Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 80 - The Thieves Society

Chapter 80 - The Thieves Society

Ibang-iba sa magulong pandayan ang kwarto sa likod nito.

Maayos at malinis ito. May painting na nakasabit sa pader na mukhang madalas linisin.

Mayroong labing-walong kandilang nakasindi. Parang lagi lang nakasindi ang mga ito.

Nagmasid si Marvin. Kahit na hindi gaanong mahaba ang mga kandila, mukhang di naman ito tinatablan ng apoy.

"Kung makikita mo, labing-walo na lang ang natitirang Night Walker sa Feinan, kasama na ako doon."

"Nababawasan kami araw-araw. Sa tuwing may namamatay na kandila, ibig sabihin ay may Night Walker na namayapa na." Sabi ng matanda.

Tumango lang si Marvin. Nang may mapansin itong isang kandilang nakapatay katabi ng labing-walong kandila.

"Siya ang miyembrong kamamatay pa lang. Hindi ko pa naililibing ang kandila niya," Malungkot na sabi ng matanda.

"Kung hindi lang nawala ang fighting ability ko, ipaghihiganti ko siya."

"Pinatay siya ng Crimson Patriarch ng Twin Snakes Cult. Minamanmanan niya ang mga ito nang mahulog ito sa patibong nila."

"Kung gusto mo talagang maging Night Walker, ikaw ang papalit sa posisyon niya."

"Kaya dapat patayin mo ang Crimson Patriarch. 'Yon ang kailangan mong gawin. Naiintindihan mo?"

Mahinahong tumango si Marvin.

Alam niyang hindi lang ganoon ka-simple ang Night Walker na class.

Hindi lang sila basta organisasyon, tila may misyon silang bantayan ang Feinan.

Mas nagkakaisa sila kumapara sa iba. "Brother" ang tawag nila sa isa't isa.

Sila'y mga tauhan ng Night Monarch noong mga nakalipas na era at mayroong silang pinaniniwalaang ancient creed.

Sa panahon ng kapayapaan mamumuhay sila ng mag-isa. At pagdating ng tamang panahon, ipapamalas nila ang kanilang kapangyarihan sa buong mundo.

Wala talagang gaanong alam si Marvin tungkol sa mga Night Walker. Noong naglalaro pa lang siya, alam niya lang na mayroong kasabihan na lumalabas sa tuwing lalabas ang class na ito.

Night is coming.

Ang tatlong salitang ito ang salawikain ng organisasyon ng Night Walker. Isa rin itong propesiya.

Sa madaling salita, kakaiba ang organisasyong ito. Mga alagad sila ng hustisya na nagkukubli sa dilim.

"Pero sa ngayon, hindi mo pa pwedeng malaman ang mga bagay na 'to."

Inalis ng matandang lalaki ang tingin sa mga kandila.

"Totoong may kakaibang potensyal ang mga seer. Pero hindi lahat ng seer ay nagiging isang Night Walker."

"Kailangan mong dumaan sa mga pagsubok para malaman naming ang iyong mga kakayahan, pagkatao, willpower, at iba pa. Pero maaari kang mamatay sa mga pagsubok na 'to. Naiintindihan mo?"

Desididong tumango si Marvin.

Kung di niya malalagpasan ang mga pagsubok na 'to, magiging isang walang kwentang Ruler of the Night siya.

"Mabuti naman."

Nakita ng matandang lalaki ang paninindigan ni Marvin. Ito ang unang beses na pinuri niya ito.

Walang pakiealm ang mga Night Walker kung saan ka nagmula. Ang mahalaga lang sa kanila ay sundin ang kanilang creed at protektahan ang Feinan pagsumapit na ang gabi.

At dahil dito, maraming iniwang kayamanan ang Night Monarch simula pa noong unang panahon.

May binuksang pinto ang matanda. Mukhang ginagamit ang kwartong ito sap ag-oopera.

"Bago ang unang pagsubok, may ibibigay ako sayo."

"Pumasok ka, humiga, at wag magisip o gumawa ng kahit ano."

Medyo kinabahan si Marvin pero sinunod pa rin niya ang utos ng matanda.

Humiga siya sa upuan, na para bang isang pasyenteng naghihintay na bunutan ng ipin.

May hinanap ang matanda, saka ito pumunta sa likuran ni Marvin.

"Ano mang makita mo, huminahon ka lang," walang emosyong sinabi ng matanda.

"Mga ilusyon lang ang mga ito."

Sa susunod na sandal, biglang nagdilim ang paligid.

May itim na piring ang nakatakip sa mata ni Marvin.

Bigla itong nakaramdam ng sakit sa kanyang mga mata, at naririnig niyang may binubulong na chant sa may tenga niya ang matanda!

Pakiramdam niya'y umiikot ang mundo niya!

Matinding sakit ang naramdaman ni Marvin, parang naninigas ang buong katawan niya.

Pero hindi siya gumalaw.

mahigpit niyang tinikom ang bibig at ngipin, may likidong nanggagaling sa kanyang mga mata. Hindi siya sigurado kung luha ba ito o dugo.

Nagsimulang lumabas ang mga ilusyon sa harap niya.

Isang mainit at naglalagablab na bola ng apoy ang umiikot sa harap niya. Makikita sa loob ng bola ng apoy ang isang madilim na anino.

Walang emosyong makikita sa mukha nito at napakatuso. May hawak itong dagger sa kamay at biglang nawala.

Pero nandoon pa rin ang anino.

Nakita ni Marvin ang sariling likod niya. Biglang lumitaw ang anino at ibinaon ang dagger sa likod niya!

Bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit sa kanyang dibdib.

'Ilusyon lang 'to!' sabi niya sa kanyang sarili.

Pero hindi man lang nabawasan ang sakin na nadarama niya. Kilala niya ang lalaking 'yon; siya ang shadow prince!

Halos isang oras na nagpasalit-salit ang nararamdamang sakit sa mata ni Marvin at ang mga ilusyon bago tuluyang sabihin ng matandang tapos na ito.

Tinanggal ang piring. At parang naligo sa pawis si Marvin.

"Masyadong mababa ang contitusyon mo," dismayadong sabi ng matanda. "Dapat kang matutong magpanday."

Pilit na ngumiti si Marvin habang pilit na binubuksan ang mga mata. Malabo ang kanyang paningin.

"Anong nangyari… sa mga mata ko?"

Kumurap siya. Malabo lang sa simula pero bigla ring luminaw ang lahat.

'Sandali!'

Nasa dilim pa rin sila!

"Paano ka magiging isang Night Walker kung wala kang dark vision?"

"Mas kapaki-pakinabang ang mga matang ibinigay sa atin ng Night Monarch kumpara sa simpleng dark vision na nakuha dahil sa pagtira lang sa ilalim ng lupa."

"Kaya dapat mong maranasang gamitin ang mga ito."

"Oras na para sa unang pagsubok mo."

May inabot na scroll ang matanda kay Marvin.

Tinitingnan ni Marvin ang paligid niya, magkahalong gulat at tuwa ang nararamdaman niya!

Nakatanggap ba talaga siya ng Darksight?

Tiningnan niya agad ang kanyang logs.

[You accepted the Night Monarch's blessing…]

[Illusion test in progress…]

[Pain test in progress…]

[You received Darksight!]

Darksight pala! Hindi dark vision!

Ang dark vision at nagbibigay kakayahan na makakita sa dilim sa tulong ng magic o ng mga item. Limitado rin ang abot nitong distaynsya.

Kahit na mayroong dark vision, hindi ito nangangahulugang malinaw mong makikita ang kapaligiran.

Pero iba ang [Darksight]!

Sa madaling salita, walang pinagkaiba ang nakikita niya, maliwanag man o madilim, parehong malinaw ang paningin niya. AT kapag naging Night Walker na siya, mas malayo at mas malinaw pa ang makikita niya.

Ito ang tunay na lakas ng mga Night Walker.

Sa malalayong lugar, sa mga misteryosong bansa, mayroong infrared vision kung tawagin ang mga dark elf, ang ibang high level fighter naman ay mayroong [Improved Hearing] at [Blind Fighting] at kung ano-ano pang skill. Pero walang binatbat ang lahat ng ito kapag kinumpara sa Darksight.

Kahit pa ang darkness type na blinding skill ay walang magagawa kapag itnapat na sa darksight!

Mula sa putong 'yon, hindi na mahahadlangan ng dilim ng gabi si Marvin.

Pinakalma ni Marvin ang sarili matapos na matuwa sa nangyari.

Mas malalakas pala ang mga Night Walker sa mundong ito kumpara sa mga nasa laro lang. Hindi lang ang organisasyon mismo, kundi pati na ang ipinamana ng Night Monarch ay mahirap mapantayan.

Kapag naging Night Walker siya, hindi lang siya magkaka-advance class, makakasali rin siya sa isang makapangyarihang organisasyon.

Hindi naman nakakasagabal ang layunin ng organisasyon sa mga personal na layunin ni Marvin. Halos pareho lang ang mga ito.

'Kailangan ko pa ring malagpasan ang mga pagsubok. Mahirap daw ang mga pagsubok ng Night Walker,' sabi ni Marvin sa kanyang sarili.

Binuksan niya ang scroll.

May nakasulat dito na kailangan niyang gawin. Nagbago ang mukha ni Marvin nang matapos itong basahin!

Samantala, may isa pang [Advancement – Night Walker] quest ang lumabas sa kanyang quest menu!

Ibig sabihin, mula nang makuha niya an darksight, nagsimula na ang kanyang advancement at hindi na siya maaaring umurong.

[Advancement – Night Walker]

[Mission 1: Ability Check]: Bawat Night Walker ay mga piling-piling expert. Mag-isa silang nagtatrabaho lalo kapag gabi, at walang panapat ang ibang class sa kanila. Para maging isang Night Walker kailangan mong magpakita ng kakaibang lakas.

[Mission Objective: Marcus Thieves Society.]

[Mission Requirement: Patayin ang lahat ng miyembro ng Thieves societ na nakalista.]

[Time Limit: Isang linggo.]

[Mission Reward: Pagpasa sa unang pagsubok – 1500 general exp.]

Sa baba nito makikita ang detalye tungkol sa misyon. Nasa isang burol sa dakong kanluran ng Oak Town ang Marcus Thieves Society, nasa hangganan sila ng Deathly Silent Hills.

Mayroong limang miyembro ang thieves society. Lahat sila'y mga expert sa solo fight. Binuo nila ang thieves society dahil sa iba't ibang klaseng arrest warrant na mayroon ang bawat isa sa kanila.

Sa madaling salita, mga mapapanganib na tao ang grupong ito.

Pero gusto pa rin ng matandang mapatay ni Marvin ang limang ito sa loob ng isang linggo!

'Mukhang mahihirap.'

Sumimangot si Marvin, pero hindi ito nag-atubili at agad na umalis sa pandayan. Sinamantala niya ang gabi para simulan na agad ang misyon.