7
Extra spell – [Blazing Fury] (Daily uses: 1)
Extra spell – [Arcane missile] (Daily uses: 3)
…
Magic weapon!
Ito ang unang magic weapon ni Marvin mula noong nag-transmigrate siya.
At isa itong napakatalas na curved dagger!
Hindi na maipaliwanag ang nadarama ni Marvin.
"Sal.." Gusto niyang pasalamatan si Sean sa reagalo, pero bigla nitong sinabing, "Kunin mon a ang mga gamit mo, aalis na tayo!"
"Nakakaubos ng enerhiya ang pagpapanatiling naka-activate ng incomplete plane ng Night Monarch!"
Bigla nitong hinila si Marvin at agad na umalis sa [Eternal Night Paradise].
Nakabalik na ang dalawa sa basement, at bumalik sa pandayan ng blacksmith.
Gabing-gabi na at tahimik na ang lahat. Walang nagbago dahil isang araw lang naman silang nawala.
Pero pakiramdam ni Marvin napakahabang panahon na ang lumipas.
"Tara na. Ihanda mo ang sarili mo," biglang sabi ni Sean. "Malapit nang magsimula ang huling pagsubok."
"Kailangan mong malampasan ang pagbibinyag ng Night Monarch!"
"Kailangan natin pumasok sa Thousand Leaves Forest. Sumunod ka sa akin!"