Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 79 - Night is Coming

Chapter 79 - Night is Coming

Buhay na buhay ang Oak Town tuwing gabi. Nagmamadaling umalis ang mga tao at maaamoy ang iba't ibang pagkain.

Sa gilid ng mga kalsada, maraming babae ang nang-aakitng mga mayayamang adventurer.

Baka sakaling galing sila sa Thousand Leaves Forest at galante ang mga ito. Kung maganda ang kanilang serbisyo baka doble-doble pa ang makuha nilang bayad.

Iniisip ng karamihan na hindi nagtatrabaho ang mga prostitute, pero sa katunayan, hindi sila nawawalan ng kliyente.

May naramdamang kakaiba si Marvin habang naglalakad.

Maraming beses na siyang nakapunta sa Oak Town, pero ang nararamdaman niya ay hindi dahil sa pagbabalik niya dito; bagkus ito ay pakiramdam ng isang taong naglalakd mag-isa sa isang luga na hindi siya pamilyar.

Mapag-isa si Marvin sa dati niyang buhay. Kakaunti lang ang kaibigan niya pero lahat sila'y mga expert.

Mas mapag-isa pa ang kasalukuyang Marvin kumpara noon. Wala siyang ibang aasahan kundi ang kanyang sarili.

Hindi pinansin ni Marvin ang ilang prostitute na humawak sa kanyang kamay at tinapik ang kamay ng isang thief na sinubukan siyang pagnakawan. Nilakad niyaang Oak Town hanggang sa makarating siya sa dulo sa bandang silangang bahagi.

Mayroong pandayan doon. Isang magaling na matandang blacksmith ang nakatira dito, may maganda itong anak na nagbukas naman ng isang patahian sa tabi nito.

Gustong-gusto ng mga tao sa Oak Town ang mag-ama. Nakagawa ang blacksmith ng mga sandatang kinayang salagin ang atake ng mga halimaw, habang ang babae naman, sino ba naman ang may ayaw sa isang magandang dilag?

Sandaling tumayo si Marvin sa labas ng pandayan at napansing walang tao.

Noong una'y nag-aatubili siyang pumasok kaya naisipan nitong pumunta sa katabing patahian.

Sa loob ng tahina, sinusukatan ng isang babae ang isang adventurer na babae rin. Binati nito si Marvin nang mapansing pumasok ito. Sumenyas ito na maghintay sandali.

Nagahanp naman si Marvin ng mauupuan habang naghihintay.

Ilang saglit lang, natapos nang sukatan ng babae ang adventurer at inabot na nito ang kanyang paunang bayad. Nagkasundo silang magababyad ito tatlong araw mula ngayon at saka iaabot ang ipinagawa nitong damit.

Naranasan n ani Marvin ang ganito dati.

Sa laro, nagsimula rin siya sa wala, at unti-unting umangat. Ang pinagkaiba lang ngayon, isa na siyang noble. Medyo nahirapan siyang sanayin ang sarili.

Pero, mas komportable siya sa ganitong klase ng kapaligiran.

"Gusto mo bang bumili ng damit o may ipapagawa ka?" Nakangiting tanong ng babae.

Lumabas ang dalawang dimples nang ngumiti ito. Kulay tsokolate ang buhok at tila napakabait.

"Ako nga pala si Jane, anong maipaglilingkod ko?"

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Marvin at agad na sinabing, "Magandang gabi, Miss Jane, hinahanap ko po ang tatay niyo."

"Ang tatay ko?" Nagulat si Jane. "Kaibigan ka ba niya?"

"Hindi pa kami nagkakakilala pero nabalitaan ko na ang tungkol sa kanya." Ngumiti si Marvin.

"Baka nasa Tavern? Babalik rin naman siya mamaya. Wala kasi masyadong ginagawa noong mga nakaraan. Kaunti lang ang pumupunta sa kanya para magpagawa. Kaya naman madalas siyang pumunta sa Tavern," paliwanag ni Jane.

'Sa Tavern?' Napaisip si Marvin bago sabihing, "Kung ayos lang sa iyo, pwede ko ba siyang hintayin dito?"

"Ha?" Tiningnan mabuti ni Jane si Marvin. Naging alerto ito.

'May binabalak kaya ang lalaking ito?'

Hindi ito ang unang beses na may nangyaring ganito.

Pero kung mayroon man, siya lang din naman ang masasaktan sa huli!

Pagkatapos isipin ito, ngumiti ito at sinabing, "Walang problema."

Hindi pa nakakapagpasalamat si Marvin ay biglang may aninong lumabas mula sa likod ng counter.

Napa-atras sa gulat si Marvin.

Mukha itong masamang asong itim na itim!

'Teka, hindi aso!'

'Pucha… [Hellhound]! Kahit na maliit lang 'to, mayroon itong lakas ng isang 1st rank!'

"Woosh!"

Binunot ni Marvin ang kanyang twin daggers, tinitigan ang hellhound at inihanda ang kanyang sarili. Kahit na maliit pa ito, kaya nitong tanggalan ng ulo ang isang tigre!

Kakarampot lang ang narinig niyang impormasyon sa Night Walker na ito sa nakaraan niyang buhay. Hindi niya inakalang ang tila di makabasag pinggang babaeng ito ay may alagang hellhound!

Bigla niyang naintindihan.

'Pucha, akala ata niya manyakis ako…'

Hindi alam ni Marvin kung matatawa ba siya o maiiyak sa sitwasyon niya.

"Wag kang masyadong matakot, mister."

Bigla itong lumapit sa hellhound at tinapik-tapik ang ulo nito saka ngumiti.

