Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 67 - Killing

Chapter 67 - Killing

Hindi natinag ang apprentice wizard; mukhang malaki ang tiwala niya sa kanyang mga tauhan.

Walang mababanaag na emosyon sa mukha ni Marvin, pero sa mga mata niya, patay na ang dalawang fighter na ito.

Madali lang kay Marvin ang pumatay.

Kitang-kitang hindi naka-angat ang dalawang ito dahil sa kakulangan ng talent, kaya pinili na lang nilang magpa-alipin sa isang wizard. Sa katunayan, ibinenta na nila ang kanilang sarili at ang kanilang pamilya sa apprentice wizard na ito. Kailangan nilang gawin ang lahat ng kagustuhan nito para lang patuloy na maproteksyunan ng apprentice.

Wala silang ibang pwedeng gawin. Normal na ang ganitong kalakaran sa maraming lugar. Dahil mataas ang katayuan sa lipunan ng mga wizard, kahit pa apprentice lang ito.

Magaganda ang kagamitan ng dalawang fighter; ito ang kagandahan ng pagkapit sa impluwensyal na tao. Pero walang pakielam si Marvin sa mga ito.

Biglang umikot ang fang na nasa kamy niya. Humakbang siya at inatake ang isa sa mga fighter.

Mukhang fighter's Charge ang atakeng ito.

Pero ang tunay na fighter's Charge, nagiging [Dizzy] ang kalaban o maari ring ma-[Stunned] kapag tumama ito. Malinaw na hindi ganito ang kay Marin dahil ginaya niya lang ito. Hindi rin ito ganoon kayos para alukin siyang bilhin ang skill para sa experience at gawing personal skill.

Mas mabuti na ito. Nagulat ang fighter dahil sa biglang pagsugod ni Marvin.

Biglang itong humalakhak, habang handang nang saluhin ng mga kamay nito si Marvin.

Pero magaling si Marvin! Ibinaba niya ang kanyang katawan at pinunterya ang kanang paa ng fighter!

Sa mga sunod na sandal, sinipa niya ang sahig gamit ang kaliwang paa at tumalon sa ere. Nagpaikot-ikot siya sa ere saka sinakyan ang likod ng fighter.

Battle skill ito ng mga thief!

Mahusay talaga si Marvin sa mga ganitong uri ng taktika sa pakikipaglaban!

Pinulupot niya ang kanyang mga paa sa baywang ng fighter, saka itinaas kanyang matatalim na dagger!

Ibinaon niya ang dalawang dagger sa mga balikat ng fighter!

Lumabas na ang armor break effect!

Huling-huli ng [Fangs] ni Marvin ang mahinang bahagi ng chainmail armor at bumaon sa armor ng fighter!

Madugo ang pangyayaring ito. Takot na nagsisigaw ang fighter. Bumigay ang mga balikat nito at hiniwa ni Marvin ang mgakamay nito.

Nalaglag sa lupa ang dalawang kamay na nababalot ng dugo. Habang ang isa pang fighter na dapat ay susugurin si Marin ay natakot rin!

Makikita na ngayon sa mukha ng apprentice wizard ang takot. Natatakot na rin ang iba pang mga tao. Hindi nila inakalang gagawa ng ganitong bagay ang isang mukhang lalampa-lampang bata sa teritoryo ng Three Ring Towers!

Idagdag mo pa ang pananakit nito! At malupit na pag-atake!

Pero hindi pa doon natatapos ang lahat.

Mayroong pang finishing skill ang mga atakeng ito!

Niluwagan ni Marvin ang kapit ng kanyang mga paa, at sa isang kumpas ng kanyang baywang at nagpaikot-ikot muli siya sa ere.

Gamit ang lakas at bilis sa pag-ikot niya sa ere, gumalaw ng napakabilis ng curved dagger na nasa kanyang kanang kamay!

"Thud!"

Direktang naputol ng pagkumpas ng curved dagger ang ulo ng fighter.

Bumagsak sa lupa ang ulo nito!

Sumirit ang dugo, at natalsikan sa mukha si Marvin.

Hindi na bago kay Marvin ang ganitong pakiramdam.

Kaya naman nanatili siyang mahinahon at walang emosyon ang makikita sa mukha niya.

Habang nagkagulo naman ang lahat ng tao!

"Diyos ko! Nagawang pumatay ng batang 'to sa pinto mismo ng Magore Academy!"

"Hindi yan bata! Assassin yan!"

"Martin! Protektahan mo ang master."

Isa-isang lumayo ang mga noble sa pinangyayarihan ng laban.

Pumunta sila rito para ipasok ang anak sa eskwela, hindi para makipaglaban. Siguradong may ilang expert rin silang kasama.

Karamihan ng mga fighter at tauhan ay naiwan sa paligid ng Three RingTowers.

Walang nakapagsabing mayroong papatay sa mismong pinto ng Magore Academy.

Huling beses na may ganitong karahasang naganap ay noong hindi sinasadyang nakapasok ang isang poison dragon sa rehiyong ito!

Malungkot ang kinalabasan nito. Sabay-sabay na lumabas ang tatlong Tower Master. Hindi lang nila ito pinatay sa isang brutal na pamamaraan, ginamit din ng mga ito ang bangay nito sa paggawa ng gamot, enchanting items, at iba pa.

Ano man ang rason ng bata, maaring matulad ang kapalaran nito sa poison dragon!

Iyon ang iniisip ng mga tao!

Namutla ng labis ang apprentice wizard, nakatulala lang ito sa tauhan niyang namatay sa harapan niya.

