Buhay na buhay pa rin ang business district kahit gabing-gabi na.
Isang bata ang lumabas mula sa likod ng Black Dragon Tavern.
Nag-aabang lang sa dilim si Marvin sa di kalayuan.
"Eto na ang impormasyong hinihingi mo." Tila ba takot ang bata pero lumapit pa rin ito at may iniabot kay Marvin.
Tiningnan ag ani Marvin kung may bahid ng pamemeke ang iniabot ng bata. Saka niya ibinato ang isang pirasong ginto sa bata.
Makikita ang kasakiman sa mata ng bata.
Agad nitong kinuha ang gintong barya at itinago sa kanyang sapatos.
"Alam mo na ang mangyayari sa iyo kapag may mali sa impormasyong ibinigay mo," seryosong sinabi ni Marvin sa bata.
"Sigurado akong tama ang mga 'yan! Madalas magpunta ang mga lalaking 'yan sa amin, at sa tingin ko katrabaho nila si boss."
"Aalis muna ako, basta tama ang impormasyong 'yan." Bulong ng bata.
"Hindi ikaw ang unang naghanap ng impormasyon. Maraming bounty hunter ang naghahanap sa mga taong 'yan."
"Kaso tuso talaga ang mga 'yan. Ang maisisgurado ko lang sayo ay tama ang ibinigay kong impormasyon pero di ko masisigurong magtatagumpay ka."
Tumango ito at lumapit sa bata.
Hindi na nakapagsalita pa ang kaawa-awang barman, hinataw ni Marvin ang batok nito gamit ang kamay.
Nawalan ng malay ang bata.
"Pasensya na. Hindi naman sa wala akong tiwala sayo, pero kailangan mo munang matulog habang sinisigurado kong tama ang mga ito," bulong ni Marvin.
Hinila ni Marvin ang ang bata at itinago sa dilim.
…
Kahit ano pa ang sitwasyon, mahalaga ang tamang impormasyon.
Lalo na sa isang assassination.
Nasa Wild Hill ang headquarters ng Markus Thieves Society. Baka hindi makita ni Marvin ang daan patungo sa kanilang headquarters.
Maraming pangangailangan ang mga tao, kasama na dito ang mga miyembro ng Markus Thieves Society. Madalas nilang iniiba ang kasuotan nila kapag pupunta silang Oak Town. Hindi disiplinado ang mga tao doon kaya mabilis na kumakalat ang balita.
Katulad na lang nang makakuha agad si Marvin ng impormasyon kahit isa siyang estranghero at kakarating lang niya sa lugar.
Hindi ito pangkaraniwang nangyayari.
Madalas ay maingat ang mga taong negosyo ang impormasyon.
'Mukhang totoo naman ang impormasyon, dahil malamang ay pinatay na siya ng mga bounty hunter kung peke ang ibinibigay niya.'
'Pero posible ring hindi na nakabalik ang mga bounty hunter na 'yon.'
'Baka namatay sila'
Mabilis ang takbo ng mga inisip ni Marvin.
Maaaring nagbibigay ng impormasyon ang barman na ito sa magkabilang panig. Mukhang tinraydor niya ang Marcus Thieves Society para ibigay ang impormasyon sa mga bounty hunter, pero pwedeng nagtatrabaho rin siya para sa Thieves Society.
Gayunpaman, hindi na bibigyan ni Marvin ng pagkakataon ang bata na ilaglag siya.
Pagpasok niya sa isang maliit na bodegang pag-aari ng organisasyon ng Night Walker, sinimulan na niya ang pagpaplano para sa misyon.
Sean ang pangalan ng matandang blacksmith. Siya ang dating pinuno ng mga Night Walker. Subalit, nakaranas ito ng malubhang pinsala kaya kinailangan magpakalayo-layo at mamuhay ng mag-isa sa Oak Town.
Mapagbigay ang matandang si Sean. Maaaring gamitin ni Marvin ang ano mang kagamitan ng mga Night Walker sa Oak Town para sa mga pagsubok.
Tulad na lang ng mga laman ng bahay nito, maaring kunin ni Marvin ang ano mang concoction na gusto niya.
Lasom opiates, hallucinogens… Maraming ganito ang matanda.
Pursigidong tao si Marvin, gusto niyang magtagumpay sa mga pagsubok. Pero makatotohanan din siya. Kaya bakit pa niya kailangan atakihin ang isang tao kung pwede naman niya itong lasunin?
Binigyan siya ni Sean ng isang linggo, pero wala siyang balak na abutin ng ganito katagal.
Dahil gusto na niya agad maka-advance sa pagiging isang Night Walker. Ito ay para makabalik agad sa Three Ring Towers sa loob ng dalawang linggo, at makalahok sa tunay na Battle of the Holy Grail.!
Kaya kailangan niyang bilisan.
…
Binubuo lang ng limang tao ang Marcus Thieves Society. Apat na lalaki at isang babae. Bawat isa sa kanila ay mabagsik. Kilala sa tawag na Wolf ang pinuno nila, habang ang iba naman ay may kanya-kanya ring alyas.
Ang pag-agaw ng mga kalakal na patungo sa iba't ibang siyudad sa Gold Country ng West Desert ang pangunahin nilang pinagkakakitaan. Magandang lugar ang Oak Town para iwasan ang desert cavalry.
Ayon sa impormasyon, tatlo sa kanila ang nasa Oak Town ngayong gabi.
At mabuti na lang may kahinaan ang tatlong 'to!
'Mukhang kakatapos lang ng misyon nila at kailangan magliwaliw.'
'Napadali pa nga ang trabaho ko. Iisa-isahin ko na lang silang didispatyahin,' kalmadong pagpaplano ni Marvin.
Nagpalit siya ng damit at sinuot ang maskara at saka ito umalis ng bodega.
…
Sa Flowing Orieole Street.
(A/N: Ang mga susunod na kaganapan sa kwento ay censored, ito ay pagsunod sa "CleanNet" policy. Heto ang buod ng nangyari: )
Pumuslit si Marvin papunta sa isang bakuran at nakita ang kalaguyo ng Black Bear. Nagbayad siya ng kaunti at nagtago sa ilalim ng kama.
(Kailangan burahin ang mga sumusunod dahil hindi na ito pasok sa pamantayan ng nasabing "CleanNet policy.)
Napangisi si Marvin. Sumilip ito sa maliit na butas at nakitang hinihingal ang Black Bear habang nakaluhod naman ang babae na sinusubukang pasiglahin uli siya.
Ito na ang tamang pagkakataon!
Binunot ni Marvin ang dalawang dagger mula sa void conch at kumilos na siya!
(T/N: Sayang hindi ko man lang nabasa ang original chapter bago ito binura.)