"Masunurin naman itong si Lil' Black. Wala siyang sasaktan hangga't wala akong sinasabi."

Tinitigan ni Marvin ang nakakatakot na mukha ng hellhound.

Alam naman ni Marvin ang ibig sabihin ni Jane, pipira-pirasuhin siya nito basta iutos niya.

Mukhang hindi madaling suyuin ang babaeng ito. Ilang beses na siguro siyang napahamak dahil sa ganda niya kaya siya kumuha ng hellhound.

"Mawalang galang na pero ang tatay niyo talaga ang pinunta ko rito."

"Pero dahil mukhang hindi ako tanggap dito, sa pandayan na lang ako maghihintay." Itinabi ni Marvin ang kanyang mga dagger at umalis.

Nagulat ito nang makitang paalis si Marvin.

"Si tatay kaya talaga ang pakay niya?"

"Bakit mo hinahanap ang isang matandang lasinggero?"

"Hindi ba?"

Hinimas-himas niya lang ang ulo ng hellhound habang kinakausap ang sarili.

Magulo ang pandayan at puro alikabok ang mga kagamitan.

Tama nga si Jane, wala nang nagpapagawa sa tatay niya. Wala nangangailangan ng armas kaya walang tinatrabaho ang tatay niya.

Umupo si Marvin sa isang sulok at tahimik na naghintay.

Mabilis lumipas ang oras at lalong dumilim ang kalangitan. Di nagtagal, wala nang makita sa loob ng pandayan dahil sa sobrang dilim.

Naghihintay pa rin si Marvin.

Pumunta si Jane at sinabing baka sa Tavern magpalipas ng gabi ang matandang blacksmith kaya mas mabuti kung bukas na lang ito babalik. Pinasalamatan siya ni Marvin at patuloy na naghintay.

Makikita lang ang tunay na pagkatao ng isang Night Walker tuwing gabi.

Sa gitna ng kadiliman, maririnig ang mahinang yapak.

Tahimik na ginamit ni Marvin ang Hide.

Maririnig ang ika-ikang paglalakad ng isang matandang lalaki mula sa isang mahinang liwanag. May dala itong gasera habang pabalik sa kanyang bahay.

Pumasok ito sa pinto at isinabit ang gasera sa gilid. Saka niya kinandado ang pinto ng pandayan.

Tumigil sa paghinga si Marvin, bumubilis ang tibok ng kanyang puso.

Ang advancement na 'to ang pinakamahirap gawin, at mangyayari ito ngayong gabi.

Umaalingasaw ang amoy ng alak mula sa katawan ng matanda. Mukhang lasing na ito at gegewang-gewang na naglakad papunta sa lagayan ng sandata. Kumuha ito ng isang espada.

Sobrang bagal ng kilos nito.

'Lagot!'

Sa kaunting liwanag napansin ni Marvin na nanginig ang balikat ng matandang lalaki.

Senyales ito ng paggamit ng strength.

Hindi na ito gaanong nagisip at agad na gumulong para makaiwas!

"Klang!"

Kasing bilis ng hangin ang speed ng matanda. Tumama ang espada sa pinagtataguan kanina ni Marvin.

Hindi na ito mukhang lasing.

Kahit na mahina ang ilaw sa kwarto, tinitigan pa rin nito si Marvin.

Napalunok si Marvin at tahimik na tiningnan ang lugar na kanyang pinagtaguan.

May malalim na hiwa ito sa lapag. Ordinaryong espada lang ito pero napakalakas nito sa kamay ng matanda.

Siguradong nagpigil pa ito; hindi na alam ni Marvin kung ano ang kinahinatnan niya kung tinodo nito ang atake!

"Magaling. Nalaman mo ang sinadya kong gawin." Sabi ng matandang lalaki. "Pero hindi pa 'yan sapat."

"Bakit mo ako hinahanap?"

"Advancement." Diretsong sabi ni Marvin.

"Kakaunti lang ang nakaka-alam kung sino ako. Sinong nagsabi sayo?" Itinapon ng matanda ang kanyang espada at agad na nahiga sa kamang gawa sa kahoy.

"Sabi-sabi lang."

Naghanda na si Marvin ng isasagot una pa lang, pero mahirap itong paniwalaan.

"Sabi-sabi?" Mapang-asar na tanong ng matanda.

"Kung nahanap mo ko dahil sa sabi-sabi, eh bakit hindi ako nahahanap ng mga taong gustong pumatay sa akin?"

Nagkibit balikat si Marvin. "Basta gusto ko lang maging mas mahusay na ranger."

"Marami pang advanced class ang ranger. Malapit lang naman ang Thousand Leaves Forest, mas mabuti sigurong subukan mo ang mga ancient elven advance class."

Walang pakiealam ang matanda.

"Tatanggi ang iba pang mga class."

Dahan-dahang inilabas ni Marvin ang dalawang dagger at seryosong sinabing, "Night is coming"

[Night is coming]. Salawikain ng mga Night Walker.

Tumayo ang matandang lalaki mula sa kama at tinitigan si Marvin. "Sino ka ba?"

"Nakita ko ang hinaharap." Mahinahong sabi ni Marvin, "Ganoon din si Hathaway, mangyayari na ang mga nasa propesiya."

"Si Hathaway, sabi na eh…"

Bahagyang napanatag ang matanda.

"Isa pang seer. Pagulo na ng pagulo talaga ang mundong ito."

"Pero hindi naman masama na magkaroon pa ng isang seer sa mga Night Walker."

"Sumunod ka sa akin."

Pagkatapos nitong magsalita, binuksan niya ang pinto sa likod ng pandayan, habang sumusunod si Marvin.