Malinaw na ginalit niya ito.

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Patayin mo na siya!" sigaw ng apprentice.

"Ininsulto mo ang karangalan ng Magore Academy? Papatayin kita!"

Naglabas ito ng magic staff at itinutok kay Marvin.

Agad na gumulong si Marvin para maiwasan ang lumabas na apoy mula sa staff!

'Masyadong halata ang spell ng tao 'to…'

Ngumisi si Marvin, itinaas muli ang dagger, at pinuntirya ang isa pang fighter!

.

Nasindak ang fighter.

Matagal na niyang pinagsisilbihan ang apprentice wizard kaya nasanay na siya sa marangyang buhay. Sa tuwing may pupuntahan ito, gagamitin nito ang pangalan ng apprentice wizard kaya naman walang nangangahas na kalabanin siya.

Hindi na niya hinasa ang kanyang martial skills!

Hindi niya alam ang gagawin para salagin ang atake ni Marvin. Napa-atras na lang ito na tila gustong tumakas!

Pero ito nga ang nais mangyari ni Marvin!

Sinundan lang niya ang fighter. Dahil natatakpan siya ng fighter kaya hindi siya masipat ng apprentice wizard.

"Tumabi ka! Hinaharangan mo ang mga spell ko!" Galit nag alit ang apprentice wizard.

Galit na nagdabog ito!

"Matagal nang namalagi ang mga ito sa Academy. Wala silang ano mang abilidad sa pakikipaglaban.'

'Sayang lang ang pag-aaral niya ng malalakas na spell dahil hindi niya pa rin alam kung pano gamitin ang mga 'to. Kaya pala ginawa lang siyang gwardya!'

'Dahil may gustong sumabotahe sa akin, ayos lang na palakihin ko ang problema!'

Kalmadong ininiwasan ni Marvin ang ilang lowe level spell habang may iniisip.

Hindi maayos ang paggamit sa mga spell na ito. Walang behind ng kahit anong ulirat sa pakikipaglaban.

Kung wizard lang siya at rogoue ang kalaban niya, mayroon siyang libo-libong paraan para paglaruan at patayin ito!

Sa ngayon sobrang makapangyarihan ang mga wizard. Pero depende pa rin ito sa tao. Wala talagang kwenta ang mga tulad ng apprentice.

Nang biglang!

Habang nakatuon ang atensyon ng fighter sa panenermon ng apprentice, ginamit ni Marvin ang Blade Technique – Rapids!

Bahagyang tumaas ang speed ng kanyang dagger.

Maliit na dagdag lang ito pero tumaas ng sobra ang fighting strength ni Marvin.

Naramdaman ng fighter ang paparating na atake kaya agad na umikot para salagin ito.

Subalit…

Huli na ang lahat!

"Clang! Clang!"

Hindi man kasing bagsik ng mga dagger ni Black Jack ang mga dagger ni Marvin, mas eksakto naman ang mga ito!

Walang hirap na natanggal ng ika-anim na hiwa sa kamay ng fighter ang kanyang greatsword dahil sa pagputol ng mga litid nito!

Nabuksan naman ng ika-pitong hiwa ang chainmail ng fighter.

Ang ika-walong saksak, at ika-siyam na pagbaon ng dagger ang tumapos sa buhay ng fighter.

Kinilabutan ang mga nakapanuod.

Ang mga elite assassing lang ang may kakayahang pumatay ng ganito.

Hindi nagdalawang-isip sa pag-atake si Marvin. Desidido na siyang gusto niyang dispatyahin ang taong ito.

"Wala siyang sinasanto…"

"Hindi ba siya takot na magalit ang mga wizard?"

Walang nakaintindi sa iniisip ni Marvin.

Hindi pa rin sapat kay Marvin ang pagpatay sa dalawang fighter!

Gusto niyang palakihin ang sitwasyon!

May nagtangkang manira sa kanya.

Hahaha… Sa tingin niyo ba madali pa rin apihin, gaya ng dati, ang Baron Marvin ng White River Valley?

Kaya naman hindi pa rin siya tumigil kahit napatay na niya ang mga fighter!

Sa halip, sinalo niya ang katawan ng fighter na noo'y babagsak pa lang sa lupa, at ginamit ito para salagin at maikutan ang apprentice.

Hindi pa rin alam ng apprentice kung anong nangyari sa tauhan niya. Galit pa rin siya at nagdadalawang isip kung gagamit ba siya ng spell o hindi. Dahil tatamaan din ang fighter!

Pero habang nagdadalawang-isip siya, sumugod si Marvin na parang demonyo!

Shadow Step!

Isang napaka praktikal na skill. Tila naging multo si Marvin dahil dito. Mabilis siyang napunta sa harap ng apprentice wizard.

"AH!"

Napasigaw ang apprentice wizard at agad na tinutukan ng staff si Marvin. "Bang!" Sinipa palayo ni Marvin ang kanyang staff.

Kung wala ang kanyang magic staff, mas tatagal ang casting speed nito!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Hindi pa rin napagtatanto ng apprentice wizard na mamamatay siya. Sumigaw pa rin siya ng napakalakas, "Nasa Three Ring Towers ka. Anong ginagawa mo?"

"Pumapatay."

.

Matapat na sumagot si Marvin.

Walang habas na gumapang ang fang sa leeg ng apprentice. Pilit na tinatakpan ng apprentice ang kanyang lalamunan gamit ang mga kamay nito, hanggang sa mamatay na ito!

Gulat na gulat ang mga nanunuod!